France Christine Mondragon POV
“Loves, sorry na,” kanina pa humihingi ng paumanhin itong si Addie dahil sa ginawa niyang pag-iwan sakin kagabi.
“Ikaw talaga Addison, tigilan mo nga ako. Muntik na akong mapahamak dahil sa mga trip mo sa buhay! I could have been raped.” pasinghal na sagot ko sa kanya.
Hindi ko maipagkakaila na masama ang loob ko ngayon sa kanya. I have never been that afraid in my entire life. Pero hindi ko naman talaga kayang magalit dito kay Addie. Alam ko rin na iniwan niya ako on purpose because she wanted me to be independent and have fun on my own. Simula pagkabata, siya lang kasi talaga ang kaibigan ko. I never played with other kids and hanging out with other people is a waste of energy for me. Lumalabas lang ako if siya ang kasama ko or ang pamilya ko. Hindi ko rin naman magawa maggala o kumain sa labas just to unwind by myself. Ewan ko ba, simula kasi pagkabata, I have always been dependent sa parents ko, kay Kuya Matt or kay Addie.
We have been classmates ni Addie since prep-school hanggang senior high school. Hindi ko nga alam kung ano ang mangyayari sakin when the semester starts next week for College. Addie will be taking up Bachelor of Arts in Fashion Design and Marketing at ako naman ay Bachelor of Science in Biology bilang preparatory course ko for Med School. This will be the first time ever that I will really be alone.
Same university pa rin naman kami ni Addie pero alam kong hindi na puwedeng siya pa rin ang lagi kong kasama sa college. She will meet new people, oh how much she loves meeting new people, and I, on the other hand, should learn how to socialize now.
“France naman. Ilang taon ka na ba ha? You were officially 18 years old yesterday. I was doing it for your own good, loves. I want you to learn how to be independent. I cannot naman all the time be with you pa when we start our college life nu?!” natatawa na tugon nito sa akin.
“Besides, nakauwi ka naman ah? Diba kaya mo naman pala! And most importantly, may naghatid sayong hottie!”
“What hottie? Bastos kaya yun! I would never dare allow him to bring me home kung may choice lang ako nu!”
Nakakadiri talaga tong si Addie. Natuwa pa siya na may naghatid sa aking lalaki, imbis na ma worried sana siya. Arrrggghhh!
“Hoy wag ka ngang masyadong stiff France Christine Mondragon!” pananaway nito sa akin.
“I am not being stiff, Bastos siya. That’s a fact. I would never go out with someone like him kaya huwag mo na akong tuksuhin pa sa mokong na yun because we will never see each other again!” sagot ko sa kanya.
“Bakit ano bang ginawa niya para maging bastos ha? Inihatid ka pa nga. Ang ungrateful mo,” tatawa-tawang sagot nito sa akin.
“He was enjoying my boobs touching his back, Addison! Sinabi niya yun mismo sa mukha ko. The nerve of that guy!”
She’s loving this conversation. I can tell it from her eyes.
“Para yun lang! Dapat nga idinikit mo pa lalo. You should have enjoyed it too, loves. Maganda ba ang katawan niya? May abs ba siya?”
Naiinis ako kapag ganito ang mga pinag-uusapan namin. Hindi talaga ako makasabay sa liberated na pananaw sa buhay nitong kaibigan ko.
“Addie, I’m not like you, okay?” napipikon na ako sa kanya.
Halos sumisigaw na ako pero syempre ang sigaw para sa akin ay parang normal lang na pananalita kung sa ibang tao kasi in born na mahina talaga ang boses ko.
“What? Bakit may mali ba sa sinasabi ko? I am opening your eyes sa reyalidad, France. We were created to enjoy physical touch, pleasure..sex. Hindi ka naman relihiyoso para maging hypocrite nu,” feel na feel na sabi nito.
“Ah basta! Kahit gwapo pa siya, hindi ako papatol sa kanya. Saka ilang beses ko na bang sinabi sayo na I want my first to be with the man I love ha?”
“Hey, huwag kang magsalita ng patapos, loves. We’ll never know,” sabay kindat pa nito sakin.
“Loves, alam mo naman kung sino ang laman nito,” sabay turo ko saking puso.
Naalala ko na naman kung paano ako naging desperada sa harap ni Aaron. To the point na I offered myself to him pero he still rejected me. Tapos dahil lang may isang stranger that honestly told me that he enjoyed my boobd on his back parang mamatay na ako sa hiya. Hypocrite nga ako.
Biglang nabalot ng lungkot ang mga mata namin pareho. Addie knows how much I loved, no present tense pa pala, so love dapat..Aaron and how much I am still hurting from his rejection.
“I have loved him since na discover ko yata ang salitang crush. How could I think of any other guy in this state? Hindi ko alam kung kaya ko pang tumingin ulit sa ibang lalaki at magkagusto pa ulit.”
Ramdam na ramdam ni Addie ang pagkalungkot ko. She hugged me tight upang pagaanin ang aking loob.
“Hey, I know masakit pa yan sa ngayon pero hindi pa ito ang katapusan ng mundo. We’re still young, France. We are supposed to fall in love, have fun, make mistakes, and learn in our youth.”
Tama nga naman si Addie. Her words make sense but nothing truly makes sense when you’re in love.
“Maybe you and Kuya Aaron are not just for each other, loves. I couldn’t even bring myself to curse him kahit sinaktan ka niya ng ganito kasi alam kong mabuti siyang tao.”
That’s true. How can I move on if alam kong walang masamang ginawa sa akin si Aaron? Hindi naman niya kasalanan kung wala siyang pagtingin sa akin. Lalong sumikip ang puso ko.
“Well, except for the fact na babaero siya,” natawang dagdag nito.
“I think he did it for your own good, France. Imagine 10 years kaya ang age gap niyo! Eighteen years old ka pa lang at siya ay twenty eight. Yes, age doesn't matter in love but it does matter sa mga bagay at problema na kinakaharap nyo sa ngayon. Kuya Aaron is probably worrying about his law studies and their law firm while ikaw heto ka, may hang over at broken hearted lang naman sa kanya. You see how different is that? To make it simple, magkaiba kayo nang priorities sa panahong ito. He has more serious things to face in life than us na eighteen pa lang. We ought to enjoy and get wild. Break free and have fun. And most importantly, he was right, alam kung magagalit si Kuya Matt kapag nalaman niya. Your parents will be horrified as well!”
“But loves, despite the differences, kapag mahal mo ang isang tao, all those things fade away. Akala ko talaga may gusto din siya sakin. Yun pala, parang kapatid lang talaga ang nararamdaman niya. He shouldn’t have given me special treatment then.”
“Stop na nga, France. Let’s not talk about this anymore. Ayokong nakikita kang malungkot, loves. For sure makakapag move on ka rin. Kaya why don’t we go out for shopping nalang instead na nagmumukmok ka diyan. We’ll be college girls na next week!” sobrang excited na sabi nito.
I know na gusto lang ni Addie ibahin ang atmosphere. Ayaw kasi talaga nito ang malungkot na environment. She’s a ball of fun, the life of every party she goes to.
“Alright. Sige na, hindi na ako nagmumukmok dito sa bahay. Tara! Kailangan ko na rin bumili ng bagong sapatos,” pagsakay ko na lang dito.
Alam ko din naman na wala akong mapapala kung magmukmok ako ngayon. Lalo lang akong nasasaktan dahil paulit-ulit na magre-replay sa isip ko ang rejection ni Aaron.
“Yuck ka talaga France, sneakers na naman? Let’s buy some heels. Mag-change wardrobe ka naman! Hindi na bagay yang current fashion style mo kapag college ka na nu. You are so outdated. Sayang lang ang ganda mo dahil tinatago mo sa mga pangit mong fashion sense.” Prankang pahayag ni Addie.
Sanay na ako sa bunganga niya kaya hindi na ako na o-offend. At saka, wala naman kasing effect sa akin yung mga comment regarding my appearance.
“Ouch naman!” pagkukunwari kung tugon sa mapanakit niyang mga salita.
“Huwag mo na ngang pakialaman ang fashion statement ko kasi dito ako komportable.”
“Okay fine! Ang importante nakaladkad kita ngayon to go out and shop with me, once in a blue moon lang to!” Tuwang-tuwang ito dahil totoong once in a blue moon lang niya akong mapapapayag na samahan siyang mag shopping.
Natatawa na lang ako sa excitement ni Addie. Bagay talaga dito ang maging fashion designer. Bestfriends kami pero sobrang opposite namin. Mula sa pananamit hanggang sa ugali. Wala lang talaga sigurong choice tong si Addie kasi naman bestfriends yung mommies namin kaya parang wala na din siyang choice but to be friends with an introvert like me.
In one week’s time we will be entering another chapter of our lives. Mag co-college na kaming pareho. Alam kung hindi mawawala ang closeness naming dalawa pero alam ko rin na hindi na some things will definitely change. Magkaiba ang mundong nais naming tahakin. Magkaibang personalidad ang nakasalamuha namin sa pag-abot ng mga pangarap. Per sa kabila ng lahat nang pagbabagong kahaharapin namin, mas excited pa rin ako sa katotohanang we are one step closer to reaching our dreams and to be the women we’ve always wanted to be.
Siguro din mas mabuti nga na hindi na kami maging magka klase sa college kasi si Addie ay mahilig mag yayang lumabas. She does not take academics seriously unlike sa akin. Plano ko talaga na mag focus sa studies ko even more this time. I have always been an achiever at school. I am a consistent honor student since prep school up until senior high school. Pero based sa mga nabasa ko at napanoon na vlogs, hindi daw madali ang BS Biology at lalong hindi madali ang mag-aral ng Medicine. So I really need to focus para matupad ko ang pangarap kong maging isang doktor na katulad ni Mommy balang araw.