Chapter 18

1825 Words
Halos alas singko na ng hapon ng marating ni Ella ang bayan ng San Nicholas. Nakita niya iyon sa huling arko na nadaanan nila. Maliit lang na bayan iyon. Halos madami pa ang kanyang nadaanang mga kagubatan na pwedeng idevelope at pagtayuan ng iba't-ibang establishment. Maganda din kung makakapagpatayo ng mall na maaaring pagmulan ng trabaho ng mga tao roon. Napangiti na lang si Ella. Sa lugar na iyon walang makakakilala sa kanya. Walang may alam sa totoong nangyari sa buhay niya. Alam niyang mahirap mamuhay ng mag-isa. Ngunit kakayanin niya. Gusto din niyang dumating sana ang panahon na makalimot siya sa masasakit na alaala ng kahapon. At mamuhay ng normal. Malayo sa mga taong nakakakilala sa kanya. Tumigil na rin ang bus sa pinaka terminal doon. Kaya naman nagmadali na rin siyang bumaba. Bitbit ang maleta niya ay nag-iikot siya sa lugar kung saan pwede siyang may mapagtanungan kung saan siya pwedeng makahanap ng matutuluyan. Ngunit parang ilang ang mga tao doon sa kanya. Saka lang niya napansin ang suot niya. Hindi bagay sa lugar. Hindi naman kasi siya nagsusuot ng ganoong kaikli at kasexy na damit napilitan lang talaga siya. Hindi na rin naman siya nakapagpalit ng damit. Naghanap muna si Ella ng public toilet para naman kahit papaano ay maging maayos siyang tingnan. Paglabas nita ng banyo ay naka suot na lang siya ng ripped jeans at t-shirt na bagay naman sa rubber shoes na suot niya. Nakahinga siya ng maluwag na kahit galit ang mommy niya sa kanya ay iyong maaayos na damit ang nakalagay sa kanyang maleta. Bukod pa doon ay may nakita pa siyang nasa thirty thousand pesos na nakapaloob sa mga gamit niya. Kahit galit ang mommy niya sa kanya. Alam niyang inaalala pa rin siya nito. Kaya naman kay sa maiyak ay natuwa na lang siyang meron siyang pandagdag panggastos. Lumakad na siya ng lumakad at halos padilim na pero wala pa rin siyang nakikitang paupahan. Hindi naman siya pwedeng magstay sa hotel. Oo nga at mas mura sa probinsya kay sa Maynila. Pero sa sitwasyon niya kailangan niyang magtipid. Hindi pang hotel ang perang mayroon siya. Hindi tuloy niya alam kung saan siya tutuloy sa mga oras na iyon. Nagugutom na rin siya. Pasalamat na lang at noong nagstop over ang bus na sinasakyan niya ay may sumakay na nagtitinda ng burger at bottled water na siyang naging pantawid gutom niya. Sa oras na iyon wala na ang dating Ella. Kaya kahit ano na lang ang pwedeng pamatid gutom ay kakainin niya. Naglalakad si Ella ng hindi niya mapansin ang isang babae kaya nabangga niya ito. Nabitawan ng babae ang dala nitong timba at ang bilao na may lamang gulay. Sobrang gulat na gulat naman si Ella sa nangyari. Nagtalsikan kasi ang kamatis na laman ng timba. Ang talong at kangkong na laman ng bilao ay natapon din. Kung paninda iyon ay mukhang hindi na pwedeng ibenta. Pero kung lulutuin na kaagad ay mapapakinabangan pa. "Sorry, sorry," paulit-ulit na sambit ni Ella habang tinutulungang makatayo ang babae. Sobra talaga siyang hiyang-hiya dito. Napalingap na lang sa paligid ang babae at hinanap kung saan na napunta ang mga gulay na bitbit nito. "Sorry ulit talaga," ulit ni Ella. Kahit hindi naman nagsasalita ang babae. Hindi niya alam kung galit ba ito sa kanya. O ano. Pero kitang-kita niya ang panlulumo sa mga mata nito. "Sorry talaga hindi ko sinasadya. Paninda mo ba iyan?" para namang nagliwanag ang mga mata ng babae ng itanong niya kung paninda iyon. "Oo eh. Bibili ka ba? Naku mura lang naman itong mga paninda ko. Kahit medyo nagkaalikabok na ay pwede pa naman itong maluto. Alin ang gusto mo?" mabilis na tanong ng babae na parang hindi magkainitindihan kung paano siya aalukin. "In fact, hindi talaga ako bibili ng gulay. Naghahanap talaga ako ng paupahan na pwede kong matuluyan." Napanguso naman ang babae doon lang niya napansin na napakaganda nito. Mukha nga itong hindi probinsyana. Sa kutis at sa kulay ng balat napakaputi kasi. "Ganoon ba? Sayang talaga. Bukas hindi na mapapakinabangan itong gulay. Kailangan ko pa naman ng pera pandagdag sa pampagamot ni inay," halos pabulong na sagot ng babae na narinig naman niya. "Magkano bang lahat iyan?" "Itong mga gulay na paninda ko?" Itinuro pa nito ang mga gulay na naibalik na naman sa timba at bilao. "Five hundred. Pandagdag ko din kasi at halos dalawang linggo ng may ubo ang inay. Kulang din naman ang pera. Sa gamot pa lang noong nagtanong ako ay nasa isang libo na. Hindi pa iyon lahat. Tapos ang check up pa ay nasa limang daan pa lang ang ipon ko. Kung nabenta ko ito ngayon ay pandagdag na sana. Tira kasi ito ng paninda sa pwesto namin sa palengke." "Sayo na." Napatingin naman ang babae kay Ella ng abutan niya ito ng limang daan. "Seryoso ka?" anito na ikinatango ni Ella. "Salamat, hulog ka ng langit miss. Sandali lang at babalutin ko lang lahat ng ito." "Hindi na," pigil ni Ella sa babae. "Mabibigatan lang ako. Wala pa naman akong matutuluyan. Maghahanap pa sana ako ng kahit apartment. May alam ka ba?" Napaayos naman ng pwesto ang babae at tinitigan siya. "Nasabi mo nga pala kanina ano na naghahanap ka ng matutuluyan. Sorry stress kasi ako dahil sa gulay na ito. Gusto mong sumama sa akin. Mabuti naman akong tao, lalo na pag tulog, promise," napahagikhik pa ang babae dahil sa kalokohang sinabi nito sa kanya. "Wag kang mag-alala wala akong iniisip na ganoon." "Saan ka ba nanggaling may pupuntahan ka ba dito at ginabi ka lang?" Curious na tanong ng babae. Nagkwento naman siya dito ng ilang bagay. Maliban sa dahilan kung bakit nangyari sa kanya ang lahat ng iyon. Hindi kasi niya alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya sa babae. "Ang saklap naman at nagkahiwalay kayo ng boyfriend mo. Kaya ka pala nandito para magmove on. Sanay ka bang tumira sa maliit na bahay. Iyong dating bahay ng tiya ko. Maliit lang iyon at katabi ng bahay namin ng inay. Kaso ay namatay na ang tiya. Pero wag kang mag-alala walang multo doon at malinis. Mula ng mawala ang tiya ay lahat ng gamit noon ay inalis na namin at ipinamigay sa iba para mapakinabangan ng iba. Alam mo na mahirap lang kami. Isa pa sa kama bibili ka na lang ng foam. May upuan, lamesa. Bibili ka lang ng gamit sa kusina. May lutuan na rin. Sa salas ay may maliit na bentelador at upuang kawayan. Pinauupahan namin iyon. Kaya lang wala naman gustong umupa. Kasi mahal ang bayad. Bukod pa doon hahati ka pa rin sa paggamit ng kuryente at tubig," mahabang paliwanag ng babae. Halos magliwanag naman ang mata ni Ella. Parang ng dahil doon ay magkakaroon na siya ng bahay na matutuluyan. "Magkano ba ang upa?" "Isang libo. Tapos ang kuryente at tubig ay kung magkano ang papasok sa bill namin ay hati tayo. Ganoon." "Sige ako na lang ang uupa. Nakakatuwa at may mabait akong kapitbahay. Kung tutuusin napakamura pa ng upa." "Kung taga Maynila ka, mura nga. Kasi sabi nila napakamahal doon. Pero dito sa probinsya. Bago mo kitain ang isang libo ay parang sampung libo na sa Maynila ang halaga. Bago ang lahat ako nga pa si Maricriz. Pwede mo akong tawaging Maric. Ang cute kasi parang astig." Napangiti naman si Ella sa sinabi ni Maricriz. Ang galing lang. Pero ang pangalan niya bakit parang ang hinang pakinggan. "Ella Shelley, pwede mo akong tawaging Ella," pakilala niya. "Okay Ella, sama ka na sa akin. Kaya lang hindi kita matutulungan dyan sa lalagyan ng gamit mo. May dala ako eh. Kumakain ka ba ng gulay. Total bayad mo na ito ay ipapaluto ko na lang ito sa inay, para may hapunan tayo." "Salamat Maric." Sumakay na lang sila ni Maric patungo sa bahay ng mga ito. Kahit papaano ay masaya siyang may makilala na ibang tao. Ibang taong hindi manghuhusga sa kanya sa kabila ng lahat. Mahigit kalahating oras din ang kanilang biniyahe patungo sa bahay nina Maric. Simpleng duplex ang itaas at sementado naman ang ibaba. Maliit lang iyon. Medyo malayo sa ibang kapitbahay ang dalawang bahay na magkatabi. Ipinakilala siya ni Maric sa ina nitong si Nanay Angela. May edad na ito at parang nasa sixty na. Siguro ay dahil na rin sa kahirapan kaya matanda itong tingnan kumpara sa edad nito. Ipinaliwanag naman ni Maric sa ina ang nangyari sa paninda at kung paano silang nagkakilalang dalawa. Mabait naman si Nay Angela kaya kahit paano ay napanatag siya. "Naku Ella, hindi ko matatanggap itong pera na ito. Napakalaki naman," inabutan kasi niya ng limang libo si Nay Angela. Upa na rin sa bahay ang iba. "Magpagamot po kayo, magpasama po kayo kay Maric bukas. Hindi na po maganda ang pag-ubo po ninyo. Mas mahirap po paglumala. Mas malaki pa ang nagiging gastos pagnagkataon." "Pero hija, walang tatao sa gulayan. Hindi maaaring hindi magbubukas at lalong walang perang papasok pag nagkataon." "Ituro po ninyo sa akin kung paano, ilista po ninyo ang presyo. Makakaya ko po iyon. Isa pa, sa pagpunta ko po dito kailangan ko din ng trabaho. Hindi po sasapat ang perang meron ako, para mabuhay ang sarili ko. Kung maaari po sana ay pahintulutan po ninyo ako," nahihiyang saad ni Ella. Kung hindi siya maglalakas ng loob ay mas lalong walang mangyayari sa kanya. "Sige hija. Ikaw ang bahala. Tatanggpin ko itong perang ito. Malaking tulong ito sa amin ng anak ko. At kahit maliit lang ang gulayan namin ay kukunin na kita magtitinda." "Salamat po Nay Angela." "Di ba, sabi ko sa inyo inay. Mabait ang kaibigan na nakilala ko." Napahugot naman ng hangin si Ella sa narinig kay Maric. Sa ikli ng oras na nagkakilala sila. Kaibigan na kaagad ang turin nito sa kanya. "Bakit parang naiiyak ka?" biro pa ng dalaga sa kanya. "Salamat kasi kaibigan mo na ako." Nagkatinginan naman ang mag-ina. Pakiramdam nila ay may mabigat na pangyayari sa buhay ni Ella na hindi nito kayang sabihin sa iba. At hindi lang ang pagmomove on sa boyfriend na sinasabi nito ang dahilan kaya ito napadpad doon. Pero kung ano man iyon igagalang nila ang desisyon ng dalaga. "Halika nga rito Ella," ani Nay Angela na ikinalapit dito ng dalaga. Niyakap siya nito na ikinaluha niya. "Wala kaming alam ng anak ko tungkol sayo Ella. Pero nandito lang kami pagkailangan mo ng makakausap at masasandalan. Tulad nitong tulong mo sa amin na makapagpagamot ako kahit hindi mo naman kami lubusang kilala. Salamat Ella." "Hala, pasali nga po ako," at niyakap ang ina at si Ella. "Nakakatuwa na may kaibigan na ako. Masaya din akong may makakausap na akong iba at hindi lang kami ng inay," nakangiting saad pa ni Maric. Ipinagpatuloy na lang ni Nay Angela ang pagluluto dahil gumagabi na rin. Kailangan na nilang makapaghapunan. Mag-aayos pa si Ella sa ng mga gamit sa bahay na kanyang titirahan, para makapagpahinga na rin pagkatapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD