Episode 3 - Ate Dille

1049 Words
Ngayon ay beinte-dos na si Dille, ngunit nanatiling single pa rin ito at hindi pa niya nasubukan ang magka-boyfriend. Buhay magsasaka ang nahiligan niya, pero minsan ay sumasagi na sa isipan ni Dille, na makipagsapalaran sa ibayong bayan. Dahil nagbakasakali siya na makahanap ng magandang trabaho na may sapat na kikitain siya. Lalo na ngayong may sakit ang kaniyang Nanay. Nakapag-asawa na rin ang kaniyang Kuya Mando. Ang kaniyang Tatay naman ay medyo mahina na rin ang katawan. Bilang lang ang kaibigan ni Dille, dahil nahihiya siya sa mga dating kaklase. Sapagkat halos lahat nito ay nakapagtatapos na sa pag-aaral. At siya na lang ang napag-iwanan sa ere. Wala rin silang masyadong kapit-bahay na kasing edad niya kaya ang nagiging best friend niya ay si 'Tisoy'. Ang makulit niyang kapit-bahay na bata, pero masayahin ito matalino. "Tisoy, alam mo ba na may nagtuturo ng karate doon kina, Mang Karding? Ang sabi pamangkin raw na galing Maynila," kuwento ni Dille, sa batang kausap niya "Talaga, Ate Dille?! Naku! Maganda iyon bakbakan!" sagot nito, at namimilog pa ang mga mata sa sobrang tuwa. "Oo, at nakita ko ang mga bata na nagpraktis kahapon. Gusto ko ngang pupunta ngayon doon para sumali," sabi ni Dille, sa kausap niyang sampung taong gulang na batang lalaki. "Ate Dille, ang tanda mo na para makigulo sa amin!" saway nito. "Bakit, Tisoy?! May limit ba sa pag-aaral ng karate?!" kunot-noo niyang tanong. "Hmmm... bahala ka nga!" nakasimangot ring tugon ng bata. "Bahala! Kasi mali ka! At saka hindi pa ako matanda, oy!. Tandaan mo na beinte-dos pa ako. Ni wala pa nga akong boyfriend, eh!" tugon ni Dille, na para na ring bata ang kaniyang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Eh, ano pala ako sa buhay mo? Ano ba ang tingin mo sa akin, hindi mo ako boyfriend?" Seryosong reklamo ni Tisoy. "Ang ibig kong sabihin, boyfriend ba... iyong mag-ganoon sila, oh!" senyas ni Dille, at ipinakita pa niya sa kausap ang dalawa niyang kamay na parang naghahalikan. "— Ate Dille, naman, uh!" Tinatakpan ni Tisoy, ang kaniyang mata. Upang hindi niya makita ang kamay ni Dille. "Bakit?! Anong masama sa ginagawa ko?" pagtatakang tanong niya at pinigilan ang sarili na hindi mapahagalpak ng tawa. "Masama kaya iyan, Ate Dille! Kasi bata pa po ako." "Asus! Bata raw! Eh, lage nga kitang nakikita na kapag dumadaan si Therresa, ay lagi mong sinisilip sa bintana. Akala mo na hindi kita nahuhuli?" pambubulabog niya. "Hala! Ate Dille, huwag po kayong maingay baka marinig ka!" gulat na sabi ni Tisoy. Dali-dali niyang tinakpan ang bibig ni Dille, at nagpalingon-lingon ito sa paligid. "Oh, shaaa... sige, sekreto na lang natin ito," pabulong na sabi ni Dille. "Promise iyan, ha?" Paniniguro ni Tisoy. "Oo— Promise!" "Tara na nga!" sabi ng bata, sabay hila nito sa kamay ni Dille. At nagtungo sa bahay ng kanilang magiging tagapagturo sa karate. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Dille. "Hindi ba gusto mong mag-aaral ng karate? Kaya sasamahan na kita doon." "Ikaw na, Tisoy!" tugon niya. Nang makarating na sila sa bahay ni Mang Karding, ay nagtulakan ang dalawa kung sino ang kakatok sa gate. "Katukin mo, Tisoy." "Ate Dille, naman, oh! Ikaw na!" "Ikaw na kasi!" utos ni Dille, at marahan niyang itinulak si Tisoy sa may pinto "Haist! Sige na nga! Tao po... tao poooo..." walang kabuhay-buhay nitong sambit. "Lakasan mo, ah!" reklamo ni Dille. "Tao po! Tao po! May tao po ba?!" sigaw ng bata, at dali-daling nagtago si Dille sa malaking puno. "Tao—" "Ano po iyon?" Isang binatang lalaki ang nagbukas sa pinto, sa tanto ni Dille, ay kasing edad lang niya ito. "Ahhh... ka—si." Nagpalingon-lingon si Tisoy. Dahil nawala si Dille. "Ano kasi, Kuya," dagdag pa nito, at pakamot-kamot sa kaniyang ulo. Dahan-dahan namang lumabas si Dille, mula sa kaniyang pinagkukublihan. "Ate Dille, ikaw na kasi ang magsabi!" pabulong niyang utos. "Ummm... magtanong lang po sana kami kung— kung p-puwede ba kaming mag-aral ng karate?" nahihiyang tanong ni Dille, sa binata na kaniyang nakaharap. "Oo naman, puwedeng-puwede! Pasok kayo sa loob," nakangiting alok ng lalaki. "Salamat po!" sabi ni Dille. "Ako pala si, Welly. Ako ang instructor dito. "Ako naman po si Tisoy. At siya naman si Ate Dille. Best friend ko po siya at boyfriend na rin." Masiglang pagpapakilala ni Tisoy, at natawa naman si Welly. "Mabuti at naisipan ninyong magpunta dito," nakangiti pa rin nitong tugon. "Oo, ito kasing girlfriend ko gusto niyang matuto ng karate," si Tisoy, ang sumagot "Tisoy, ako muna ang sasagot," reklamo ni Dille. "Haist! Ate Dille naman, eh!" Pakamot-kamot pa ito sa kaniyang ulo. "Sige, ikaw na ang makikipag-usap at kapag mayroong bayad ay ikaw na ang magbabayad, ha!" Pananakot niya kay Tisoy, at idinaan niya ito sa pabulong. "Sabi ko nga na ikaw ang kumausap sa kaniya, eh!" Palusot ni Tisoy. Bahagya namang napangiti si Welly, sa ka kulitan nilang dalawa. "Hmmm... sir Welly, magkano po ba ang aming babayaran kung mag-aaral kami?" tanong ni Dille na may kasamang bahagyang ngiti. "Actually, hindi naman ako nagpapabayad, Dille. Ang atin lang dito ay beinte pesos bawat Linggo. Para sa ilaw lang na ginagamit natin. "Ngayak-ayak namin iyan, Kuya Welly. Pag-iigiban ko iyan ng tubig doon kina Chief pulis!" masayang sabi ni Tisoy. "Ano iyong? Ngayak-ayak? Anong ibig sabihin niyan?" tanong ni Welly. "Ano iyan, sir. Kayang-kaya po iyan, bali binaliktad lang ni Tisoy. Iyan kasi ang nasanayan naming dalawa kapag nagbibiruan kami," paliwanag ni Dille "Ahhhh... I see." At tumango-tango siya. "2017 na kasi tayo ngayon, Kuya Well. Kaya marami ng uso," nakangising sabi ni Tisoy. "Oo nga, eh! "Pagsang-ayon naman ni Willy. "Ikaw lang naman ang nagpauso niyan, Tisoy," sabat ni Dille. "Puwede na kayong magsimula mamaya. Ang oras natin dito ay alas-kuwarto hanggang alas-sais." sabi ni Welly. "Wow! Talaga, Kuya Well?" At masaya si Tisoy. "Oo, Tisoy," sagot ni Welly. "Yehey! Cited na ako!" sabi ni Tisoy. "Anong cited? Excited," Pagtatama ni Dille. "Oo! Alam ko naman iyon, Ate Dille. Masyadong mahaba na kasi," pangangatuwiran ng bata Humalakhak si Dille. "Palusot ka pa!" Tara na nga!" At sabay akbay niya. "Bye... Kuya Well." Pahabol ni Tisoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD