Chapter- 6

2034 Words
France Jaime Tejada POV So, my university life starts now. Nakatayo ako ngayon sa harap ng main gate ng Southdale University. This is one of the best universities in the country. Sa dalawang paraan ka lang pwedeng makapasok sa school na ‘to. Una, kung matalino ka dahil sobrang hirap nang admission test dito at sobrang dami mong pagdadaanan na screening bago ka matanggap. At pangalawa, kung sobrang yaman ng magulang mo. Meaning only the smartest and the richest go to this school. Karamihan ng mga estudyante dito ay mga anak ng politiko, mga business magnate o hindi naman ay, mga valedictorian nang batch nila. As for me, syempre doon ako sa second category. Nakapasok lang ako dahil may dugong bughaw ako. Ni hindi nga ako nag take ng exam dito. I was trying my very best na hindi matanggap ng school na to but then wala ding nangyari kasi my dad is one of the benefactor of the school. I’m just standing here for a while habang malalim ang iniisip. Wala akong nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng aking Papa. They forced me to enroll in B.S. Biology upang maging isang military doctor balang araw. He threatened me na kukunin daw nila ang motor ko at puputulin ang credit card line ko kung hindi ako mag e-enrol. How I hate that man! Pero kung akala nila ay basta na lamang ako susunod sa mga gusto nila ay nagkakamali sila. Kahit na nakapag enrol na ako, hindi naman nila ako mapipilit na mag-aral ng mabuti. I plan to fail in every subject and drop as many subjects upang hindi ako makapag graduate. I’m already nineteen years old… but damn, lahat ng aspeto ng buhay ko kontrolado pa rin ng royal family. Simula bata ako, I feel like I am trap sa isang kahon at walang sariling isip. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na pumili ng daan na gusto kong tahakin. Pati mga kaibigan ko ay dapat monitored. akala ng mga kaklase ko masarap ang buhay ng isang tunay na prinsipe ngunit nagkakamali silang lahat. It’s a curse. Ayaw na ayaw kong nalalaman ng mga tao na may dugong bughaw ako kasi nag iiba bigla ang turing nila sa akin. Everybody wants to please me simula nung bata ako, in return I do things to make them hate me. And so, I ended up being called the tyrant prince in high school dahil sa ugali ko. And that will never change kahit college na ako. I plan to live by that name – the Tyrant Prince. “f**k!” Nagulat ako ng bigla na lang may estudyanteng nkabunggo sa akin. “I’m sorry!” pagsigaw ng babaeng nakabunggo sa akin. Ni hindi man lang ito lumingon habang humihingi ng paumanhin. “f**k you!” ganting sigaw ko sa babae. Tang-ina hindi pa rin lumingon. Sobrang badtrip ng araw na to! Sinundan ko ng tingin ang babaeng tumatakbo palayo. Her back looks familiar. Naka jumper pants ito, naka oversized t-shirt at chuck taylor na sneakers. Now, that pair of shoes definitely looks familiar. Nawala bigla ang init ng ulo ko nang maalala ko ang babaeng inihatid ko last week. I remember the warmth of her hug while we were riding my motorcycle and that pretty face of hers. But maybe kapareho niya lang ng sapatos ang walang modong babaeng ito. Naglakad na rin ako upang hanapin ang classroom ng first subject ko. 9:00 AM ang first class pero 9:12 na ngayon. Alam kong late na ako pero wala naman akong pakialam. Gusto ko lang pumasok sa first day of school para naman makita ko kung sino ang mga kaklase at professors ko. Found it. Nakaupo na ang mga kaklase samantala may isang middle-aged na babae, whom I presume is our professor for this subject, ang nagsasalita sa harapan. Tuloy-tuloy lang ang pagpasok ko papunta sa isang bakanteng bangko sa may likuran. “Hey, Mrister, hindi mo ba ako nakita?” tanong ng professor. Umupo muna ako bago sumagot. “Yes, I saw you. Good morning, professor.” Walang ganang sagot ko. Masama ang tingin niya sa akin ngunit nagpatuloy na lang sa pagsasalita. She was giving a short introduction of the subject. “For those who came in late,” with emphasis talaga yung late “Again, I am professor Katerina Arriola, PhD…" Bla bla bla…this class is so boring. Well except for the fact na kaklase ko pala siya. Naka-lock ang mga mata ko ngayon sa kaklase kong naka jumper pants na nambungo sa akin sa may main gate kanina. What's more interesting is, siya nga ang babaeng nakita ko sa daan at inihatid ko last week. I’m looking at her intently. Pinag-aaralan ko ang mga kilos niya at ang expression sa kanyang mukha. Nung una kaming nagkita, nahalata ko na kaagad na mahiyain sya and that she lacks confidence in herself. But looking at her in this classroom makes me confirm how timid she is. Habang nagsasalita ang professor ay nakayoko lang siya the whole time at nagsusulat sa notebook nya. Nakabagsak lang ang makintab niyang buhok, some strands are falling on her face kaya naman inipit nya ang mga ito behind her ears. Ahhh, mas kita ko na ngayon ang maganda niyang muka. Her eyes looked so serious and she was biting her lower lip as she took down notes. Hindi ko namamalayan ay nakangiti na pala ako. My university life wouldn't be as boring as I expected naman pala. Sabay smirk ko. Pagpasok ko pa lang ng pintuan, nakita ko na kaagad siya. Nagwalang bahala lang ako dahil sa professor namin. Sino ba naman kasi ang hindi makakapansin sa kanya, eh biglang nanlaki ang mga mata nito noong pagpasok ko sabay yuko ng todo sa pagbaba sakaling hindi ko sya makita. "Now, it's your turn to introduce yourself to the class," sabi ng professor namin. Finally, makilala rin kita…classmate. Hindi ako naniniwala sa tadhana, pero this coincidence is quite interesting, isn't it? "Hello everyone, my name is France Christine Mondragon. Nice meeting you all." Maikling pagpapakilala nito. Halatang mahiyain sa liit ng boses niya. Huh! Pati ba naman sa pangalan magkapareho pa kami? Hindi ako nakikinig sa iba naming mga kaklase. Yung focus ko ay na kay France Christine lang. "Hey, you. The guy who came in late. It's your turn," tawag ng professor sakin. Napatayo naman ako bigla. "Hey guys! My name is also France." "Ohhhhhh" sabay sabay na hiyaw ng mga kaklase namin. Parang kinilig pa silang lahat. I just answered with a smirk at nagpatuloy na sa sinasabi ko. "So yun nga, I am France Jaime Tejada. I hate it when people call me by my second name and so the name 'France' is mine." Seryoso at malamig ko na anunsyo sa klase. May diin din yung pagkakasabi ko na sakin lang ang pangalang France sa klaseng ito. Lahat naman ng kaklase ko ay natameme. Ito talaga ang plano ko. I wanna appear cold and heartless. Gusto kong kinakatakotan ako. Tiningnan ko kung ano ang reaksyon ni Christine, nakatulala pa rin ito sa akin na parang hindi makapaniwala na kaklase na nya ako ngayon. Then the bell rang. Lumabas na ang professor namin at nag sitayuan na ang lahat. Halang umiiwas sa akon ang mga kaklase ko. Natakot siguro kanina. Deritsu akong naglakad papunta kay Christine na nagaayos pa ng kanyang bag. "Hey, so we meet again, Ms. sneakers." Halatang nagulat ito sa paglapit ko. "A-anong kailangan mo ha?" natataranta na tanong nito. "Wala. I just wanna say hi sa babaeng iniligtas ko na nga pero wala pang utang na loob." "I would have been grateful kung hindi ka sana bastos! At saka please..huwag ka ngang makipag usap sakin na parang close tayo!" Ahhh, so this lady is fiesty. Nagkamali ba ako sa first impression ko sa kanya? Akala ko sobrang mahiyain at hindi makabasag pinggan eh. "Whoa..I think we're close enough kasi diba ikaw yung sobrang higpit yumakap? You were actually enjoying hugging me from behind, ikaw ang manyak" I replied to her. Pilit kong pinipigilan na huwag mapangiti. "Hoy Jaime! hindi ako manyak at lalong hindi ko ginusto na yakapin ka. Wala lang akong mahawakan kasi sobrang bilis mong magpatakbo" mahinahon pro madiin nitong ganti. Kami na lang ang tao sa classroom kaya siguro malakas na ang loob nito. Hindi tulad kanina na parang sobrang mahiyain. I place both my arms sa lamesa niya at inilapit ang mukha ko sa kanya. Kitang kita ko ang kaba sa kanyang mga mata. Our faces are only 3 inches away from each other and I saw her eyes looked at my lips at sabay lunok nito. Napatingin din ako sa mga mapupulang labi niya. Nakaramdam ako bigla ng init sa katawan pero mas nangibabaw pa rin ang init ng ulo ko. "Have I not made it clear na ayaw kong tinatawag ako by my second name?" Tiningnan ko sya ng masama. Tootoo talaga to. Only the royal family calls me by the name Jaime. At dahil galit ako sa kanilang lahat, ayaw na ayaw kong tinatawag ako ng ibang tao sa pangalang yun. Kapag France lang ang tawag sa akin ay pakiramdam ko nakakalimutan kong isa akong prinsipe, nakakalimutan ko ang bigat ng responsibilidad na ipapatang sa akin pagdating ng araw. Napalunok si Christine. Nakita ko ang takot sa mga mata nya pero wala akong pakialam. Hindi na sya sumagot. Tumahimik ito at nagpatuloy sa pag aayos ng gamit niya at bigla na lamang nagmamadaling lumabas. Alam kong nakakatakot talaga ang mukha ko pag ganun ka seryoso kaya hindi ko din siya masisisi. Hinabol ko siya at biglang hinablot ko ang kanyang backpack. Natawa ako dahil sa liit niya ay halos mahatak ko na siya pataas. 5 feet and 3 inches lang yata tong babaeng to. “Aray! Ano ba ha?! Ano ba ang problema mo?” Sigaw nito. So this small lady could be really feisty huh? Contrary to what she appeared nung nagpapakilala kanina sa klase. I am really enjoying this pero hindi ko ipinapahalata. I maintained my cold and scary face. “I’m not done talking.” malamig kong tugon. “Simula ngayon, Christine na lang dapat ang itawag sayo dito sa school dahil France lang ang maaaring itawag nila sa akin. Maliwanag ba tayo? Save our classmates from the confusion, okay?” I saw her eyes roll bago niya ako tingnan ng napakasama. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka duguan na ako ngayon. Pero hindi ko made-deny na napakaganda niya. Even with her piercing eyes, kita pa rin ang kagandahan ng mga ito. Ang matangos na ilong niya at maninipis at mapupulang labi ay bumagay sa maliit niyang mukha. Unlike nung gabing una kaming nagkita, today at school, wala syang make up kaya kita talaga ang natural beauty niya. Pero jologs pa rin siya. Her outfit is so outdated. Uso pa ba yan? I looked at her from head to toe. Wala talagang sense of fashion to. Her looks is very far dun sa nakilala ko nung gabing yun. If not for that maong shorts beneath her gown that night, she looked really hot and matured. Parang matatawa na naman ako pero pinipigilan ko lang talaga. “Who are you to demand that to me? France din ang pangalan ko at wala ka nang magagawa dun! France ang tawag sa akin sa bahay at ng mga kaibigan ko kaya don’t be so full of yourself na as if ikaw lang ang nagmamay-ari ng pangalang France!” galit niyang pahayag. “I’ll make you forget that your first name is France then.” Sabay talikod ko sa kanya. How dare she talk back to me. Medyo mainit na talaga ang ulo ko kaya mas mabuti nang talikuran ko na muna tong babaeng to. Kahit na type ko siya, she is slowly getting into my nerves. Kahit naman pilyo ako at masamang reputasyon nung high school, ni kailanman ay hindi ako nananakit ng babae. I still respect women kasi yung ang palaging paalala ni Mama sa akin. Naglakad na ako papunta sa next subject namin. Napa-smirk ako ng marinig ko ang mga nagmamadaling yapak ni Christine sa likuran. We're already 5 mins late for our next class.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD