Chapter 24

1716 Words
"Ano pong sa inyo nay?" tanong ni Ella sa ginang na tumitingin sa mga prutas. Napasulyap pa rin si Ella kay Maric na madaming mamimili na nagtatanong ng presyo ng mga gulay. Mula ng naging maayos ang kanyang kalagayan after manganak kay Jarra ay sumama na siyang muli kay Maric sa pagtitinda. "Magkano iyang lychee ninyo?" Napatingin naman si Ella sa lychee dalawang lychee na nakabungkos sa may likuran. Kung tutuusin ay mapapansing hindi na pambenta iyon. Pero iyon pa rin ang napansin ng ginang. "Naku maam pasensya na po. Hindi po kasi pambenta iyan. Nabili lang po namin iyan doon sa may dulong prutasan. Wala po kasi kaming nakuha na deliver niyan at nagkaubusan na kaagad." "Ganoon ba sayang naman." Nakita pa ni Ella ang malaking panghihinayang ng ginang. Alam niya ang pakiramdam ng may gusto ka, pero hindi naman pwedeng ipilit pa. "Heto na lang ubas at mansanas." Matapos niyang maibalot ang binili ng ginang ay kumuha siya ng isang tangkay ng lychee sa isang bungkos. Mayroon naman iyong anim na bunga kaya hindi na rin masama. "Naku hija wag na," tanggi pa nito. "Babalik pa po ba kayo sa dulo?" "Hindi na pauwi na rin ako." "Ganoon naman po pala. Tanggapin na po ninyo ito. Anim na piraso lang naman po." Hindi na rin naman tumanggi pa ang ginang lalo na at ipinagpilitan niya iyon. Naging masaya naman siya sa labis nitong pagpapasalamat. Kung baga sa simpleng bagay na nagawa niya. Parang ang laking bagay na sa iba. Napalingon pa siya sa natitirang lychee doon. Madami pa naman iyon. Siguradong matutuwa ang kanyang anak. "Hoy Ella," sita ni Maric sa kanya. "Itago mo na iyang lychee ha. Para sa inaanak ko yan. Hindi naman sa pagdadamot. Nakapamigay ka na goods na iyon. Yang itago mo na ha. Baka wala na tayong maiuwi. Siguradong malulungkot na naman ang batang 'yon," natatawang saad ni Maric ng makatanggap sila ng mensahe mula sa ina. Bigla namang nanlumo si Ella sa narinig. Ngunit kailangan niyang lakasan ang loob. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob sa ngayon. Nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay si Ella. Ang natanggap nilang mensahe ni Maric mula kay Nay Angela ay may sakit si Jarra. Kaya naman maaga silang nagsara ni Maric ng tindahan. Sa halip na alas singko ng hapon ang pagsasara nila ay alas kwatro pa lang nagligpit na sila. "Nay," sigaw ni Ella ng makapasok siya sa loob ng bahay. Si Maric naman ay naiwan pa sa labas at nagbabayad pa sa tricycle na kanilang nasakyan. Halos takbuhin ni Ella ang papasok sa loob ng kwarto sa labis na kaba. Pangalawang beses na iyon sa buwang iyon. "Kumusta po si Jarra nay?" nag-aalala niyang tanong at mabilis na dinaluhan ang anak. "Nasa may teresa lang naman kami kanina at wala namang bumibili ng mapansin kong habang siya ay naglalaro ay namumutla na naman. Tapos ng lapitan ko. Ayan nilalagnat na naman. Pero napainom ko na kanina ng gamot. Kaya siguro nakatulog, ay guminhawa ang pakiramdam pagkatapos pagpawisan," paliwanag ni Nay Angela. Hinaplos pa ni Ella ang noo ng natutulog na anak. Maputla na naman nga ang labi nito. "Ano pong gagawin ko. Parang nadadalas na ang pagkakaroon ng sakit ni Jarra. Noong nakaraan baka lang sa pabago-bagong panahon. Pero bakit sobrang dumadalas naman yata. Ikalawang beses na ito ngayon sa buwan. Tapos ay hindi pa nangangalahati ang bilangan?" "Dalahin na natin sa ospital si Jarra Ella. May naipon naman ako," sabat ni Maric na kapapasok lang sa kwarto. "Tama si Maric Ella. Hindi pwedeng baliwalain ang sakit ng aking apo. Aba ay habang lumalaki si Jarra ay pakiramdam ko nawawala ang sigla niya. Parang palaging pagod kahit wala namang nakakapagod. Sa paglalaro niya ay hindi ko naman hinahayaang maglalabas at hindi ko mahahabol agad yan pag tumakbo ay baka makalayo," paliwanag ni Nay Angela. "Mama." Napalingon naman si Ella sa kanyang anak. Napakaganda nitong tingnan at masasabing mana talaga sa kanya. Para lang lalo siyang nasasaktan pag nakikita ang anak. Pero hindi siya nagsisisi na ipinanganak niya ito. Habang lumalaki si Jarra ay akala niya makikita at mahahawig man lang ito sa ama nito. Ngunit laking panghihinayang ng habang lumalaki ito ay mas nagiging kamukha niya si Jarra. Noong una ay halos hawig ito ng mommy niya. Noong mag-tatlong taon ito ay mas lumamang ang sa daddy niya. Pero ngayong maglilimang taon na ito, kitang-kita ang pagiging munting Ella ng anak niya. Kaya lang may isa pa siyang ipinagtataka. Kompleto naman si Jarra ng vaccine na nagmula sa center. Ngunit ang katawan ni Jarra ay parang kasing laki lang ng tatlong taong bata, gayong maglilima na ito. Sabi naman nila ay baka namana sa kanya ang paglaki ni Jarra. Sabagay. Mas maliit siyang tingnan kumpara sa edad niya. She's twenty four pero palagi pa rin siyang napapagkamalang eighteen. Bigla na naman siyang nalungkot ng maalala ang dating kasintahan. Siguro ay may-asawa na ito sa mga panahong iyon. Muli namang nabaling sa anak ang naglalakbay niyang diwa ng kalabitin siya nito, "Anong masakit Jarra?" tanong niya sa anak. Kung maaari nga lang niyang kuhanin ang sakit na nararamdaman nito ay kinuha na niya. Mas mabuting siya na lang palagi ang may sakit wag lang ang anak niya. Wag lang ang nag-iisang buhay niya. "Wag ka na pong umiyak. Gagaling na po ako mama. Inaalagaan naman po ako ng lola. Malulungkot po ako pag malungkot ka," malumay na saad ni Jarra. Napahawak na lang siya sa pisngi. Hindi niya akalaing lumuluha na pala siya. "Dadalahin na kita sa ospital Jarra." "Wag na po mama, gagaling din naman po ako. Nagtakbo po ako kanina at hindi ko sinabi kay Lola Angela na basa po ang likod ko. Baka po kaya ako nagkasakit ay nabasa po ang likuran ko at natuyo na rin po. Wag ka na pong umiyak magbabait na po ako. Sasabihin ko po kay Lola Angela pagbasa na po ang likod ko," masuyong saad ni Ella at niyakap ang anak. Nagkatinginan naman ang mag-ina. Alam nilang ayaw ni Jarra sa ospital. Noong nagkasakit din ito noon at nilagnat rin ay kinuhanan ito ng dugo. Ayaw na ayaw noon ni Jarra. Kaya siguro ayaw nitong magpadala sa ospital sa mama nito. "Ano pong gagawin ko nay, Maric?" "Obserbahan na lang muna natin. Pag talagang magtatagal ang lagnat niya tulad noon ay saka natin dalahin sa ospital. Sa ngayon ay hindi na muna," wika pa ni Nay Angela na sa tingin nila ay nakahinga ng maluwag si Jarra. "Sama ka sa akin baby, may dala akong prutas para sa iyo. Sa sobrang pag-aalala ng mama mo. Nakalimutan na niya. Pero nadala ko ang bilin mo. Madami akong nabiling lychee para sayo." Halos manlaki naman ang mata ni Jarra sa narinig kaya naman mula sa pagkakahiga sa kama at sa yakap niya ay kumawala si Jarra at parang bigla itong nagkaroon ng lakas at nagpakarga kay Maric. "Totoo po Tita Maric? Madami ka pong nabiling lychee?" "Oo, dalawang bungkos. Kaya magpagaling ka na ha. Pag magaling ka na at may nakita ulit kaming nagtitinda ni mama mo ay ibibili kita ng madami," pinupog naman ni Jarra ng halik si Maric. Napasunod na lang ng tingin si Ella sa dalawa ng lumabas ng kwarto ang mga ito. "Salamat po Nay Angela sa pagkupkop ninyo sa akin, sa amin ni Jarra. Hindi ko po talaga alam ang gagawin ko noon kung wala po kayo ni Maric sa buhay ko. Salamat po talaga." Linapitan naman siya ni Nay Angela at niyakap. "Masaya kaming nakilala ka namin Ella. Ang pagdating ninyo ni Jarra ay naging daan para mas maging masaya kaming mag-ina. Kaya wag kang mag-isip ng kung ano. Nandito lang kami ni Maric para sa inyo. Ang isipin natin ay sana wag ng magkasakit si Jarra. Mahirap pa naman pag bata ang may sakit. Hindi naman masabi kong ano o saan masakit." "Sabagay nga po nay. Tara na po sa labas, ako na pong magluluto ng makapagpahinga po muna kayo." "Halika na," sagot na lang ni Nay Angela at sabay na silang lumabas ni Ella ng kwartong iyon. Naabutan pa nila si Maric na nasa sala at doon ipinagbabalat ng lychee si Jarra habang nakaupo sa mahabang upuang kawayan. "Mama gusto mo?" malambing pang tanong ni Jarra ng makataring sila ng sala. "Sayo na lang anak. Magluluto na ko ng panghapunan natin. Dyan ka muna kay Nay Angela at Tita Maric ha. Ano bang ulam ang gusto mo?" "Bawal naman po ang delata at iyong mga frozen foods. Sitaw patty nalang mama. Sabi po ni Tita Maric may mayonnaise at monay daw siyang dala." Napangiti pa siya sa pagkindat ni Maric sa kanya. Isa ito sa palaging nagsasabi kay Jarra na bawal itong kumain ng mga canned goods at mga frozen foods. Lalo na at palagi itong nagkakasakit. Kaya naman iyong mga alternative na pagkain na pwedeng ipalit sa mga iyon ang niluluto niya. Tulad ng tocino, longganisa at kung anu-ano pa ay sarili niyang gawa para lang makakain ang anak. Pag hindi siya ay si Maric ang gumagawa pagkakarating nila sa bahay pagkagaling sa pagtitinda. Sa limang taon na pamamalagi niya ng San Nicholas ay malaki ang ipinagbago niya. Marunong na siyang magluto hindi tulad noon. Ang paglalaba noon na gamit ay automatic washing machine ay napalitan na ng laba sa kamay. Kung dati ay nahihirapan pa siya sa pagtitinda sa palengke. Ngayon sanay na siya. Ang dating magagandang damit na kahit mura ay bagay sa kanya. Ngayon napalitan na ng mga jogging pants at mga t-shirt. Samahan pa ng mga daster na noon ay hindi niya akalaing masusuot niya. Ngayon kung ano na lang ang pwede, at kaya sa budget niya. Mahalaga ay lahat ng pangangailangan ni Jarra ay maibigay niya. "Sige anak magluluto na ang mama. Nay, Maric kayo na po ang bahala kay Jarra." "Oo naman, walang problema nag-eenjoy pa akong ipagbalat si Jarra ng lychee at kakainin daw niya pagkatapos kumain mamaya. Sige na kami na ng inay ang bahala dito. Salamat sa pagluluto Ella." Isang ngiti naman ang naging sagot ni Ella bago nito hinayon ang kusina. Narinig pa niya ang masayang pagtawa ni Jarra habang nakikipagkulitan sa mag-ina. Mas lalo lang siyang ginanahan sa pagluluto. Kahit papaano ay nawala ang pag-aalala niya sa kaalalamang may sakit na naman ang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD