Mula sa pagkakaidlip ay nagmulat ng mga mata si Jarred. Halos nasa anim na oras na silang nasa byahe ngunit hindi pa rin nila nararating ang lugar kung saan siya dadalahin nina Nald at Teo. Nakadalawa na rin silang stop over, kaya nakakapagtakang sobrang layo naman ng lugar. Matagal pa ang byahe nila ngayon kay sa ang magbyahe mula Maynila hanggang sa Japan. Kung sasakay ka sa eroplano, ay ibang bansa pa iyon. Ngayon ay nasa teritoryo pa rin naman sila ng Pilipinas ngunit pakiramdam niya ay patungo na sila sa kabilang panig ng mundo.
"Saan ba talaga ang punta natin? Surprise my a*s. Sabihin n'yo na kasi. Parang hindi ako kapartner sa pagbabayad niyang lupang sinasabi ninyo na private property. Maganda ba talagang pagtayuan ng mall?" curious na tanong ni Jarred na parang siguradong, sigurado ang dalawa.
"Oo naman. Ito iyong property na sinabi namin sayo noong last na punta namin ng Japan para dalawin ka. Sa tagal ng panahon ay wala man lang naglakas loob na magtayo ng malalaking establishment sa lugar. Hindi mayaman ang karamihan sa mga tao doon. Pero civilized naman sila. Sabi nga kulang lang ng kaunting push ang lugar para magglow.
"Oh. Eh saan nga iyan. Pa-suspense?" may pagkasarkastikong saad ni Jarred na ikinatawa naman ng dalawa.
Alam naman niya ang balak ng dalawang kaibigan. Kahit hindi siya gumagalaw dahil nasa malayo siya ay sa lahat ng plano ng mga ito basta makapagpatayo ng negosyo ay kasama siya. Sila ang business minded na mga engineers. Total naman ay nakapag-aral silang lahat ng about business. Isama pa dyan na talaga namang may mga negosyo ang pamilya nila. Gusto lang talaga nilang sila ang gagawa ng itatayo nilang negosyo. Kahit nagtatrabaho silang mga engineer. Ay kumukuha din sila ng architectural course para naman makompleto na ang kanilang kaalaman. Bago pa man mangyari ang lahat kay Jarred at Ella ay nakatapos na rin sila ng sabay-sabay sa bagong kurso na nakuha.
"Atat lang. Okay sa Barbara sa bayan ng San Nicholas," pag-amin ni Nald.
"What the fvck!? Anong masamang hangin ang sumapi sa inyong dalawa at talagang doon pa ninyo naisipang bumili ng property at magtayo ng negosyo? Kaya pala ayaw ninyong sabihin sa akin ang lugar na iyon? Sobrang layo na noon sa Maynila," hindi makapaniwalang saad ni Jarred kaya nailing na lang ang dalawa.
"Kaya nga hindi namin sinabi sayo, kasi alam naming ganyan ang magiging reaction mo. Come on Jarred. Mas magandang magsimula ng negosyo sa mga maliliit na bayan. Lahat ng mga bayan sa Barbara naiisip mo bang doon na lang sila magtutungo. Isa pa ang mga kalapit probinsya ng Barbara, doon din nila maiisipang pumunta kasi iyon lang ang magiging malapit na mall sa lugar nila. Sino ang gagastos ng malaking halaga para lang makarating ng Maynila para lang mag mall. Wala. Kaya naman iyon talaga ang naisip naming plano ni Nald. Ayaw mo?" may paghahamon sa tono ng pananalita ni Teo.
Napatingin lang din siya sa unahan habang doon din nakatingin ang dalawa nasa back seat siya ng mga oras na iyon. Si Nald ang nasa driver seat at si Teo ang nasa passenger seat.
"May magagawa pa ba ako. Syempre wala. One is to two ang ratio. Paano ako mananalo."
"Para dyan, pwede ka namang manalo. Sa budgetan pwedeng two is to two. Doble ang ilalabas mong pera kay sa aming dalawa ni Nald. O di ba ang galing ko," pagmamalaki pa ni Teo.
"G*go sabihin mo."
Natawa na lang din siya sa kalokohan ng dalawang kaibigan. But infairness tama din naman ang mga ito. Magsisimula sila sa mga malalayong probinsya para ang mga kalapit probinsya nito na ang mahihikayat na magtungo sa mall na iyon.
"Natahimik ka na? Sabi ko sayo eh tama lang ang desisyon namin ni Nald."
"Oo na. Naniniwala na ako sa inyong dalawa. Gaano pa bang kalayo tayo sa Barbara?
"Malapit na tayo, mga dalawang oras na lang siguro. Lalo na at hindi naman tayo commute. Tapos ay pagdating natin ng Barbara siguro mga ilang oras lang mararating na rin natin ang San Nicholas. Mayroon naman maliit na hotel sa pinaka bayan. Doon na lang tayo magstay. Malapit sa palengke doon, malapit din ang municipal office kaya naman wala na tayong aalalahanin sa pagstay natin doon habang pinag-aaralan ang property na nabili natin. Isa pa madadaanan natin ang property na iyon kasi makikita na natin iyon sa bungad pa lang ng San Nicholas," paliwanag naman ni Nald.
Napatango na lang si Jarred sa sinabi ng dalawa. Wala na rin naman siyang magagawa dahil ayan na. Nandyan na iyong project na silang tatlo mismo ang gagawa. Silang tatlo ang maglalabas ng budget. Higit sa lahat. Silang talo ang boss. Not bad, sa isip-isip pa niya.
"Kita mo ang arko ng San Nicholas?"
Napatango naman si Jarred ng lampasan nila ang arkong iyon. Gabi na rin naman kaya hindi gaanong napapansin ang paligid. Basta alam niya may nadadaanan silang puno at mga matataas na damuhan. Iyon din ang pinaka national road. Doon din nagdadaan ang mga busses at mga trucks. Tama nga ang dalawa hindi pa rin talaga maunlad ang bayan. Pero sana ay sa mga plano nila, with the help of the Municipality of San Nicholas mapaunlad nila ang bayan na ito.
"Itong nadadaanan mong matataas na damuhan iyan ang binili natin. Bali ang dulo niyan linis na. Ito na lang unahan ang hindi pa. Bukas makikita mo ng maayos yan. Sa ngayon tumuloy na muna tayo sa hotel. At doon na ako nagpabooked. Mura lang naman. Iba talaga dito sa probinsya," dagdag pa ni Teo.
Halos nasa alas otso na ng gabi ng makarating sila sa pinaka bayan ng San Nicholas. Nadaanan pa nila ang palengke bago sila nakarating sa tutuluyan nilang hotel.
Magkakasama naman sila sa kwarto lalo na at malaki naman iyon. May maliit na kusina, salas, may banyo sa labas at sa kwarto. Habang malawak ang kwarto at may tatlong kama. Family suites ang tawag sa nakuha nila.
Dahil na rin siguro sa mahabang byahe ay hindi na nilang nagawang kumain. Pero kumain naman sila sa huling stop over nila ng makapasok sila ng Barbara. Pagkahiga pa lang nilang tatlo sa kama ay agad na rin silang dinalaw ng antok.
Paggising nila kinabukasan. Ay tumuloy muna sila sa maliit na restaurant ng hotel. Hindi iyon katulad ng sa Maynila na may room service na pwede kang magpadala ng pagkain. Doon ikaw talaga ang pupunta sa restaurants para makakain.
"Okay na kayo? Byahe na tayo ng mabisita na natin ang site. Isa pa ay para mapagdesisyonan mo na rin Jarred kung ano pa ang iba pang pwedeng gawin sa location na iyon maliban sa mall at napakalawak na parking lot. Kasi sa tingin ko sa may gilid pwede rin tayong magtayo ng mga apartments para sa magiging empleyado natin pagnagkataon," ani Teo na siya namang sumakay sa driver seat.
"Isa pa noong huling bisita namin, dito. Nakausap namin ni Teo ang mayor ng San Nicholas. Pwede tayong magpabutas sa dulo ng lupang nabili natin. Mababaw lang ang tubig doon. Na kahit sa pinaka dalawang last na mohon ng lupa ay makakakuha tayo ng tubig. Makakatulong din iyon sa ibang tao malapit sa lugar dahil hindi na malayo ang pagkukuhanan nila ng tubig. May magagamit pa tayong supply para sa gagawing mall at apartments pag nagkataon," dagdag naman ni Nald.
Sumang-ayon na lang si Jarred sa sinabi ng dalawa. Mukha namang napag-aralan na rin naman talaga ni Teo at Nald ang bagay na iyon, bago pa sabihin sa kanya. Kung tutuusin ay hinintay lang talaga ng dalawa ang pag-uwi niya at ang pagsang-ayon niya.
Lalampas na sana sila ng palengke ng tumigil sila at igilid ni Teo ang sasakyan.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Jarred ng sabay na nagbukas ng pintuan ang dalawa. Napasunod na lang siya sa mga ito.
"Bibili tayo ng pangmeryenda ng mga nagtatrabaho sa site. Pagpapasalamat na rin na kahit hindi tayo madalas magtungo dito. Hindi naman nila pinababayaan ang trabaho nila. Iyan ang isa sa nagustuhan ko dito sa probinsya. Napakasisipag ng mga tao," pagmamalaki pa ni Nald.
"Sabagay tama kayo," naisagot na lang ni Jarred. Hindi na lang siya sumama sa dalawa sa loob. Doon daw kasi may bakery at grocery.
Habang hinihintay ang dalawa ay biglang may isang bulto ang umagaw sa atensyon niya hindi niya alam kung namamalikmat ba siya o ano.
"Ella?" bulong niya ngunit ng hanapin niya ulit ang babae sa kumpol ng mga tao na dumaan ay wala na ito.
Napatawa na lang siya sa sarili. "How come, na makikita kita dito sa ganitong lugar. Malamang naman na hindi mo hahayaang magpakababa. Ang taas mo nga di ba. Lalo na ng iniwan mo ako. Proud na proud ka pang ipagmalaki na may lalaki ka ng iba. Kaya gusto mong iwan ako. Nakakasuka, sana hindi na magtagpo ang landas natin. Dahil isa lang ang maiipangako ko sayo. Ipaparamdam ko sayo ang sakit na pinagdaanan ko."
Halos maglabasan pa ang mga ugat ni Jarred sa kamao niya sa pagkakakuyom noon. Nakamove on na siya. Ngunit hindi mawala ang sakit na kanyang nadarama tuwing maaalala niya si Ella.
"Tara na," wika ni Nald na nagpabalik sa kanyang kamalayan. Hindi niya akalaing nakabalik na ang dalawa.
Naging tahimik naman si Jarred, at pilit na kinakalimutan ang babaeng nakita niya. Imposible, paulit-ulit na itinatatak niya sa isipan niya.
Pagkarating nila sa site ay ipinakilala naman siya ng dalawa sa mga tauhang nandoon. Napalakinis na ng gitnang bahagi ng lugar. Tabihan na lang ang hindi talaga inaalisan ng matatas na damo at mga talahib. Sa halip na bakuran kaagad nila ng mga yero ay iyon na lang ang nakabakod. Nilagyan na lang iyon ng burb wire bilang pinakaharang at mga damo. Hindi makikita mula sa pinaka main road ang pwesto nila kaya walang makakapagsabi kung anong meron doon pagnagsisimula na sila.
Nakaupo lang sila sa lilim ng isang puno ng santol at doon namamahinga. Doon na rin nila ibinigay ang meryendang kanilang binili. Nakikipagkwentuhan pa silang tatlo sa mga trabahador. Tapos na ring magmeryenda ang lahat ng bigla na lang masapak ang isang sanga ng puno ng santol kung saan sila nakapwesto. Naitulak naman ni Jarred ang isang trabahador.
"Vergara!/ Jarred!" sabay pang sigaw ni Teo at Nald. Nakatakbo kasi ang dalawa, ngunit naipit si Jarred ng sanga dahil sa may ugat ng puno ito nakaupo kanina.
"Makasigaw naman kayo. Syempre buhay pa ako. Sa haba ng pinagdaanan ko sa buhay, tapos sanga lang pala ng puno santol ang papatay sa akin? Ang weak ko naman," natatawang saad pa ni Jarred ng pagtayo niya ay napansin ng dalawang kaibigan ang dumudugo niyang braso.
"Sir pasensya na po at hindi namin nasabi na mahuna na ang sanga ng puno ng santol. Hindi naman namin akalain na bibigay ang sanga. At nagkataong ngayon pa talaga."
"Wag kayong mag-alala. Isa pa walang may kasalanan sa nangyari, aksidente iyon. Ipaputol na lang natin ang puno at palalagyan ko na lang ng barracks para pag magpapahinga kayo may masisilungan kayo," ani Jarred ng mabilis siya nilapitan ng dalawa.
"Malaki ang sugat mo, dadalahin ka na namin sa ospital," wika pa ni Teo.
"Maliit lang ito," pagtanggi niya.
"Maliit man o malaki kailangan yang magamot. Huwag ka ng kumontra. Tara na sa ospital," ani Nald at hinila na si Jarred papasok ng sasakyan.
Pagdating nila ng ospital ay mabilis naman siyang inasikaso ng isang nurse at pinaupo siya sa isang gilid.
Ginamot naman kaagad ang kanyang sugat na umabot ng nasa limang pulgada kaya naman pala hindi magtigil sa pagdurugo.
Napatigin sila sa may entrada ng emergency room ng maagaw ang atensyon nilang tatlo ng dalawang babaeng humahagos at nilampasan sila. Nagtungo ang mga ito sa may information na nasa tabi lang nila.
Nakatitig lang sila sa dalawang babae. Umiiyak ang isang babaeng may hawak sa bata. Maliit lang ang bata at kung titingnan ay parang nasa tatlong taon pa lamang. Maputla ang bata at halos wala na itong dugo.
"Tulungan ninyo ang anak ko. Pakiusap. Nawalan siya ng malay. Mataas ang lagnat niya, tulungan ninyo ako," umiiyak na sambit ng babaeng. Oo nga at may ipinagbago sa pananamit ngunit hindi kailanman nagbago ang itsura. Maliban sa lalo itong gumanda. Sa kabila ng suot nito.
Nasundan na lang din ni Nald at Teo ang babaeng tinititigan ni Jarred. Nagkatinginan pa ang dalawa. Sa tagal ng panahon na nawalan sila ng balita sa dalaga. Sa San Nicholas lang pala nila ito makikita.
Magulo ang buhok at halos wala na sa ayos kung titingnan. Pinuyod na lang iyon ng basta. Nakasuot ng duster na medyo maluwag pa dito. Nakasuot ng tsinelas at umiiyak. Napatingin din sila sa isang babaeng kasama nito. Halos katulad nito ng ayos, ngunit mas matatag tingnan kay sa babaeng may hawak sa bata. Ito ang mukhang nakaalalay sa mag-ina. Kung talagang mag-ina ngang masasabi ang dalawa.
Napabaling sila ng tingin kay Jarred. Ang awang nadarama nila sa dalaga ay mas lalong nadagdagan ng makita nila ang galit sa mata ng kaibigan at ang ngisi nito.
"Long time no see Ella," dinig pa nilang sinabi ni Jarred na sila lang din namang tatlo ang nakakarinig.