Chapter 27

2015 Words
Nakalabas na rin sa ospital si Jarra. Kahit papaano ay masigla na ulit ito. Binigyan ito ng doktor ng gamot kung sakaling lalagnatin na naman ang bata. May ibinigay ding vitamins para kay Jarra. Nakatingin lang si Ella sa anak na naglalaro. Hindi niya malaman kung saan siya kukuha ng pera para maipagamot ang anak. Nandoon na naman ang mga luhang nagbabadya sa kanyang mga mata. "Ella, iiyak ka na naman ba. Pagsubok lang yan Ella. Malalampasan mo rin iyan. Hindi namin kayo pababayaan. Nandito lang kami ni Maric para sa inyong mag-ina. Gagawa tayo ng paraan. Makakahanap tayo ng pera." "Salamat po nay dahil nandyan kayo ni Maric. Iniisip ko pa rin nga po kung saan ako hahanap ng pera. Pero sobrang nagpapasalamat po akong sa ganitong panahon ay nandyan lang po kayo ni Maric para damayan ako. Maraming salamat po talaga nay." "Wala iyon Ella. Para na kitang anak, kaya naman lahat ng kaya kong maitulong ay tutulungan kita. Ganoon ka rin naman ng unang dating mo dito. Hindi mo kami kilala. Pero hindi ka nagdalawang isip na tulungan kami. Pero matanong ko lang Ella, hindi naman sa pinangungunahan kita. Hindi mo man lang ba naisip na sabihin sa ama ni Jarra ang tungkol sa anak niya." Ang tingin ni Ella na nakatuon sa anak ay bigla na lang napabaling kay Nay Angela. Nagulat naman ang matanda ng maramdaman niya ang panginginig ng kamay ni Ella. "Ella anong nangyayari sayo? Ella," kinakabahan ngunit pinipilit niyang lakasan ang kanyang loob. Hindi pwedeng magpanic. Tatlo lang sila doon. Siya, si Ella at Jarra. Wala pa si Maric. "Ella," tawag muli ni Nay Angela sa pangalan ng dalaga ng bumuhos bigla ang mga luha nito. Napasulyap naman si Nay Angela kay Jarra ng mapansing busy ito sa paglalaro ng lutu-lutuan nito at hindi napapansin ang nangyayari sa ina. "Ella." Takot. Iyon ang nararamdaman ni Ella sa mga oras na iyon. Ayaw niyang malala ang nakaraan ngunit heto na naman ang mga imahe na nagsasalimbayan sa kanyang isipan. Gusto niyang pigilan ang sarili sa nangyayari sa kanya, pero mukhang walang kontrol ang katawan niya sa isipan niya. "N-natatakot a-ako n-nay. N-natatakot a-ako," nauutal na saad ni Ella. Niyakap ni nay Angela si Ella. Hindi niya alam ang nangyayari pero alam niyang may pinagdadaanan si Ella. "Tahan na, hindi ko na ulit sasabihin ang bagay na iyon. Hindi na ako magtatanong, Ella. Ako lang ito, ako lang kasama mo. Si Nay Angela. Pakiusap anak kumalma ka. Para kay Jarra, Ella," bulong ni Nay Angela habang mahigpit pa ring yakap si Ella na mas lalo niyang ng nararamdaman ang takot at panginginig ng katawan ng dalaga. "A-ayaw k-ko po? M-mommy, m-mommy," paulit-ulit na sambit ni Ella habang patuloy pa ring umiiyak. Hindi naman nila napansin ang paglapit ni Jarra at bigla na lang yumakap sa ina. Nakatalikod si Ella sa anak kaya hindi nakikita ni Jarra na umiiyak ito. "Mama, bigyan mo ako lychee," ani Jarra ng unti-unting nawala ang panginginig ni Ella. "Mama," malambing pang saad nito ng bigla kumalma si Ella. Naramdaman iyon ni Nay Angela kaya nakahinga siya ng maluwag. Dahan-dahang bumitaw si Nay Angela kay Ella ang mga hilam na mata ni Ella at ang pisngi nito ay si Nay Angela na ang nag-alis ng mga luha. Isang ngiti naman ang ibinigay ni Nay Angela, bago siya umusal ng pasasalamat. "Mama, may lychee pa po?" malambing na saad ni Jarra kaya naman napangiti na si Ella. "Sige anak titingin ako. Kaso baka iilang piraso na lang iyon." "Ayos lang po mama, sabi po ni Tita Maric, maghahanap daw po ulit siya," napahagikhik pa si Jarra. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Ella. Ang kanyang anak talaga ang nagbibigay lakas sa kanya. Kaya naman gagawin talaga niya ang lahat para makahanap ng pera, para maipagamot ang anak. Kinagabihan ay masayang-masaya si Jarra ng madaming dalang lychee si Maric. Ang nangyari kay Ella ng araw na iyon ay inilihim na lang nila kay Maric para hindi na ito mag-alala pa. Sa mga sumunod araw ay sumama na ulit si Ella kay Maric sa pagtitinda sa palengke. Medyo maayos na ang pakiramdam ni Jarra. Hindi na ito nilalagnat ulit at hindi na rin gaanong namumutla. Nasa oras din ang pag-inom nito ng gamot. Ang kailangan lang talaga niya ay makaipon ng sapat na halaga para masimulan ang chemotherapy ng anak. Hindi naman pwedeng iasa lang iyon sa gamot na iniinom nito ngayon. Dahil iyon ay pampabagal lang para hindi lumala ang sakit ni Ella. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ella. Napalingon naman dito si Maric at kitang-kita ng dalaga pagod at stress sa mukha ni Ella. "Ang lalim naman noon," biro pa ni Maric na kahit papaano ay nagpangiti kay Ella. Wala namang namimili sa mga oras na iyon, kaya naman nakakapagpahinga silang dalawa. Habang nakaupo sa pwesto nila. "Hindi ko alam Maric kung ano ng gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga. Pakiramdam ko wala talaga akong silbing ina," malungkot na saad ni Ella. Pero hindi niya magawang iiyak ang bagay na iyon. Mas nasasaktan siya sa sitwasyon ng kanyang anak. Hindi sa buhay niyang sa tingin niya ay wala namang halaga. Kung hindi lang talaga dahil kay Jarra. "Ella naman. Ang drama mo. Paano ka mawawalan ng silbi, syempre kahit mahal namin ng inay si Jarra, wala pa ring ibang mas mahalaga kay Jarra kung ikaw na kanyang ina. Kaya wag kang mag-isip ng ganyan. Makakahanap din tayo ng pera. What if ibenta natin iyong singsing na matagal ko ng tinatago?" Napakunot noo naman si Ella sa sinabing iyon ni Maric? "Anong singsing?" "Ganito kasi iyon. Siguro ay nasa ten or eleven years na sa akin iyon. Ang tagal na di ba? Dati kasi nagtungo kami ng inay sa Maynila, hindi ko maalala ang dahilan. Basta parang fiesta iyon, madami kasing tao. Tapos hindi naman ako pwedeng makasama sa inay dahil madami ngang tao di baka mawala pa ako. Kaya naman iniwan na lang ako ng inay sa isang kakilala na nagtitinda noon sa may parke. Syempre Maynila iyon at madaming makikita ka doon na wala dito kaya nagpaiwan ako. Hanggang sa makakita ako ng magandang ayos ng mga bulaklak sa gitna ng parke. Na curios ako. Tapos may nakita akong lalaki na nakaluhod sa harap ng magandang babae. Sa edad ko noon wala akong alam sa bagay na iyan. Ngayon ko naisip na nagpo-propose iyong lalaki. Kaso tinanggihan ng babae iyong proposal ng lalaki, at iniwan ito ng babae. Tapos sa sobrang sama yata ng loob ng lalaki itatapon yata sa basurahan sa tabi ko iyong singsing. Kaso ibinigay sa akin at iniwan na ako. So ayon end of the story. May singsing nga pala ako, baka mamahalin iyon." masayang saad ni Maric ng maalala ni Ella ang singsing na bigay ni Jarred. Nang itapon ni Jarred ang singsing na ibinalik niya dito, ay pinilit niyang hanapin iyon sa mga natapong basura kaya naman hanggang ngayon nasa kanya pa. "What if ibenta ko ito Maric?" Kinuha ni Ella ang dalawang singsing sa kanyang maliit na pitaka. Alam niyang wala ng halaga iyon kay Jarred. Pero ang halaga noon sa ngayon ay napakahalaga. Hindi man sapat ang halaga noon para maipagamot si Ella ay malaking tulong iyon para sa anak niya. "Saan galing yan Ella?" inabot ni Maric ang dalawang singsing. "Ella Shelley Vergara? Iyon ang pangalan mo?" hindi makapaniwalang saad ni Maric ng makita ang pangalang naka-engrave sa isang singsing. Ilang beses namang umiling si Ella para sabihing nagkakamali lang si Maric. "Kung ganoon bakit may apelyido ka dito?" "Basta hindi ako yan. Ibenta na lang natin iyan," ani Ella ng mapansin ni Maric ang pag-uulap ng mata mg dalaga. "Okay gets ko na. Mahalaga sayo ang singsing na iyan at ang nagbigay niyan Ella. Kaya mo bang mawala sayo ang singsing na iyan. Iyong sa akin ay wala namang halaga at hindi ko naman kilala ang nagbigay noon. Nagkataon lang na nandoon ako. Kasi kung wala ako doon basurahan lang ang makikinabang doon." "Kahit gaano pa kahalaga ng singsing na iyan Maric, mas mahalaga pa rin si Jarra. Kaya kong binatawan ang lahat pero hindi ang anak ko," umiiyak na saad ni Ella. Mabuti na lang talaga at wala gaanong namamalengke sa mga oras na iyon. Ayaw din naman ni Maric na may makakapansin na iba sa pag-iyak ni Ella. "Tahan na. Mamaya kakausapin natin ang inay sa bagay na iyan. Hihingi tayo ng payo. Sa ngayon itago mo na muna iyan at sigurado akong mahal yan. Hindi man kasi mukhang basta-basta lang. Hindi man sumapat ay siguradong malaking tulong iyon. Kaya tahan na. Malalampasan mo din ang lahat ng ito. Nandito lang kami para sayo." "Salamat Maric," isang ngiti naman ang isinagot ng dalaga. Hindi na rin naman nagtagal at may dumating na ulit na mangilan-ngilan na mamimili. Kahit papaano ay naging maayos ang kanilang maghapong pagtitinda. Kakaunti na lang din ang natirang gulay kaya naman isinilid na lang nila iyon sa bayong na kanilang dala. Madami pa namang prutas ngunit hindi pa naman iyon masisira at pwede pang itinda sa mga susunod na araw. Sakay na sila ni Maric ng tricycle at pauwi na ng bahay. Medyo nag-aagaw na rin ang liwanag at dilim. Magkatabi sila ni Maric sa sidecar ng tricycle. Napakunot noo pa si Ella ng may makasalubong silang isang itim na kotse. "Ngayon lang ako nakakita ng kotse sa part na ito Ella. Alam mo iyon? Parang ang weird. Pero baka mayroon anak ng mga taong nakatira doon sa may padulo pa na nakabingwit ng mayaman," komento pa ni Maric. "Siguro." "Sa oras na ito parang gusto ko ding makakilala ng mayaman. Kahit hindi gwapo. Tapos pakakasalan ko na kaagad. Para naman ang pera niya. Pera ko na rin. Tapos maiipagamot na natin si Jarra. Ang saya di ba? Hindi na natin kailangan isipin pa ang pera," nangangarap pang saad ni Maric. "Salamat Maric ha. Kahit pangarap lang iyan, kami pa rin talagang mag-ina ang inaalala mo." "Ito namang babaeng ito. Syempre pamilya na namin kayo. Kaya mahal na mahal ko kaya kayong dalawa ni Jarra. Kaya kung naiisip mong nag-iisa ka lang sa laban na ito magtatampo kami ng inay." "Ah hindi ah. Alam kong palagi lang kayong nandito sa tabi ko. Nakasuporta. Kaya naman kahit hinang-hina na ako. Nararamdaman ko pa ring may lakas akong nakaalalay sa akin, dahil sa inyo." "Korek ka dyan Ella. Mabuti kung ganoon. Kasi talaga sasabunutan kita kung hindi." Natawa na kang siya kay Maric. Kahit papaano ay talagang napapagaan ng mag-ina ang kalooban niya. Matapos magbayad sa tricycle ay sabay na silang naglakad ni Maric papasok sa loob ng bahay. "Nay, nandito na po kami," sabay pa nilang sigaw ni Maric ng makita nilang parang balisa si Nay Angela. "May problema po ba?" mahinahon pang tanong ni Ella ng magsimula ng umiyak si Nay Angela. "Nay ano pong nangyari? Nasaan po si Jarra?" nalilitong tanong ni Ella na ikinailing ng matanda. "Inay, ibig po ba ninyong sabihin ay natutulog si Jarra," mahinahon ngunit nalilito na ring tanong ni Maric. "Hindi mga anak, wala dito si Jarra." Lalo lang bumuhos ang luha sa mga mat ni Nay Angela. "Anong ibig ninyong sabihin inay? Nasaan si Jarra?" ulit pa ni Maric na lalong nagpaiyak sa matanda. Mabilis namang hinayon ni Ella ang patungo sa kwartong inuukupa nila. Wala doon si Jarra. Halos magpanic na siya ng bumalik siya sa sala kung saan naroon si Nay Angela at Maric. "Ibig po ba ninyong sabihin nasa kabilang bahay? Nay naman, nasaan po ang anak ko?" nagsusumamong saad ni Ella na ikinailing ng matanda. "Anong nangyari nay? Bakit po wala ang anak ko?" lumuluhang tanong ni Ella ng may iniabot na papel si Nay Angela kay Ella. "See you again sweetheart," basa niya sa nakasulat sa maliit na papel. "JRV." Parang natuod si Ella sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya maaaring magkamali. "Anong plano niya at ginugulo niya ako ngayon?" natanong na lang ni Ella sa sarili at hindi na napigilan pa ang biglang pagbuhos ng kanyang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD