Chapter 5

1805 Words
Pagkaparada pa lang ng sasakyan ni Jarred sa harapan ng bahay nila ay nakita na kaagad niya ang mommy niya at inaabangan siya. "Mommy," aniya at hinawakan pa ang kamay niya. Si Jarred naman ay nagmano lang sa mommy ni Ella. "Salamat sa paghahatid kay Ella, Jarred." "Wala po iyon, alam naman po ninyong kahit anong mangyari ay hindi ko pababayaan ang prinsesa ninyo. Ipinangako ko din po iyon kay tito." May mumunting ngiti naman na lumabas sa labi ni Ella. Ngunit hindi niya ipinahalata sa mommy niya. Sasabihan na naman siya nito na kay bata-bata pa niya. Alam naman niya iyon. Kaya nga kahit kasintahan na niya si Jarred hindi sila lalampas sa limitasyon. Hanggang yakap at halik lang ang maiibigay niya sa binata, at kontento na rin naman doon si Jarred. "Hindi ka na ba muna papasok sa loob? Gabi na rin Jarred." "Hindi na po Tita Elizabeth, nakainom po talaga ako. Kaya po kailangan ko ng umuwi. Hinatid ko lang po talaga si Ella." "Ganoon ba? Sige mag-ingat ka. Ikaw naman Ella pumasok ka na rin pagkaalis ni Jarred ha," saad pa ng mommy niya at tinalikuran na sila. "Bye sweetheart. Baka hindi kita ulit kita maunang batiin sa umaga o sa maghapon sana ay maunawaan mo. Busy lang talaga sa trabaho." "Naiintindihan ko wag kang mag-alala. Send me a message pagnasa condo ka na. Hmm. Ingat ka pag-uwi." "Thank you sweetheart, I love you," ani Jarred at kinintalan pa ng mabilis na halik sa labi ang kasintahan. "I love you too," sagot niya. Hinayon na rin naman ni Jarred ang kotse niya. Nakatanaw lang si Ella sa likuran ng sasakyan ni Jarred hanggang sa hindi na niya iyon matanaw, kaya nagpasya na rin siyang pumasok sa loob ng bahay. Akala niya ay nasa kwarto na nito ang mommy niya, ngunit narinig niyang may kausap ito sa kusina. "Mommy," tawag niya dito ng makita niya ang mommy niya na nagtitimpla ng kape habang kausap ang lalaking ngayon lang niya nakita. Higit sa lahat sa tingin niya ay mas bata ito sa mommy niya ng kung ilang taon. "Sino po siya?" Hindi niya mapigilang tanong. Napakunot noo naman si Ella ng maramdaman ang matiim na titig ng lalaki sa kanya. Halos mapalunok pa siya ng mapansing pinapasadahan nito ng tingin ang kabuoan niya. Dahil galing siya sa friendly date nila ni Dave ay nakasuot siya ng halter black mini dress na kita ang hubog ng kanyang katawan. Kahit sabihing fifteen pa lang siya ay makikita na ang katawan ng isang ganap na dalaga sa kanya. Tunay namang ganap na siyang dalaga noong twelve years old pa lang siya. Iyon nga lamang ay hindi sa edad. Tatlong taon pa para masabing isa na siyang tunay na dalaga. Napalunok si Ella ng mapansin niya ang ngisi ng lalaking kaharap. Nakatalikod ito sa mommy niya kaya hindi nakikita ng kanyang ina ang malisyosong titig nito lalo na sa kanyang dibdib. Maayos ang suot niya. Labas lang naman ang kalahating balikat niya at kita ang maputi niyang dibdib. Pero pakiramdam niya sa mga oras na ito ay hinuhubaran siya ng lalaki. "Anak alam mo namang mahirap ang mag-isa sa buhay. Kailangan ko din ng magiging katuwang di ba?" ani Elizabeth habang inilapag nito ang tasa ng tinimplang kape sa harap ng lalaki bago lumapit sa kanya. Napalunok siya ng mapansin muli ang paghagod ng tingin lalaki sa kanyang katawan na nagbigay kilabot sa kanya. "Anak si Roi, boyfriend ko." Napatitig naman siya sa kanyang ina. Hindi niya alam kung paano magrereact sa kaalamang kasintahan ng ina ang lalaking kasama nito. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan ng mapansin sa mata ng mommy niya ang sobrang kasiyahan. Napasunod na lang siya ng hilahin siya nito palapit sa lalaki at ng maupo sila sa bakanteng silya. Sa tabi nito ang mommy niya at siya sa katapat. "Roi, si Ella. Ang nag-iisa at pinakamaganda kong anak. Alam mo namang may anak na ako di ba at byuda sinabi ko na iyon sayo. Sana ay matanggap mo ang anak ko at ituring mo rin na sarili mong anak." "Wag kang mag-alala hon. Hindi mo pa naiipakilala ang anak mo ay tanggap ko na siya bilang anak. Wag kang mag-alala at babantayan ko siya. Bawal muna dapat ang boyfriend ha. Mag-aral muna ng mabuti," anito na nagbigay ng kilabot na may kasamang takot sa kalamnan niya. Gusto man niyang sabihin sa mommy niya na hindi niya matatanggap na maging step-father ang lalaking ito. Ngunit hindi naman niya kayang alisin ang saya na nakikita niya sa mukha ng mommy niya. Ganoon din ito noong kasama pa nila ang daddy niya. "Anak, sana ay matanggap mo ang relasyon namin," wika pa ng mommy niya. "Hindi ko naman nakakalimutan ang daddy mo. Hindi naman siya nawawala dito eh," sabay turo pa ng mommy niya sa puso nito. "Ngunit ng dumating si Roi sa buhay ko. Noon ko lang ulit naranasang maging masaya anak." "Hangad ko ang kaligayahan mo mommy. Alam ko pong nahirapan ka noong nawala si daddy at alam kong nahihirapan ka ng balikatin akong mag-isa." "Hindi ganoon Ella. Mahal na mahal kita anak, tulad ng sinasabi sayo palagi ng daddy mo. Ikaw ang kayamanan namin. Ikaw ang kayamanan ko. Nagmahal lang ako anak at si Roi ang ikalawang pag-ibig ko. Sana ay maunawaan mo rin anak ang nararamdaman ko. Mauunawaan mo ako pag nagmahal ka na ng totoo." Pumasok bigla sa isipan niya si Jarred. Iyong sitwasyon nila kanina na halos maghiwalay sila kahit mahal naman nila ang isa't-isa. Natakot din siyang malayo dito. Hindi niya kaya. "Sorry po mommy. Naiintindihan ko hayaan po ninyo at unti-unti ay masasanay din po ako kay T-tito Roi," nauutal niyang saad ngunit lalong nagpasaya sa mommy niya. "Salamat Ella. Nga pala anak, dito na titira ang Tito Roi mo. Isa pa sa mga susunod na tatlong buwan ay nagbabalak na kaming magpakasal. Anak nagpaalam na ako sa pamilya ng daddy mo at pinayagan nila ako," pagsisiwalat ng mommy niya. Bigla naman ay parang bigla siyang nabingi sa balitang iyon. "Bakit po parang ang biglaan naman po yata?" "Matagal ko ng sinusuyo ang mommy mo Ella. Sa totoo lang matanda ng limang taon ang mommy mo sa akin. Ngunit naunahan ako ng daddy mo. Mas una kung nakilala si Elizabeth kay sa kay Santiago. Ngunit wala akong lakas ng loob na aminin ang nararamdaman ko. Hanggang sa mabalitaan ko na lang na ikinasal na sila ng daddy mo. Nagkaroon din ako ng kasintahan ngunit hindi kami nagtagal. Hanggang sa naging hindi maganda ang buhay ko. Tapos two years ago nagkita muli kami ng mommy mo. Hindi iyon sinasadya, dahil na rin siguro sa tadhana. Ikinakalungkot ko ang nangyari sa daddy mo. Pero nagkaroon ako ng pag-asa na makuha ang pagmamahal ni Elizabeth. Sana ay hindi mo isipin na mabilis ang lahat dahil labinlimang taon din akong naghintay bago ko nakamtan ang mommy mo," malungkot na saad ni Roi. Napatingin siyang muli sa mukha nito. Wala na ang malisyosong tingin nito sa kanya kanina. "Namamalikmata lang ba ako kanina? O dahil sa bugso ng damdamin na ngayon lang ako nakakita ng ibang lalaki dito sa bahay?" saad pa ng kanyang isipan ng muli niyang tiningnan ang itsura ng lalaki. Gwapo ito at hindi nalalayo sa itsura ng daddy niya. Kaya talagang magugustuhan ito ng mommy niya. Kung mula pala noon ay may lihim na itong pagsinta dito. "Sana ay matanggap mo rin ako bilang bagong katuwang ng mommy mo. Hindi ko siya pababayaan at pakamamahalin," dagdag pa ni Roi ng hawakan nito ang kamay ng mommy niya at hinalikan. Hindi niya alam kung bakit pag nakikita niyang masaya ang ina ay lumalambot ang puso niya. Kaya naman isa lang talaga ang kailangan niya ngayon. Ang tanggapin na may iba ng lalaki sa buhay ng kanyang ina maliban sa daddy niya. "Sana po ay mahalin mo ng lubusan ang mommy ko T-tito R-Roi. Ang mommy ko na lang ang natitira sa akin." "Nandito na rin ako para sa iyo Ella. Hindi ko man matumbasan ang pagmamahal ng daddy mo sayo. Gagawin ko naman ang lahat para maiparamdam sayong nandito lang ako bilang ikalawang ama mo." "Salamat Roi," saad ng mommy niya sa kasintahan. Isang ngiti naman ang ibinigay ni Ella sa dalawa. "Welcome to the family Tito Roi, mahalin mo sana ng buong-buo si mommy at huwag mo sanang sasaktan. Kung ano man po ang desisyon ninyo ay tatanggpin ko po ng maluwag at buong puso. Sa ngayon po ay aakyat na ako sa kwarto ko at kailangan ko na rin pong magpahinga. "Sige anak, nakalimutan ko na nga palang itanong sayo kung saan ka nanggaling kanina at bakit ganyan ang suot mo. Sobra kasi akong naexcite na ipakilala si Roi sayo." "Pagkalabas po ng school ay nagtungo po kaming restaurant ni Hanna, nagdate po kaming tatlo ng isa po sa schoolmates namin. Tapos po ay nagpunta po ako sa condo ni Jarred para makapagpahatid po dito. Ay nag-iinuman po sila ng barkada niya kaya po hindi ako kaagad naihatid dito. Gabi na po kasi kaya po nagpahatid na ako." Lahat ng naman sinabi niya sa mommy niya ay totoo, maliban lang sa ilang detalye na hindi na niya kailangang sabihin sa mommy niya at hindi na dapat nito malaman. Isa pa ay sapat ng tanggapin niya sa loob ng bahay nila ang boyfriend ng mommy niya. "What a coincidence?" bulong pa niya sa isipan. "Kasasagot ko lang kay Jarred tapos ang mommy niya may boyfriend din, na soon to be step-father ko pa," napailing na lang siya sa tumatakbo sa kanyang isipan. "Ganoon ba? Sige anak matulog ka na, at mag-aalas onse na rin ng gabi. Salamat ulit sa pagtanggap sa relasyon namin ng tito mo. I love you anak," ani Elizabeth at niyakap pa ng mahigpit ang anak. "I love you too, mommy," sagot na lang niya at hinalikan pa sa pisngi ang ina. "Akyat na po ako sa kwarto ko." Pinasadahan pa niya ng tingin si Roi na saktong humihigop ng kape, nginitian pa siya nito ng mahuling nakatingin siya rito. Ngiting hindi talaga katulad ng unang tingin niya kanina. Baka talaga maling expression lang iyong nakita niya. Kaya naman kakalimutan na lang niya ang tagpong iyon. "Sige anak magpahinga ka na." Iyon lang at tinalikuran na niya ang mga ito. Napangiti pa siya sa isiping pinag-isipan niya ng masama iyong tao. Mabuti na lang at hindi napansin ng mommy niya ang kilabot na naramdaman niya kanina na hindi naman pala niya dapat maramdaman. Mukha namang mabait si Roi at mahal ang mommy niya. Iyon ang nakita niya sa mga mata nito bago siya lumabas mg kusina. Kaya naman mula sa araw na iyon tatanggpin na niyang hindi na lang silang dalawa ng mommy niya ang titira sa bahay na iyon. Dahil ngayon, tatlo na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD