Nagkatinginan si Teo at Nald ng pagpasok nila ng unit ng condo ni Jarred ay halos wala sa ayos ang lahat. Lahat ng makita nilang gamit kung hindi sira ay basag. Wala kang makikitang ayos sa loob. Kahit ang mamahaling sofa ay hindi pinatawad at nakataob pa iyon.
Napaawang pa ang labi ng dalawa ng mapansin na ang t.v at iba pang appliances ay hindi pinatawad. Halos madurog pa iyon na parang doon inilabas ang sama ng loob. Ganoon din ng sa pagpasok nila ng kusina ang mga spices na nandoon ay nagkalat sa sahig. Basag lahat ang pinggan, baso at tasa. Nakakalat din sa sahig ang paminggalan.
Napatakbo naman si Teo ng mapansin na bukas ang gas range. Mabuti na lang at ang pinaka tangke ng gaas ay nakasarado. Kung hindi kasi iyon nakasara ng mabuti ay maaaring pagmulan ng sunog.
Inikot nila ang kabuoan ng condo ngunit wala si Jarred. Sa kwarto na lang nito ang huli nilang alas para matagpuan ang kaibigan.
Pagpasok nila ay doon nila nakitang nakaupo si Jarred sa loob ng kwarto nito. Nasa sulok sa may gilid ng kama, umiiyak at umiinom ng alak. Ang ilan sa mga bote ng alak ay halatang pagkakaubos ng ay inihahagis lang sa pader kaya nababasag ito.
Lalapitan sana nila si Jarred, wala na rin itong hawak na alak na sa tingin nila ay naubos na. Nakatingin lang ito sa cellphone nito, kahit wala namang ilaw, kundi purong itim lang. Malapit na sila kay Jarred ng Biglang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan pa sila ng biglang tumayo ito. Kaya naman, para silang nahawi at binigyan ng daan ang binata.
Napasunod na lang silang dalawa ng tingin kay Jarred ng lumabas ito mg kwarto, at tinungo ang front door. Mula sa likuran ni Jarred ay nakita nila ang isang delivery boy na may dalang isang case na naman ng mamahaling alak. Matapos magbayad ni Jarred ay bumalik na ito sa kwarto sa pwesto nito kanina at muling binuksan ang alak na dinala ng delivery boy.
Sa tingin nila ay hindi man lang nararamdaman ni Jarred ang presensya nila. Na labis nilang ipinagtataka gayong kanina pa silang nandoon at nakamasid sa kaibigan.
Pinuntahan lang naman nila si Jarred sa mga oras na iyon dahil hindi kasi ito pumasok sa trabaho ng araw na iyon. Na hindi naman madalas nitong ginagawa. Sobrang dedicated si Jarred sa trabaho. At pag binibiro pa nilang magpahinga ay palagi lang isinasagot sa kanila ng kaibigan ay hindi pwede. Dahil para iyon sa future nila ni Ella. Maliban na lang talaga kong emergency, pero nagpapaalam ito. Ito ang unang pagkakataon na hindi ito nagpaalam at bigla na lang hindi pumasok sa trabaho.
"Jarred," lakas loob na tawag ni Nald sa binata. Tiningnan lang siya nito sabay inom sa bote ng alak. Para lang itong umiinom ng tubig sa ginagawa nito. Halos mapangiwi silang dalawa ng mabilis na maubos ni Jarred ang isa at muli na namang ibinato sa dingding ang boteng walang laman. Kaya naman nagkadurog-durog ang kawawang bote.
"Jarred ano bang problema mo? Tatawagan ko si Ella," paalam ni Teo ng tingnan siya ng kaibigan.
"Anong problema ko? Si Ella ang problema ko. Iniwan na ako ni Ella. Sinabi niyang hindi niya ako mahal simula pa lang. Na pinaglaruan lang niya ang damdamin ko. Na hindi ako bagay sa kanya dahil babaero ako. Oo! Aminado akong babaero ako noon. Pero noon iyong hindi ko pa siya nakikilala. Naging tapat ako kay Ella. Pero bakit ganitong kasakit? Hindi ko kaya! Hindi ko kaya. Mahal ko si Ella, pero ayaw na niya sa akin? Ano bang mali sa akin? Ano bang kulang? Teo, Nald, si Ella ko. Ella ko." Sumisigaw ngunit mababakas nilang dalawa ang pagsusumamo sa boses ni Jarred. Nagbukas na naman ito ng alak at muling uminom.
Wala silang clue kung paanong nangyari ang sinasabi ni Jarred. Maniniwala sila kung si Jarred ang magsasabing ayaw na nito kay Ella, dahil kilala nila ang kaibigan. Ngunit si Ella, ramdam na ramdam nila ang pagmamahal nito kay Jarred. Kaya paanong nangyari? Anong dahilan?
Patuloy lang sa pag-inom ng alak si Jarred. Kahit pigilan nila ay ayaw naman nitong magpapigil. Ilang beses din nilang tinawagan si Ella ngunit hindi naman sila sinasagot ng dalaga. Kahit ang mensahe nila ay hindi nito sinagot.
Dahil na rin siguro sa sobrang kalasingan ay nakatulugan na rin ni Jarred ang pag-inom. Naging taga linis tuloy silang dalawa ng binagyong bahay. Matapos maihiga si Jarred sa kama.
Patapos na silang maglinis ng kwarto ng makatanggap sila ng mensahe kay Ella. Nagkatinginan pa sila ng kompirmahin nitong hiwalay na nga ito at si Jarred. At si Ella talaga ang nakipaghiwalay.
"Anong dahilan Ella?" sabay pa nilang sambit ng biglang sagutin ni Ella ang tawag. Tumatakbo lang ang oras. Madami na silang sinabi kay Ella ngunit wala ng naging sagot ang dalaga sa tanong nila. Sa tingin nila ay nakikinig lang ito sa bawat sasabihin nila. Hanggang sa si Ella na rin ang pumutol ng tawag na wala namang nasambit na kahit na anong salita.
Samantala, madaling araw na ng nakabalik si Ella sa bahay nila. Sa tingin naman niya ay natutulog na ang mommy niya kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na buksan ang front door. Ngunit pagkabukas pa lang ng pintuan ay bigla na lang siyang sinalubong ng malakas na sampal.
"M-mommy," nauutal pa niyang saad habang nakatingin sa mommy niyang nanlilisik ang mga mata sa galit sa kanya.
"Akala ko matino ka. Hindi naman kita pinalaking malandi. Pero ano itong ginagawa mo sa sarili mo Ella. Bakit ka nagkakaganyan?" galit na sabi ng mommy niya. Hawak pa rin niya ang pisngi na sinampal nito.
"Ano yang larawan na iyan?"
Halos ipagduldulan pa ni Elizabeth ang cellphone niya sa mukha ng anak. Iyon ay larawan niya habang hinahalikan siya noong lalaki sa park. Inaasahan na naman niyang magagalit ang mommy niya ng dahil sa bagay na iyon. Katatapos lang nilang maghiwalay ni Jarred tapos nakikipaghalikan na siya sa iba. Sabagay bago naman siya umalis ng bahay. Sinabi naman niyang makikipagkita siya sa lalaki niya.
Mula kay Jarred ang larawang iyon. Pero hindi siya nagagalit sa binata. Deserve niya ang galit ni Jarred at ng mommy niya. Mas mabuti na rin iyon para sumiksik sa isipan ni Jarred na hindi siya karapat-dapat sa binata. Isa siyang walang kwentang babae. Isang makasalanang nilalang.
"Naniniwala na po ba kayong hindi ko mahal si Jarred kaya po nakipaghiwalay na ako sa kanya. Ayaw ko na pong makipagrelasyon kay Jarred," proud pa niyang sagot.
Dahil na rin siguro sa hindi mapigilang emosyon na nadarama ay ilang beses pang sinaktan ni Elizabeth ang anak. Hindi ito ang anak niya. Hindi ito si Ella niya, mga salitang pilit na sumasagi sa isipan niya.
Sasampalin sanang muli ni Elizabeth si Ella ng pigilan ito ni Roi. "Tama na iyan hon. Baka kung mapaano ka pa ng dahil sa galit mo."
"Tama ka, tama na. Hindi iyan ang anak ko Roi. Kaya hindi na dapat pag-ubusan pa ng panahon. Basura lang ang babaeng iyan."
Biglang tumalikod si Elizabeth at iniwan si Roi at si Ella. "Wag mong hahayaang makapasok ng kwarto niya ang babaeng iyan Roi," mariing saad ni Elizabeth na ipinagtaka ng anak.
Napahagod naman ng tingin si Roi kay Ella. Hindi maiipagkaila ang magandang hubog ng katawan ng dalaga. Lalo na ng tumuntong ito ng dise otso. Mula sa front door ay natagpuan na lang ni Ella ang sarili na nasa loob na siya ng bodega.
Nakatingin lang si Ella kay Roi.Walang emosyon, walang damdamin. Parang patay na humihinga. Malamig at nakatingin sa kawalan. Ilang minuto pa ang lumipas at bumalik sila sa sala. Sakto namang paglabas ni Elizabeth sa kwarto ni Ella ay may dala itong isang malaking maleta.
"Lumayas ka na dito!" Sigaw ni Elizabeth sa anak at pabagsak pang hinagis sa harapan ng dalaga ang maletang iyon.
Gulong-gulo ang utak ni Ella. Sa sakit na kanyang nararamdaman. Ngayon pinapalayas na siya ng mommy niya sa bahay nila. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o dapat bang magmakaawa. Ngunit mas nanaig ang una.
Halata naman ang gulat sa mukha ni Roi. "Ano sinasabi mo Elizabeth? Madaling araw at delikado sa daan. Ano bang nangyayari sayo? Anak mo yang pinapalayas mo. Hindi pwede, pumasok ka na sa kwarto mo Ella," saad ni Roi.
"Tama lang ang desisyon kong palayasin ang batang iyan. Total naman ay malaki na siya. Mukha namang kaya na niyang buhayin ang sarili niya. Kung tutuusin mas naaawa ako kay Jarred. Alam ko kung gaanong pagmamahal ang ibinuhos ng binatang iyon sa anak ko. Pero anong ginawa niya. Hindi ko kailangan ng anak na walang utang na loob," hinihingal pang saad ni Elizabeth.
"Huminahon ka Elizabeth, wag kang magpadalos-dalos."
"Sige Roi, kampihan mo ang batang iyan at mag-aaway tayo." Wala namang nagawa si Roi, kundi ang manahimik.
"Lumayas ka na," ulit pa ng ina. "Wala akong anak na katulad mong malandi. Mula sa araw na ito. Ituturing kong patay ka na!" Halos madurog ang puso ni Ella sa sinabing iyon ng ina. Pero lahat ng iyon ay buong puso niyang tatanggpin.
Wala ng nasabi si Ella ng ipagtulakan siya ng mommy niya palabas ng bahay at pagsarhan siya ng pintuan. Ang mga luhang kanina ay pilit niyang pinipigilan ay hinayaan na niyang maglandas sa kanyang magkabilang pisngin.
"Patawad mommy. Sana dumating ang panahon na mapatawad mo po ako. Ikaw lang ang lakas ko mommy. Kahit malayo na ako sayo. Hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo kahit galit ka na po sa akin ngayon. Mahal na mahal kita mommy. Daddy," bulong pa niya at tumingin sa madilim at malawak na kalangitan. "Gabayan mo po palagi si mommy. Kahit po hindi na ako. Hindi naman po mahalaga na ang buhay ko. Kung kukunin mo lang sana ako daddy ngayon. Sasama na po ako sayo," umiiyak na sambit ni Ella bago niya dinampot ang maleta na naglalaman ng mga gamit at damit niya.
Ngayon hindi niya alam kung saan siya pupunta. Gusto man niyang puntahan si Hanna. Ngunit mas nanaig sa kanya ang huwag na lang. Siguro iyon na ang huling beses na makakatungtong siya sa lugar na iyon.
"Aalis na po ako, paalam mommy. Hanggang sa muli nating pagkikita kung darating pa po ang araw na iyon," aniya habang nakatingin sa nakasaradong pintuan.
Habang binabagtas ni Ella ang daan papalayo sa bahay nila ay hindi niya napansin ang isang bulto na nakatingin sa kanya mula sa bintana. Umiiyak habang nagsisisi sa lahat ng sinabi nito sa dalaga. Ngunit walang balak na bawiin ang lahat ng sinabi niya.