Chapter 31 Raine MAY inabot na sa akin si Manang Susan at isuot ko raw ang laman nito. Binuksan ko ang paper bag, sa loob ay may mga tela. Ngayon araw ako lalabas sa ospital at uuwi raw kami sa mansiyon ni Nick. Nang matapos akong magbihis, tumayo ako sa harap ng salamin na dinala ni Manang. Hindi pa ako nakakita ng ganito kalaking salamin—kitang-kita ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa. Suot ko ang malambot na bestida na ibinigay ni Susan. Napakagaan ng tela, parang hindi ko ito nararamdaman sa balat. At ang "bra" at "panty" na ipinilit niyang isuot ko rin, kakaibang pakiramdam din—parang may yakap sa akin na hindi ko makita. Hindi na rin ako, nakakaramdam ng preskong hangin sa kipipay ko. Bigla akong naalarma, baka , nagbait–baitan si Damon sa akin dahil gusto niya lang pum