Chapter 19 Wedding Ceremony

1801 Words
Chapter 19 Raine DUMATING na ang oras ng aming kasal. Sa ilalim ng kabilugan ng buwan, handa na ang lahat para sa sagradong seremonya. Nakalinya na ang mga tao ng tribu, at sa bawat hakbang na aking ginagawa, ang lupang nilalakaran ko patungo sa altar ay natatabunan ng mga bulaklak na inihagis ng mga kababaihan sa aming tribu. Ang bango ng mga bulaklak ay siyang sumasalubong sa akin, sumasabay sa t***k ng aking puso na puno ng saya at kaba. Nang makita ko si Nick na nakatayo sa harap ng altar, ang tikas niya ay lalo pang nagbigay-buhay sa kasuotan niyang tradisyunal. Nakasuot siya ng mga burdadong kasuotan na sumisimbolo sa karangalan at lakas ng aming tribu. Nakatitig siya sa akin, at sa bawat hakbang na papalapit ako sa kanya, tila nawawala ang lahat ng takot at alinlangan sa aking puso. Alam kong handa na akong harapin ang bagong buhay na kasama siya. Nang magtagpo ang aming mga mata, nagbigay siya ng isang matamis na ngiti, at nang magtagpo ang aming mga kamay, naramdaman ko ang init ng kanyang palad na nagbigay ng katiyakan at lakas sa akin. Ang magkakasal sa amin ay si matandang Akong, pinuno ng tribu, na may dalang sagradong tungkod at nakasuot ng mga balabal na may burda ng aming mga ninuno. Inilapit niya kami sa harap ng Anito, isang malaking estatwa na sumisimbolo sa aming Diyos ng kasaganaan at proteksyon. "Sa harap ng ating Anito at ng buong tribu," nagsimula si matanda Akong, "...kayo, si Raine at si Nick, ay magbibigkis ng inyong mga puso at kaluluwa. Sa gabing ito, ipinagkakatiwala ninyo ang inyong mga sarili sa isa’t isa, at sa pamamagitan ng sumpa at pangako, magiging gabay ninyo ang ating mga ninuno sa inyong pagsasama." Nagpatuloy siya, "Raine, anak ng ating hari, ipinagkakatiwala mo ba ang iyong puso at buhay kay Nick, na magiging katuwang mo sa hirap at ginhawa, sa bawat umaga at gabi, sa ilalim ng liwanag ng araw at ng buwan?" Tumango ako, nararamdaman ang pag-ibig at pananampalataya sa puso ko. "Oo," mahina kong sagot, ngunit puno ng katiyakan, "...ipinagkakatiwala ko ang aking puso at buhay kay Nick, sa harap ng ating Anito at ng ating mga ninuno." Tumingin ang matanda kay Nick. "At ikaw, Nick, ipinapangako mo ba na iingatan at mamahalin si Raine, hindi lamang bilang iyong asawa, kundi bilang bahagi ng ating tribu, sa lahat ng oras at panahon?" Matagal bago sumagot si Nick, napansin ko siyang pasimpleng sumulyap sa tinawag niyang Kurt. Nagkatanguan sila bago muling humarap si Nick kay tandang Akong. Narinig ko ang sagot ni Nick, "Oo, ipinapangako ko na iingatan at mamahalin si Raine, mula ngayon hanggang sa dulo ng aking mga araw." Sumulyap siya sa akin at isang matamis na ngiti ang ibinigay niya siya akin. Nagpatuloy ang matanda sa seremonya, binasbasan kami ng tubig mula sa sagradong batis at inalay ang mga prutas at alak sa Anito. "Sa basbas nito, kayo ay mag-asawa na. Sa harap ng ating Anito, tanggapin ninyo ang basbas ng ating mga ninuno at maging gabay ninyo ang mga ito sa inyong paglalakbay bilang mag-asawa. Nick at Raine mahalin ninyo ang isa't isa." Nang matapos ang seremonya, kinuha ni Nick ang aking mga kamay at marahan niyang nilapit ang kanyang noo sa akin, isang tanda ng kanyang pangako at pagmamahal. Naririnig namin ang mga hiyawan at sigawan ng aming mga katribu, tanda ng kanilang pagsang-ayon at kasiyahan sa aming pagsasama. Walang makakapantay sa saya na nararamdaman ko. Buong puso kong tinanggap ang araw na ito—ang araw ng aming kasal, ang araw na tuluyan kong inialay ang aking sarili kay Nick, sa harap ng aming Anito at ng buong tribu. Pagkatapos ng seremonya, nagtipon ang buong tribu sa paligid ng isang malaking apoy, simbolo ng liwanag at init na magpapalakas sa pagsasama namin ni Nick. Sa gitna ng kabilugan ng buwan, nagsimula ang isang presentasyon na bahagi ng aming tradisyon—isang sayaw ng bagong kasal. Nakasuot ako ng magaan at maluwag na damit, hanggang tuhod ko , na kumikislap sa liwanag ng apoy, at lumapit ako sa gitna ng bilog. Ang bawat hakbang ko ay para akong sinasayaw ng hangin, na ang mga galaw ay banayad ngunit puno ng enerhiya. Nagsimula ang ritwal ng sayaw, isang senswal at masining na pag-indak na nagpapakita ng kahandaan at pagsuko sa bagong yugto ng buhay bilang asawa. Habang umiikot ako sa paligid ng apoy, ang aking mga mata ay minsan-minsang nakatingin kay Nick, na nakaupo sa isang pandangal na lugar. Hindi ko mapigilan ang mapansin ang kakaibang kislap sa mga mata ni Nick— pagnanasa at paghanga. Ang kanyang tingin na iyon ay mas lalong nagpapainit sa akin, dagdag pa sa init ng apoy na bumabalot sa katawan ko. Ang bawat galaw ko ay parang sinasamba ang apoy at ang aming pag-iisang dibdib, na sa bawat indak ay tumitindi ang senswalidad ng aking sayaw. Habang sumasayaw, nararamdaman ko ang matalim na pagtitig ni Nick. Naramdaman ko ang kakaibang tension habang nagkatitigan kami ni Nick. Ang reflection ng apoy sa mga mata niya, it made him look like a demigod—parang may kakaibang kapangyarihan siyang hindi ko maipaliwanag. Habang patuloy ang sayaw, nadarama ko ang lalim ng koneksyon sa aming dalawa. Ang apoy ay hindi lamang nagbigay liwanag sa gabi kundi parang naging saksi rin sa pagsilang ng isang bagong uri ng pagkakaintindihan sa pagitan namin. Sa kabila ng lahat ng ito, naroon pa rin ang kakaibang kislap sa mga mata ni Nick, na nag-iiwan ng tanong sa isip ni ko habang patuloy kong inaalay ang sayaw na ito sa kanya. NANG matapos akong sumayaw, huminto ako sa gitna ng bilog at huminga ng malalim. Ramdam ko pa rin ang t***k ng puso ko, na parang sumasabay sa ritmo ng musika at ng apoy na kanina’y pumapalibot sa akin. Tumingin ako kay Nick, na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. Ang mga mata niya, na kanina’y punong-puno ng paghanga at desire, ay parang nag-aanyaya. Lumapit ako sa kanya, hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga mata niya. Nang makalapit na ako nang sapat, kinuha ko ang kanyang kamay. "Sumayaw ka kasama ako," sabi ko sa senswal na paraan, bahagyang nakangiti. Nagulat siya ng bahagya, pero agad rin siyang ngumiti. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at hinawakan ang aking kamay nang mas mahigpit. "Hindi ako kasing galing mo sumayaw, pero susubukan ko," biro niya, pero ramdam ko ang excitement sa boses niya. Hinila ko siya papalapit sa gitna ng bilog kung saan ako sumasayaw kanina. Hindi ko alam kung paano namin gagawin ito, pero alam kong gusto ko lang makasama siya sa moment na ito, kahit sa sayaw lang. Nagsimula kaming gumalaw nang sabay, dahan-dahan lang sa simula. Sinusubukan niyang sabayan ang mga galaw ko, habang ako naman ay ginagabayan siya. Habang patuloy kaming sumasayaw, hindi ko maiwasang mapansin kung paano magbago ang ekspresyon ng mukha niya—mula sa pagiging seryoso, naging masaya at malaya. Parang batang tuwang–tuwa si Nick, pakiramdam ko nag slow–mo ang buong paligid habang napakasarap niyang tingnan habang tumatawa. Ang pagtama ng mga mata namin, ang paghawak niya sa aking kamay, lahat ng ito ay parang nagpapalalim ng koneksyon namin. Mahal kita pabulong ko sa hangin. Kumislap lang ang mga mata niya. Hindi na kailangang ang mga salita. Sa bawat galaw ng aming katawan, sa bawat indayog, alam kong nararamdaman din niya ang nararamdaman ko. At habang patuloy kaming sumasayaw sa ilalim ng liwanag ng buwan, sa harap ng apoy, alam kong ito ang simula ng bago naming yugto—hindi lang bilang mag-asawa, kundi bilang dalawang taong handang harapin ang anumang darating na magkasama. Pagkatapos naming sumayaw ni Nick, huminto kami sa gitna ng bilog. Pareho kaming pagod pero nakangiti sa lahat. Naririnig ko ang palakpak at bulungan ng mga tao sa paligid, masaya sila sa nakita nila. Lumapit ang matandang pinuno ng tribu dala ang mga handog para sa Anito. Nagsimula siyang magdasal, at sumabay na rin ang iba. Sa ilalim pa rin ng liwanag ng buwan at sa harap ng apoy, naramdaman ko kung gaano kahalaga ang alay na ito. May mga prutas, alak, at iba pang bagay na inihanda para sa Anito, simbolo ng kasaganaan at proteksyon. Tumayo kami ni Nick sa harap ng Anito, tahimik na nakikinig habang nagdarasal ang pinuno. Magka–hawak pa rin ang aming mga kamay, at alam kong pareho kami ng iniisip—pasasalamat at dasal para sa aming hinaharap. Matapos ang alay, nagbalik ang kasiyahan sa paligid. Sinabi ng pinuno na maaari nang kumain. Agad na pumunta ang mga tao sa mga mesa na puno ng masasarap na pagkain—inihaw na karne, sariwang prutas, at iba’t ibang lutuin. Naupo kami ni Nick sa mesa na nakalaan para sa amin. Sinaluhan kami ng aming pamilya at mga kaibigan. Habang kumakain, ramdam ko ang saya ng lahat. Tawanan at kwentuhan, tanda ng pagmamahal at pagkakaisa ng tribu. Habang pinapanood ko si Nick na nakikipag-usap, nakangiti lang ako. Alam kong gabing ito ay hindi ko makakalimutan—simula ng aming pagsasama na sana puno ng pag-asa at pagmamahal. Hanggang sa magsimula na ang kasayahan sa buong tribu. Ang bawat isa ay abala sa walang humpay na inuman at kainan. Masaya ang lahat, at ramdam ko ang saya habang nakikipag-usap sa mga kaibigan at pamilya. Pero bigla kong napansin na umalis sa tabi ko si Nick. Nagtaka ako at sinundan ko siya ng tingin. Nakita ko siyang lumapit sa isang bihag na tinawag niyang Kurt. May binubulong siya sa lalaki, at kahit malayo, halata kong seryoso ang usapan nila. Pati ang dalawang bihag pa ay tila may senenyas sila rito. Nais ko sanang lapitan sila para malaman kung tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan, pero bago pa ako makatayo, bigla akong hinila ni Lola Mina. “Dayang, halika na, oras na,” sabi niya habang hinila ako palayo sa kasiyahan. Alam ko na kung para saan ito. Dinala niya ako pabalik sa aming kubo. Alam kong ito na ang oras para sa pulo't gata namin ni Nick. Pumasok kami sa loob, at iniwan niya ako roon, nagsabing maghintay na lang ako. Kinakabahan akong excited para dito. Hindi ako mapakali sa loob, paroon ako at parito halos nalibot ko ang buong loob ng kubo. Ilang minuto akong naghintay. Tahimik ang paligid, ang tanging naririnig ko ay ang masayang ingay ng kasiyahan sa labas. Mas lalo akong kinabahan nang marinig ang mga yabag sa labas ng kubo at ang tinig ni Lola Mina na tila binabasbasan si Nick. Hindi nagtagal, pumasok si Nick sa loob. Agad niyang sinara ang pinto, at narinig ko ang mga matatanda sa labas na nagbabantay, para siguraduhing walang istorbo sa aming unang gabi bilang mag-asawa. Nang magtagpo ang aming mga mata, hindi ko mapigilan matamis na ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD