Chapter 08
Raine POV
KINABUKASAN pagkaalmusal, kinausap ko si Nick tungkol sa pagpapakilala ko sa kanya sa buong tribu at balak ko siyang ipasyal sa mga lugar na pinupuntahan ko. Ewan ko ba at ang gaan ng aking loob sa kanya.
“Nick, ipapasyal kita sa buong lugar at ipakilala sa mga ka tribu ko,” sabi ko habang nag-aayos nagliligpit ng mga pinagkainan namin.
Tumingin siya sa akin, may ngiti sa kanyang mga mata. “That's great. Masarap marinig na gusto mong ipakilala ako sa kanila, Raine. It's my pleasure to meet them," sabi niya, may lambing sa kanyang tinig.
“Batas kasi ng tribu,” sagot ko, sabay ngiti rin. “Pero... gusto ko rin talaga na mas makilala ka nila.”
“Nakakatuwa naman,” sabi niya, at nakita ko ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata. “Ikaw pa lang yatang babaeng nagpapakaba sa akin ng ganito.”
Napayuko ako sa sinabi niya, at ramdam kong namumula ang pisngi ko. “Seryoso ka ba?” tanong ko, medyo nagbibiro.
“Yes of course,” sagot niya, habang inilapit ang mukha niya nang kaunti sa akin. “Kasi, importante sa akin na magustuhan mo ako—at sila.”
Pakiramdam ko mas lalong namumula ang pisngi ko. Sa mga salita niya, ngayon lang may lalaking nagpaparamdaman sa akin ng ganyan. Kay Usman kasi hindi ko ito nararamdaman. Naroon ang matamis na pakiramdam ng pagiging mas malapit namin sa isa’t isa.
"Thank you, Raine , for taking care of me. At salamat rin sa tiwala mo sa akin," dagdag niyang sabi na mas lalong nagpaantig sa puso ko.
Matamis akong ngumiti sa kanya. "Wala 'yon! Ano ka ba?! Ramdam kong mabuti kang tao, Nick, kaya may tiwala ako sa'yo."
Biglang napaubo si Nick sa sinabi ko at iniwas ang paningin sa akin, itinuon niya sa labas ng pinto. Ilang saglit lang, walang salitang tumayo sa kinauupuan at lumabas ng kubo.
Napangiti akong sinundan siya ng tanaw bago ipinagpatuloy ang pag–aayos sa mga pinagkainan namin. Mayroon kaming taga–silbi, pero ayoko kasing pinagsisilbihan ako dahil para sa akin pantay–pantay lang kami rito. Isa naroon ang matalik kong kaibigan na si Ninay at ang buong pamilya niya.
Nang matapos na ako sa aking ginagawa, kinuha ko ang aking pana at isinukbit sa likod ko. Kailangan ko ito ngayon dahil, tutungo kami ni Nick sa gitna ng gubat, baka may makasalubong kaming mababangis na hayop. Maganda na ang maging sigurado at may panlaban.
Pagkalabas ko sa kubo, nagulat ako sa biglang paghawak sa kamay ko. Imbes na magprotesta, hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko. Nagsimula kaming maglakad sa paligid ng tribu. Isa-isa kong ipinakilala si Nick sa mga nakakasalubong namin—mga matatanda, mga bata, at mga mandirigma. Tuwang–tuwa namang ang iba kong mga ka–tribu pero mayroon pa ring tumaas ang kilay. Habang ginagawa ko naman iyon, napansin kong si Nick ay palaging tumitingin sa akin, para bang may gusto siyang iparating na hindi niya masabi ng direkta.
“Okay ka lang ba?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa susunod na bahay.
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko nang mahigpit. “Mas okay pa nga ako kaysa sa inaasahan ko. Alam mo kung bakit?"
Nagsasalubong ang kilay ko. “Bakit?” tanong ko, naguguluhan but deep inside of me natutuwa ako.
Nakatingin siya sa mga labi ko. “Dahil kasama kita,” sagot niya, simple pero puno ng ibig sabihin. “At sa totoo lang, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.”
Pakiramdam ko muling namumula ang pisngi ko sa sinabi niya. Nakaramdam ako nang kakaibang init na bumalot sa akin. Bawat hawak niya sa kamay ko ay parang nagbibigay ng kalma sa puso ko, na hindi ko na kayang itago itong kakaibang nararamdaman ko sa kanya.
“Hindi mo naman kailangang magsabi ng ganun,” sabi ko, pilit na pinipigilan ang sarili na 'wag ngumiti ng sobra.
Itinaas niya ang mukha ko. “Totoo naman kasi ang sinasabi ko," sagot niya, at naramdaman at tumaas ang isang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko ng kanyang hintuturo. Napapikit ako sa kakaibang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. “I wanna say thank again, Raine. Sa lahat ng ito.”
Dahan–dahan akong napamulat ng mga mata. Hindi ko na napigilan at ngumiti na rin ako, ang init ng araw at ang presensya ni Nick ay nagbigay sa akin ng kakaibang saya.
PAGKATAPOS ng pagpapakilala sa buong tribu, dinala ko siya sa gitna ng gubat. Medyo malayo-layo ang lakad namin, at habang lumalalim ang gubat, napansin kong naging tahimik si Nick, parang may malalim na iniisip.
Huminto ako sa paglalakad. “Halika, malapit na tayo,” sabi ko habang tinitingnan siya, may ngiti sa aking labi.
He took a deep breath. “Anong meron doon?” tanong niya, may halong pag-aalinlangan sa boses pero sinundan pa rin ako.
“Makikita mo rin,” sagot ko, na parang may halong excitement at misteryo sa aking tinig. Tumango lang siya sa akin.
Nang marating namin ang isang lugar na may mga makakapal na halaman at gumagapang na damo, tumigil ako at sinimulang alisin ang mga damong tumatakip sa isang maliit na bahagi ng pader ng bato.
“Dito na tayo,” sabi ko habang inaalis ang mga damo na tumatakip sa bunganga ng maliit na kweba. Halos hindi mo aakalain na may kweba rito dahil sa kapal ng mga halaman na nakatakip, actually, may isang kweba pa na hindi niya dapat makita. Banal ang kwebang iyon para sa amin. Doon kami pumupunta sa tuwing magpapasalamat kami sa kanya. “Walang nakakaalam na may kweba pa dito dahil sa mga damong ito.”
Nang tuluyan ko nang matanggal ang mga damo, lumitaw ang maliit na entrada ng kweba. “Pasok tayo,” anyaya ko, sabay yuko para makapasok sa loob.
Sumunod si Nick, medyo yumuko rin para hindi siya sumabit sa mababang pinto. Pagpasok namin, agad kong sinindihan ang lampara na nasa loob, at biglang lumiwanag ang maliit na espasyo.
Sa loob, ang mga pader ay mababa at masikip, at halos hindi kami makagalaw nang maluwag. Nakalagay sa isang sulok ang ilang gamit—mga lumang libro, ilang piraso ng damit, at mga bagay na hindi mo akalaing makikita sa gitna ng gubat. Kahit si Nick ay nagulat sa nakita, nanatiling tahimik habang ang mga mata'y paikot–ikot sa loob ng kweba.
“Tingnan mo ito,” sabi ko habang kinukuha ang isang libro at ipinakita kay Nick. “Ito ang mga gamit ng isang estranghero na minsang nanirahan dito. Dito ako natutong magbasa ng english at tagalog pero konti lang. Siya ang nagturo sa akin. Nagmula siya sa lungsod, minsan niya kami sinama ni Ina sa kanyang palasyo at mabait siya. Kapag pumunta siya rito sa amin, laging may dala siyang kwento at kakaibang kaalaman, lalo na ang pagkain," natutuwang sabi ko na may malapad na ngisi sa aking mga labi.
Habang nagsasalita ako, napansin kong nag-iba ang expression ni Nick. Hindi ito sumagot at tinitigan lang ako. Naging seryoso siya, at parang may iniisip na malalim. Kinuha niya ang libro mula sa akin, at habang tinitingnan ito, napansin kong tumiim ang mga bagang niya. Then, anger crossed in his eyes.
“Sino daw siya? May kwento ka ba tungkol sa kanya?” tanong niya, halos pabulong, na parang may gusto siyang malaman na hindi niya masabi ng direkta.
Nagkibit ako ng mga balikat. "Oo, konti lang naman,” sagot ko, medyo nagtataka sa kanyang reaksyon. “Sabi niya, naglalakbay daw siya at naghahanap ng isang bagay—hindi ko lang alam kung ano iyon. Pero bago siya umalis, iniwan niya ang mga gamit na ito at hindi na bumalik. Wala kaming balita kung anong nangyari sa kanya.”
Nakita ko ang biglang pag-iba ng anyo ng mukha ni Nick. Ang mga mata niya ay puno ng emosyon—galit, pagkabahala, at pagkasabik, na parang may hinahanap siyang sagot na hindi niya pa natatagpuan.
Ibinaba niya ang libro. “Raine, may kasama ba siyang batang babae?” tanong niya bigla, ang tono ng boses niya ay puno ng pag-aalinlangan at pag-asa.
Napatigil ako saglit sa tanong niya, at binalikan ang alaala ko tungkol sa estrangherong iyon. “Wala akong natatandaan na may batang babae na kasama niya,” sagot ko nang maingat. “Laging mag-isa lang siya sa tuwing makikita namin siya. Bakit mo natanong?”
Umiling siya, pero hindi pa rin nawala ang seryoso niyang ekspresyon. “Wala, naisip ko lang,” sabi niya, pero alam kong may mas malalim na dahilan kung bakit niya tinanong iyon.
“Nick, okay ka lang ba?” tanong ko, nag-aalala sa biglaang pagbabago ng kanyang mood.
“Wala, okay lang ako,” sagot niya, ngunit alam kong may tinatago siyang hindi niya pa handang sabihin sa akon. “Salamat sa pagpapakita sa akin nito, Raine. Sobrang halaga nito sa akin, kahit hindi ko pa lubos na maipaliwanag ngayon.”
Nang marinig ko ang sinabi niya, alam kong hindi ito basta-basta. Alam kong may nais siyang iparating. May mas malalim na dahilan kung bakit ganoon ang kanyang naging reaksyon. Hindi ko na siya pinilit magsalita pa, pero alam kong isang araw, malalaman ko rin ang katotohanan.
Hinayaan ko siyang suyurin niya ang buong kweba, pati ang mga gamit na naririto ay hinayaan kong halungkatin niya.
Habang pinagmamasdan ni Nick ang mga gamit sa loob ng kweba, bigla kaming nakarinig ng mga boses mula sa labas. Agad akong napatingin kay Nick, parehong nagtatanong kung sino ang mga iyon. Lumapit ako kay Nick, inabot ko ang kamay niya. Agad kaming nagkubli sa likod ng mga bato at dahon sa loob ng kweba.
"May taong paparating," bulong ko kay Nick, at marahan siyang tumango, sinisiguradong hindi kami makikita ng kung sino man ang mga nasa labas. Mayroon pa palang nakaka–alam sa lugar na ito.
Mula sa aming pinagtataguan, unti-unting lumitaw ang dalawang pigura. Una kong nakita ang lalaki, at sa bawat hakbang niya, parang bumagal ang takbo ng oras. Si Usman. Hindi ko inaasahan na siya pala ang naririnig namin.
Lalabas sana ako sa pinagtataguan ng pigilan ako ni Nick. May jasunod si Usman ang isang babaeng pamilyar sa akin—si Liwanag. Nakaramdam ako ng kaba at hindi ko maipaliwanag kung bakit sila magkasama. Lumapit sila sa isa't isa, at ang sunod na nangyari ay nagpahinto ng puso ko.
Sa harap ko, walang kaalam-alam na naroon kami ni Nick, nakita ko kung paano naglapat ang kanilang mga labi. Napatulala ako, hindi makapaniwala sa nakikita ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig, at gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa.
Mas naging masakit pa ang sumunod na eksena. Habang kami ni Nick ay nakatago, nakita ko kung paano unti-unting nagiging mas mapusok ang kanilang mga kilos. Naririnig ko ang malandi at mapang-akit na ungol ni Liwanag habang unti-unting umuulos si Usman sa ibabaw niya. Ang bawat paggalaw nila ay parang mga kutsilyong tumatagos sa puso ko.
Ito pala ang ginagawa nilang dalawa sa tuwing sila ay magkasama. Muntik na akong mapasigaw, ngunit bago ko pa man mabitawan ang aking tinig, mabilis na tinakpan ni Nick ang aking bibig.
“Raine, shhh...” he whispered softly, malumanay ngunit may halong pangamba sa boses. “Huwag kang mag-ingay, baka marinig nila tayo.”
Nagpipigil ako ng luha habang patuloy kong pinapanood ang ginagawa ng nobyo ko at ni Liwanag. Ang bawat ungol at halinghing nilang dalawa na umeecho sa loob ng kweba ay parang patalim na tumatama sa aking damdamin. Hindi ko akalain na magagawa ito ni Usman sa akin.
Si Nick, kahit hindi ko makita ang mukha niya, ngunit ramdam ko ang pag-aalala sa bawat galaw niya. Hawak pa rin niya ang bibig ko, at marahan niya akong hinila palayo sa tanawin. Niyakap niya ako ng mahigpit, parang pinoprotektahan ako mula sa sakit na dulot ng nasaksihan ko.
Nang sa wakas ay natapos na ang ginagawa ng dalawa, at lumisan na sila, dahan-dahan akong binitiwan ni Nick. Niyakap ko siya nang mahigpit, at doon ko na ibinuhos ang lahat ng sakit na naramdaman ko.
“Bakit? Bakit niya ginawa iyon sa akin?” umiiyak kong tanong kay Nick, habang ang luha ko ay patuloy na dumadaloy.
Hindi siya sumagot. Wala siyang salitang binitawan, ngunit ang yakap niya ay nagsabi ng lahat. Nandito siya, at kahit anong mangyari, hindi niya ako pababayaan.