Chapter 17 Stick to the Plan

1828 Words
Chapter 17 Raine POV KINABUKASAN, dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at nakita kong nakayakap ako sa matipunong katawan ni Nick. Bumilis ang t***k ng puso ko habang inaalala ang nangyari kagabi, kapwa kami nakahubad. Napangiti akong walang pagsisisi sa nangyari sa aming dalawa kagabi. Hindi ko alam kung paano ito magbabago lahat, pero alam kong may nag-iba na. Ganap na akong babae at may kaalaman na ako sa salitang pagtatalik. Ganoon pala iyon. Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko, ikakasal na ako kay Nick mamaya. Alam kong magiging masaya kami at gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa. Umungol si Nick at dahan–dahan na nagmulat ng kanyag mga mata. "Magandang umaga," bati ko sa kanya, at isang mahinang ngiti ang itinugon niya. Inalis niya ang kamay kong nakayakap sa kanya at walang alinlangan na bumangon siya. Pinulot ang mga damit sa lupa. "Ano ang inisip mo?" he asked. "Napakaganda at kamangha–mangha ang laki mo, Nick," sabi ko na buong paghanga. Bahagyang kumunot ang noo niya. Taas–baba ang mga mata ko sa kabuoan ni Nick. "Really? I'm used to women admiring with lust and passion," sagot niya at hindi ko naintindihan dahil english ito. Tumango na lamang ako sa kanya. "Ngayon ko lang sasabihin sayo, Nick. Hawig mo ang lalaking pumupunta rito sa amin..." I whispered and stared his naked face down to his naked body. Dahil sa sinabi ko biglang nagsalubong ang mga kilay ni Nick. "Ano ang pangalan niya?" Sandali akong nag–isip. Nasa dulo ng dila ko pero hindi ko mabanggit. "Ale—" "Philip Alexus ba?" Agad akong napabangon sa kinahihigaan nang marinig ang buong pangalang binanggit niya. Hindi ako sure kung iyon ba iyon. Ngunit ganoon ang tunog niya. "Parang, bakit kilala mo siya?" Mabait sa amin ang taong iyon, lalo na kay Ina." Isang sarkastikong ngiti ang sumilay sa labi niya. Tila ba may nagpukaw sa ineteres niya. "Magbihis ka na. Kailangan na nating makabalik sa tribu." Utos niya sa akin at isinuot ang damit niya Tahimik kaming nagbihis, at walang salitang namagitan sa amin. Nang lumabas kami ng kweba, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na tila nagpapaalala sa akin na bumalik na kami sa realidad. Tahimik lang si Nick habang naglalakad kami pabalik sa tribu tila ba malalim ang iniisip niya. Ilang beses ko siyang tinanong kung okay lang ba siya, pero "Oo" lang ang sagot niya, wala nang iba. Habang patuloy kami sa aming paglalakad, parang biglang bumigat ang bawat hakbang ko. Gusto kong abutin ang kamay niya, subukang kong abutin ito, pero nang sinubukan ko, hindi siya gumanti. Ramdam kong ang biglaang panlalamig niya. Tahimik akong naglakad sa tabi niya, sinusubukang intindihin ang kanyang pananahimik. Naglaro sa isip ko ang mga nangyari kagabi, at hindi ko mapigilang magtanong kung nagsisisi ba siya. Pero wala akong lakas ng loob na itanong ito sa kanya. Sa ilalim ng araw na unti-unting sumisikat, naramdaman kong may malamig na bagay na humaplos sa dibdib ko. Ano kaya ang iniisip ni Nick? At bakit parang bigla ang pananahimik niya? Patuloy lang kaming naglakad, at sa bawat hakbang, parang palayo nang palayo si Nick sa akin. Tahimik kaming nakarating sa tribu. Ramdam ko ang kakaiba sa bawat hakbang ni Nick, pero wala siyang sinasabi. Pagdating namin, agad kaming sinalubong ng mga katribu. Naroon ang kanilang mga ngiti, mga mata nilang puno ng kuryosidad. “Dayang! Nick! Saan kayo galing?” tanong ng Ninay, na bit–bit ang mga bulaklak. "Nag–alala ang buong tribu sa inyo." Bago pa man ako makasagot, si Nick na ang nagsalita, “Ah, ipinasyal niya ako kahapon at naabutan kami ng ulan sa daan,” sagot niya, medyo pilit ang ngiti sa labi. Nakita ko ang ilang tingin ng pagtataka mula sa mga katribu ko, pero hindi ko rin masabi kung tama ba ang nararamdaman kong ito. Hindi na siya nagtagal, at bago ko pa man siya matanong o pigilan, umalis na siya. Tumalikod siya at naglakad papunta sa kubo namin, habang naiwan ako sa gitna ng mga tanong ng mga katribu. Pilit kong unawain si Nick bago, pagod lang. Kung tutuusin ako itong may masakit na nararamdaman. Masakit at mahapdi ang p********e ko pero pinipilit ko lang na kayanin. Kahit iyon man lang ang itanong niya ay hindi ginawa ni Nick. O, baka dahil sa mga paghahanda para sa kasal namin mamaya, lalo pa’t abala na ang buong tribu sa darating na seremonya mamaya. Ngunit kahit ganoon, ramdam ko pa rin ang alalahanin at kaba sa dibdib ko. Anong dahilan kung bakit tila lalong naging distance si Nick? Bakit, nararamdaman ko na tila wala siyang interes sa kasal namin? Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang susunod na mangyayari, lalo na sa araw na ito na inaasahan kong maging pinakamahalaga sa buhay ko. Sana, mahanap namin ang tamang panahon para mag-usap, para malaman ko ang tunay na nararamdaman ni Nick, at kung ano ang magiging kinabukasan namin. Habang abala ako sa pag-iisip at pag-aalala, narinig kong tinawag ako ni Ama. “Dayang,” wika niya habang lumapit siya sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala. “Saan kayo nanggaling ni Nick?” Huminga ako nang malalim. Ayokong magsinungaling kay Ama, lalo na’t alam kong importante ito. Kaya nagdesisyon akong sabihin ang totoo at ang tungkol kay Usman. “Ama, nagpalipas kami ng gabi sa kweba—” Bago ko pa man matapos ang sasabihin, biglang lumapit si Lola Mina, ang pinakamatandang babae sa tribu. Dala niya ang mga tradisyonal na kasuotan namin na isusuot para sa seremonya ng kasal. “Nandito na ang susuotin mo, iha,” sabi niya, malumanay ang tinig habang inilalabas ang mga damit. Ang mga ito’y yari sa pinong tela at may mga makukulay na burda na sumisimbolo sa aming kultura. Napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa kanya. Napatingin din si Ama sa mga damit, at kahit na hindi niya ipinakita, alam kong nasabik siya para sa kasal. “Halika na, anak, kailangan mong subukan ito,” dagdag ni Lola Mina. Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Nangako ako sa sarili ko na maghahanap ng pagkakataon upang masabi kay Ama ang lahat. Ngunit sa ngayon, tila mas mahalaga ang mga preparasyon para sa kasal. Sana, matapos ang lahat ng ito, magkausap kami ni Ama ng masinsinan. Sabay kaming umalis ni Lola Mina, dala ang mga kasuotan. Habang papalayo, naramdaman kong muling bumigat ang loob ko, lalo na’t hindi ko natapos sabihin ang dapat kong ipaliwanag kay Ama. Ngunit sa ngayon, kailangan kong maghanda para sa kasal—isang araw na inaasam ng lahat. Sana, sa kabila ng lahat, maging maayos ang lahat ng ito. Habang isinusukat ko ang tradisyonal na damit, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang ganda ng burda sa tela—mga disenyo ng kalikasan na sumisimbolo sa aming kultura. Ang tela ay malambot at magaan, pero ramdam ko ang bigat ng responsibilidad na dala nito. Mula pagkabata, pinapangarap ko na ang araw na ito, at ngayon, eto na, nagiging totoo na. Ikakasal na ako, hindi sa ka tribu ko kundi sa isang estranghero. “Bagay na bagay sa’yo, Dayang,” papuri ni Lola Mina habang inaayos ang isang bahagi ng kasuotan. “Mukhang ikaw na ang susunod na Reyna.” Natawa ako nang bahagya at pinigilan ang pag-blush. “Salamat po, Lola.” Habang inaayos niya ang huling bahagi ng damit, bigla siyang napatigil at tumingin sa paligid. “Nasaan nga pala ang mapapangasawa mo? Kailangan niya ring sukatin ang kanyang damit pang–kasal.” Napabuntong-hininga ako. Hindi ko rin alam kung saan siya. Mula nang bumalik kami sa tribu, parang nawawala sa sarili si Nick. Hindi siya mapakali at bigla na lang umalis nang hindi nagpapaalam. “Hindi ko po alam, Lola,” sagot ko, pilit na itinatago ang pag-aalala sa aking tinig. “Baka abala lang siya sa paghahanda.” Tumango si Lola Mina, ngunit halata sa kanyang mukha na may bahagyang pagkabahala rin. “Mabuti pa, ipahanap natin siya pagkatapos mo rito. Hindi pwedeng hindi siya maghanda para sa kasal, lalo pa’t ito na ang araw na pinakahihintay ng buong tribu. Ilang oras na lang, Dayang, ikakasal na kayo." Tumango ako. Sana ay mahanap siya agad para magawa ang mga kinakailangan bago ang seremonya. Kailangan niyang maging handa—kaming dalawa ay kailangang maging handa. Ngunit sa kabila ng lahat ng saya na nararamdaman ko, may bahagi ng puso ko na hindi mapakali. Saan kaya siya nagpunta? At bakit parang may bigat sa kanyang dibdib? Nang marinig ni Lola Mina ang sagot ko, agad siyang tumawag ng isa sa mga tauhan upang utusan itong hanapin si Nick. Ngunit bago pa man makalapit ang tauhan, mabilis akong nagboluntaryo. "Lola, ako na po ang maghahanap kay Nick. Baka may mga bagay lang siyang inaasikaso. Mas magandang ako ang magsabi." Tiningnan ako ni Lola Mina nang may halong pag-aalala, pero tumango rin siya pagkatapos ng ilang sandali. "Sige, Dayang. Hanapin mo na siya. Baka nga abala lang sa paghahanda si Nick. Dapat hindi na siya umalis. Kailangan kayong dalawa narito na." Tumango ako sa matanda. Agad akong nagpaalam at dali-daling nagtungo sa kubo namin, umaasang nandoon si Nick. Ngunit pagdating ko, wala roon ang lalaki. Walang anumang senyales na dumaan siya roon mula nang umalis kami kanina. Saan siya nagpunta? Dito ko siya nakitang pumunta. Kinabahan ako, ngunit hindi ako papadaig sa aking kaba. Kailangan ko siyang mahanap. Sinuyod ko ang buong paligid, tinanong ang bawat taong nadaanan ko kung nakita ba nila si Nick. Ngunit tila lahat ay abala na sa paghahanda para sa kasal at walang nakapansin kung saan siya nagtungo. Patuloy ako sa paghahanap hanggang sa marating ko ang lugar kung saan nakapiit ang mga bihag. Tahimik ang paligid, ngunit bigla akong nakarinig ng mga boses na tila may nag-uusap. Dahan-dahan akong lumapit sa pinagmumulan ng tunog, pinilit na hindi gumawa ng ingay. Nang malapit na ako sa kulungan, narinig ko ang isang pamilyar na boses—si Nick. "Sugurado ka?" Paniniyak ng kausap niya. “Sigurado ako sa nakita ko na si Uncle Ceaser iyon. Hindi pwedeng maunahan tayo, Kurt. Lalo pa ngayon nakita ko na ang hinahanap natin. Tuloy ang plano mamaya habang nagkakasiyahan ang buong tribu." Biglang natawa ang kausap niya. "Mahal mo na?" "Of course not. Kagaya lang siya sa maraming babaeng parausan ko para sa panandaliang aliw, at pagkatapos ay basta ko na lang iniiwan na parang wala lang." Sabi niya sa walang emosyong tinig at tila walang pakialam. Kung hindi mabilis na nailagay sa bibig ang aking kamay ay baka napalakas ang singhap ko. Halos mabitawan ko ang aking hininga sa narinig. Ano ang ibig sabihin ni Nick? Ano ang plano nila? Napatigil ako sa likod ng isang puno, nagtatago habang pinakikiramdaman ang usapan nila. Kailangan kong malaman ang lahat ng ito bago pa man maging huli ang lahat. Kakilala niya ang bihag namin? At sino ang tinutukoy niyang parausan? Ako ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD