Chapter 23

1765 Words
Nasa condo lang si Jarred ng mga sandaling iyon. Kauuwi lang niya galing sa maghapong trabaho. Isang linggo din niyang inabala ang sarili para makuha nila ang deal sa isang supermarket na itatayo doon. Kaya naman ngayon lang siya nagkaroon ng masasabi niyang pahinga. Halos malapit na ring mag-isang taon ng iwan niya ang Pilipinas. Kahit naman papaano, siguro nakamove on na siya. Hindi na ganoong masakit ang pag-iwan sa kanya ni Ella. Nakaupo lang siya sa may couch at umiinom ng alak. Madaling araw ng mga oras na iyon ngunit hindi siya mapakali. Pakiramdam niya ay may kung anong bagay o kung anong hindi niya maipaliwanag sa nararamdaman niya. Kaya sa halip na natutulog na siya sa mga oras na iyon. Umiinom pa siya. Bigla naman siyang nakatanggap ng tawag mula sa unknown number. Wala sana siyang balak sagutin ngunit, received call ang napindot niya. "Yes hello! This is Jarred Rein Vergara speaking," mahinahon niyang sagot sa kung sino man ang tumatawag. Minsan sumasakit na rin kasi ang ulo niya sa mga babaeng anak ng mga boss niya sa engineering firm na kinabibilangan niya. Wala na rin naman kasi siyang magagawa. Sa ibang bansa empleyado lang siya, at wala siya sa Pilipinas kaya doon hindi siya ang boss. "Yes hi! This is..." napakunot noo naman si Jarred ng marinig ang boses na iyon. Tiningnan pa niya ang numero ng tumatawag sa kanya. Doon lang niya napagtanto ang numerong iyon. Number iyon ng landline sa information lobby ng condo kung saan siya nakatira. "Langya naman Teo, gandahan mo naman ang boses mo. Mahahalata ka kaagad ni Vergara niyan eh. Hoy bwisit ka bakit hindi mo tinakpan iyong mouth piece. Meron ba noon sa landline? Naloko na. Saan ka nakakita ng telepono na walang mouth piece. Paano ka mariring ng kausap mo. Tama talaga ang hula ko. Matalino ka lang sa trabaho pero sa bagay-bagay ang bobo mo talaga." Nangiti naman si Jarred sa kanyang narinig sa kabilang linya. Aliw na aliw siya sa kalokohan ng dalawang kaibigan. Para tuloy gusto niyang makasama ang mga ito. Muli niyang binalingan ang alak habang naririnig pa niya ang kumosyon ng dalawa. Hindi pa rin naman ibinababa ng mga ito ang tawag kaya naririnig niya ang pag-uusap ng dalawa. Paubos na ang laman ng baso niya ng marealize ang nangyayari. "Wait! Nandito kayong dalawa sa Japan!" Hindi mapigilang saad ni Jarred ng mabilis siyang lumabas ng unit niya at tinakbo ang elevator. Pagdating niya sa lobby ay nakita niyang nakatingin lang sa dalawa ang mga taong nandoon at mukhang curious sa baliw niyang mga kaibigan na nag-aagawan pa sa telepono. "What's the meaning of this?" tanong niya ng mapatingin sa kanya ang dalawa. "Ikaw anong ginagawa mo dito. Dadalawin ka namin eh. Kaya lang ayaw ibigay sa amin ang condo unit mo. Tinawagan ka pa nga namin. Para i-surprise kaya lang itong si Nald panira ng diskarte," ani Teo habang tatangu-tango lang si Jarred. Kinuha naman ni Jarred ang telepono at ibinalik sa babaeng receptionist. Bago muling binalingan ang dalawa. "Bakit mo kinuha tinatawagan ka pa namin eh," muling reklamo ni Teo ng makatanggap ng isang sapak mula kay Jarred. Napangiwi na lang si Nald sa natanggap ng kaibigan. Narinig pa nila ang pagsinghap ng mga taong nakakita ng pangyayari. "Why you hit me!?" galit na saad ni Teo ng mapagtantong si Jarred nga pala ang kaharap nila. "Langya Vergara, ikaw ang isusurpirse namin, bakit nandito ka na?" Hindi naman napigilan ni Teo at Nald na yakapin ang binata. Kahit naman mga lalaki sila ay talaga namang namimiss nila ang isa't-isa. Higit pa sa magkakapatid ang turingan nila. Sabi nila blood is thicker than water. At sumasang-ayon sila sa kasabihang iyon. Pero para sa kanilang tatlo. What the heart feels as a brother is more important than a real brother. Dahil lahat naman silang tatlo ay mga solong anak. "Na miss ka namin." "Mukha nga ay halos apat na buwan lang tayong hindi nagkita mula ng makuha natin ang project sa Hong Kong." "Sus, ay sa Pilipinas nga araw-araw tayong nagkikita. Kaya naman nakakamiss din." Napangiti na lang ang mga taong nakakita sa kanila sa lobby ng maglakad sila papasok sa loob ng elevator. Syempre hindi naman uso sa ibang bansa ang kanilang kalokohan na mukhang mag-aaway na. Pero sa katunay ay hindi naman talaga. "Ang laki naman ng condo mo. Dito na lang kami sa buong duration ng bakasyon namin ha," ani Nald na pabagsak na naupo sa mahabang couch. Ganoon din si Teo. "May magagawa ba ako, mukhang wala naman kayong balak magbooked ng hotel. Kadarating n'yo lang tapos ito talagang lugar ko ang hinanap kaagad ninyo." "Aba'y syempre. Ikaw naman kasi ang ipinunta namin dito." "Mga baliw," natatawa niyang sagot at naupo rin naman sa pang-isahan couch na nandoon. Napansin naman ni Nald at ang baso ng alak na may yelo pa na nakapatong sa center table. "Umiinom ka ng ganitong oras? Kaya naman pala mabilis mong nasagot amg tawag namin?" Napatingin din si Jarred sa baso niya kanina. "Sort of. Hindi kasi ako makatulog kaya idinaan ko na lang sa alak." "Namimiss mo pa rin ba siya?" seryosong tanong ni Nald na ikinatawa lang ni Jarred. "May nakakatawa ba sa tanong ko Vergara?" "Yes Nald, at sobrang nakakatawa. Hindi ang katulad niya ang dapat kung alalahanin at isipin. Masaya na ako sa buhay ko. Isa pa I date many girls here. They satisfied my needs. So why I looking back the past kung hindi naman kailangan. Oh come on. Kayo yatang dalawa ang hindi pa makamove-on eh," natatawang saad ni Jarred, habang seryosong nakatingin lang sa kanya ang dalawa. "Mula ng umalis si Ella sa kanila ay wala na kaming naging balita sa kanya," ani Teo. "So? Pinuntahan lang ba ninyo ako dito para lang tanungin nang tanungin sa ganyang bagay? Mga bagay na wala namang kwenta. Ayaw kung mag-away tayong tatlo ng dahil lang sa walang kwentang babae na iyon. Ang alam ko lang iniwan niya ako ng walang matatag na dahilan. Nakita naman ninyo iyon larawan niya na nakuhanan ko habang kitang-kita ng mga mata ko ang pakikipaglampungan niya sa lalaking iyon." Ayaw man niyang mainis sa mga oras na iyon ay parang sinusubok talaga ng dalawang kaibigan ang pasensya niya. Pagod siya sa maghapong trabaho. Hindi pa siya makatulog. Tapos pagdating ng dalawang ito akala niya ay makakarelax siya. Iyon naman pala ay magbabalik tanaw lang sila sa isang bagay na wala namang kwenta. "Hindi kami matahimik ni Teo, na ganoon ka na lang kabilis ipagpalit ni Ella. Mula Hong Kong pagbalik naming dalawa ng Pilipinas ay hinanap namin ang lalaking iyon. Sinabi niyang hindi niya kilala si Ella, ng ipakita namin ang larawan ni Ella. Doon lang niya naalala ang babae sa park na tumulong daw sa kanya para tigilan siya ng babaeng stalker niya." "So? Kahit totoo nga iyang balitang nakalap niyo. Hindi maiikaila ang katotohanang ipinagtabuyan niya ako na parang basura na niloko lang niya ako ng matagal na panahon at pinaglaruan. Babalik na naman ba tayo sa issue na iyan? Move on na mga bro. Wala na si Jarred at Ella. Kahit magmakaawa pa siya kahit lumuha pa siya ng dugo ay hindi ko na siya babalikan kahit kailan. Hindi na." "What if may mangyaring masama kay Ella?" "I don't care! She leave me without a word maliban sa niloko lang niya ako at hindi niya ako mahal, at minahal. Kaya wala akong pakialam. Embrace her hell. I don't fvcking care about her anymore," galit na saad ni Jarred at muling dinampot ang baso ng alak. Mabilis siyang nagtungo sa island counter para lang muli iyong salinan ng alak at mabilis na ininom. Sobra talagang pinag-iinit ng dalawa ang ulo niya. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumawa ng malakas ang dalawa niyang kaibigan. Bigla tuloy siyang napabaling ng tingin sa dalawa. "Ten thousand ko g*go. Sabi ko naman sayo. Basta si Ella ang usapan magagalit yan at maiinis," ani Teo na nakalahad ang kamay kay Nald. "Di ba kaya yan nandito para magmove on. Kulang pa pala ang buwan na iyon? Ang tagal na eh. Ako na nga ang nagbayad sa taxi kanina mula sa airport. Tapos ay nalagasan pa ako ng sampung libo. Sa susunod ay doon naman ako pupusta na hindi pa siya nakakamove on kay Ella. Nirecord ko na, ako ang nauna ha," ani ni Nald matapos mailagay sa palad ni Teo ang sampung libo. Mukhang hindi pa nakapagpapalit ng pera ang dalawa dahil Philippine bills pa ang perang hawak ng mga ito. "Mga g*go pinagpustahan pa ninyo ang reaksyon ko!" natatawa na lang saad ni Jarred ng muli siyang bumalik sa pwesto niya. "Minsan lang naman. Kita mo naman easy peasy. Easy money," halos ipaypay pa ni Teo ang sampung libong napanalunan nito sa pustahan. Nailing na lang talaga si Jarred. Akala niya ay pagtatalunan pa nila ang bagay na iyon. "Jarred may pagkain ka ba dyan kahit noodles nagugutom na talaga ako," reklamo ni Teo ng tumunog ang tiyan nito. Ganoon din si Nald na tumunog din ang tiyan. "Mga patay gutom na nilalang. Sige na, ipagluluto ko kayo. Pasalamat kayo at wala akong trabaho ng isang linggo. Nagleave talaga ako, ako naman ang nakakuha ng deal, so ayon at pinagbakasyon ako ng boss ko," natatawang saad pa ni Jarred. "Ayon at pwede mo kaming ipasyal dito," sabay pang tungon ng dalawa at nag-apir pa. Napasunod na lang ng tingin si Teo at Nald kay Jarred ng magtungo ito ng kusina at magsimulang magluto. Sabay pa silang napabuntong hininga ng maisip ang mga sagot ni Jarred kanina. Sa katunayan ay pinalabas lang nilang nagpustahan silang dalawa. Para na rin sa ikakapanatag ni Jarred. Pero totoo ang lahat ng sinabi nila kay Jarred. Isang beses dahil pareho silang hindi makatiis ay hinanap talaga nila ang lalaki at talagang sinabi nito na hindi talaga nito kilala si Ella. Nagkataon lang na si Ella ang nahingan nito ng tulong sa park. Pinuntahan at kinausap din nila ang mommy ni Ella. Ramdam nila ang galit nito sa anak. Ngunit wala din namang maibigay na dahilan kung bakit biglang nagbago si Ella. Hanggang sa nakita nila doon ang step-father ni Ella. Tahimik lang ito at wari mo ay hindi man lang interesado na nawawala ang step-daughter nito. Kaya talagang nakakapagtaka na hindi man lang ito nag-aalala sa anak ng asawa. Higit sa lahat ang mga titig ni Roi habang kausap nila si Elizabeth na parang mas pabor pa sa pag-alis ni Ella ng walang nakakaalam kung babalik pa ba at hindi mahanap kung saan ito napunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD