Chapter 4

2150 Words
"What are you doing here?" may talim na tanong ni Jarred kay Ella. Alam ni Ella na mahirap makipag-usap sa taong lasing. Pero hindi naman siya papayag na dahil lang sa isang maling akala ay magkakalayo sila ng landas ni Jarred. Higit sa lahat hindi siya papayag na hindi niya nasasabi dito ang nararamdaman niya at ang sagot niya sa matagal na nitong tanong. "Jarred mag-usap tayo." Nginisian lang siya ni Jarred at naglakad papalapit sa kanya. Nandoon pa rin naman ang distansya nilang dalawa dahil umatras siyang muli at tumigil naman ito sa may island counter at doon sumandal. "Anong gusto mong pag-usap? Gusto mo ng pag-usapan natin na tanga ako? Na naniwala akong hindi ka mahuhulog sa iba kahit malayo ako sayo? Sabagay ano bang pinaghihimutok ko. Hindi ka nga pala akin. Wala nga pala akong karapatan sayo. Umalis ka na. Alis na!" Sigaw ni Jarred kasabay ng pagbato nito sa hawak na bote ng beer sa likuran ni Ella. "Jarred!" gulat na sambit ni Teo at Nald. Halos manigas naman si Ella sa kinatatayuan niya sa gulat. Halos nasa isang pulgada lang ang layo ng pagdaan ng bote sa pisngi niya. Kung sasadiyain ni Jarred. Sa mukha niya tatama ang bote ng alak. "Jarred ano ba? Matulog ka na. Bukas na kayo mag-usap," ani Nald at hinawakan pa si Jarred para akayin. "Tara na, ihahatid na muna kita sa inyo," aya naman ni Teo kay Ella. "Hindi ako aalis hanggat hindi ako kinakausap niyang kaibigan ninyo." "Pero wala na tayong dapat pag-usapan. May ending na ang kwento," may pagkasarkastikomg saad ni Jarred. "Okay, you don't want to talk with me? Fine! Iyon ang gusto mo di ba? Di wag na tayong mag-usap habang buhay," umiiyak na saad ni Ella ng mahagip nito ang isang piraso ng basag na bote at itinutok sa kanyang pulso. "Ella!" tawag naman ng dalawa sa pangalan niya. Si Jarred naman ay hindi na nakapagsalita ng makita nito ang unti-unting pag-agos ng dugo sa kamay ni Ella. "Jarred ano ba kayong dalawa. Mahal naman ninyo ang isa't-isa bakit ba ang drama ninyo?" yamot na saad ni Teo. "Hindi mo ba kakausapin itong sweetheart mo, Jarred. Ayaw ko pang makakita ng batang naglaslas ng dahil lang sa isang lalaki at kaibigan ko pa. Por Dios por Santo kayong dalawa. Stop it Ella. Langya, ang dami ng dugo niyan," sita ni Nald na hindi na malaman ang gagawin kaya naman sinuntok na niya si Jarred sa panga ng matauhan. "Vergara!" Sigaw pa ni Teo. Si Ella naman ay halos wala ng makita sa labis na pag-iyak. Mukhang wala talagang pakialam si Jarred sa kanya na labis na ikinasakit ng kanyang puso. "Sweetheart, I'm sorry," ani Jarred ng biglang mabitawan ni Ella ang hawak na piraso ng basag na bote na puno ng dugo. Mabilis naman nilapitan ni Jarred ang dalaga at mahigpit na niyakap. "Sorry, I'm sorry sweetheart. Nagselos ako nagalit ako kasi mahal kita. Kung ano man ang desisyon mo dapat hindi ako nagagalit sorry talaga. Kung sa tingin mo hindi worth na makuha sagot mo. Tatanggpin ko, wag mo lang sasaktan ang sarili mo. Mas masasaktan ako pagnasaktan ka," alo pa ni Jarred sa umiiyak na si Ella. Sandali pa at naalala ni Jarred ang pulso nito na dumudugo kaya mabilis siya nitong inakay patungo sa may sala, at hinayon ang kwarto para makakuha ng malinis na towel at first aid kit. Nakamasid lang naman si Teo at Nald na wari mo ay nakalimutan na ng dalawa na nandoon pa sila. Hinawakan ni Jarred ang pulso ni Ella at marahang pinunasan. Ngunit nagtataka siya na wala namang sugat doon. "Wala ka sugat? Bakit may dugo?" nagtatakang tanong ni Jarred habang nakatingin sa magandang mukha ng kaisa-isang babaeng bumihag sa puso niya. Napahugot pa si Jarred ng hininga ng mapansing wala na sa leeg ni Ella ang kwintas kung saan nakalagay ang promise ring na bigay niya sa dalaga. Napangiti na lang siya na may halong pait. Kung hindi talaga para sa kanya si Ella. Ano pa bang magagawa niya kundi tanggapin. Siguro tatanggpin na lang niya ang offer na trabaho sa ibang bansa. Sabagay tama din ang sinasabi ng iba sa kanya. Masyado pang bata si Ella para sa kanya at hindi sila bagay ng dalaga. "Bakit walang sugat?" ulit niyang tanong ng ipakita ni Ella ang kanan niyang palad na punong-puno ng dugo. Nandoon ang sugat na gawa pagkakahawak nito sa matalas na piraso ng bote. Dahan-dahan namang pinunasan ni Jarred ang palad ni Ella na puno ng dugo. "Ito na ba ang huling beses na mahahawakan ko ang mga kamay mo?" masuyong tanong ni Jarred na wari mo'y nawala na ang pagkalasing. "Bakit naman? Ayaw mo na ba sa akin dahil sa nakita mo kanina," tanong ni Ella. "Hindi sa ganoon. Alam mo namang mahal kita, nagpakatino nga ako para sayo. Pero hindi mo na suot ang kwintas. Sa totoo malungkot ako. Bakit ba ang tagal mong ipinanganak? Hindi ko tuloy mabalik ang oras ko. Hindi ko maipantay ang edad ko sayo. Kaya naman kitang hintayin hanggang sa ready ka na. Pero mukhang ready ka na. Pero hindi sa akin, kundi sa iba." Mapait na napangiti na lang si Jarred habang pinupunasan ang palad ni Ella. Matapos maalis ang lahat ng dugo sa palad nito ay dinampian naman niya iyon ng betadine para malinis ang sugat. Nilagyan din niya iyon ng antibacterial cream para mabilis na maghilom ang sugat saka ito nilagyan ni Jarred ng malaking band aid. Mabuti na lang at nasakop noon ang hiwa sa palad ni Ella. "Ihahatid na kita," ani Jarred sa tonong parang pinagsakluban ng langit at lupa. "Hindi ka ba masayang makita ako at makasama?" tanong muli ni Ella. "Sinong hindi magiging masaya pagnakikita ka. Kaya lang ano pang panghahawakan ko sayo kung hinubad mo na sa leeg mo ang kwintas at singsing ko na para sayo," humugot muna ulit si Jarred ng paghinga bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Alam mo namang ang nais ko lang ay ang makita kitang masaya at maligaya kahit hindi ako ang dahilan. Ganoon kita kamahal. Akala ko nga ikaw na ang huli. Pero mali ako dahil..." Hindi natuloy ni Jarred ang sasabihin niya ng bigla na lang mabasag amg boses niya. Ayaw naman niyang umiyak sa harapan ni Ella ngunit hindi talaga niya mapigilan ang sariling mga mata sa pagbuhos ng kanyang mga luha. "Sorry, hindi ako umiiyak para maawa ka. Malungkot lang talaga ako. Ako itong matanda at ako itong lalaki, pero wala eh mahal kita. Mahal na mahal kita Ella," buong pusong pagtatapat ni Jarred. "Hindi mo ba itatanong sa akin kung ano ang nararamdaman ko? Hindi mo ba ako tatanungin kung ano na ang estado mo sa puso ko? Bakit ba ayaw mong magtanong?" Umiiyak na namang saad ni Ella ng mapatingin sila ni Jarred kina Teo at Nald mula sa kusina na may dalang isang balot na malaking plastik ng pop corn at tig-isang bottled iced tea. "Bakit? Anong ginagawa ninyo?" tanong pa ni Jarred. "Tuloy n'yo lang iyang pag-uusap ninyo. Mas masarap mag movie marathon lalo na kung drama pag may snacks," paliwanag ni Teo na parang sila lang ni Nald ang nagkakaintindihan. Sila lang din kasing dalawa ang tumawa sa sinabi ni Teo. Hindi naman pumasok sa isipan ni Jarred at Ella ang sinabi ng dalawa. Kaya muling ibinaling ng dalawa ang tingin sa isa't-isa. "Ella." "Hindi mo ba ako tatanungin ng kahit na ano? Wala ka bang balak itanong sa akin sa mga oras na ito?" "Natatakot akong marinig ang sagot mo gayong alam ko na ang sagot," muling binalingan ni Jarred ang leeg ni Ella. "Hindi mo na suot ang kwintas. Itinapon mo na ba ang singsing?" malungkot na tanong ni Jarred na parang may pumipiga sa puso niya. "Hindi ko na suot ang kwintas dahil inalis ko na. Mula ng isinuot mo iyon sa leeg ko ay hindi ko inalis ang kwintas na iyon kahit maligo o matulog ako. Ngayon ko lang inalis ang kwintas sa leeg ko kahit noong makilala palang kita alam ko na ang dapat isagot sayo. Ang problema lang hindi ko alam kung kailan ko ba dapat sabihin sayo ang sagot ko, hanggang sa nakapagdesisyon din ako. Nakapagdesisyon na akong, dapat ngayon malaman mo na ang sagot." Isang ngiti ang ibinigay ni Ella kay Jarred. Iyon ang matamis na ngiti na unang nakita ni Jarred sa dalaga. Dahilan para mahulog siya ng lubusan dito. "Matagal mo ng alam sa sarili mo na wala akong pag-asa sayo?" "Matagal ko ng alam sa sarili kong mahal kitang gurang ka. Ang drama mo. Hindi ko suot sa leeg ang kwintas kasi ang singsing ito oh," sabay taas ng kanyang kamay at itinapat pa sa mukha ni Jarred ang singsing na suot niya sa ring finger niya. "Suot ko na sa daliri ko, see? Ewan ko ba sayo at kanina mo pang hawak ang kamay ko. Nalinisan mo na at lahat hindi mo nakitang may singsing na suot ang daliri ko. Hindi mo ako tinatanong, pero sasagot pa rin ako. Mahal kita. Mahal na mahal kita Jarred kahit ang aga kong lumandi. Imagine malaki ang agwat ng edad natin, minor pa rin ako. My gosh. Pero sinasagot na kitang gurang kang magagalitin ka. And yes girlfriend mo na ako mula ngayon. Sana ay malinawan ka na. Ayos na ba? Naiinis lang ako sayo kasi hindi ka marunong makinig. Pero mahal na mahal kitang gurang ka. From the bottom of my heart," pag-amin ni Ella. Parang nalunok naman ni Jarred ang sariling dila dahil sa narinig. Natulala na lang ito sa magandang mukha ng babaeng kanyang pinakamamahal. "Oi Jarred sinasagot ka na," untag ni Teo. "Happy? Congratulations," saad naman ni Nald. Doon lang biglang natauhan si Jarred. "M-mahal mo ako? Mahal mo talaga ako," hindi makapaniwalang saad ni Jarred na sunod-sunod na ikinatango ni Ella. "Mahal na mahal." "I love you sweetheart. Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko," masayang bulalas ni Jarred at hindi na niya napigilan ang sariling halikan sa labi si Ella. Pareho namang na pa O ang dalawang kaibigan sa nasaksihan. Alam naman nilang mahal ni Jarred at Ella ang isa't-isa. Dangan nga lamang at napakabata pa ni Ella. "Oi tama na muna iyan, magpapaalam lang muna kami," pigil ni Nald sa dalawa. Doon lang din biglang nagsink-in sa isipan ni Jarred na nasa condo niya ang mga kaibigan. "Magsilayas na nga kayo, mga abala." "Kami pa talaga?" turo pa ni Nald at Teo sa sarili. "Oo kaya magsilayas na kayo," pagtataboy pa ni Jarred sa dalawa hanggang sa umabot sila sa may pintuan. Natawa naman si Ella sa ikinikilos ng tatlo. Hanggang balingan siya ni Teo na nakasilip na lang sa may pinto mula sa labas. "Ella alalahanin mong bata ka pa. Hindi masamang boyfriend mo itong tukmol na ito. Kaya lang wag ka munang magpapapitas ha. Pahinog ka muna," bilin pa ni Teo. Tumango na lang si Ella kahit hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Teo. "G*go! Kilala ko ang sarili ko at mahal ko si Ella. Hindi mangyayari iyang sinasabi mo," singhal pa ni Jarred kaya nailing na lang si Ella. Mula sa labas ay sumigaw pa si Nald na magpahatid na siya sa bahay nila kay Jarred at huwag matulog kasama si Jarred at mainit daw ngayon ang kaibigan. Mga bagay na hindi niya makuha ang kahulugan. "Wag mo silang pansinin. Mga g*go ang dalawang iyon," ani Jarred at hinawakan ang kanyang kamay. "Sorry ulit sa inasal ko kanina. Nasugatan ka pa tuloy. Pero totoo bang girlfriend na kita ngayon?" "Hindi ka pa rin ba naniniwala?" aniya na nahihiyang ikinatango ni Jarred. "I love you Jarred matagal na. Kaya hintayin mo ako ha. Hintayin mong matupad ang mga pangarap ko." "Nahintay nga kita mula noon hanggang ngayon. Ngayon pa ba na akin ka na? Mahal na mahal kita." Unti-unti na namang inilapat ni Jarred ang labi niya sa malambot na labi ng kasintahan. Matagal ding panahon niyang hinintay ang pagkakataong mahagkan ang dalaga. Pinalalim pa niya iyon hanggang sa makasabay si Ella sa mga halik niya. Hanggang sa siya na ang kusang bumitaw. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Ella. "Gusto ko mang halikan nang halikan ka. Ngunit hindi pwede. Natatakot ako sa sarili ko lalo na at mahal na mahal kita. Sa ngayon kontento na akong kasintahan na kita. Malayang nayayakap at nahahikan," ani Jarred na naiintindihan naman ni Ella. Halos biglang namula naman ang pisngi ni Ella ng maalala ang sinabi ng dalawang kaibigan ni Jarred. "Tsk, wag mong pansinin ang dalawa. Baliw ang mga iyon," anito ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nagkatinginan pa sila ni Jarred ng ang mommy niya ang tumatawag. Akala niya ay galit ito. Ngunit ng sabihin niyang kasama niya si Jarred at ihahatid na siya ng binata ay mas umaliwalas ang boses ng mommy niya at hihintayin pa daw siya nito na makauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD