Chapter 32 Raine MGA isang oras ang lumipas natapos rin kaming kumain at busog na busog ako. Ang dami ko ba namang nakain na chicken joy. Si Damon naman nakatitig lang sa akin habang kumakain ako. Napapansin ko pa ang mga titig niya minsan. Nakatingin ba naman sa dibdib ko. Paano kasi itong bestida na suot ko kita ang cleavage? May panlaban naman kasi itong mga bundok ko, ngunit sorry siya. Pero sa tuwing makikita niya akong susulyap sa lalaking gwapo sa kabila ay magsasalubong ang kilay niya at isang masamang tingin ang pinupukol niya sa akin. Bigla na lang itong tumayo at hinila ako sa palabas sa fast food chain pero bago kami nakalabas naka–kaway pa ako kay pogi na mas lalong kina–asim ng mukha ni Damon. Kulang na lang masubsob ang mukha ko sa upuan dahil pabalya niya akong pinasok