Inalis ni Dille ang kaniyang kamay sa pagkahawak ni Justine at nagtaka naman ang binata. "Bakit?" tanong nito. "Pinagtitinginan kasi nila tayo." turan niya na nagpalingon-lingon sa paligid. "So?! Ano ngayon?!" tugon nito at muling kinuha ang kamay niya sabay hila nito. "YES!" bulalas ni Tisoy, sabay suntok sa hangin. Nang nasa tapat na sila ng pinto ay hindi agad ito binuksan ni Dille. "Sigurado ka ba na hindi nakakahiya sa iyo?" tanong ni Dille. "Dapat bang ikakahiya ang katayuan mo sa buhay? Ang importante ayvhindi ka nagsisinungaling at hindi ka gumawa ng masama," pahayag nito "Okay! Sabi mo, eh!" aniya at binuksan nito ang pinto. "Pasok!" alok niya. Susunod sana si Tisoy, ngunit hinarang siya ng Dille. "Umuwi ka muna sa inyo. Ibigay mo muna sa Mama mo ang pera." At sabay tula