Episode 6 - Dille Champion

1023 Words
Nang makakuha siya ng konting pagkakataon ay agad-agad siyang umaatake na walang pag-aalinlangan. Itinutodo niya ang kaalaman at hindi nito hinayaang makaporma ang kalaban. "Dille! Dille! Dille!" sigaw ng mga manonood. Nagpatuloy ang kanilang laban at panay naman ang puntos niya. Bugbog na ang katawan niya ngunit hindi niya ito iniinda. Ang kaniyang ama naman ay Hanggan sa nagpalit-palitan na sila ng mga suntok at sipa. Hindi siya tumigil sa pag-atake at hindi niya hinayaan na makaganti ang kalaban. Sumigaw si Dille, sabay gamit ng paikot na sipa at natamaan ang panga ng kalaban, dahilan sa pagkatumba nito at nawalan ng malay. Naghiyawan ang mga manood at isinigaw ang pangalan niya. Tulala ang instructor niya dahil sa kakaibang taktika at bilis na kaniyang ginamit "Panalo ako, panalo ako! Tay— Panalo ako!" At itinaas niya ang dalawa nitong kamao. "SALAMAT, LORD!" muli niyang sigaw. Luhaan naman na umakyat sa entablado ang kaniyang Tatay, at walang pasabing binuhat siya. "Anak ko ito!" sigaw niya, na kahit may luha ang mata ay nagawa pa rin niyang ngumiti. "Tay, mapagamot na natin si Nanay!" aniya, na hilam sa luha ang mata. "Galing mo, Ate Dille!" Tuwang-tuwa si Tisoy at yumakap sa kaniya. "Congrats, Dille. I'm so proud of you!" sabad ng kaniyang instructor at nakangiti ito. "Thank you, master!" Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap niya nang mahigpit si Welly. MASAYANG umuwi ang team nila, sapagkat sila ang nag-champion sa competition. Lalo na at nasungkit ni Dille ang pinakamataas na panalo. Bago tuluyang umuwi sa bahay ang mag-ama ay inabutan ni Dille ang kaniyang guro ng pera. Bilang share sa kaniyang napanalunan. "Ano ito Dille?" tanong ng kaniyang instructor. "Para sa ioyo, mater." gagot niya rito. "Huwag na, alam kong kailanganin mo iyan," tanggi nito sa kaniya "Okay lang, master. mayroon pa naman para sa akin." "Dille, huwag na!" Muling tanggi nito. Dahil alam ng kaniyang instructor na mas kailanganin iyon ni Dille. "Hindi puwede, master Please, tanggapin n'yo na..." pamimilit niya, kaya napilitan naman na tanggapin ito ni Welly. Sapagkat ayaw rin niyang magtampo ito sa kaniya. "Nay — Nay!" patakbong sambit niya Nang marinig ng kaniyang Nanay, ang boses ni Dille, ay nagsikap naman itong makatayo. "Nay, panalo po ako sa laban. Nag-champion ako, Nay..." masayang balita niya, sabay yakap nito. "Mabuti naman kung ganoon, anak. Masaya ako para sa iyo." Napaluha ito habang mahigpit niyang niyakap ang anak. "Ito po, Nay. Para sa iyo." Sabay suot nito ng medalya sa leeg nang ina niya. "Salamat. anak." masayang saad nito, habang pinagmasdan ang gintong medalyang nakasabit sa kaniyang leeg, at hinalikan niya ito. "Ito ang perang napanalunan ng anak natin," anang asawa niya, at inabot ang pera na nasa loob ng sobre. "Ikaw na ang humawak niyan," sabi niya sa asawa. "Nay, bukas na bukas din ay pupunta tayo sa hospital para gumaling ka na." "Oo, anak. Maraming salamat," masiglang sabi ng kaniyang ina, at muli siyang niyakap. "Welcome, Nay." Pumasok siya sa kaniyang maliit na kuwarto at doon niya iniinda ang bugbog ng kaniyang buong katawan. "Ahhh—Goshhh..." pabulong niyang daing, sabay tingin niya sa kaniyang tuhod. At doon pa niya natanto na marami pala siyang malalaking pasa. "Hindi na bale, mawawala rin kayong lahat," bulong na naman niya sa sarili, at humiga sa kaniyang papag. Kahit sobrang sakit ang buo niyang katawan ay nagpakatatag pa rin siya alang-alang sa kaniyang mga magulang. Kinabukas ay maaga siyang gumising upang makapag-saing at nang makaalis sila nang maaga. "Ouch! Ahhh!" Napapangiwi siya nang maramdaman niya ang sakit sa buo nitong katawan. "Sobra pa lang nabugbog ang aking katawan. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit. Pero...okay lang dahil nasungkit ko naman ang gintong medalya at mapagamot ko na si, Nanay," bulong na naman nito. "Dille, anak. May masakit ba sa iyong katawan?" tanong ng kaniyang Tatay, sapagkat napansin nitong paika-ika ang kaniyang paglalakad. Habang hinahatid niya ang mga pagkain sa lamesa. "Wala ito, Tay. Huwag mo na lang pansinin dahil mawawala rin ito agad," tugon niya. "Halika nga dito, maupo ka," nahinahong utos ng kaniyang ama. Lumapit naman siya at umupo. Yumuko ang kaniyang Tatay, sabay angat nito sa mahabang palda. Napabuntong- hininga ito nang makita ang nangingitim niyang mga pasa. Hindi mapigilan ng kaniyang ama ang mapaluha dahil nasasaktan siya para sa kaniyang anak. "Tay, okay lang naman ako. Pasa lang ito at mawawala rin agad." paglalambing niyang sabi. Ngunit hindi nakinig ang ama. "Diyan ka lang," saad ng kaniyang Tatay, sa mahinang tinig. Tumayo ito para kumuha ng mainit na tubig at hinaluan niya ng malamig. Kumuha rin ito ng face towel sabay sawsaw niya sa maaligam-gam na tubig at ipinunas sa paa ni Dille. Lihim naman umiyak ang kaniyang Nanay, dahil naaawa ito sa kaniya. Habang patuloy sa pagpunas ang kaniyang Tatay, ay patuloy rin ang pag-agos ng kaniyang mga luha. "Nay! Tay! Huwag naman kayong ganiyan. Ayos lang naman ako!" pahayag niya, at nagpunas na rin sa kaniyang mga luha. "Anak, pagpasensyahan mo na ang ating kahirapan. Dahil ito lang talaga ang nakayanan namin ng iyong Nanay," anang ama niya. "Hindi naman ako nagreklamo, Tay. Kung tutuusin ay kulang pa ito sa ginawa ninyo para sa akin. Kahit kapos man tayo sa pagkain. Subalit busog naman ako sa pagmamahal ninyo, at iyon ang importante sa akin." "Hayaan mo, anak. Kapag magaling na ako ay ipagluluto agad kita ng mga masasarap na pagkain. Para makabawi ako sa iyo," nakangiting sabi niya rito. "Kaya palakas ka agad, Nay. Para sa susunod kong laban ay mapanuod mo ako." "Oo, anak." Nang matapos silang kumain ay agad na silang lumabas ng bahay upang magpunta na sa hospital. "Ate Dille, saan kayo pupunta?" tanong ni Tisoy, kasalukuyan itong nakaupo sa kanilang hagdanan na kawayan. "Punta kami ng hospital, Tisoy," sagot niya. "Sama ako!" saad niya rito. "Magpaalam ka muna." At pumayag naman ang ina ni Tisoy, "Ay! Sandali, may kukunin lang ako saglit!" sabi ni Tisoy at patakbong pumasok sa kaniyang kuwarto. At kinuha ang perang natira sa kaniyang napanaluna, dahil ang kalahati ay ibinigay na niya sa ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD