Episode 2 - She's Adopted

1034 Words
"Nay, ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakakausap mo si, Lord!" masayang sabi ni Dille, nang palabas na sila ng simbahan. "Oo, anak. Kaya lagi mong isasama si Lord, diyan sa puso mo," anang ina niya. "Penny, ikaw ba iyan?" tanong ng isang may edad na babae na biglang lumapit sa kanila. "Oo, kumusta ka na?" ganting tanong nito sa babae at nagbiso-biso ang dalawa. "Mabuti naman. Ito na ba ang anak ni, Anita? Ang laki na niya!" walang prenong sabi ng komadrona. Nabigla si Penny, at hindi nakapagsalita. Ganoon rin si Dille, nagulat ito sa kaniyang narinig at napatingin sa babae na kausap ng kaniyang Nanay. "Ano po ang ibig ninyong sabihin? Nay, tama ba ang narinig ko?" nagsimulang pumatak ang mga luha ni Dille. "Anak, ipaliwanag ko sa iyo ang lahat sa bahay," pang-aamo nang kaniyang nanay. Nasaktan si Dille, sa kaniyang nalaman at tumakbo ito pauwi sa kanila at patuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha. "Penny, hindi ba niya alam na si Anita, ang kaniyang ina?" nagtatskang tanong ng komadrons. "Hindi! Dahil iniwan siya ni Anita, at hanggang ngayon ay wala na kaming balita sa kaniya!" galit niyang tugon. "Ganoon ba? Patawarin mo ako, Penny. Hindi ko kasi alam." "Mauna na ako!" Tumalikod na si Penny, at nagmadali itong umuwi. "Penny! Penny!" tawag nito, ngunit hindi na siyang pinakinggan "Pasensiyahan mo na lang ang aking asawa, mauna na rin ako," pahayag ni Lito, at takbo-lakad ang kanilang ginawa. Nang makarating si Dille, sa kanilang kubo ay dali-dali itong pumasok sa kaniyang kuwarto at itinago ang sarili sa ilalim ng kumot at nagpatuloy sa pag-iiyak. "Dille..." sambit ng kaniyang Nanay. "Dito ako sa kuwarto, Nay," sagot niya sa mahinang boses. Pumasok naman si Penny, sa loob ng maliit na kuwarto nang kaniyang anak. "Dille, mag-usap tayo, anak," sabi ng ina niya sa mahinahong tinig. Inilabas naman ni Dille ang kaniyang ulo at humarap sa kaniyang ang ina. "Nay, ano po ang totoo sa tunay kong pagkatao?" kalmado at diretsahang tanong nito "Ang totoo ay hindi kami ang tunay mong mga magulang. Ang tunay mong ina ay pamangkin ng Tatay mo. Anita ang kaniyang pangalan. Limang buwan ka pa lang mula noong iniwan ka ng Mama, mo sa akin. Dahil luluwas raw siya sa Maynila, para maghanap ng trabaho. Upang matugunan niya ang iyong pangangailangan. Ngunit sumapit ang unang taon ng iyong kaarawan ay hindi pa rin nagpapadala ng pera ang iyong Mama. Kahit sulat ay wala kaming natanggap mula sa kaniya at hindi na rin siya nagpapakita. Kaya nagdesisyon kami ng Tatay mo na ampunin ka na lang namin. At lagi kong sinasabi sa Kuya mo na huwag banggitin sa iyo na hindi kami ang tunay mong mga magulang. Itinuring ka niya na tunay niyang kapatid. At itinuring ka naming tunay na anak. Iniisip lang namin ang makakabuti para sa iyo, anak. Kasi mahal na mahal ka namin ng Tatay mo," mahabang kuwento ng kaniyang ina na umiiyak na rin ito. "Nay, nasaan ang tunay kong Tatay?" tanong ni Dille, na garalgal ang boses niya. Dahil patuloy pa rin ang pag-agos ng kaniyang mga luha. "Hindi namin alam kung nasaan siya at hindi rin namin siya kilala. Dahil hindi sinasabi ng iyong Mama kung sino siya." "Ang sama naman nila, Nay! Wala silang kuwentang mga magulang! Pinabayaan nila ako at iniwan na parang hayop!" galit niyang sabi, at humahagulgol na siya. "Dille, huwag kang magsalita ng ganiyan. Dahil kahit bali-baliktarin ang mundo ay magulang mo pa rin sila." "Magulang?! Kung magulang ko sila nasaan sila?! Anong klase silang magulang, Nay? Bakit nila ako t?iniwan? Kayo lang ni, Tatay, Kuya Mando, ang aking pamilya, Nay. Kayo ang tunay kong magulang at hindi sila!" galit na sabi ni, Dille. "Dille, huwag kang magtanim ng galit diyan sa puso mo. Hindi kita tinuruan ng ganiyan." "Nay, hindi ninyo ako masisisi kung may sisibol na galit dito sa puso ko. Dahil pinabayaan nila ako! Wala akong balak na makilala pa sila, Nay." "Dille." Niyakap ni Penny, ang anak upang ipadama ang pagmamahal na bilang tunay na ina nito. "Lagi mong pakatandaan, Dille. Na mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, at ni, Kuya Mando." At hinaplos niya ang likod nito. "Opo, at kahit anong mangyari ay hindi magbabago ang pagmamahal ko sa inyo. Maraming salamat, Nay. Dahil kahit hindi ninyo ako anak ay ibinigay n'yo pa rin sa aking ang buong pagmamalaki bilang tunay kung magulang. Tatanawin ko itong malaking utang na loob habang buhay. "Penny... Dille!" sambit ng kaniyang, Tatay. Sabay silip sa loob ng kuwarto ni, Dille. "Nandito na pala kayo, panay ang hanap namin ni Mando. Ano ang problema? Bakit ka umiiyak si Dille?" pag-alala ni Lito. "Alam na ni Dille, ang lahat-lahat, Lito," malungkot niyang sabi sa asawa. "B-bakit?" tanong ni Lito, at nag-alala ito na baka nagalit ang kanilang anak. "Okay lang, Tay. Karapatan ko rin naman na malaman ang totoo. "Kung sa bagay. Pero kahit hindi kami ang tunay mong mga magulang. Minahal ka namin ng Nanay mo nang sobra-sobra," madamdaming sabi niya at nagsimula mamula ang kaniyang mga mata. "Alam ko naman iyon, Tay. Pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit tinalikuran at kinalimutan nila ako?" tugon ni Dille, na may hinanakit sa boses. "Dille, kalimutan mo na lang ang nalalaman mo ngayon. Isipin mo na lang palagi na kami ang tunay mong pamilya," lumuluhang sabi ng kaniyang ama at awang-awa ito. "Opo, Tay." At sabay yakap sa nagisnan niyang mga magulang. Mula nang malaman ni Dille, ang katutuhanan ay bigla na lang niyang naramdan ang puot at galit para sa kaniyang tunay na mga magulang. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na hinding-hindi niya hahanapin ang mga ito. Patuloy na nagsumikap si Dille, para sa kaniyang kinikilalang pamilya. Sapagkat gusto niyang masuklian ang kabutihan at ang pag-aaruga ng mga ito sa kaniya. Tuluyan na ring hindi nag-aral si Dille, dahil sa kakulangan ng financial. Hanggang high school lang ang kaniyang natapos at nagiging kontento na rin siya. Ngunit kahit ganoon paman ay masaya siya, sapagkat marunong siyang masulat at magbasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD