Chapter 13 Raine NANG tuluyang mawala sa paningin namin si Usman. Hawak kamay kami ni Nick habang lumalabas sa pulungan. Ramdam ko ang bawat t***k ng puso ko, hindi lamang dahil sa mga banta ni Usman, kundi dahil sa bigat ng mga mata ng mga taong nakatingin sa amin. Alam kong marami pa rin sa kanila ang may pagdududa kay Nick, at naiintindihan ko iyon. Pero higit sa lahat, alam kong mahal ko siya at iyon ang dahilan kung bakit handa akong ipaglaban ang aming pagmamahalan. Nang marating namin ang gitna ng tribu, napansin ko ang mga naghihintay na tao, nag-aabang sa anunsyo ng aking ama. Ang ilan ay nag-uusap, at alam kong ang kasal namin ni Nick ang sentro ng kanilang mga usapan. Alam kong hindi madali para sa kanila na tanggapin si Nick bilang kabiyak ko, lalo na’t matagal nang nakata