Walang nagawa si Dille, kun 'di sundin ang utos ng kaniyang master. Halos sobrang nangalay ang braso niya ngunit tinitiis nito ang lahat alang-alang sa kaniyang Nanay. Kinabukasan ay maagang bumalik ang dalawa sa kanilang maliit na gym. Para sa kaniyang maagang insayo na naman. Isang libong suntok na naman ang kaniyang ginagawa. Ngunit sa hindi inaasahan ay biglang dumating si Justine. "Tisoy!" sambit ni Dille sa kaniya, habang siya ay patuloy sa pagsuntok sa isang sakong buhangin na nakabitay sa puno ng mangga. Hindi niya ito puwedeng ihinto dahil hindi paniya natapos ang isang libong suntok. "Bakit, Ate Dille?" tanong ni Tisoy. "Tingnan mo? Ano kaya ang ginagawa niya dito?" Sabay kindat niya sa kinaroroonan ng sasakyan ni Justine. "Hala! Oo nga! Ano kaya ang ginagawa ni Kuya Ju