Chapter 2

1921 Words
Napatingin si Jarred sa babaeng kapapasok lang ng kanilang tambayan. Matiim itong nakatingin sa kanya. Ngunit hindi naman gaanong pinagtuunan ng pansin ng huli at ipinagpatuloy lang nito ang kanina pang ginagawa. Napasulyap din si Nald at Teo sa may pintuan ng bigla iyong malakas na bumalya dahil sa pagkakabukas ng pintuan. "Jarred! What's wrong with you?" inis na tanong ng babae na parang maiiyak pa sa kinatatayuan nito. "It's the number six around the corner," natatawang saad ni Teo habang nakatingin sa babae. "Ilan pa kayang babae ang magtatanong ng tanong iyan? Miss hindi mo ba nakikita, nagbabagong buhay na itong kaibigan namin. Ilang buwan na iyang naliligo ng holy water. Accepting this fvcking a*shole. I mean the fvck, the fact na wala na ang dating Jarred. Okay," paliwanag ni Nald. "Pero nangako si Jarred na ako ang magiging girlfriend niya this month. Pangako niya iyon five months ago. Ang tagal kong hinintay ng araw na ito. Pero bakit hindi na pwede?" naiiyak ng saad ng babae at napaupo pa ito sa sahig. "Alam mo miss, know your worth as a lady. Wag mong ibaba ang level mo sa ganyan. Noong una kahit umamin si Jarred na kayong mga babae din ang dahilan kaya siya nakilalang babaero ay duda ako. Pero sa nakikita ko ngayon, pang-anim ka na. Mukhang pinagbibigyan nga lang kayo ng kaibigan namin. Nagmamakaawa kayo para maging girlfriend ng isang ito?" sabay turo ni Teo sa wala namang pakialam na si Jarred. Busy ito sa paggawa ng design na iniutos ng isang teacher ni Ella. Matagal ng nagpapagawa ng design sa kanya ang teacher na iyon ni Ella. Pero palagi siyang walang time. Pwede naman kasing magpagawa sa professionals. Kaso mukhang nagtitipid, kaya ayon at iniutos sa babaeng kanyang nililigawan. Kaya hindi na niya matanggihan. "Nakikinig ka ba Jarred?" inis na saad pa ng babae habang patuloy lang siya sa ginagawa. "Leave me alone Kisha, I'm busy." "Busy? Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo sinong maniniwala sayo? Maraming nakakakita sayo na kasama iyong first year students na mukhang nene pa. Hindi ka ba kinikilabutan sa sarili mo? Pati iyong bata pinapatulan mo?" Matiim na tiningnan ni Jarred ang babae. Wala naman siyang balak pansinin ito ngunit nagpanting yata ang tainga niya ng dahil si Ella ang tinutukoy nito. "Miss umalis ka na. Nagkamali ka ng salita na ginamit," pagtataboy ni Nald. Bigla namang parang umurong ang dila ng babae. Ang kaninang tapang na pinapakita nito ay parang leon na natrap sa isang kulungan. Bigla na lang itong nawalan ng sasabihin at namutla. "Marunong ka rin naman palang makuha sa tingin. Don't mess with the queen. If you don't want to feel the wrath of the king," ani Teo at tinalikuran na sila ng babae. Ngunit bago pa ito lumabas ay nag-iwan muna ito ng isang pagbabata sa kanila. "Hindi ako naniniwala na magseseryoso ka sa isang bata. Alam kong darating din ang panahon na hahanap at hahanap ka rin ng kasing edad mo at kasing init mo," inis pa nitong litanya. "At hindi ikaw iyon," dagdag ni Nald na ikinatawa nilang tatlo. Bago nagmamadaling lumabas ang babae sa tambayan nila at pabalibag na isinara ang pintuan. "Ang lakas ng isang iyon ah. Siya lang ang nambalibag ng pintuan natin," ani Teo na ikinatawa muli nilang tatlo. "Pero ito seryoso. I'm so proud of you Jarred. Halos hindi na kita makilala. Nililigawan mo pa lang si Ella, pero talagang hindi ka na pumapansin ng ibang babae." "And take note, ilang buwan na rin mula ng walang babaeng nadadala si Jarred sa kama. Imagine noon sa isang linggo parang lalagnatin na si Jarred. Ngayon buwan na ang nakakalipas, pero parang wala lang sa kanya. Unbelievable," hindi makapaniwalang saad pa ni Teo na sinang-ayunan lang din ni Nald. Napailing na lang si Jarred sa mga kalokohang pinagsasasabi ng dalawa. Ngunit hindi naman niya masaway lalo na at may katotohanan din naman ang sinasabi ng mga ito. Hindi sila mapagkunwari at totoo sila sa mga sarili nila. Kaya siguro sila ay magkakasundong magkakaibigan. "Ella," tawag ni Jarred sa pangalan ng dalaga. "Tara na iuuwi na kita sa bahay ninyo mukhang uulan pa." Sabay naman silang napatingin sa kalangitan. Napupuno nga iyon ng maiitim na ulap at lumalamig na nga ang ihip ng hangin. "Pero ang daddy." "Ella, hindi gugustuhin ng daddy mo na pabayaan mo ang sarili mo. Nasa bahay na ninyo ang mommy mo. May mommy ka pa na masasandigan. Kung gaano mo kakailangan ang daddy mo, ganoon ka namang kakailangan ng mommy mo sa mga oras na ito. Wag mong hayaan na matalo ka ng lungkot Ella. Nandito lang ako para sayo. Pati ang mga kaibigan ko ay kaibigan mo na rin. Si Hanna na nagsabing siya daw muna ang sasama sa mommy mo, kasi nandito ka pa. Nagtext siya," sabay pakita ni Jarred ng mensahe ni Hanna. Kahit papaano ay napakaswerte niya sa mga kaibigan na nakapaligid sa kanya. "Thank you Jarred." "I love you Ella," anito na ikinangiti ni Ella. Bago pa bumuhos ang malakas na ulan ay nagpasya na silang umuwi ng bahay nila. Naabutan nga nila si Hanna doon habang kausap ng mommy niya. Tinakbo ni Ella ang pwesto ng mommy niya at mahigpit na niyakap. Mula ng mawala ang daddy niya, ang una at huling yakap niya sa ina ay noong bagong dating lang ng bahay ang daddy niya. Mula noon ay hindi na niya napagtuunan ng pansin ito. Ngayon lang ulit, kung hindi pa dahil sa sinabi ni Jarred, parang mawawalan pa siya ng panahon sa ina. Wala naman itong kasalanan. Ngunit pakiramdam ni Ella noon nag-iisa na lang siya. Nawala sa isip niya ang mommy niya. Kaya naman ngayon, kahit mahirap tanggapin ang pagkawala ng daddy niya, ang mommy lang niya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya ngayon. "Salamat mommy at sorry po kung muntik na kitang makalimutan." "Wag kang mag-alala anak. Hindi naman nangyari di ba? Tayo na lang ang magkasama kaya naman pipilitin kong maging mabuting ina para sayo. Mahal na mahal kita Ella. Tulad ng pagmamahal ng daddy mo sayo." "I love you too mommy." Matapos ang makabagbag damdamin na tagpo na iyon ay nagpaalam na rin si Jarred sa kanila. Ito na rin ang naghatid kay Hanna sa bahay ng mga ito. Days passed and the pain was almost gone. The pain and sorrow is like now just a memory. The saying that, time heals the wound is true. And the memory of her daddy will always remain in Ella's heart. Itinuon ni Ella ang buong atensyon sa pag-aaral. Oo nga at naging busy siya ngunit walang araw na hindi niya mararamdaman na nasa tabi lang niya palagi si Jarred. Hanggang isang araw tapos na pala ang unang taon niya sa high school at tapos na rin pala sa pag-aaral si Jarred. Habang nasa bahay ay inaabala na lang ni Ella ang sarili sa kung ano ang mga pwedeng gawin sa loob ng bahay nila. Ang mommy naman niya ay naging busy rin sa boutique na ipinatayo nito sa may bayan. Iyon na ngayon ang tumutustos sa kanilang mag-ina sa kanilang pangangailangan. Doon na rin sila kumukuha ng panggastos niya sa pag-aaral niya. Bago ang graduation ay dumalaw si Jarred sa bahay nila. Masasabi niyang napakagwapo nito. Matured ng tingnan. Sino bang hindi? Jarred is twenty three na babaero. Ayon sa naririnig niya. Pero hindi niya maiwasan ang binata. Ito ang naging sandalan niya maliban sa mommy niya at kay Hanna mula ng mawala ang daddy niya. Pero mula ng sinasabi nga ng binata na liligawan siya nito at nagsimula na ngang manligaw. Napansin niyang halos bumata ito ng limang taon. Ewan ba niya kung siya lang ang nakapansin noon. Ngunit noong isang beses na tinanong siya ng mommy Elizabeth niya kung sixteen lang ba daw si Jarred dahil napakatangkad ay hindi masasabing sixteen lang ito kaya ay natawa naman siya. Doon niya inamin na fourth year college na si Jarred at gagraduate na. Hindi naman nito pinagbawalan si Jarred sa panliligaw sa kanya. Pero palagi naman siyang pinapaalalahanan ng mommy niya na palagi naman niyang isinasapuso. Na madali lang ang mag-asawa ang mahirap ay ang mabuhay ng maayos lalo na kung magsisimula sila sa mali at kung mga bata pa sila, lalo na siya. Alam naman niya iyon at sinusunod naman niya ang lahat ng payo ng mommy niya. Isa pa mabait si Jarred higit sa lahat may respeto. Sana lang mahintay siya nito hanggang sa handa na siyang maging kasintahan ito. "Pasok ka," aniya at niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan. Naupo naman sila sa may salas habang nakabukas ang t.v. Wala doon ang mommy niya, mamaya pang alas otso ng gabi ang uwi nito. Habang alas sais pa lang sa mga oras na iyon. "Bakit nadalaw ka. Graduation n'yo na bukas. Wala ka na sa susunod na taon sa university. Congratulations nga pala," sunod-sunod niyang saad. Sa katunayan ay malungkot din siya na hindi na niya makikita sa university ang lalaki. Pero iyon naman ang dapat. Tapos na ito ng pag-aaral. Habang siya ay nagsisimula pa lang sa tunay na hamon bilang estudyante. Isa pa wala silang relasyon. Hindi dahil sa ayaw niya. Kundi sa sitwasyon ngayon, at iyon ang tama dahil sa edad niya. "Ella, hindi ako sanay ng ganito na ako ang lumalapit at nanliligaw sa isang babae. Pero iba ka sa lahat ng nakilala ko. Tulad ng sinabi ko sayo, handa akong maghintay hanggang sa pwede na at gusto mo at handa ka ng pumasok sa isang relasyon kasama ako. Gusto ko lang humingi ng assurance, lalo na at aalis ako ng university. Kailangan ko na ring magtrabaho at paghandaan ng future natin," nakangiting saad pa ni Jarred. "Napakatagal pa noon Jarred kung iisipin mo." "Kaya nga hindi ko iniisip ang tagal. Ang iniisip ko ngayon ay kung may pag-asa ba akong maging boyfriend mo." "Hindi pa ako handa," pag-amin niya. "Hindi naman kita minamadali. Wear this ring kung handa ka ng maging boyfriend ako." Inilabas ni Jarred ang isang simpleng singsing. Hindi siya masasabing engagement ring. Mas magandang sabihin na promise ring. "Wear this ring pag handa ka na. Sa ngayon gawin mo munang pendant," ani Jarred at inilabas ang isang chain necklace at iyong singsing ang ginawang pendant. "May aasahan ba ako?" may kabang tanong ni Jarred na ikinatango ni Ella. Napatalon pa si Jarred na wari mo ay sinagot na niya. "Hoy, hindi pa kita sinasagot," sita niya sa binata. "Hindi pa ba?" Napasimangot naman si Ella sa sinabi nito na nginitian naman ni Jarred. "Biro lang. Maghihintay ako. Sa ngayon isuot mo muna itong kwintas. Sana sa mga susunod na taon makita ko na lang ang singsing na iyan sa daliri mo. Kasi sinasagot mo na ako bilang boyfriend mo." Napatango na lang si Ella sa sinabing iyon ni Jarred. Nagpaalam na rin ang binata dahil kailangan pa niyang paghandaan ang graduation ng mga ito kinabukasan. "Pupunta ka ba?" tanong ni Jarred ng nasa tapat na sila ng sasakyan nito. "Oo naman nakakahiya naman sa masugid kong manliligaw," birong totoo ni Ella. Hinalikan naman ni Jarred ang noo ng dalaga. "Pampaswerte," anito at mabilis na hinayon ang driver seat. Nangiti na lang si Ella sa inasal ng binata. "Sinong hindi magkakagusto sayo," bulong pa niya habang kumakaway sa papaalis na sasakyan ng binata. "Bakit kasi ang aga mong ipinanganak habang ako medyo late ng sampung taon," dagdag pa ni Ella at pumasok na rin sa loob ng bahay ng mawala na sa paningin niya ang sasakyan ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD