Chapter 21 The Blame is on her–Part 01

1807 Words
Chapter 21 Raine NAGISING ako sa ingay ng mga tao sa labas. Kumurap–kurap ako bago ko naipokus ang paningin sa paligid. Naghikab ako, at naramdaman ko ang pananakit sa buong katawan ko at lalo na sa p********e ko. Napangiti ako nang maalala ang pulo't gata namin ni Nick. Kinapa ko ang higaan sa tabi ko, pero wala si Nick. “Asawa ko?” tawag ko, pero walang sumagot. Naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko. Naalala ko ang parang narinig ko kagabi, bago ako tuluyang nakatulog. "Damon?" Sino ang tinatawag na "Damon?" Bumalikwas ako ng bangon at sumilip sa labas ng kubo. Nakita kong nagmamadali ang mga tao, tila may hinahanap. May kung anong takot na gumapang sa akin. Ano kayang nangyari? At nasaan si Nick? Narinig ko ang mga tao na pasigaw na nagsasalita sa di kalayuan. Hindi ko naiintindihan agad kung ano ang sinasabi nila, pero habang palapit sila, unti-unting lumilinaw ang kanilang mga salita. “Lumabas ka diyan, Dayang!” sigaw ng isa sa kanila. “Ilabas mo si Nick!” dagdag ng isa pa, ang tinig niya puno ng galit at paghihinala. Dali–dali akong nagbihis. Lumabas ako ng kaba, tinatalo ng kaba ang lahat ng nararamdaman ko. Paglabas ko, nakita ko ang galit na mukha ng mga tao sa tribu. Nagdagsaan sila sa harap ng kubo ko, at lahat sila ay nakatingin sa akin, puno ng galit. “Ilabas mo ang hayop na iyon!” sigaw ng isang matandang lalaki, ang kanyang mga mata nagliliyab sa galit. “Siya ang kumuha ng Anito natin!” Napalunok ako, hindi pa rin lubos na naiintindihan kung ano ang nangyayari. “Ano ang sinasabi ninyo?” tanong ko, sinusubukan kong kumalma. “Wala akong alam sa sinasabi niyo. Anong nangyari?” nalilitong tanong ko. “Ang Anito! Nawawala ang Anito!” sigaw ng isang babae mula sa likuran ng pulutong. “At si Nick ang pinaghihinalaan namin na kumuha!” “Pero paano naman—?” pinutol ko ang aking tanong, naguguluhan pa rin. Isang matandang babae ang humakbang palapit, tinuturo ako. “Ikaw ang nagpatuloy sa kanya dito, Dayang. Ikaw ang nagdala ng dayuhan sa ating tribu! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ito nangyari!” Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa mga paratang nila. “Wala akong alam tungkol dito!” giit ko. “Hindi gagawin ni Nick ‘yan! Kilala ko siya, hindi siya ganun!” “Paano mo nasisiguro?” tanong ng isa sa kanila, mapanghamon ang tono. “Wala kang alam sa kanya. Kailangan naming makita siya, ngayon din. Ilabas mo siya!” “Nawawala si Nick,” sagot ko, nag-aalangan kung paano ko sasabihin sa kanila. “Pagkagising ko, wala na siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung nasaan siya.” Nagmurmurahan ang mga tao, ang ilan ay tila hindi naniniwala sa akin. Naririnig ko ang mga bulong-bulongan nila, mga akusasyon at mga paratang na si Nick nga ang may sala. “Dayang, kailangan mong patunayan na wala kang kinalaman dito,” sabi ng Ama ni Usman, ang boses niya ay kalmado pero may awtoridad. “Kung hindi, lahat tayo ay maghihinala na kasabwat ka ng dayuhan na iyon. Kung hindi mo siya pinatuloy at pinakasalan, hindi mangyayari ito." Tumayo ako nang diretso, pinipilit kong wag magpakita ng takot. “Hindi ko alam kung nasaan si Nick, pero hahanapin ko siya. At patutunayan ko sa inyo na hindi siya ang may sala.” Umiling–iling ako tila hindi makapaniwala na magagawa iyon ni Nick. Parang sasabog ang puso ko sa galit at pagkabigo. Paano niyang nagawang nakawain ang aming Anito? Ngayon naiintindihan ko na, kung bakit ganoon na lamang ang kislap ng kanyang mga mata sa tuwing titigan ang aming Anito. Kung bakit siya, sobrang interesado rito? Ginamit niya lang ako at ako naman ay nagpaloko. Nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko at pilit ko itong pinipigilan. Ayokong iyakan ang taksil na iyon. "Paano ba nila naitakas ang Anito? Wala bang nakapansin sa inyo?" tanong ko, naguguluhan at may halong kaba sa dibdib. Ang pagkawala ng Anito ay isang malaking problema, at ramdam ko ang kapalit na kaparusahan. Luminga–linga ako sa paligid, hinahanap ang pang–unawa sa mga mata ng aking ka–tribu, ngunit ang mga tingin nila sa akin ay puno ng galit. Narinig ko ang bulong–bulungan, mga paratang na unti–unting bumibigat sa aking dibdib. Lahat sila ay hindi naniniwala sa akin. Biglang nagsalita si Usman, at ramdam ko ang tindi ng galit sa boses niya. "Pinatulog nila ang buong tribu, Dayang. Parang ginamitan tayo ng pampatulog. At ikaw, kasalanan mo 'to lahat! Kung nakinig ka sa aming babala noon. Kung ako lang ang pinili mong pakasalan, hindi mangyayari 'to! Isa kang taksil sa ating tribu, Dayan. Siguro tinulungan mo ang estranghero na iyon," bintang niya sa akin. Bago pa ako makapagsalita, sumabat si Liwanag, kapareha ni Usman, na tila mas galit pa, "Tama si Usma. Ang dapat sa'yo, Dayang, ay parusahan!" Nagsimulang mag–ingay ang mga tao sa paligid, at unti–unting lumalakas ang kanilang mga tinig, hanggang sa naging isa ang kanilang panawagan—hinihingi ng lahat ang aking kaparusahan. Parang nagbabadya ng unos ang galit ng buong tribu, at sa kabila ng kaguluhan sa paligid ramdam ko ang takot na bumabalot sa akin. "Wala akong kinalaman sa pagkawala ng ating Anito!" sabi ko, na pilit pinagtatanggol ang sarili ko sa kanila, ngunit hindi sila nakikinig sa akin. Patuloy ang kanilang pagsigaw. Napapalibutan ako ng kanilang mga akusasyon. Bigla kong narinig ang tinig ng aking Ama, na tumatawag sa akin mula sa aking likuran. "Dayang!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig, pagod ang kanyang mukha at dismayadong–dismayado, ngunit ang kanyang presensiya ay agad na nagpapatahimik sa karamihan. "Ama," mahina kong sabi sa nanginginig na tinig, umaasa na siya'y maniwala sa akin. Akmang bubuka ang bibig ni Ama muling sumiklab ang galit ng mga tao. "Parusahan si Dayang! Siya ang dahilan ng lahat ng ito!" Sigaw ng buong tribu ang kanilang tinig ay nagkakaisa, puno ng galit at hinanakit. Humarap ang aking ama sa buong tribu, ang kanyang mga mata ay puno ng kalungkutan at matinding panghihinayang. "Kayo'y huminahon," utos niya, ngunit halatang nahihirapan si Ama na kontrolin ang sitwasyon. "Ama, wala akong kinalaman sa pagkawala ng Anito," sabi ko, pilit na pinipigil ang mga luha na kanina pa nagbabadyang tumulo. "Si Nick...hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung nasaan siya, basta na lang rin niya akong iniwan, Ama." Puno ng pagkabigo ang aking tinig, pero ang naramdaman ko ngayon kay Nick ay poot at galit. Tahimik na tumingin ang aking ama sa akin, nasa mga mata niya ang pang–unawa pero bilang hari sa aming tribu. Kailangan niyang magbigay ng parusa kahit anak pa niya ito. Ang mga tao sa paligid patuloy na humihiyaw at nagprotesta para sa kaparusahan ko. "Hindi kami naniniwala hangga't hindi namin makita si Nick!" sigaw ng isang matanda sa likod. "At dapat si Dayang ang parusahan." "Ama, hindi ko alam kung paano ko mapapatunayan na wala akong kasalanan," halos pabulong kong sabi. "Kailangan kong makita si Nick at malaman kung ano talaga ang nangyari." Huminga nang malalim ang aking ama, bago siya tumingin sa kanyang nasasakupan. "Hanapin natin si Nick," sabi niya, puno ng awtoridad. "Ngunit walang magpaparusa kay Dayang hangga't hindi natin nalalaman ang katotohanan. Ako, bilang ama ang magpaparusa sa aking anak." Maawtoridad na sigaw ni Ama sa lahat. NAGLAKAD si Ama papalapit sa akin, ang kanyang presensya nagbigay ng kaunting katahimikan sa galit na tribu. Ngunit bago pa siya makapagsalita, biglang muling sumigaw si Usman. "Hindi ito matatapos nang ganito! Hindi sapat na hahanapin lang si Nick! Si Dayang ang nagdala ng dayuhang ito sa ating tribu, siya ang may kasalanan kaya nawawala ang Anito!" Ang kanyang mga sinabi ay tila nagpakulo ng dugo ng mga tao. Sumigaw naman si Liwanag, nagdadagdag pa ng langis sa apoy na mas lalong nagpasiklab sa galit ng lahat sa akin, "Oo, parusahan si Dayang! Dapat lang na parusahan siya." Nagsimulang mag-ingay muli ang mga tao, ang kanilang mga boses ay nagkakaisa sa galit sa akin. "Parusahan si Dayang!" sigaw ng isang lalaki mula sa harap, at agad itong sinundan ng iba pang mga kasapi ng tribu. "Oo, siya ang may kasalanan! Parusahan siya!" Naramdaman ko ang takot na bumalot sa aking buong katawan. Tumitig ako sa aking ama, umaasa na mapapakalma niya ang sitwasyon, ngunit ang galit ng tribu ay tila isang alon na handang wasakin ang lahat sa kanyang daan. "Ama, hindi ko intensyon na ilagay tayo sa ganitong sitwasyon," sabi ko, halos nagmamakaawa na ako. "Kailangan nating malaman kung sino talaga ang may kagagawan nito. Huwag silang pagbibigyan." Pero bago pa makapagsalita si Ama, muling nagprotesta ang tribu, mas malakas at mas mapusok kaysa dati. "Si Dayang ang nagdala sa dayuhan dito! Siya ang dahilan kung bakit tayo nagdusa!" Ang mga boses nila ay sabay-sabay na naglalabas ng galit, at ang kanilang mga mata ay nag-aapoy sa poot. Ang aking ama, bagaman matapang, ay halatang nag-aalinlangan sa bigat ng sitwasyon. "Huminahon kayo," utos niya, ngunit tila bingi na ang mga tao sa kanyang mga salita. "Parusahan si Dayang! Ipakita sa kanya ang hustisya ng tribu!" Ang mga sigaw ay naging mas marahas, at halos maramdaman ko ang panganib na unti-unting lumalapit sa akin. Nakita ko si Usman at Liwanag, nakatayo sa gitna ng mga tao, mga mukha nila ay puno ng kasiyahan sa kanilang ginagawa. Naramdaman ko ang kawalan ng kapangyarihan habang unti-unti akong natatabunan ng mga galit na tao. "Kailangan siyang pagbayarin!" sigaw ni Usman, ang kanyang tinig ay umaalingawngaw sa buong paligid. "Si Dayang ang nagdala ng kamalasan sa atin! Kailangan niyang maranasan ang kaparusahan ng kanyang ginawa!" "Ama, ano ang gagawin natin?" tanong ko, halos hindi ko na matanto ang bigat ng aking mga salita. Tahimik na tumingin ang aking ama sa mga tao, pero kahit siya ay tila nawawalan na rin ng paraan upang pigilan ang galit ng tribu. "Hahanapin natin si Nick, pero," sagot niya nang mabigat, "...nauunawaan kong kailangang may managot sa pagkawala ng Anito." Sabi ni Amang Hari sa lahat pero tila bingi ang aking mga katribu. Nagpatuloy silang sumisigaw. "Parusahan si Dayang!" Ang mga sigaw nila ay naging mas malakas, at naramdaman ko ang malamig na hangin ng takot na bumalot sa akin. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong kailangan kong panindigan ang sarili ko. "Hahanapin ko si Nick, at patutunayan ko na wala akong kinalaman dito," sabi ko, ang boses ko'y matatag kahit na ang loob ko'y nanginginig. "Huwag ninyong husgahan ang isang tao nang hindi nalalaman ang buong katotohanan." Ngunit habang sinasabi ko ito, nararamdaman ko ang bigat ng galit ng tribu, at alam kong hindi basta-basta matatapos ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD