Chapter 1

1936 Words
"Mommy!" malakas na tawag ni Ella sa kanyang ina habang papasok siya sa loob ng bahay. Tinawagan siya ng mommy niya habang nasa school siya at sinabing umuwi ng bahay. Hapon na iyon at dalawang subject na lang ay mag-uuwian na. Ngunit hindi na nakapaghintay ng uwian ang mommy niya at mabilis siyang pinauwi. Kinakabahan man ay nilakasan niya ang kanyang kalooban para makarating ng bahay nila. Nararamdaman niyang mayroong hindi magandang nangyari ngunit tikom ang bibig ng mommy niya kung ano man ang bagay na iyon. Umiiyak kasi ang boses ng mommy niya ng tawagan siya nito. Mabuti na lang at walang aberya sa pagpapaalam niya sa school at pinalabas siya kaagad ng gwardya. Sa tingin niya ay alam ng mga ito ang dahilan ng pagpapa-uwi ng mommy niya sa kanya, ngunit hindi na niya nagawang magtanong pa. Mabilis niyang tinakbo ang papasok sa loob ng kwarto ng mga magulang niya. Ngunit wala doon ang mommy niya. Ilang sandali pa at biglang may tumigil na sasakyan sa harap ng kanilang bahay. Kaya mabilis siyang lumabas. Ngunit laking panlulumo niyang hindi iyon pangkaraniwang sasakyan. Tatlong sasakyan ang huminto sa harap ng kanilang bahay. Ang isang sasakyan ay nagbababa ng mga itim na upuan at kung anu-ano pa. Ang isa naman ay inilalapag ang isang malaking tent na gagawing silungan ng mga tao. Gulong-gulo ang isipan ni Ella sa kung ano ang nangyayari. Bakit may dumating na ganoong bagay sa harapan ng bahay nila at inaayos ng mga hindi niya kilalang tao. "Ano pong nangyari?" tanong pa niya sa isang lalaki na sa tingin niya ay hindi narinig ang kanyang sinabi dahil napakahina noon at halos walang boses na lumabas sa kanya. Napatingin naman siya sa isang sasakyan na mula sa passenger seat ay lumabas ang mommy niya. Hilam ang mga mata at halos namamaga na rin dahil na rin sa matagal na pag-iyak. "M-mommy ano pong i-ibig sabihin nito? M-mommy," nauutal niyang sambit habang hindi na rin mapigil ang pag-iyak. Lalo lang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso, at lalong naguluhan sa mga nangyayari. "Maam iaayos na po namin ang mga gagamitin sa burol sa loob po ng bahay ninyo," ani ng isang lalaki sa mommy niya. Tumango ang mommy niya bilang sagot. "M-mommy," tawag niyang muli sa ina at mabilis niya itong nilapitan. Mahigpit naman siyang niyakap ng ina. Doon mas lalo niyang naramdaman ang bigat na dinadala nito. "Ano bang nangyayari mommy? Naguguluhan ako, ngunit gusto kong sabihin mong panaginip lang lahat. Panaginip lang ito mommy," aniya ng makita ang larawan ng pamamaalam sa isang tarpaulin na ikinakabit ng isa sa mga tauhang nag-aayos lang ng tent kanina. Lalo lang siyang naiyak. "Wala na ang daddy mo Ella. Habang papasok siya ng trabaho ay hindi sinasadyang nahagip ang sinasakyan niya ng isang rumaragasang ten wheeler truck. Nawalan iyon ng preno at natumbok ang sasakyan ng daddy mo. Dead on arrival sa ospital. Kahit ako, hindi ko naabutan ang daddy mo Ella. Wala na ang daddy mo," umiiyak nitong saad. Mabuti na lang at naalalayan sila ng isang lalaki at nabigyan kaagad sila ng mauupuan. Kung hindi ay baka sabay silang bumagsak ng mommy niya sa semento. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ni Ella sa sinabing iyon ng mommy niya. Sa nakikita niya ay nahuhulaan na niya ang nangyari. Pero bakit ang bilis naman? Lalo lang siyang nanlumo na mula sa sasakyan ay inabas ng ilang kalalakihan ang isang gray casket kung saan doon nakahimlay ang daddy niya, at marahang ipinasok sa loob ng kanilang bahay. Kung saan doon ito mananatili bago ihatid sa huling hantungan. Masaya lang silang nag-uumagahan kanina. Maaga siyang gumising para masabayan sa pagkain ang mommy at daddy niya. Ipinaparamdam nila na mahal nila ang isa't-isa. Walang pagsubok na hindi nila kakayanin basta magkakasama sila. Palaging sinasabi ng daddy niya na siya lang ang pinakamahalaga. Na siya ang kayamanan ng pamilya. Pero paano na ngayong wala na ang daddy niya. Paano na sila ng mommy niya? "Maam maayos na po. Tawagan na lang po ninyo kami kung may kailangan po kayo. Nakikiramay po kami," saad ng lalaki bago nagpaalam sa mommy niya. Isa-isa ng umalis ang mga sasakyang kanina lang ay nasa harapan ng bahay nila. Kahit ang mga lalaking kanina ay nandoon ngayon ay wala na. Dumating ang mga kapitbahay ay nagbigay ng pakikiramay. Pumasok ang mga ito sa loob ng bahay kasama ng mommy niya. Pero siya, nanatili kung saan man siya naroroon sa mga oras na 'yon. Hindi malaman ni Ella kung paano ihahakbang ang mga paa papasok sa loob ng bahay. Ang masayang tahanan nila, bagamat maliit ay maayos at puno naman ng pagmamahalan. Ngunit ngayon wala na siyang nakikitang kulay. Puro na lang puti at itim. Ang masasayang oras na kasama niya ang daddy niya ay magiging alaala na lang mula sa araw na iyon. Hindi na niya muling maririnig ang halakhak nito tuwing nagbibiruan sila. Hindi na niya mariring pang muli ang boses nito tuwing tinutukso siyang munting prinsesa kahit hindi daw siya si Sarah. Hindi na niya mararamdaman ang yakap nito tuwing bumabagsak siya sa exam para i-comfort siya. Hindi na niya mararanasan ang mahalin ng isang ama. Dahil sa mga oras na iyon iniwan na sila ng daddy niya. "D-daddy," tawag pa niya sa ama. Noong araw ding iyon ay nagtungo ang kanyang mga kaklase at mga guro para makiramay. Masakit mang-isipin ngunit alam niya sa kaibuturan ng puso niya na ang nais ng daddy niya ay matanggap niya ang pangyayaring iyon. Hindi lang siya, pati na rin ang mommy niya. Habang dumaraan ang araw ay nagtungo din doon ang ilang mga kakilala ng daddy niya. Ilang katrabaho, pati na rin ang boss nito. Naging malungkot ang paggunita sa masasayang pagkakataon na kasama pa nila ang daddy niya. "Daddy!" malakas na sigaw ni Ella habang inihahatid sa huling hantungan ang labi ng kanyang ama. "D-daddy bakit naman po ganito. Aalis ka na po bang talaga? Iiwan mo na po ba kami ni mommy ng lubusan? D-daddy, d-daddy," paulit-ulit niyang sambit hanggang sa tabunan na ng lupa ang puntod ng daddy niya. Hapon na ng araw na iyon ngunit ayaw pa ring umalis ni Ella sa tabi ng puntod ng daddy niya. Masakit man sa mommy niya ang nangyari ngunit ito ang nagpapakatatag para sa anak. Daddy's girl si Ella kaya hindi maiipagkaila na ganito ang reaksyon nito sa pagkawala ng asawa. Ngunit kahit hindi ito daddy's girl. Sino bang anak ang ganoong kabilis na matatanggap ang biglaang pagkawala ng ama? Walang sino man. Kaya naiintindihan niya ang damdamin ni Ella. Kahit siya ay sobrang nasasaktan sa pagkawala ng asawa. Sobrang sakit sa dibdib. Hindi talaga niya kaya, ngunit para kay Ella magpapakatatag siya. Kailangan niyang kayanin para kay Ella. "Ella." Napatingin si Ella sa lalaking nasa kanyang tabi na ngayon. Hindi niya inaasahang nandito ang lalaki. Alam niyang may defense ito ng thesis. Iyon ang sinabi nito sa kanya kagabi. Ngunit nandito ito ngayon sa tabi niya. Napalinga pa siya sa paligid. Ngunit sila na lang dalawa ang nandoon. "Hinahanap mo ang mommy mo? Pinauwi ko na si tita, may kasabay naman siya pag-uwi. Sinabi kong sasamahan kita ngayon at ako na ang bahalang mag-uwi sayo mamaya sa bahay ninyo. Ipinangako ko ring hindi ka aabutin ng dilim dito," paliwanag nito na mahigpit niyang ikinayakap sa lalaki. Umiyak lang ng umiyak si Ella. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung wala sa tabi niya ang lalaki. Hindi man niya masabi dito, pero napakaswerte niyang nakilala ang lalaking ito. Paano nga ba sila nagkakilala? Saan nga ba sila nagsimula? Nakaupo lang noon malapit sa may bench si Ella. Hanggang sa marinig niya ang tilian ng ilang estudyante, kaya naman na curious siya. Mula sa pagkakayuko sa kanyang mga notes at tiningnan niya ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Napangiti pa siya ng mapansing tatlong lalaki iyon na sa tingin niya ay mga college students ng university kung saan siya nag-aaral. "Ano kayang nakain ng mga college na ito at nadalaw sa high school department?" tanong pa niya sa sarili at muling ipinagpatuloy ang pagbabasa. Napangiti pa si Ella ng maalala ang itsura ng isang lalaki. "Hindi na masama, mga gwapo sila," wika pa niya ng maramdaman niya ang pagyugyog ng isang babae sa kanyang balikat. Sa mga oras na iyon ay naiisip na niyang sabunutan ang babae sa ginagawa nitong pang-aabala sa pag-aaral niya. "Magkakawatak-watak ang mga buto ko Hanna. Ano ba?" inis niyang sambit na ikinangiti lang ng babae. "Naku Hanna, balak ko ng sabunutan ka eh. Nakikita mo ba ang ginagawa ko?" "Ito naman, medyo naexcite lang eh. Hindi ka ba kinikilig. Hindi mo ba sila nakikita?" sabay turo ni Hanna sa tatlong lalaki na nakaupo sa may bench hindi kalayuan sa pwesto nila. "Anong akala mo sa akin bulag? Syempre nakikita ko sila. Tatlo sila, gwapo at college students. Ay ano namang problema doon?" "Iyan ang problema sayo. Bakit parang hindi ka man lang kinikilig sa kanila? Ang gagwapo nila oh." "Alam ko at nakikita ko. Pero hindi mapapataas ang grade ko ng mga gwapong nakikita mo. Kay bata-bata mo pang babaita ka. Kumikiri ka na. Doon ka muna sa iba mong kaibigan at magsama-sama kayong kiligin. Manyapat nasa inyo na ang korona ng pagiging nangunguna sa klase. Kaya sa inyo na iyang mga gwapo na iyan, ibigay na na ninyo ang oras na ito para makapagreview ako. Alis na, nandoon ang mga kaklase natin malapit doon sa tatlo," sulsol pa ni Ella kay Hanna. Sa halip naman na mainis ang dalaga ay natuwa pa nga ng makita ang ilan nilang kaklase na malapit sa pwesto ng tatlo at sa tingin pa ni Hanna ay nakikipagkwentuhan ang tatlo sa mga ito. "Sige na. Goodluck sa exam friend. Ako muna ay magtutungo sa mga lalaking naggugwapuhan." Nailing na lang si Ella at ipinagpatuloy ang pagrereview na ginagawa. Tatlumpung minuto pa ang lumipas at tumunog na rin ang bell. Inayos ni Ella ang gamit niya para pumasok na sa next subject niya, ng hindi niya napansin ang paglapit ng isang lalaki kaya nabangga niya nito at nabitawan niya ang hawak niyang libro. "Sorry," aniya at mabilis na dinampot ang libro niyang nasa semento. Pagtunghay ni Ella ay napansin niyang ito ang isa sa college students na nakaupo kanina sa may bench at pinagkakaguluhan ng mga estudyante kanina. "Sorry ulit, hindi ko napansin ang pagdaan mo," ani Ella at binigyan ng isang matamis na ngiti ang lalaki. Bagay na hindi niya inakalang doon magsisimula ang lahat para mapalapit ito sa kanya at maging magkaibigan sila. "Thank you Jarred," aniya matapos kusang tumigil sa pagluha ang kanyang mga mata. Sa tingin niya ay nasaid na ang mga luhang kanina lang ay walang tigil sa pag-agos. "All for you sweetheart. Palagi mong tatandaan na nandito lang ako. Handa akong maghintay kung kailan handa ka ng maging kasintahan ko. Kahit wala na ako sa university, palagi mong tatandaan na nandito lang ako para sayo. Lalo na ngayong kailangan mo ako. Hindi ako magsasawang iparamdam sayong mahal kita. Hindi ako nagmamadali. Para sayo kaya kung maghintay kahit gaano mang katagal," mahabang pag-amin ni Jarred na ikinayakap nito sa dalaga. Alam naman ni Jarred na hindi pa pwede sa relasyon si Ella lalo na at napakabata pa nito. Ngunit ng makilala niya si Ella ang sarili yata niya ngayon ang hindi na niya makilala. Alam niyang babaero siya. Parang damit lang ang tingin niya sa isang babae. Ngunit ng makilala niya si Ella, nagbago ang lahat. Ang damit lang ang turing niya noon, kristal na dyamante na ngayon. Kailangang ingatan, kailangan pahalagahan. Mahalin at alagaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD