Chapter 05
Raine POV
KINABUKASAN, maaga pa lang ay nagluluto na ako ng agahan namin. Ang mga sariwang gulay at prutas mula sa aming paligid ay inilalagay ko sa isang basket. Gumawa na rin ako ng gamot mula sa mga halaman para sa sugat ni Nick.
Habang nagluluto, naramdaman ko ang presensiya ni Nick sa likod ko. Dahan–dahan akong lumingon. He smiled faintly, habang hawak–hawak ang kanyang tagiliran na may sugat, at naglakad papalapit sa akin.
"Good morning," sabi niya, ang boses niya'y mahina ngunit puno ng kuryusidad. "Where am I? What tribe is this?"
"Nasa tribo ka ng mga Ilongot," sagot ko, pinipilit na ngumiti. "Nasa Sierra Madre ka."
"Sierra Madre," ulit niya, tila sinasariwa ang pangalan. "I've never heard of this tribe before. What kind of people are the Ilongot?"
"Kami ay mga taong simpleng namumuhay sa kalikasan," paliwanag ko habang patuloy sa pag-aayos ng aming agahan. "Ang aming tribo ay kilala sa aming pagmamahal sa kalikasan at sa aming kultura ng pakikipagkapwa-tao. Mahal namin ang aming pamilya at komunidad, at handa kaming tumulong sa kahit sinong nangangailangan."
He nodded. "Sounds like a wonderful community," sabi niya, ang boses niya'y puno ng amusement. "I owe you all my life. Thanks for saving me." He said with sincerity.
Napayuko ako saglit sa sinabi niya, pakiramdam ko namumula ang pisngi ko. "Hindi mo kailangang magpasalamat," sabi ko, humarap sa kanya at iniabot ang isang mangkok na puno ng mainit na sabaw mula sa native na manok na maaga kong hinuli kanina. "Ang mahalaga ay gumaling ka. Halika, umupo ka muna at kumain. Kailangan mo ng lakas."
Ngumiti siya at tinanggap ang mangkok, umupo sa upuang kahoy. Habang pinagmamasdan ko siyang kumakain, napansin ko ang malagkit niyang mga mata na nakatitig sa akin, lalo na sa aking mga labi. Nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam at tila hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking mga mata.
"Dayang," tawag niya sa akin, pagkatapos ng ilang sandali. "I don't know how to thank you for all this. Your tribe saved my life."
"Walang anuman, Nick," sagot ko, pilit na ngumiti habang iniwasan ang kanyang titig. "Ang importante ay ligtas ka ngayon. Magpahinga ka at magpagaling para mapabilis ang paghilom ng iyong mga sugat."
Ngunit sa bawat sandali na lumilipas, hindi ko maiwasang ma–asiwa sa kanyang malagkit na pagtitig sa akin. Ang mga mata niya'y tila may hipnotismo at pilit akong hinahatak palapit sa kanya.
Habang kumakain si Nick, patuloy kong binabantayan ang kanyang bawat galaw. Kakaiba siya sa lahat ng mga nakita ko. Tumikhim ako, sinusubukan kong makipag-usap sa kanya upang mas makilala pa siya.
"Nick," tanong ko. "Ano ba ang nangyari sa iyo sa gubat? Bakit nakita ka namin sa tabi ng ilog na walang malay?"
Huminto siya sa pagsubo. Ngumiti siya ng may halong lihim sa kanyang mga mata. "Well, I was actually hunting. I slipped and fell while trying to catch my prey. It was a dangerous situation, but I managed to escape."
Tiningnan ko siya ng mabuti, pakiramdam ko may kulang sa kanyang paliwanag. "Nahulog ka habang nangangaso?"
"Yes," sagot niya, na tila nag-iwas ng tingin. "It was quite an ordeal. But I'm just glad you found me before it was too late."
"Yung sinasabi mo bang panghuhuli ay talagang nahulog ka lang o may iba pang nangyari?" tanong ko pa, nais kong tiyakin kung totoo ang sinasabi niya.
Tumingin siya sa akin ng direkta, ang kanyang mga mata'y tila may bahid na kung ano. "I just had a bad fall. Nothing more. I’m grateful to be here and still alive." He said firmly.
Tumango ako, kahit na nag-aalangan, tinanggap ko ang kanyang paliwanag. "Okay, Mick. Ang mahalaga ay nakaligtas ka. Magpahinga ka na muna."
Habang patuloy kami sa pag-uusap, hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi. Ang ibang mga salita, nag–e–english. Nakakaintindi ako, konting english dahil may mga libro akong tinatago na ako lang ang nakaka–alam kung saan ko sila nilagay. May nagturo rin sa akin na magbasa noon.
"Nick," sabi ko, "pwede ba mag-Tagalog ka na lang? Hindi kita masyadong naiintindihan kapag Ingles ang gamit mong salita."
Napabuntong–hininga ang lalaki. Maya't maya sumilay ang mahina ngunit matamis na ngiti sa kanyang labi.
Ang kanyang mga mata ay may gumuhit na kung ano na hindi ko kayang pangalanan, parang may lihim na layunin na hindi ko mawari. Sa kabila ng kanyang kaswal na pakikitungo, pinilit ko na lamang na balewalain ito.
Ngunit, hindi ko mapigilan ang pag-isip kung anong tunay na layunin ni Nick sa tribu namin. But for now, ang aking pokus ay ang kanyang pag-recover para maka–alis na siya rito sa aming tribu.
Pagkaraan ng ilang sandali, tumango si Nick. "Sige, mag-Tagalog na lang ako para mas maintindihan mo," sabi niya.
Nagpasalamat ako at ngumiti. "Maraming salamat, Nick. Mas madali tayong makakaintindihan.
Ngunit bago pa man ako makapagpatuloy, tinanong niya ako. "Tell me your name," Nick said softly. The sudden huskiness of his voice was a caress. Napapatitig ako sa kanya. Pakiramdam ko ang maliliit na balahibo sa katawan ko ay nagtaasan. Banayad akong napasinghap. Bakit ba ganito na lang ang nararamdaman ko? Isang hindi maunawaang damdamin ang tila nag–uunahan sa katawan ko, making me shiver.
Huminga ako ng malalim bago magpatuloy. "Ako si Dayang, at ako ang prinsesa ng mga Ilongot. Ang aking ama ang hari ng aming tribo."
Nakita kong kumislap ang mga mata ni Nick. "Prinsesa ka pala..." he said almost in a whisper. Pagkatapos mabilis niyang idinagdag. "Dayang, is your real name?"
Umiling ako sa kanya. Unti-unti siyang lumapit sa akin, ang kanyang presensya ay tila nagpapalakas ng tensyon sa pagitan namin. Sobrang lapit na niya dahilan upang bumilis sa t***k ang aking puso. Naramdaman ko ang kanyang init at ang kanyang pagtingin sa akin, na halos naaabot ang aking mukha. Ang kanyang malapit na distansya ay nagdulot ng kakaba-kaba sa aking dibdib, at tila hindi ko maikubli ang pakiramdam ng pag-aalinlangan na nararamdaman ko.
"Prinsesa ka pala ng tribong ito," sabi niya ng may ngiti sa kanyang mga labi. Aware of his strong arm on my waist. "Hindi ko alam na magkakaroon ako ng pagkakataong makilala ka. First time kong makakilala ng prinsesa." Sabi niya, hindi ko alam kung papuri ba iyon or sarcasm.
Pakiramdam ko'y mas lalo pang tumitindi ang tensyon sa paligid. "Oo. Bakit?"
Ngumiti siya ng may kahulugan, at ang kanyang mga mata ay tila sumasalamin sa kanyang damdamin. "Wala lang, Dayang. Gusto ko lang sanang makilala ka nang mas mabuti."
Napalunok ako, pakiramdam ko tuyong–tuyo ang lalamunan ko lalo na ng maramdaman ang maininit na hininga niya sa batok ko. Sinikap kong seryosohin ang sitwasyon.
"Dayang," patuloy niya, ang boses niya'y malambing at puno ng pagnanasa, "ano ang tunay mong pangalan? Ang Dayang ba ay pangalan mo talaga o may iba ka pang pangalan?"
Nag-aalangan akong tumingin sa kanya, ngunit hindi ko maitatago ang ngiti na lumabas sa aking labi. "Dayang ang tawag sa akin ng aming tribo, ngunit ang tunay kong pangalan ay Raine." Bahagya akong napapikit. Feeling the warmth of his body...inhaling his scent. Pagmulat ng mga mata ko, nakatitig lang siya sa akin.
Tumango siya. "I see," sabi niya ng may ngiti, ang kanyang mga mata ay nangingislap. "Lahat ng tawag nila sa'yo, Dayang?"
Napansin ko ang malalim pa niyang pagtitig sa akin, at pakiramdam ko ay mas lalo niyang sinusubukang alamin ang aking pagkatao. Now I could hint a teasing in his voice. "Dayang?" muli niyang sambit at tila may sumilay na nakakalokong ngiti sa labi nito.
"Bakit naman, Nick? May iba ka bang nais malaman tungkol sa akin?" wika ko sa malamig na tinig. "Bitiwan mo ako. Baka biglang darating si Ama," protesta ko, dahil humigpit ang hawak niya sa bewang ko.
Imbes bitawan ako ay ngumiti siya ng may kahulugan. Hindi man lang lumuwag ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Then he smiled. "Hindi naman, Dayang. Gusto ko lang sanang malaman ang tunay mong pagkatao at mas makilala ka. Ibang klase ka kasi sa lahat ng mga babaeng nakilala ko." And finally, dahan–dahan niyang inalis ang kamay niya sa bewang ko pero ang mga mata niya nanatili sa labi ko.
Kinuha ko ang baso na gawa sa kawayan na may lamang tubig at dinala sa aking bibig habang sa gilid ng mga mata ko. Nakikita kong nakatitig sa akin si Nick.
"How old are you, Raine? Iyon ang itawag ko sa'yo, much better kaysa Dayang."
Nabitin ako sa paglunok sa tubig. All of the sudden, bakit biglang masarap pakinggan ang "Raine" may nagpantig bigla sa pandinig ko tila may narinig na akong tumawag sa akin na "Raine". Hindi ko lang matandaan, kung sino at saan?
"Dalawampu't taong gulang na ako. Ikaw, ilang taon ka na?"
"Thirty two," sagot nito pagkatapos ng ilang segundong pag–aatubili. "Ang tanda ko pala sa'yo. Does it matter, right?" he said smoothly. "Tama ba ako?"
"Oo, naman. Sina Ina at Ama ay malayo rin ang agwat sa edad," pagsang–ayon ko sa hindi ko maintindihan na kadahilanan. "At ikinagagalak kitang makilala, Nick," I said cheekily para waglitin ang tensiyon sa aming dalawa at ibinaba ko ang hawak na baso at inabot ang kamay kay Nick.
Nick laughed softly at tinanggap ang kamay ko at napansin kong muling kumislap ang kanyang mga mata. And looking at me intently.
"Mas maaliwalas ang mukha mo kapag nakangiti ka, Nick," sabi ko nang bitawan ko ang kamay niya. "Kapag gumaling ka na, pwede ka na namin ihatid sa paanan ng bundok," dagdag kong sabi na tila may kirot sa dibdib ko. Bukod doon, he's melting all the bones in my body.
Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Nick. Naramdaman ko ang tensiyon na bumibigat sa pagitan naming dalawa. Tumayo ako, pilit na iniwasan ang mga matang nagtatanong, ngunit bago pa man ako makatalikod, natapilok ako.
Napatili ako sa sakit at sa takot na bumagsak. Sa isang iglap, naramdaman ko ang malalaking kamay ni Nick na humawak sa bewang ko. Pero dahil sa kanyang sugat sa tagiliran, marahil, hindi niya nagawang suportahan ang bigat naming dalawa.
"Raine!" sigaw niya habang kami'y bumagsak na dalawa sa sahig, kasabay ng kanyang pagngiwi.
Bumagsak ako sa ibabaw ni Nick. Naramdaman ko ang kanyang dibdib na humihingal sa ilalim ko. Nakita ko ang kirot na nakapinta sa kanyang mukha.
"Nick, pasensya na!" Agad kong sabi, na pilit na bumabangon ngunit pinigilan niya ako.
"Don't. Huwag ka munang gumalaw," sabi niya, ang boses niya'y nahahaluan ng sakit. "Okay lang ako."
Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking mukha, ang pagkabog ng kanyang puso laban sa aking dibdib. Ang aming mga mukha'y ilang pulgada lamang ang layo sa isa't isa. Ang mga mata niya'y puno ng emosyon, at sa sandaling iyon, parang tumigil ang oras.
"Raine," bulong niya, dahan–dahan na lumapit ang labi niya sa labi ko at sa pagdikit ng aming mga labi, lahat ng tensiyon at sakit ay tila naglaho, at ang natira lamang ay ang matamis na pakiramdam ng pagkakaugnay.
Ngunit bago pa man magpatuloy ang sandaling iyon, isang malakas na sigaw ang umalingawngaw mula sa likuran namin.
"Dayang! Anong ginagawa ninyo?"