Habang naghihintay si Dille sa second-round ng kaniyang laban ay sinamahan muna niya ang kaibigan. Upang suportahan ang laban nito at kasama rin ang kaniyang; Tatay, Nanay ni Tisoy at ang kanilang instructor.
"Tisoy, galingan mo, ha. Dapat uuwi tayo na bitbit ang ating karangalan."
"Opo, Ate Dille."
"Galingan mo, anak," sabi rin ng kaniyang Nanay na nagpapalakas sa kaniya.
Nagsimula ang laban ni Tisoy, medyo kinabahan ito. Pero dahil nandoon si Dille at ang kaniyang Nanay, ay nilakasan niya ang kaniyang loob. Parehong nakapuwesto na ang dalawang bata at hinihintay ang go signal ng referee.
"Galingan mo, anak!" sigaw ng kaniyang ina at nakatayo ito.
Bahagya namang siyang lumingon at nag-iwan ng isang simpleng ngiti, nakita rin niya ang kaniyang Ate Dille, na itinaas ang kamao.
"Fight!" utos ng referee.
Pareho ang dalawang bata na nagpalit-palitan ng posisyon at kumukuha ng mga tiyempo.
"Haaah!" boses ni Tisoy at sabay atake niya sa kalaban, sa una niyang sipa ay nasalo ito.
Ngunit sa paggamit niya sa kaniyang kamao ay hindi ito nasalo at tumama ito sa kaniyang dibdib. Agad nakapuntos si Tisoy. At nasundan pa ito nang paulit-ulit niyang mag-score. Natapos ang kanilang laban hindi man napabagsak ni Tisoy ang kalaban ngunit nanalo naman siya.
"Yes! Panalo ako!" sigaw ni Tisoy.
"Galing ng anak ko!" masayang-masaya na sabi ng kaniyang Nanay at niyakap siya.
"Congrats, Tisoy!" sabi ni Dille.
"Salamat, Ate Dille."
NAGSIMULA ang ikalawang laban ni Dille, agad siyang umakyat sa entablado at hinarap ang kaniyang kalaban na may suot na black belt. Samantalang siya ay brown belt pa.
"Position!" utos sa kanila.
"Fight!" sigaw ng referee.
Nagsimula ang bakbakan sa dalawang babae at medyo nahihirapan si Dille, dahil matinik ang galawan ng kaniyang kalaban. Ngunit bumabanat siya at hindi nagpapahuli sa labang iyon. Hanggang sa matapos ang pangalawang laban niya at siya na naman ang nanalo.
"Good job, Dille!" sabi ng kanilang instructor, at niyakap siya.
Salamat, master!" masayang sagot niya.
"Tatay! Panalo ako!" maluha-luha niyang sabi sa ama.
"Proud na proud si Tatay, sa iyo, anak!" tugon ng ama na hilam sa luha ang mga mata.
"Ate Dille, galing mo, ah! High five naman diyan!" sabat ni Tisoy, at nakangiti ito.
"Ikaw rin naman, galingan mo ang next mong laban para magiging amanos tayo." Pampalakas loob ni Dille, sa kaibigan.
"Oo, Ate Dille. Idol na rin kita ngayon kaya gagalingan ko," tugon nito.
"Dapat lang!"
"Dille, may dalawang laban ka pa ngayon, kapag nanalo ka sa nitong dalawa. Ikaw na ang kampeon kaya galingan mo," paalala ng kanilang instructor.
"Sige po, master Welly. Pagbubutihan ko ito," tugon niya.
"Good! Magrelaks ka muna at pupuntahan ko muna ang mga bata."
"Okay po, master."
Nang makaalis ito ay biglang sumeryoso ang mukha ni Dille, at hinarap ang kaniyang ama.
"Tay, sisikapin kong mananalo sa dalawang laban. Para maipagamot natin si Nanay." seryosong sabi ni Dille.
"Kaya mo iyan, anak. Kaya mo iyan!" tugon ng kaniyang ama, na may nangingilid na luha sa mga mata at hinaplos ang buhok niya.
"Oo, Tay. Kayang-kaya ko ito!" nakangiti niyang tugon.
Hanggang sa muling lumaban si Dille sa pangatlong pagkakataon. At nanalo na naman siya kaya sobrang natuwa ang kaniyang instructor at ang kaniyang ka-team. At higit sa lahat ang kaniyang ama.
"Isang laban na lang, Tay." Nangingislap ang mga mata ni Dille, habang kausap niya ang amang kinagisnan.
"FIGHT! FIGHT!" sigaw ng kaniyang mga ka-team, at napangiti siya.
"Fight lang, anak." Kahit kinabahan ang kaniyang ama, ay pilit pa rin pinalakas ang loob ni Dille.
NAGSIMULA ang final-round sa laban ni Dille. Ang mananalo rito ay ang magiging kampeon. Medyo matangkad nang konti ang kaniyang kalaban at sa tanto niya ay matigas ang kantawan nito. Kaya kailangan niyang dumiskarte upang matalo niya ito.
Inilihim ni Dille, ang naramdaman niyang kaba at konting takot. Dahil ang totoo, ramdam niya na malakas ang kalaban.
"Fight!" Utos ng referee.
Sumasayaw-sayaw ang kaniyang kalaban at papalapit ito sa kaniya. Atras nang atras naman si Dille, upang hindi siya maabot ng kaniyang kalaban. Habang pinag-aaralan niya ang diskarte nito.
"Watataaa!" biglang umatake ng sipa ang kalaban at muntikan siyang ma-out-balance.
"Fight, Ate Dille..." sigaw ni Tisoy.
Kinabahan naman ang kaniyang instructor, dahil nakita niya ang diskarte ng kalaban. At matibay ang katawan nito. Gumanti sa pagsipa si Dille, ngunit nasalo ito ng kalaban at inihagis siya sa sahig.
Dali-daling tumayo si Dille, at muling inihanda ang sarili. Biglang tumunog ang buzzer palatandaang tapos na ang first-round
"Okay, ka lang, Dille?" tanong ng kaniyang instructor, at nasa mukha nito ang sobrang pag-alala. Dahil alam niya na malakas ang kalaban.
"Oo, master. Ayos lang ako," tugon niya.
"Galing mo talaga, Ate idol!" masayang sabi ni Tisoy.
"Ikaw rin naman Tisoy, dahil nanalo ka rin," tugan niya, at kinuso-kuso ang buhok nito
Muling umakyat si Dille, sa second-round. At maraming nanonood sa labang iyon. Marami rin ang humanga kay Dille. Lalo na at nalaman nila na baguhan lang ito.
Hanggang sa sumapit ang final-round, sobrang ingay sa buong paligid. Dahilan para makaramdam ng konting kaba si Dille.
"Nay, mananalo ako para sa iyo!" bulong ni Dille, upang palakasin ang kaniyang loob. Sa mga sandaling iyon ay ang kaniyang Nanay ang laman ng kaniyang isip.
"Dille, focus! Huwag kang kabahan, isang laban na lang!" sigaw ng kaniyan instructor, at tumango-tango naman si Dille.
Napalingon siya sa kaniyang Tatay, at nakayuko ito. Alam niyang nagdarasal ang ama.
"Salamat, Tay. Para kay Nanay, itong huling laban. Mananalo ako! Mananalo ako!" sigaw sigaw ng kaniyang isip.
"Ready! Fight!" muling sigaw ng referee.
Kakaibang tiknik ang ginamit ng kaniyang kalaban, na para bang may dala itong pananakot. Paikis-ikis ang kaniyang dalawang paa at nag-atras-abante ito. Kalma naman si Dille, habang hininhintay ang pag-atake ng kaniyang kalaban.
"WATATATAH! sigaw nito, at sabay sipa
Natameme saglit si Dille. Dahil sa sobrang lakas ng sipa nang kaniyang kalaban
"Kaya mo iyan, anak!" sigaw ng kaniyang Tatay.
"Kaya ko— Kaya ko!" galit na sigaw ng kaniyang isip.
"Dille! Dille! Dille!" mga sigaw ni Tisoy, at gumaya naman ang kaniyang mga ka-team at sumunod naman ang mga manonood na humanga sa kaniya.
Biglang nabuhayan ng lakas si Dille, dahil nakita niya na marami pala ang umaasa na mananalo siya sa labang iyon.
Agad siyang pumorma at inihanda ang kaniyang sarili sa susunod na pag-atake ng kaniyang kalaban.