Chapter 07
Raine POV
TINANGGAP ni Nick ang hamon ni Usman. Ang determinasyon ay kitang-kita sa kanyang mukha habang siya'y tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Tumingin siya kay Usman, walang kang makikitang bakas ng takot sa kanyang mga mata.
"I do not wish to fight you, Usman, pero handa ako," sagot ni Nick in grim tone. "Tatanggapin ko ang iyong hamon, Usman."
"Talaga lang, huh?" sarkastikong sagot ni Usman. "Ipaalala ko lang sayo estranghero, ako si Usman ang magaling na mandirigma sa tribu na ito at wala pang nakakatalo sa akin. Hindi ang isang tulad mo lang makakapagpatumba sa akin," pagmamayabang na sabi ni Usman, sabay palakpakan ng mga tao sa tirbu namin.
"Yes!" Nick snapped. "Wala rin akong inaatrasan na laban." Sagot ni Nick sa matigas na tono.
Ang mga nakatatanda sa tribu at ang Hari ay nagkatinginan, nag-aabang sa susunod na mangyayari. Sa kanilang mga mata, nakita ko ang pagkabahala, ngunit tinimbang din nila ang katapangan na nakikita nila kay Nick.
Napapikit akong at sumandal sa haligi sa pulungan. Ako ang natatakot at kinakabahan para kay Nick dahil bihasang mandirigma si Usman baka ikapahamak pa niya ang laban na ito. Bukod roon may sugat pa si Nick sa kanyang tagiliran.
Lumapit ako kay Nick. "Nick, baka mapaano ka?" nag alalang sabi ko sa lalaki. "H'wag munang isipin si Usman ako na ang bahala sa kanya."
Isang matipid na ngiti ang isinukli sa akin ni Nick. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon. "Kaya ko ang sarili ko, kaya 'wag kang magalala." Naroon ang assurance sa kanyang tinig. "Akin ka mamaya, hindi ka bagay kay Usman."Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito.
Nagsalubong ang kilay ko, naguguluha sa huling sinabi niya. Tumango na lang ako, sa kalituhan, kahit sobra akong kinakabahan sa laban nila. Inalalayan ko si Nick na lumabas sa pulungan.
Nagtipon ang buong tribu sa aming arena kung saan may nagaganap na labanan, ang lahat ay nagmamasid sa gitna ng ring na ginawa mula sa mga bato at kahoy. Si Usman at Nick ay pumuwesto sa magkabilang dulo ng ring, handa sa laban.
Hinawakan ko ang braso ng aking ama. "Ama, bakit mo hinahayaan ito? Baka mapahamak si Nick."
Tumingin sa akin ang aking ama, ang kanyang mga mata'y puno ng karunungan at awtorisasyon. "Dayang, ang bawat estranghero ay kailangang patunayan ang kanilang sarili. Ito ang batas ng ating tribu. Kung si Nick ay may mabuting intensyon, makikita natin iyon sa kanyang determinasyon at lakas." Matigas na sabi ni Ama.
Nagsimula ang laban at sumabay ang pagkabog sa dibdib. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman kong takot para kay Nick.
Ang bawat galaw ni Usman ay mabilis at malakas. Mabilis na sumugod si Usman kay Nick, at bago pa makaiwas si Nick, isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang sikmura. Napa–atras si Nick, kita kong nasasaktan siya dahil sa sugat niya sa kanyang tagiliran, ngunit hindi nagpatalo si Nick. Ang mukha ni Usman ay puno ng kumpiyansa, alam niyang ang sugat ni Nick ang magiging kahinaan nito. Ito ang pinunterya niya.
Pinisil niya ang sugat ni Nick, at nakita naming napangiwi si Nick sa sakit. "Ito na ba ang ipinagmamalaki mo?" sigaw ni Usman kay Nick, na parang mabangis na hayop na nilalaro ang kanyang biktima.
Napatingin ako sa paligid, ang mga tao ay nagsisigawan, marami ang nag–udyok kay Usman na tapusin na ang laban. "Hindi siya nararapat sa ating tribu!" sigaw ng ama ni Usman, mas lalo naman naging mabangis si Usman dahil sa suporta ng kanyang ama. "Dapat siyang umalis, tapusin mo na ang laban, Usman!" utos niya sa kanyang anak.
Tumalim ang mga mata ni Usman sa pagkakatitig kay Nick mas lalo niyang piniga ang sugat ni Nick sa tagiliran, napahiyaw si Nick sa sakit. Nagkatitigan kami at sabi ng mga mata ko, tama na , pero umiling sa akin si Nick.
Kahit nahihirapan, hindi sumuko si Nick.Kita kong pilit niyang nilabanan ang sakit, ngunit napapansin kong ramdam niya ang kahinaan ng kanyang katawan. Sa bawat galaw ni Usman, tumindi ang kaba sa puso ko.
Si Nick ay mukhang nahihirapan, at ang bawat hampas ng kamao ni Usmana ay parang nagdadala ng kamatayan. Ngunit nakita kong hindi nagpatinag si Nick, pilit na lumaban. Isang mabilis na sipa mula kay Usman ang nagpabagsak kay Nick, namilipit sa sakit si Nick. Akmang yuyukuin muli siya ni Usman, ngunit bago pa man tuluyang makalapit si Usman, bumangon si Nick kahit nahihirapan, determinadong hindi matalo.
"Tapos ka na?" nanghihina na tanong ni Nick sabay dura ng dugo sa lupa.
"Sumuko ka na," hamon ni Usman sa tono na pagmamayabang. "Wala kang laban sa akin," nangangalaiti niyang sabi kay Nick. Isang tuyang ngiti ang ngiti ang pinakawalan ni Nick.
Muling sumugod si Usman kay Nick. Sa isang iglap, habang abala si Usman sa pagpapakita ng kanyang kalakasan, nahanap ni Nick ang pagkakataon. Isang mabilis na pag-iwas at tinamaan niya si Usman sa panga, sapat para mapaatras ang kalaban. Nabigla si Usman, hindi inaasahan ang lakas ng kamao ni Nick kahit pa ito’y sugatan.
Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao, hati ang kanilang suporta. “Tapusin mo na, Usman!”
“Laban, Nick!” Ang buong lugar ay parang nabalot ng enerhiya ng kanilang mga sigaw. Ang mga hiyawan ay halos umalingawngaw sa buong kagubatan.
Napasulyap ako kay Liwanag nagpatuloy sa kanyang pagsigaw para kay Usman. “Usman, huwag kang magpapatalo!” Ngunit sa kanyang mga mata, nakita ko ang pag-aalala.
Nagpatuloy ang laban at sa pagkakataong ito. Si Nick ang may hawak sa sitwasyon, nagtaka ako pero hindi ko maiwasang humanga. Para itong bihasa sa laban ang bawat sipa at suntok ay sapul ang mukha at katawan ni Usman.
Sa huli, nagawa ni Nick na mapabagsak si Usman. Napaluhod si Usman, humihingal at kitang–kita ang pagkabigla. Hindi siya makapaniwala na nagtagumpay si Nick sa laban sa kanya. Ang mga tao ay natahimik, parang binuhusan sila ng napakalamig na tubig, hindi sila makapaniwala sa lakas na pinakita ni Nick, pabor rin ang tangkad ni Nick kumpara sa taas ni Usman.
Ang galit sa mga mata nila para kay Nick kanina ay napalitan ng paghanga.
Huminga nang malalim si Nick, taas–bumaba ang dibdib sa sobrang hingal, itinaas ang kanyang kamay sa ere para ipakita ang tagumpay. Pagkatapos, ibinaba niya upang makipagkamay kay Usman bilang tanda ng respeto. “Magaling kang mandirigma, Usman, pero nagkakamali ka ng kinalaban. Sana’y magtulungan tayo sa hinaharap,” sabi ni Nick, ang boses niya’y mahigpit ngunit naroon ang pakikibagay kay Usman.
Ngunit hindi ito tinanggap ni Usman ang kanyang kamay. Ang kanyang mukha ay puno ng galit at kahihiyan. Tumayo siya, tumitig kay Nick nang masama. “Huwag kang magkamali, estranghero. Hindi pa tayo tapos,” sabi niya na may pagbabanta, bago siya lumabas ng ring, ang kanyang mga hakbang ay mabigat at puno ng poot.
Sumunod si Liwanag sa kanya at ang kanyang ama na puno ng poot ang mga mata. Nasa mga mata niya ang pagbabanta, tila may hindi magandang gagawin sa tribu.
Nanatiling tahimik ang buong tribu, lahat ay nag-aabang sa magiging desisyon ng aking amang Hari. Ang aking ama'y tumayo sa kanyang trono, ang boses niya'y malakas at malinaw. "Sa tapang na ipinakita ni Nick, binibigyan natin siya ng pagkakataon na makasama sa ating tribu. Ngunit bantayan siya. Tayo'y magmamasid." Mahigpit na bilin ni Ama sa lahat.
Nagpalakpakan ang buong tribu, at ang laban ay natapos. Nasa mga mata ng aking mga ka tribu ang hindi pa rin makapaniwala sa taglay na lakas na mayroon si Nick.
Napapatanong ako sa aking sarili, kung bakit ito magaling sa labanan. Ang mga suntok na pinakawalan niya at sipa ay parang bihasa siya sa paggamit nito. Umiling ako at pilit balewalain ang mga nakikita ko kay Nick.
Bagamat hindi ito ang katapusan ng mga pagsubok ni Nick, ito'y simula ng kanyang pagtanggap sa aming tribu.
Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang laban, ngunit ang kabog ng aking dibdib ay hindi pa rin nawawala. Nag–alala ako sa epekto nito kay Usman, tiyak kong ikakagalit niya ito.
Sumulyap ako kay Nick, nagdurugo ang kanyang sugat at hingal na hingal, ngunit kitang-kita ang determinasyon sa kanyang mga mata. Ang Hari, aking ama, ay lumapit kay Nick upang itaas ang kamay nito, at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buong arena.
"Mga ka tribu malinaw ang pagkapanalo ni Nick, ikaw ang nagwagi sa laban na ito. Bilang panalo, may karapatan kang humiling ng anumang nais mo," sabi ng aking ama, ang boses niya'y malalim at puno ng awtoridad.
Naghiyawan muli ang lahat. Ramdam ko ang tensyon habang hinihintay ang magiging sagot ni Nick. Tumingin siya sa paligid bago ibinaling ang tingin sa akin. Naramdaman kong biglng bumilis ang t***k ng aking puso. Ano ang hihilingin niya?
Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan niya, then matamis na ngumiti sa akin. "Gusto kong makasama si Raine," sabi ni Nick, malinaw at halos dumagundong sa paligid. Muling naghiyawan ang lahat, hindi makapaniwala sa sinabi ni Nick. Na ako ang premyong, hinihiling niya.
Namilog ang mga mata ni Ninay at iba pang mga kababaihan sa tribu, may iba na tila nadismaya at nag–alala.
Para akong napatigil sa aking paghinga, ang puso ko ay kumakabog sa matinding kaba at excitement. Ngayon lang naging ganito kasaya ang puso ko at sa isang estranghero pa. Tumingin ako sa aking ama, at kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan at pag-aalala. Alam kong hindi niya gusto ang hiling ni Nick, ngunit alam din naming pareho na kailangan naming sundin ang batas ng aming tribu.
"Dayang..." bulong ng aking ama, may alanganin sa kanyang tinig. Ramdam kong gusto niyang tumanggi, ngunit hindi niya magawa. Batas ay batas. Hindi niya pwedeng baliin iyon. Lumapit ako kay Nick, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Pilit kong pinatatag ang aking sarili kahit na may halong takot at kaba ang aking nararamdaman. Tumitig ako sa aking ama at nagsalita, "Ako'y susunod sa batas ng ating tribu, Ama."
Napabuntong-hininga ang aking ama, alam niyang wala na siyang magagawa. "Nick, bilang panalo, si Dayang ang iyong premyo. Ngunit tandaan mo, ang bawat galaw mo ay babantayan pa rin namin. Huwag kang magkakamali." Muling babala ni Ama sa kanya.
Hinapit ako ni Nick sa bewang at nagkatinginan kami. "See? You are my prize! I told you." bulong niya sa tenga ko. Ito pala ang ibig niyang sabihin kanina.
Hindi na ako sumagot bagkus isang ngiti ang itinugon ko sa kanya.
Tahimik lang ang buong tribu, nakikinig sa bawat sinabi ng Hari. Ramdam ko ang mga mata ni Liwanag na nakatitig sa amin, puno ng inggit. Si Usman naman ay nakatayo sa gilid, puno ng galit at inggit rin sa kanyang mga mata.
Hinawakan ni Nick ang aking kamay, ramdam ko ang init ng kanyang palad. "Salamat," bulong niyang muli sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito, pero alam kong nagsisimula pa lamang ang lahat.
Habang naglalakad kami pabalik sa kubo nararamdaman ko ang bigat ng mga mata ng aking ka tribu. May iba pa ring nag–aalangan sa pagtanggap kay Nick. Alam kong hindi pa tapos ang laban para kay Nick, at marami pa siyang kailangang patunayan, hindi lamang sa tribu kundi pati na rin sa akin.