Chapter 3

1665 Words
"Ano yan?" nagtatakang tanong ni Ella habang nakatingin sa bulaklak at teddy bear na may yakap pang chocolate na hawak ni Hanna. Itinapat kasi ng huli, iyon sa kanyang mukha at halos wala ng espasyo sa pagitan nila. Kaya naman medyo itinulak niya si Hanna. "Flowers and bear na may hawak na kasweetan for you. Galing sa masugid mong manliligaw. Not far, not near, pero nasa kabilang pader," napahagikhik pa si Hanna sa sinasabi nito sa kanya. Napaikot naman ni Ella ang bolang itim ng mata dahil sa sinabing iyon ng kaibigan. Wala namang ibang masugid na manliligaw na nasa kabila ng pader kundi si Dave. Mabait, matalino at gwapo si Dave. Nasa kabilang section lang ito. Mula ng makagraduate si Jarred ay bigla na lang nagsulputan ang napakadami niyang manliligaw. Lahat naman ay binasted niya. Ni isa wala siyang pinagbigyang sagutin. Si Dave lang ang natirang makulit. Busy siya sa pag-aaral, na totoo naman. Iyon ang palaging sagot niya sa mga ito. Kasabay noon ang paghawak niya sa pendant na singsing na bigay ni Jarred. "Sayo na lang," pagtanggi niya. Napanguso naman si Hanna. "Ang tagal ng nanliligaw sa iyo noong tao Ella hindi mo pa rin ba mapapagbigyan?" Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ella bago hinarap ang kaibigan. "Hanna wala sa tagal o bilis ng panliligaw ang basehan para sagutin ng oo ang isang tao. Nandito," aniya at itinuro pa ang dibdib sa tapat ng kanyang puso. "Ni minsan ay hindi ko binigyan ng chance si Dave. Sinabi ko na kaagad ang nararamdaman ko noong simula pa lang. Isa pa napakabata pa natin." "Matanda ako sayo ng isang taon." "Okay, ikaw. Fifteen pa lang ako Hanna. Pero isang lalaki lang naman ang gusto kong sagutin," aniya na parang kinikilig pa. "Wait. What? Ibig sabihin?" Mabilis na tumango si Ella kaya naman napatili si Hanna. Tumakbo palabas ang kaibigan. Hindi niya alam kung saan ito pupunta kaya hinayaan na lang niya at muling bumalik sa ginagawa. Ilang minuto pa ay bumalik muli si Hanna, dala pa rin ang flowers at bear na galing kay Dave. "Akala ko ibinalik mo na yang kay Dave. Bakit dala mo ulit pabalik?" "Kasi sinabi kong may boyfriend ka na. Kaya naman, kay sa naman daw masayang ay sa akin na lang ito," masayang saad ni Hanna na ikinailing niya. "Pero sabi ni Dave kung pwede daw pagbigyan mo siya sa isang date," napakunot noo naman si Ella dahil sa sinabi nito. "Akala ko ba okay lang kay Dave. Pero bakit may pag-aaya ng date?" Inilapit naman ni Hanna ang bibig sa may tainga ni Ella at bumulong. "Kasi may pustahan sila ng mga barkada niya pag hindi ka niya maiidate hanggang bukas, lahat ng allowance ni Dave mapupunta sa barkada niya. One month allowance din yon ang it's a deal. Kaya sana daw pagbigyan mo siya. Isa pa kasama din ako, chaperone. Sa kabilang table lang para naman daw hindi ka mailang. Pagbigyan mo na." Napaisip naman si Ella. Wala naman sigurong masama isa pa busy din naman si Jarred sa trabaho nito ayon sa pagkakaalam niya. Dahil wala itong paramdam isang linggo na. "Sige, mamaya, basta kasama ka ha. Hindi mo ako iiwan sa ere." "Promise," aniya at iniwan na naman siya ng kaibigan at nagtungo na naman sa labas. Alas sais ng hapon ng magtungo sila sa isang fine dining restaurant. Sa labas pa lang ay kitang-kita nila ang karangyaan. Hindi maiipagkaila na mayaman si Dave para dalahin siya sa lugar na iyon. Kasama naman niya si Hanna. Mabuti na lang at may sundo si Hanna kaya nagpaderetso sila sa bahay nila para makapagpalit ng damit. Pinahiram na rin niya si Hanna ng masusuot nito. Magtatagal pa kasi pag-uuwi ito sa kanila. "Papasukin kaya tayo?" Natawa naman si Hanna sa tanong niya. "Syempre naman. Kahit fifteen ka palang dalagang-dalaga na ang hubog ng katawan mo. Isa pa kakain lang naman tayo kaya tayo nandito at hindi iinom. Restaurant ito remember, hindi bar." "Sabagay, basta salamat Hanna kasi kasama kita. Kung alam ko lang na ganito dito, hindi na rin ako pumayag. Mayaman naman pala talaga si Dave. Bakit siya matatakot na matalo sa pustahan," paismid pa niyang saad na tinawanan lang ng kaibigan. "Nasa hundred thousand din kasi ang allowance ni Dave sa isang buwan. Mga budol pa naman ang mga kaibigan nun." "Grabe wala na akong masabi," sagot na lang niya ng makita sila ni Dave at ito na ang nagsundo sa kanila sa may entrance. Naging maayos naman ang dinner date nila. Pasulyap-sulyap naman si Ella kay Hanna na nasa kabilang side na sa tingin niya kay kinikilig sa kanila ni Dave kahit alam nito na isa lang naman ang lalaking gusto niya. Alas otso na ng magpasya silang umalis na sa restaurant. Sobrang nag-enjoy si Ella. First time niyang makipagdate sa lugar na iyon. Nag-enjoy din siya sa tumutugtog ng piano at sa gumagamit ng violin. Inalalayan pa siya ni Dave pagtayo. "Thank you for this wonderful night Ella. Nag-enjoy akong kasama ka. Although alam naman nating basted ako. Pero masaya pa rin ako kasi alam ko naman na simula pa lang hindi mo na ako pinaasa ako lang ang medyo makulit." "Wala iyon, Nag-enjoy din naman ako." "Can I hug you?" paalam ni Dave kaya napatango na lang si Ella. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Dave kay Ella, tinugon naman iyon ng dalaga. "Thank you Ella," ani Dave at masuyong hinalikan ni Dave ang noo ng dalaga. Matamis namang ngumiti si Ella sa napakasweet gestures na iyon ni Dave. Narinig pa niya ang pagtili ni Hanna na hindi niya nabigyan ng pansin. Ngunit bigla din siyang natigilan ng makita ang lalaking isang linggo ng walang paramdam sa kanya. Miss na niya ito, ngunit sa ilang mensahe niya wala itong reply. Kasama nito ang dalawang kaibigan na papasok sa loob ng restaurant na iyon. Halos mapako si Ella sa kanyang kinatatayuan ng mapansin niya ang pagpapalipat-lipat ng tingin ni Jarred sa kanya at kay Dave na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa kanyan. Hindi tuloy niya alam ang sasabihin. Parang nagbabara ang kanyang lalamunan sa mga oras na iyon. Mabilis na tumalikod si Jarred, kasama ng dalawang kaibigan nito. Huli na ng masambit niya ang pangalan ng binata. Hindi na siya nito narinig. "Alam kong na misunderstood ni Jarred ang nakita niya. At alam kung siya ang gusto mo. Dito ka lang kakausapin ko siya." "No, no, Dave. Ako ng bahala." "Ella," malungkot na tawag sa kanya ni Hanna. "Paano ka Hanna?" "Kaya ko na ang sarili ko. Papahatid na lang ako kay Dave. Di ba Dave?" tanong nito sa binata na ikinatango naman ni Dave. "Pero paano ka?" "Kaya ko na ang sarili ko. Kailangan kong makausap si Jarred." "Alam mo ba kung saan siya pupunta ngayon?" "Oo ako ng bahala. Aalis na ako." Mabilis na tumawag ng taxi ni Ella. Alam niyang sa condo lang nito naglalagi si Jarred kasama ng dalawang kaibigan nito na may sarili ding unit sa building kung saan naroon ang condo ni Jarred. Medyo naipit pa siya ng trapik kaya naman halos hindi na siya mapakali. Ilang beses niyang pinindot ang doorbell ngunit walang nagbubukas. Tinatawagan na rin siya ng mommy niya dahil may ipapakilala daw ito sa kanya. Kaya inaasahan nitong uuwi siya ng eight ng gabi. Pero mukhang hindi niya magagawang makauwi ng maagap ngayon. "Jarred, please open the door," umiiyak niyang saad ng bumukas nga ang pintuan. Ngunit si Teo ang nakita niya. "Nasaan si Jarred? Please naman oh. Mali kasi siya ng iniisip. Mali iyong nakita niya hindi iyon yon," matigas niyang saad na halos pangapusan na rin siya ng hininga dahil sa pag-iyak. Nakarinig pa siya ng pagbabasag ng gamit muli sa loob. "Bukas na kayo mag-usap Ella, lasing na si Jarred. Actually nakainom na iyon kanina eh. Gawa ng nakuha noong isang company ang design niya. Inaya kaming uminom kaya sumama kami. Nagtungo lang kami doon sa restaurant kanina kasi naalala ka niya. Halos isang linggo na daw siyang walang paramdam sayo. Iyong pastry chef doon ang gumagawa ng cake na paborito mo kaya naman wala kang mabibili noon sa labas. Kaya lang iyong babaeng ibibili niya ng cake, nandoon sa restaurant na iyon may kayakap pang ibang lalaki. Nasaktan lang iyong tao," paliwanag pa ni Teo. "Umuwi ka na Ella, or much better iuwi na kita. Mas magwawala ang isang iyon pagnapahamak ka pa." "Hindi ako uuwi hanggat hindi ko siya nakakausap. Mali nga kasi iyong nakita ninyo." "Ano bang mali doon Ella? Halos tatlong taong nanliligaw sayo ang kaibigan ko. Mula ng makilala ka niya. Babaero iyon ngunit nagbago ng dahil sayo. Pero ganoon na lang ang makikita niya. Sana hindi mo na lang siya pinaasa. Okay mali kami. Alam naming bata ka pa at alam naming mas hahanapin mo ay ang kasing edad mo." "Teo naman eh, makinig ka nga. Walang matatapos kung hindi mo ako papapasukin. Mas lalong hindi ko siya makakausap kung nandito ako, habang si Jarred nandoon sa loob at nagwawala." Wala na ring nagawa si Teo ng itulak siya ni Ella at mabilis na pumasok sa loob ng condo ni Jarred. Sobrang gulo ng loob. Basag ang mga vase pati na rin ang flat screen t.v. ay basag. Sa kusina ay naabutan ni Ella si Jarred na sinasaway ni Nald sa pag-inom nito ng alak. Ilang bote ng beer ang basag at nagkalat sa sahig. "Jarred," tawag niya sa pangalan ng binata. Dahan-dahang iniangat ni Jarred ang ulo nito mula sa pagkakayuko at nakangising humarap sa kanya. Napaatras ng isang hakbang si Ella ng magtama ang kanilang paningin ni Jarred. Halos manlamig ang katawan ni Ella sa titig na iyon ng binata. Ngunit kailangan niyang lakasan ang loob para makausap ito. Lalo na at sa pagkakaalam naman niya sa sarili niya ay wala siyang ginagawang masama. Higit sa lahat hindi siya tumalikod sa pangako niya dito mula ng tanggapin niya ang singsing na pendant ng kwintas na bigay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD