Chapter 30 Raine NGUNIT agad kong iwinaksi ang isipin iyon, hindi pa rin ako pwedeng magtiwala sa kanya. Hindi niya ako madadaan sa charm niya. Dapat maging maingat ako laban sa lalaking ito. Biglang sumiklab muli ang lahat ng sakit at galit na naramdaman ko. Naaalala ko ang Anito na ninakaw niya, ang tribu ko na iniwan ko, at ang lahat ng bagay na nawala dahil sa kanya. Ang saya sa kanyang mukha na kanina'y tila nagpapatunaw sa akin ay biglang hindi ko na kayang tingnan. Mapagbalat anyo ang lalaking ito. Manloloko at ubod ng sinungaling. Tinitigan ko siya nang mariin, isang matalim na titig ang pinukol ko. Gusto kong makita niya ang galit ko, ang poot na nararamdaman ko sa bawat patak ng oras na nawala sa akin. "M-magpaliwanag ka," bulyaw kong utos sa kanya, hindi ko naitago ang pa