Chapter 06
Raine
NAGULAT ako at dali-daling bumangon mula sa ibabaw ni Nick, tinutulungan siyang bumangon din. Ang puso ko'y kumakabog habang hinarap ko ang pinagmulan ng sigaw. Nandoon ang aking ama, nakatayo sa may pintuan, ang mukha niya'y puno ng galit at pagkadisgusto.
"Ama..." halos bulong kong sabi, habang si Nick naman ay kalmado lang ni wala kang makitang pagkabahala sa kanyang ama. "Hindi po ito—"
"Huwag ka nang magpaliwanag, Dayang," putol ng aking ama, ang kanyang mga mata'y nanlilisik. "Anong sabihin ng aking nakita?Bakit kayo magkapatong na dalawa?"
Tumayo nang maayos si Nick. "Ako po ang may kasalanan," sabi niya, pilit na pinapanatiling kalmado ang boses. "Nais ko lang pong tulungan si Raine at hindi ko sinasadyang madulas kami pareho." Dahilan niya kay Ama.
Hindi tumugon ang aking ama, ngunit ang titig niya kay Nick ay parang naghuhusga. Ramdam kong walang tiwala si Ama sa kay Nick. "Sigurado ka? tanong niya kay Nick, tila hindi kumbisido.
Humakbang ako palapit sa aking ama, pilit na pinapakalma ang sarili. "Ama, sinalo lang po ako ni Nick Wala siyang kasalanan," paliwanag ko, ngunit hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng aking ama. Ang mga mata niya'y nanatiling mapanuri kay Nick.
"Sa susunod, mas maging maingat kayo," sabi niya sa huli, ngunit may halong babala ang kanyang tinig. "Nick, magpahinga ka na muna. At ikaw, Dayang, samahan mo siya. Siguraduhin mong wala nang magiging problema."
Tumango ako, sumunod sa utos ng aking ama. Habang tinutulungan kong makabalik si Nick sa kwarto, naramdaman ko ang bigat ng mga mata ng aking ama na nakamasid sa amin. Kilala ko ang ugali ni Ama, wala siyang tiwala sa mga taong salta sa aming tribu.
Habang tinutulungan kong makabalik si Nick sa kwarto, naramdaman ko pa rin ang bigat ng mga mata ng aking ama na patoy na nakamasid sa amin. Ngayon ay mas alam kong kailangang mag-ingat kami sa bawat galaw.
Pagdating namin sa kwarto, nagpasalamat si Nick sa akin. "Raine, pasensya na kung nagdulot ako ng problema," sabi niya habang dahan-dahang nahiga sa papag.
"Nick, wala kang kasalanan," tugon ko. "Naiintindihan ko ang galit ni Ama. Prinsesa ako, at ikaw ay isang estranghero sa aming lupain. Hindi ka naming kilalang lubusan, kung anong totoong pakay mo. Sana wala kang masamang pakay sa aming tribu."
Mahina na ngumiti si Nick. "Alam ko," sabi niya, "...pero hindi ko inaasahan na magiging ganito kahirap ang pagtanggap nila sa akin."
"Bigyan lang natin sila ng panahon," sabi ko. "Makikilala ka rin nila, namin. Naramdaman kong isa kang mabuting tao, Nick."
Nagsalubong ang kilay ni Nick. "Sa tingin mo, mabuti akong tao?" he countered.
Nagkatinginan kami, at kahit saglit lang, napatigil ang mundo. Hindi ko maintindihan, kung bakit ganyan siya makatitig sa akin.
Nagpatuloy kami sa katahimikan, ang tanging naririnig ay ang aming banayad na paghinga ni Nick. Ang ipinagtataka ko hindi ako naiilang sa lalaki. Na para bang kay tagal na naming magkakilala at magkaibigan. Tila balewala sa akin ang pagiging estranghero ni Nick at ang pagnanais ko ngayon ay protektahan siya mula sa galit at takot ng aming tribo.
Inalalayan ko siyang makahiga nang maayos. "Nick," sabi ko, "alam kong mahirap para sa'yo ang tanggapin ang aming tribu dahil nakikita ko—" I paused at tinitigan ang makinis na balat ni Nick. "Mayaman ka ba?"
Hindi ko matiyak kung bakit ko naitanong iyon. Ang kinis niya, at ang katawan niya sobràng tikas naalala ko sa kanya ang estrangherong pinatira namin sa isang kweba at ang estrangherong iyon ang sinamahan ni Ina.
Ang natatandaan ko noon, dinala niya kami ni Ina sa lugar na maraming matataas na gusali at tumira pa kami sa mala–palasyo na bahay nito pero hindi ko na matandaan kung ano ang kasunod na pangyayari.
Napatitig si Nick sa akin, kumunot ang noo. "Why you ask, Dayang?"
Ngumiti ako, at nagkibit ng mga balikat. "Naitanong ko lang, sa ayos mo at hitsura mukha kang mayaman. Anong trabaho mo?"
Pagak na tumawa si Nick. "Empleyado lang ako, sumama lang ako sa kaibigan kong mayaman. Wala akong alam sa pangangaso kahit pero I have no choice to follow his command."
I pouted my lips. Sinipat kong mabuti si Nick. "Hindi ka mayaman? Kagaya ng pagkakaroon ng malaking bahay? May nakilala akong estranghero dati, mayaman siya. Mayroon siyang malaking bahay." Na e–excite kong tanong at kwento. "Alam mo ang dami niyang dinadala lagi dito sa amin. Mga damit at pagkain, ang pinakagusto ko 'yung...'yung...basta kulay brown na matamis na pahaba na—"
Napayuko ako nang makita ang pagkapalis ng ngiti sa mga labi ni Nick at nahalinhan ng pagdilim ng kanyang mga mata.
Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Nick, into a sarcastic smile. Napansin ko ang pagguhit ng galit sa mga mata niya. "Chocolate yata ang tinutukoy mo. Matangkad, kagaya ko? Just like me?"
Sunod–sunod akong tumango. "Oo, kagaya mo siya. Ang estrangherong iyon talagang mayaman. Kung empleyado ka lang pero bakit mukhang kang mayaman?" Nakukuryos na tanong ko.
Napansin kong tumigas ang mukha ni Nick. Kumunot ang noo at makita ang pagdaan ng galit sa mga mata niya. O baka naman imahinasyon ko lang.
Tumayo ako mula sa pagkaupo sa papag. "Lalabas—aalis na ako! Magpahinga ka, Nick para mapabilis ang paggaling mo."
Habang lumalabas ako ng kwarto, narinig ko ang mahinang tawag ni Nick. "Raine..."
Lumingon ako at tumingin sa kanya. "Bakit?"
"Nagmamalasakit ka talaga sa akin, hindi ba?"
Tumango ako, hindi na kailangang magsalita pa. Nakita ko sa kanyang mga mata na naiintindihan niya ang lahat. Sa kabila ng lahat ng nangyari, naramdaman kong may koneksyon kami na mas malalim pa sa mga salita.
HABANG papalabas ako sa tinutulugan ni Nick, biglang dumating ang isang mensahero ng aming tribu, ang mukha niya'y seryoso at walang bakas ng emosyon. "Mahal na Prinsesa, Nick," tawag niya, "...pinapatawag kayo ng Hari at ng mga nakatatanda sa pulungan. Nais nilang kausapin ang estranghero tungkol sa kanyang layunin sa pagpunta rito."
Kinakabahan akong napatitig sa mensahero, at ramdam ko ang tensyon sa hangin. "Ngayon din ba?" tanong ko, sinisikap na alisin ang kaba sa dibdib ko.
Tumango ang mensahero. "Oo, ngayong oras na ito."
Nagsalubong ang mga kilay ni Nick, ngunit dahan–dahan siyang tumayo nang walang pag-aatubili. Tumingin siya sa akin at kanyang mga mata ay nagsasabing, okay lang. "Sige, pupunta kami."
Lumapit ako sa kanya, napasinghap ako nang maamoy ang natural niyang amoy. Inalalayan ko si Nick palabas ng silid tulugan hanggang sa pulungan. Pagdating namin doon, naroon na ang aking ama at ang mga nakatatanda, naghihintay sa amin. Ang kanilang mga mukha'y seryoso at puno ng katanungan. Ganoon din ang ibang mga katutubong naririto. Ang mga kababaihan naman ay hindi maalis ang mga mata nila sa lalaki.
"Nick," panimula ng aking ama, ang boses niya'y malamig at puno ng awtoridad. "Nais naming malaman ang tunay mong layunin sa pagpunta sa aming tribu."
Napatitig si Nick sa kanila, ang kanyang mukha'y walang bakas ng takot. "Ako po ay isang zoologist," sabi niya nang kalmado. "Nagpunta ako rito upang mag-aral ng mga hayop sa inyong kagubatan. Sa kasamaang palad, nahulog ako sa isang hanging bridge at napadpad sa inyong lugar."
Tila hindi kumbinsido ang mga nakatatanda. Nabulong–bulungan sila, may umiiling na ayaw maniwala at may tila kumbinsido ang mukha. "Bakit napunta ka sa tulay na iyon? At ano ang hinahanap mo bago ka napadpad dito?" tanong sa kanya ni Elder Akong.
Huminga nang malalim si Nick, iniwasan ang tingin ko. "Hinahanap ko ang mga kakaibang hayop sa inyong kagubatan," sagot niya. "Narinig ko ang tungkol sa mga hayop na matatagpuan lamang sa inyong tribu at nais kong pag-aralan ang mga ito."
Nagkaroon ng katahimikan sa paligid. Kita ko ang seryosong mukha ng aking ama at ng mga nakatatanda. "At ano ang plano mong gawin sa mga hayop na ito?" tanong ng isa pa, ang boses niya'y puno ng pagdududa.
"Aaminin ko po, nais kong pag-aralan ang kanilang kalikasan at kasaysayan," sagot ni Nick, pilit na pinananatiling kalmado ang boses. "Ngunit mula nang dumating ako rito at nakilala kayo, lalo na si Raine, napagtanto ko ang kahalagahan ng inyong kultura at kasaysayan. Wala akong balak na saktan o kunin ang kahit ano mula sa inyo." Ramdam ko ang sincerity sa kanyang tinig.
Natahimik ang buong pulungan, tila iniisip ang sinabi ni Nick. Napayuko naman ako sa sinabi niya tila kinilig ako bahagya. Tumayo ang aking ama, tumingin sa akin at kay Nick. "Kung totoo ang sinasabi mo, kailangan mo pang patunayan ang iyong sarili sa amin. Hindi namin basta-basta ibinibigay ang aming tiwala, lalo na sa mga estranghero."
Tumango si Nick, nasa mukha niya na handang harapin ang anumang pagsubok na ipapataw sa kanya. "Naiintindihan ko po. Gagawin ko ang lahat upang makuha ang inyong tiwala."
Habang nakaupo ako sa tabi ni Nick, naramdaman ko ang bigat ng responsibilidad sa aking balikat. Kailangan kong tulungan si Nick, hindi lamang dahil sa tiwala ko sa kanya, kundi para rin sa kapakanan ng aming tribu. Sana nga'y tunay ang sinasabi niya at wala siyang masamang balak. Nagkatinginan kami at nasa mga mata ko ang paniniwala kay Nick.
Habang patuloy sa pagpupulong, biglang sumabat si Usman. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig, nakita ko mabigat na ekspresyon sa kanyang mukha. Masama ang titig niyang palipat–lipat sa amin ni Nick.
"Mahal na Hari, mga nakatatanda," tawag niya, ang boses niya'y puno ng determinasyon at galit. "Hindi ko mapapayagan na ang estrangherong ito ay basta na lamang tanggapin sa ating tribu. Hindi ko siya pinagkakatiwalaan."
Tumayo si Nick, kalmado ngunit handa sa anumang mangyayari. "Ginoo, ako si Nick Houston, isang zoologist. Wala akong balak na saktan kayo o ang inyong tribu. Nandito lang ako para mag-aral ng mga hayop sa inyong kagubatan." Sabi ni Nick sa malumanay na tinig.
Ngunit matigas ang mukha ni Usman. "Hindi sapat ang mga salita mo, Nick. Kung tunay ang sinasabi mo, patunayan mo sa akin sa pamamagitan ng isang laban."
Nagulat ang lahat sa biglang pagsiklab ng emosyon ni Usman. Tumayo ang aking ama, ang boses niya'y mahigpit. "Usman, ano ang nais mong gawin?"
Isang masamang titig ang binigay niya sa aking ama. "Mahal na Hari, nais kong hamunin si Nick sa isang Tagisan ng Lakas. Sa harap ng buong tribu, patunayan niya na wala siyang masamang balak at karapat-dapat siyang nandito."
Ang hamon na ito ay kilala sa aming tribu bilang isang pagsubok ng katapangan at kakayahan. Tumindig ako upang subukang pigilan si Hero, ngunit mabilis niyang tinigilan ang aking mga hakbang. "Dayang, ito ang paraan natin. Kailangan niyang patunayan ang sarili niya sa atin." Galit nitong sabi.
"Usman, hindi laban ang sulusyon para patunayan ni Nick ang kanyang katapatan sa ating tribu," pagtatanggol ko kay Nick.
Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Usman. "Duwag ang umaayaw sa laban, Dayang," tumingin siya kay Nick, "...patunayan mo ang iyong sarili, estranghero. Kapag natalo mo ako sa laban, mananatili ka sa aming tribu." Puno ng hamon ang tinig ni Usman.
Tinitigan ni Nick si Usman, wala sa mukha nito ang takot, handang harapin ang hamon. "Kung ito ang kinakailangan upang makuha ang inyong mga tiwala, tatanggapin ko ang hamon mo, Usman."
Tahimik na nagkatinginan ang mga nakatatanda at ang aking ama, nagkikibit-balikat sa desisyon ni Nick. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon, ngunit naramdaman ko rin ang determinasyon ni Nick na patunayan ang kanyang sarili. Ang Tagisan ng Lakas ay magiging isang malaking pagsubok, ngunit ito rin ang pagkakataon ni Nick na ipakita ang kanyang tunay na intensyon sa harap ng buong tribu.