Chapter 7

1734 Words
Makalipas pa ang ilang buwan ay nagpakasal na nga si Elizabeth at Roi. Nandoon din ang ilang kamag-anak ng daddy niya na tanggap ang muling pagpapakasal ng mommy niya. Kahit papaano ay masaya siya para sa mga ito. Lalo na para sa mommy niya. Kitang-kita niyang hindi matatawaran ng ano mang materyal na bagay ang sayang nararamdaman ng mommy niya. Katabi niya ngayon si Jarred. Napasulyap naman siya sa kasintahang nakahawak sa baywang niya. Habang hindi inaalis ang tingin sa step-father niya. Napakunot noo naman siya ng maramdaman ang pagpisil nito sa kanyang tagiliran. "Aray! ko naman Jarred. Pinanggigigilan mo ang taba ko," natauhan naman si Jarred sa ginawa. "Sorry sweetheart, masakit ba?" "Oo masakit, alam mo namang hindi nga ako mataba pero siksik naman ang laman ko. Pag-iyon talaga ay pumasa lagot ka sa akin," napangiwi naman si Jarred ng aruhan niya ito ng kamao. Narinig pa nila ang pagtawa ni Hanna na kasama rin nila sa table na iyon. Nandoon din si Teo at Nald. Patuloy pa rin naman ang program para sa mga bagong kasal. Kaya alam niyang masaya ang mommy niya sa nangyayari sa mga oras na iyon. "Sorry talaga, sweetheart hindi ko sinasadya." "May problema ba? Kanina pa kitang napapansin na nakatingin kay Tito Roi." "Wala naman. Nagulat lang ako na magpapakasal na si Tita Elizabeth. Hindi mo man lang naulit sa akin. Pero kasalanan ko rin naman na naging busy ako sa trabaho. Hindi na ako nakapagtanong ng tungkol sa nangyayari sa bahay ninyo. Malimit kaming makahanap ng project nina Teo at Nald. Alam mo na. Gusto rin naming makapagpatayo ng sariling kompanya iyong mismong amin at hindi galing sa mga magulang naming tatlo." Mas lalo lang humanga si Ella sa determinasyon ni Jarred. Mabibilang lang sa daliri ng kamay ang lalaking may ganoong pananaw sa buhay. Ang ibang lalaki ay mas ipagmamalaki pa ang yaman ng pamilya. Pero si Jarred kahit likas na mayaman, mas gusto pa ring mula sa sarili nitong dugo at pawis ang bagay na ipagmamalaki nito. "Kaya lalo akong naiinlove sayo, gawa ng prinsipyo mo. Napakaswerte ko naman talaga sa boyfriend ko." "Syempre naman. Lahat ng ginagawa ko ay para sayo. Ganoon kita kamahal. Pero maiba ako sweetheart, ayos ka lang ba sa bahay ninyo na kasama ang step-father mo?" Nagbaling naman siya ng tingin kay Roi na masayang nakikipag-usap sa mga bisita habang inaalalayan ang mommy niya. Hindi na kailangan pang malaman ni Jarred ang weird niyang nararamdaman. Lalo na at wala namang ipinapakitang masama si Roi sa kanya. Baka tulad lang noong mga nauna. Praning lang siguro siya ng mga oras na iyon. "Oo naman. Kita mo naman na mahal na mahal ni Tito Roi si mommy ganoon din si mommy sa kanya. Mabait naman si Tito Roi. Ang ibang gawaing bahay, bago sila umalis papuntang boutique at pagkauwi nila ay si Tito Roi ang gumagawa. Masaya akong masaya si mommy palagi niyang sinasabi sa akin na ang pag-aalaga sa kanya ni Tito Roi ay parang katulad ni daddy sa kanya. Pakiramdam daw niya ulit naging reyna siya sa piling ni Tito Roi." Napatango na lang si Jarred sa naging sagot ni Ella. Wala namang masama kung ganoon ang lalaki sa mommy ni Ella. Higit sa lahat deserve naman ng mommy ng dalaga ang mahalin at alagaan. Naramdaman na lang ni Ella ang mahigpit na paghawak ni Jarred sa kanyang kamay. Damang-dama niya ang init ng palad nito. "Mahal na mahal kita Jarred, hintayin mo akong tumanda ha," bulong ni Ella at hinalikan pa ni Jarred ang tungki ng ilong niya. "Pangako Ella. Hihintayin kita sa panahong tayo naman ang haharap sa dambana ng kahit saang altar na gusto mo at magpapalitan ng pangako sa isa't-isa. I love you too sweetheart." Mabilis naman pinatakan ni Jarred ng halik sa labi si Ella. Impit namang napatili si Hanna. Kahit mabilis ang halik na iyon may sa agila yata ang mata ng kaibigan ni Ella. Dahil sa kilig ay halos itulak na nito si Teo. Ito kasi ang hinampas nang hinampas ni Hanna habang tumitili. "Palit nga tayo ng pwesto Nald. Hindi yata sa project natin ako mababalda kundi sa babaeng ito." Napairap naman si Hanna sa sinabing iyon ni Teo. "KJ. Sa kinikilig ako eh." "Saan kina Tito Roi at Tita Elizabeth? Given na iyon lalo na at bagong kasal sila," inis na saad pa ni Teo habang hilot-hilot ang balikat na hinampas ni Hanna. "Hindi no. Sa kaibigan ko at sa kaibigan mo. Idiot!" Halos manlaki naman ang mata ni Teo sa sinabing iyon ni Hanna. Hindi naman napigilan ni Nald ang matawa. "Ako? Sinabihan ng babaeng ito ng tanga?" turo pa ni Teo sa sarili. Hindi talaga siya makapaniwala sa talas ng dila ng kaibigan ni Ella. Madalang namang magkita ang dalawang ito. Pero magkakakilala naman silang lahat. Dahil na rin kay Jarred at Ella. "Hoy bumalik kang babae ka dito!" Sigaw ni Teo ng marealize ni Hanna ang sinabi ay bigla na lang itong tumayo at kumaripas ng takbo. Napailing na lang si Ella habang nakatingin sa kaibigan na hinahabol ngayon ni Teo at hindi malaman kung saan pupunta. "What if mainlove si Teo kay Hanna?" bulong ni Ella na umabot sa pandinig ni Jarred. "Hindi malalayo iyon. Palagi na lang magkaaway iyong dalawa na iyon pagnagkikita. Hindi naman close." "Paano si Nald, siya na lang ang walang lovelife," napahagikhik pa si Ella sa kanyang sinabi na ikinasimangot ni Nald. "Tigilan nga ninyo akong dalawa. Lovelife ninyo ang pagtuunan ninyo ng pansin. Ikaw Ella magpatanda ka muna bago kung anu-ano yang iniisip mo. Pati ako ay dinadamay ninyo. Nananahimik ako dito eh," reklamo nito ng maramdaman ni Ella ang pagkalabit ni Jarred sa kamay niya. At ang pagsenyas nito na tumahimik. "Bakit?" bulong niya na si Jarred lang ang nakakarinig. Napatingin na lang din siya kay Nald na tahimik na ulit at umiinom na lang ng alak na kinuha sa dumaan na waiter. "Hayaan mo na lang si Nald. Private pa kasi ang lovelife niya." "Pero alam mo ang kwento?" napatango na lang si Jarred bilang sagot. "Okay," aniya at hindi na lang siya muling nangulit pa. Ilang sandali pa at bumalik na rin si Hanna. Natawa pa siya ng makitang ang nguso nito mas mahaba pa sa ilong nito. Habang si Teo ay kasunod nito na nakangisi lang. Ilang oras pa ang itinagal ng party at nag-uwian na rin ang iba pang bisita. Si Hanna naman ay nagpahatid na lang kina Teo at Nald. Naiwan naman si Jarred kasama ni Ella ng lumapit sa kanila ang bagong kasal. "Anak thank you ulit sa pagtanggap mo sa amin ni Roi." "Kung saan o kanino ka po liligaya ay susuportahan po kita. Mahal na mahal kita mommy. Hangad ko ang kasiyahan ninyo ni Tito Roi. Congratulations and best wishes po pala. Ingat po kayo sa byahe po ninyo, at enjoy po honeymoon po ninyo." Para namang teenager ang mommy niya na kinikilig sa sinabi niya. "Ang mommy talaga," aniya at niyakap ito ng mahigpit. "Congratulations po tita at best wishes," sabat ni Jarred kaya naman napabitaw siya ng pagyakap sa ina. "Thank you Jarred," ani ng mommy niya at niyakap si Jarred. "Best wishes," bati ni Jarred kay Roi at nakipagshake hands pa sa lalaki. Siya man ay lumapit din kay Roi. "Congratulations po tito. Alagaan mo ang mommy ko ha. Wag mo yang paiiyakin ha," aniya at mabilis siyang niyakap ni Roi. Halos manigas ang katawan ni Ella ng maramdaman ang paghagod ng kamay nito sa bukas niyang likuran at ang paglapat ng mainit nitong hininga sa leeg niya. Ayaw man niyang lagyan ng malisya pero kakaiba ang pakiramdam na iyon. "Thank you, Ella makakaasa ka," anito at mabilis din naman siyang binitawan at muling ibinaling ang tingin sa mommy niya. Hinalikan pa nito sa labi ang ina. Kaya kitang-kita niya ang ngiti sa labi nito. "Ayos ka lang?" Napaiktad pa siya ng hawakan siya ni Jarred sa baywang. Hindi niya naramdaman ang muling pagbalik nito sa tabi niya. "Ah, oo. Ayos lang ako." Pinilit niyang iwinaksi ang nararamdamang pagkailang. Ayaw niyang makaramdam kahit na ano sa mga oras na iyon lalo na at alam niyang masaya ang mommy niya sa piling ni Roi. "Paano ba iyan Jarred. Magbibihis lang kami at aalis na muna kami ni Roi. Dalawang linggo din kaming mawawala. Ang boutique naman ay naibilin ko na sa mga tauhan namin. Pero si Ella," malungkot na saad ni Elizabeth at tiningnan pa ang anak. "Don't worry tita, ako na po ang bahala kay Ella. Sa condo ko na muna siya habang nasa honeymoon po kayo. Wag po kayong mag-alala. Ella is safe with me. Ako na rin po ang bahalang magsundo at maghatid sa kanya sa university." "Thank you Jarred. I owned you a lot. Napakaswerte kong nakilala ka ng anak ko. Pero iyong palagi kong bilin Jarred ha." "Hindi po ako nakakalimot tita. Alam ko po ang limitasyon ko at alam ko din pong napakabata pa ni Ella. Magtiwala lang po kayo." Napangiti naman si Ella sa naging sagot ni Jarred sa ina. Kahit papaano naman ay napanatag si Elizabeth para sa anak. "Hon magpalit na tayo ng damit para makaalis na tayo." Sumunod naman si Roi sa mommy niya matapos magpaalam sa kanila. Nasa may hagdanan pa lang si Elizabeth ng balingan ang anak. Nauna pang umakyat si Roi. "Anak, pajama ang dalahing pantulog ha. Bawal ang mga nightwear na kita ang pinakatatago. Kung ganoon din laang ay wag ng magdamit. Baka mamaya ay ikaw pa itong magbigay ng motibo kay Jarred. Alam ko ang pagrespeto sayo ni Jarred. Kaya lang ay ikaw anak ang tukso kay Jarred." "Mommy!" Sigaw niya na ikinatawa lang ng ina. Halos pumutok naman sa mapupula ang pisngi ni Ella sa sinabing iyon ng mommy niya. Binalingan pa niya ng masamang tingin si Jarred dahil sa malakas nitong pagtawa. "Bakit ako?" "Ang inosente mo ha. Tsee!" "I love you Ella," anito at mahigpit siyang niyakap. Gumanti rin naman siya ng yakap sa kasintahan. Sa katunayan wala na siyang mahihiling pa sa buhay. Masaya siya sa piling ni Jarred, habang ang mommy niya ay masaya na rin sa panibagong yugto ng buhay may-asawa nito. Isa na lang ang hiling niya. Na sana hindi na matapos ang kasiyahang kanyang nadarama. At sana ay manatili iyon habang buhay. "I love you too Jarred," at siniil siya nito ng makapugtong hininga na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD