“Deimos nakatingin sa’yo ang magandang dalaga na kasama ni prinsesa Vera.” Binulungan ako ng isa sa aking mga kasama bilang mandirigma ng kaharian. Napatingin naman ako sa tinutukoy n’ya ngunit nakatalikod na ang babae kaya hindi ko nakita ang mukha nito.
“Marahil ay nagagwapuhan sa akin,” pabirong wika ko kay Marco, ang pangalan ng mandirigma na nakapansin sa babae.
“Siguro nga dahil matagal s’yang nakatingin sa’yo,” nakangiting sagot ni Marco sa akin at iniwan na ako para samahan ang iba pa naming kasama.
Sa tingin ko ay maganda nga ang dalaga dahil balingkinitan ang katawan nito at katamtaman lamang ang taas para sa mga babae. Ipiniling ko na lamang ang ulo dahil wala akong panahon ngayon tungkol doon. Kailangan ko munang pamunuan ang hukbo ng mandirigma sa kaharian ng Daesyn dahil may nakapasok na Olobo.
Isa itong halimaw na anyong lobo na ang laki ay tila sampung beses sa totoong lobo kung kaya kailangan ang buong hukbo sa paglaban dito. Mayroon itong matatalas na ngipin na may tumutulong laway na tila asido kapag ikaw ay natalsikan. Mahahaba din ang kuko nito na may lason kaya dapat mo din iwasan ang makalmot nito. Mapupula ang mga mata nito at nakakagimbal kapag ito ay umalulong dahil maririnig iyon sa buong kaharian.
“Magsihanda na kayo at tayo ay magtutungo sa pamilihan dahil nandoon na ang Olobo.” Pagkasabi ay sumenyas na ako sa aking mga kasama upang makapunta agad kami sa lugar. Binubuo kami ng tatlumpong mandirigma na may iba’t-ibang taglay na kapangyarihan.
May gumagamit ng elementong hangin, apoy, at tubig. Mayroon din naman gumagamit ng mahika, lason saka tagapagpagaling sa mga nasusugatan. Bagong salta lamang ako sa kaharian ng Daesyn dahil nagmula ako sa ibang kaharian. Nagkaroon ng matinding digmaan sa pinagmulan kong kaharian kung kaya tuluyan na itong nabura sa mapa at isa lamang ako sa nakaligtas sa panahong iyon.
Naglakbay ako patungo sa kaharian ng Daesyn upang humingi ng tulong kay King Daeyn dahil iniligtas ko din minsan ang hari laban sa kampon ng kadiliman. Wala na akong ibang mapupuntahan dahil sinakop na ng kadiliman ang ilang malapit na kaharian sa aking pinanggalingan. Alam ng hari ang aking kakayahan kaya naman itinalaga n’ya agad ako bilang bagong pinuno sa kanyang mga mandirigma. Malugod kong tinanggap ang tungkulin dahil isang karangalan na mailigtas namin ang mamamayan ng palasyo.
Madami na ang nawasak sa pamilihan ng aming datnan ang Olobo. Agad kami nitong nakita kaya ito ay umalulong nang malakas. Sumenyas na din agad ako sa aking mga kasama upang madaling matalo ang halimaw.
“Marko nais kung maglagay ka ng shield sa palibot ng Olobo upang hindi ito makatakas.” Agad na tumalima si Marko at tinulungan s’ya ng lima sa aming kasamahan na gumagamit ng mahika. Nagbigkas sila ng mga salita upang mabilis na maisagawa ang aking iniutos. Tumingin naman ako sa ibang kasamahan at pinukaw ang kanilang atensyon.
“Palibutan natin ang Olobo at maghanda na tayo sa pag-atake.” Mabilis silang kumilos at inihanda ang mga sarili.
“Mag-ingat ang lahat dahil lason at asido ang kayang gawin ng halimaw at tiyak na mahihirapan ang ating mga healer. “ Sigaw ko upang maging alerto sila sa maaaring gawin ng kalaban. Naghanda na din ang mga healer na nasa isang lugar na medyo malayo sa amin upang mabilis din nilang magawa ang kanilang tungkulin sa oras na may masugatan.
Nagwawala na ang Olobo dahil nakulong na ito sa shield na ginawa nila Marko. Yumayanig ang aming kinatatayuan sa tuwing binabangga nito ang shield dahil sa lakas ng impact.
“Magsihanda at tayo ay aatake na.” Pagkasigaw ko ay sumenyas na ako sa lahat upang simulan na ang pag-atake sa kalaban. Mas lumakas pa ang pagyanig ng lupa dahil sa lakas ng aking mga kasama na nagsimula nang gamitin ang kanilang mga kapangyarihan.
Nagpakawala ng napakalaking bolang apoy ang mga elemental ng apoy. Agad din na gumamit ng kapangyarihan ang mga may hawak sa elemento ng hangin hindi upang patayin ang apoy, sa halip ay upang mapalakas ang siklab nito. Pagkatapos ay agad nila itong inihagis sa Olobo na nais kumawala.
Dahil nagmamatigas ang halimaw ay gumawa naman ng mga chains ang may hawak sa elemento ng tubig. Tinalian nila ito upang hindi makatakas sa ginawang atake ng mga naunang mandirigma. Inihanda ko na ang aking espada dahil anumang oras ay magpapakita na ang Olobo ng tunay nitong lakas.
Pilit na kumakawala ang Olobo sa pagkakatali na ginawa ng mga may hawak sa elemento ng tubig. Patuloy naman sa ginagawang pag-atake ang mga elemental ng hangin at apoy.
“Hindi na namin kaya ang halimaw at tila makakawala na ito sa aming pagkakatali.” Narinig ko ang sigaw ng isa sa elemental ng tubig at tila nahihirapan na nga ang kanilang grupo. Mabilis kong ipinosisyon ang aking espada para sa aking pag-atake ngunit tuluyan nang nakawala ang Obolo sa pagkakatali sa kanya.
Muli itong umalulong at nagsimulang kalmutin ang shield na ngayon ay unti-unti na din nawawasak. Hindi ko agad maikumpas ang aking espada dahil sa lakas ng impact kanina ay nawalan ako ng balance at natumba. Bago pa ako makatayo ay nawasak na nga ang shield na pinoprotektahan nila Marco at tumalsik sila. Ikinumpas ko na ang hawak kong espada ngunit matulin na tumakbo palayo ang Obolo.
“Halika at sundan natin ang halimaw.” Nagpatiuna na ako sa pagsunod sa tinatahak na direksyon ng halimaw. Patungo iyon sa isang baryo na mga mortal na tao lamang ang nakatira.
“Pagalingin muna ang mga may sugat at manatiling handa ang mga kaya pang lumaban,” wika ko sa mga healer habang patuloy na hinahabol ang Olobo. Maliban sa pag-alulong nito ay maririnig na din ang nakakabinging sigawan ng mga tao at ang hindi magkamayaw nilang pagtakbo upang iligtas ang sarili.
“Marko ihanda muli ang shield at gumawa na ng malaking bolang apoy. Lagyan ito ng lason upang mapalarisa ang Olobo. Maglagay ng chains sa buong katawan ng halimaw upang hindi na ito muling makatakas.” Nagtinginan silang lahat sa akin dahil wala na sila masyadong lakas para gawin muli ang bagay na iyon sapagkat naibuhos na nilang lahat sa unang pag-atake.
Mas lalong nagwala ang Olobo at pinagkakalmot nito ang sinumang tao na mahawakan kaya makakarinig ka na din ng iyakan sa paligid. Hindi na ako nagdalawang isip dahil kailangan ko ng gamitin ang aking kapangyarihan. Muli kong inihanda ang aking espada habang pinipilit gawin ng aking mga kasama ang aking iniutos.
“Elboud rewop trelam.” Binigkas ko na ang mahalagang salita para sa aking kapangyarihan. Nagliwanag ang espadang hawak ko at agad na ikinumpas iyon. Sa aking pagkumpas ay dumoble naman ang lakas at kapangyarihan ng aking mga kasama kaya tagumpay nilang nagawa ang aking ipinag-utos.
Makikita ang kanilang pagkamangha, marahil ay ngayon lamang sila nakakita ng ganoong kapangyarihan. Umalulong muli ng malakas ang Olobo na makikitang nahihirapan na ngayon sa kanyang sitwasyon. Muli kong inihanda ang aking espada na nagliliwanag pa din hanggang ngayon.
“Yatam ma ake!” Ikinumpas ko ang espadang hawak at kasabay nang aking pagsigaw ay ang pagkawasak ng shield na ginawa nila Marco. Nawala ang napakalaking liwanag at bumalik sa totong kalagayan ang aking mga kasama. Lumantad sa amin ang wala ng buhay na Olobo kaya nagsigawan ang lahat.
“Napakagaling Deimos,” nanghihinang sambit ni Marco dahil hiram lamang nila sa aking kapangyarihan ang lakas nila kanina. Maya-maya lamang ay naging abo na ang halimaw na aming kinalaban.
“Salamat, sige na at tulungan natin ang mga taong nasaktan at dalhin sa palasyo.”
Dumating agad ang hari nang malaman na patay na ang halimaw na lumusob sa kaharian. May kasama itong dalawang kawal. Pagkababa ng hari sa kanilang karwahe ay sumunod naman si Princess Vera na anak nito.
Tinignan ko ang mga taong nasaktan na aming tinipon upang mabilis gamutin kaya hindi ko napansin ang isa pang babae na bumaba sa karwahe. Sa kasamaang palad ay may binawian ng buhay sa ilang mamamayan ng lugar na pinuntahan ng Olobo dahil na din sa lason na taglay nito.
“Deimos.” Kinalabit ako ni Marco upang tawagin ang aking pansin. Nilingon ko s’ya at tinignan ang itinuturo nito. Nakita ko ang kasama ni Vera na balingkinitang babae at tila pamilyar sa akin ang tindig nito.
“S’ya iyong magandang babae na nakatingin sa’yo kanina.” Bulong ni Marco bilang sagot ng aking tanong sa sarili. Hindi ko namalayan ang sarili na nakangiti na pala. Humanga ako sa hitsura ng dalaga. Maganda nga s’ya bilang pagsang-ayon ko sa sinabi ni Marco.
Malaki na medyo singkit ang mata nito na nakakaakit titigan. Katamtaman din ang pula ng labi nito na lalong nagpapaganda sa kanyang mukha. Mahaba ang kulay brown n’yang buhok na may kulot sa dulo. Hanggang puwet ang haba nito at bumagay iyon sa napakaliit n’yang bewang. Natigil lamang ako sa pagtitig sa dalaga nang nasa harapan ko na si King Daeyn. Ngunit bago nakapagsalita ang hari ay humahangos naman si Vera na hinihila nung magandang babae na tinititigan ko lamang kanina.
“Paumanhin Ama pero may nais malaman si Althaia.” Hinihingal na wika ni Vera kaya naman nalaman ko ang pangalan ng dalaga. Tinignan muna ni Althaia ang lahat ng ginagamot sa aming likuran na tila may hinahanap.
“N-nakita mo ba ang aking mga m-magulang?”