Chapter 18 Great Pretender

1760 Words
Chapter 18 Raine I TOOK a calming breath at unti-unting lumabas ako mula sa aking pinagtataguan. Kung saan man galing ang tapang ko'y hindi ko alam. Hindi ko na kayang itago ang aking narinig. Lumapit ako kay Nick, napansin kong ngumuso ang gwapong lalaki na kausap niya. Humarap sa akin si Nick na nagulat nang makita ako. “Nick, sino ang tinutukoy mo? Sino si Uncle Ceaser? At sino ang sinasabi mong parausan? Ako ba? Magkilala ba kayo ng bihag na 'yan?” diretsong tanong ko sa kabila ng aking kaba, habang tinititigan ko siya sa mga mata. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Nick, mula sa pagkagulat hanggang sa tila mapanatag na ngiti. "Raine," simula niya, "...nagkakamali ka lang siguro sa narinig mo. Wala akong tinutukoy na Uncle Ceaser. Baka na-misinterpret mo lang ang pag-uusap namin ng bihag na ito. Ang tinutukoya kong parausan ay hindi ikaw at bakit ko naman gagawin iyon sayo. Magiging asawa na kita at Kurt ang tunay niyang pangalan. Kailangan ko lang ng kausap na kapareha ko." Paliwanag niya. Hindi ko mapigilang pagdudahan ang kanyang sagot. "Pero, narinig ko ang sinabi mo. Sabi mo, sigurado ka sa nakita mo. At bakit mo sinabi na hindi pwedeng maunahan kayo?" Mabilis siyang umiling, tila nagtataka ang mukha niya. "Raine, seryoso, hindi mo ba naisip na baka may ibang kahulugan lang ang narinig mo? Si Kurt at ako ay nag-uusap lang tungkol sa mga plano namin pagkatapos ng kasal. Walang Uncle Ceaser. Hindi ko kilala ang lalaking kausap ni Usman. Hindi ba dapat ituon natin ang atensiyon kay Usman?" Patuloy akong tinitigan ni Nick, at nakita ko sa kanyang mga mata ang tila totoo ang sinasabi niya. Napansin ko ang kakaibang ngiti ng aming bihag, kita kong tila nagpipigil na matawa. Lumapit sa akin si Nick. Hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat at masuyong nagsalita, "Raine, ikaw ang mahalaga sa akin ngayon. Hindi ko gagawin ang anumang bagay na makakasakit sa'yo. Kung may gusto kang itanong, tanungin mo ako, pero tandaan mo, hindi kita lolokohin. Magiging asawa na kita." Buong lambing niyang sabi. Napalunok ako at napa-isip ng sandali. Marahil tama siya. Marahil ay mali nga ako ng pagkakaintindi. Nakangiti ako nang bahagya at bumuntong-hininga. "Pasensya na, Nick. Baka nga nagkamali lang ako." Tumaas ang kamay ni Nick at hinaplos ni ang aking pisngi at matamis na ngumiti. "Okay lang, Raine. Naiintindihan ko. Nasa isip mo lang siguro ang mga preparasyon natin para sa kasal. Huwag mo nang isipin 'yun." Yumakap ako kay Nick. Nang mga oras na iyon, pinili kong maniwala sa kanya. Ngunit sa loob ko, may bahagi na nagtatanong kung ano nga ba talaga ang totoo pero mahal ko siya. Makalipas ang ilang sandali kumalas ako sa pagkakayakap kay Nick at magkahawak kaming naglalakad papalayo sa kulungan. Ngunit bago pa kami makalayo nang husto, biglang huminto si Nick at hinarap ako. "Raine, may isa pa akong hiling," simula niya, na tila may iniisip na malalim. "Alam kong marami na akong hinihingi, pero sana mapagbigyan mo ako sa isang ito." Nagsalubong ang mga kilay ko, naguguluhan sa kanyang tono. "Ano 'yun, Nick?" He took a deep breath at tinitigan ako. "May posibilidad ba," tanong niya nang marahan, "...na mapakawalan natin ang mga bihag? Gusto ko sanang makasama sila sa kasal natin bilang mga saksi. Alam mo, isang paraan na rin ito para mapakita sa kanila ang pagkakaisa natin at mapalapit sila sa atin." Nagulat ako sa kanyang hiling. "Nick, hindi ganoon kadali 'yan. Hindi basta-basta nagpapalaya ang tribu ng mga bihag lalo na’t hindi pa nila alam kung mapagkakatiwalaan sila." Napansin kong napatiim bagang si Nick bago muli siyang nagsalita, masuyo at puno ng pangungumbinsi. "Raine, alam kong malaking bagay ito, pero gusto ko sanang ipakita sa kanila na tayo, bilang bagong mag-asawa, ay handang magbigay ng kapatawaran at pagkakaibigan. Sa tingin ko, isang magandang halimbawa ito ng pagmamahal at pagkakaisa. Diba, tama ako, Darling?" Dagdag niyang sabi sabay dala ng mga kamay ko sa kanyang bibig at isa–isang hinagkan ang likod ng mga palad ko. Nakatitig lang ako sa kanya, nag-iisip nang malalim. Hindi ko maikakailang may punto siya—ang pagpapalaya sa mga bihag ay maaaring magbigay ng bagong simula para sa kanila at isang pagpapakita ng kabutihan. Ngunit sa kabila nito, alam kong ito'y isang malaking desisyon na kailangang pag-isipan nang mabuti. "Pag-iisipan ko, Nick," sagot ko sa wakas. "Kailangan ko munang kausapin ang aking ama at ang mga matatanda ng tribu. Pero... susubukan ko ang makakaya ko." Ngumiti si Nick, tila maluwag ang loob. "Salamat, Raine. Alam kong hindi ito madali, pero tiwala ako na kaya mo itong maipaliwanag sa kanila." Tumango ako, pinipilit na kumbinsihin ang sarili na tama ang desisyon ko. "Oo, gagawin ko ang makakaya ko." Nang mga sandaling iyon, naglakad na kaming muli pabalik sa tribu, dala-dala ang hiling ni Nick na kailangan kong ipaliwanag sa aking ama. Pagkarating namin sa tribu, agad akong nagtungo sa Pulungan kung saan naroon ang aking ama at ang ilang matatanda ng tribu. Tahimik lang si Nick na nakasunod sa akin, tila nag–hihintay kung ano ang susunod na sasabihin ng aking amang Hari. "Ama," tawag ko habang pumapasok sa loob. Nakatingin ang lahat sa akin, inaasahan ang sasabihin ko. "Nais kong ipaalam ang hiling ni Nick," sabi ko. "Hinihiling po niyang pakawalan natin ang mga bihag upang maging saksi sa aming pag–iisang dibdib. Para raw ipakita sa kanila ang kabutihan at pagkakaisa na nais naming itaguyod sa ating tribu." Saglit namagitan ang katahimikan ang bumalot sa paligid. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ng aking ama at ng mga matatanda. Alam ko kung gaano kahalaga ang mga patakaran at tradisyon ng tribu, at hindi basta-basta nagpapalaya ng mga bihag lalo na’t hindi pa nila alam kung mapagkakatiwalaan ang mga ito. "Ano sa tingin mo, anak?" tanong ng aking ama, nakatitig sa akin ng seryoso. "Handa ka bang isugal ang ating kaligtasan para lamang sa kahilingang ito?" Huminga ako nang malalim, alam kong kailangan kong maging matatag. "Ama, kilala natin si Nick. Alam kong mahirap ito, pero naniniwala ako na ang pagpapakita ng kabutihan at pagpapatawad ay makapagbibigay ng bagong simula hindi lamang sa kanila kundi pati na rin sa ating tribu." Nagpalitan ng mga tingin ang aking ama at ang mga matatanda, at nakita ko sa kanilang mga mata ang bigat ng desisyong ito. Ngunit sa huli, tumango ang aking ama, tanda ng pagsang-ayon. "Kung iyan ang nais mo, anak," sagot niya. "At dahil naniniwala kami kay Nick, pagbibigyan namin ang kahilingang ito pero ibabalik rin natin ang mga bihag sa kulungan pagkatapos ng inyong kasal." Nakangiti akong tumingin kay Nick, na noon ay nakatayo pa rin sa aking tabi. Nang mapansin ko ang reaksyon niya, napansin kong parang may kakaibang liwanag sa kanyang mga mata—isang liwanag na hindi ko mabasa. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong iniisip niya, pero nagtiwala ako na tama ang desisyon na ginagawa ko. "Papakawalan natin ang mga bihag," anunsyo ng aking ama, na ikinagulat ng ilang nakatatanda ngunit wala nang tumutol pa. Sa sobrang saya ko, yumakap ako sa aking ama at binigkas sa hangin ang pasasalamat ko sa kanya. Lumabas kami ni Nick mula sa pulungan, at sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko ang mga bihag na pinalalaya. Habang nagmamasid ako, hindi ko maiwasang mapansin muli ang kakaibang tinginan nila Nick at sa tinawag niyang Kurt. Ano nga kaya ang iniisip nila? Sa kabila ng mga tanong sa isip ko, hinayaan ko na lang muna. Ang mahalaga ay nakapagdesisyon na kami, at ngayon, ilang oras na lang kasal na namin ni Nick. Habang nasa kubo kami ni Nick, abala siya sa pagsukat ng kanyang tradisyunal na damit pangkasal. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kaguwapo sa suot niyang iyon. Bagay na bagay sa kanya ang damit ng aming tribu. Nakangiti ako habang tinititigan siya, pakiramdam ko ay lumulutang ako sa labis na kaligayahan. Humarap sa akin si Nick at sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi bago siya lumapit sa akin. "Asawa ko," malumanay niyang tawag sa akin habang hawak-hawak ang aking mga kamay. Tila kinilig naman ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin, kaysarap pakinggan ang katanga asawa. "Maraming salamat. Alam ko kung gaano kahalaga ang kasal na ito para sa'yo, sa buong tribu, at gagawin ko ang lahat para maging maayos ito. Isa kang napakabuting babae, at maswerte ako na ikaw ang mapapangasawa ko." Ngumiti ako abot hanggang tenga, ramdam ko ang init sa kanyang mga salita. "Walang anuman, Nick. Masaya ako na makasama ka. Mahal na mahal kita, asawa ko," sabi ko na tila kilig na kilig akong banggitin ang huling salitang sinabi ko. Ngunit habang tinitingnan ko siya, may kung anong kakaibang kislap sa kanyang mga mata. Sandali akong natigilan, pero agad ko ring binalewala ito. Siguro’y pagod lang siya o excited sa aming kasal. "Huwag ka mag-alala," dagdag ko, pilit na inaalis ang alalahanin sa aking isipan. "Gagawin natin itong isang di malilimutang araw. Pagsisilbiha kita ng buong puso ko, asawa ko." Ngumiti siya na hindi abot sa kanyang mata, ngunit naroon pa rin ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Yumuko si Nick at hinalikan ako ng mabilisan. Halos pamulahan ako ng mukha dahil may iilang tao rito sa kubo. Pagkatapos niyang magpasalamat at ang halikan ako, muli siyang bumalik sa pag-aayos ng kanyang susuotin. Abala si Lola Mina sa pagtutulong sa kanya—inaayos niya ang pagkakatali ng sinturon at pinapantay ang laylayan ng damit ni Nick. Habang tinutulungan siya ng matanda, napansin ko ang kumpiyansa sa bawat galaw ni Nick. Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko mapigilan ang sobrang paghanga. Habang inaayos ni Lola Mina ang burda sa balikat ni Nick, lalo pang lumitaw ang tikas ng kanyang tindig. Sa ilalim ng makulay na kasuotan, ang katawan niya ay lalong naging kapansin-pansin—matipuno at matikas. Ang bawat detalye ng kanyang suot ay lalong nagpapatingkad sa kanyang kagwapuhan. Muli kong naramdaman ang kilig habang pinagmamasdan siya. Si Nick, ay parang isang hari sa aking paningin sa kanyang suot. Hindi ko mapigilan ang isipin na napakapalad ko—siya, ang napakakisig na lalaking ito, ang magiging asawa ko. Habang abala si Lola Mina sa pagtulong kay Nick, patuloy lang akong nakatitig sa lalaki. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na ang lahat ng ito ay totoo. Si Nick, na ngayon ay nakasuot ng makulay at tradisyunal na damit ng aming tribu, ay ang lalaking pipiliin kong makasama habangbuhay. Ang bawat segundo na nakikita ko siya, lalo kong nararamdaman na sobrang suwerte ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD