France Christine Mondragon POV
Right after natapos ang birthday party ko. Nagpaalam ako to sleepover Addie’s home.
Sa totoo lang kinakabahan ako sa planong ito ni Addie. She wants us to go clubbing kasi nga legal age na daw ako. But because I badly need to forget what happened tonight, pumayag na lang akong sakyan ang trip niya sa buhay.
“Huwag ka nang mag-palit ng outfit, loves. You look gorgeous in that gown,” maarteng sabi ni Addie.
“You sure?” nagtataka kong tanong sa kanya “Okay fine. Wala naman akong idea kung ano ang dresscode sa pupuntahan natin but i really need to get out of this high heels.”
“What? Hoy huwag ka ngang jologs, France Cristine Mondragon. You’re so ewww.” During-diri niyang pahayag.
“What? Hindi ko ma e-enjoy yung place if I’m uncomfortable, okay? Let me put on my shorts also kasi hindi ako sanay mag dress lang.”
I scanned my cabinet and pulled out a maong shorts.
Labag man sa kalooban nito, wala din naman siyang nagawa sakin. Pasalamat na nga siya at pinagbigyan ko sya na hindi hubarin tong gown na to.
“I’ll take my car, loves, kaya huwag na huwag kang magpapa sundo kay Kuya Matt! Papatayin ako nun pag nalaman niya kung saan kita dadalhin” paalala nito sa akin.
Sabay kaming lumaki ni Addie pero sobrang opposite nang aming personality. Her father is an American kaya medyo liberated talaga siya. She always goes to the US for vacation and her cousins there always bring her to parties. She’s also older than me by a year kaya naman mas nauna talaga siyang nakapasok sa mga clubs.
“Yes Ma’am. Copy that,” I replied and laughed.
Kahit sobrang wild ni Addison, tiklop din siya kay Kuya Matt. Kuya kasi has always been here while we grow up. He’s literally always around important events nang buhay ko, at syempre ni Addie na din kasi nga inseparable kami dalawa nitong babaeng to.
When we arrived at the club, sobrang ingay at dami ng tao. Being here in person is so different sa mga nakikita mo sa T.V. or movies. Hindi din out of place kahin naka gown kaming pareho ni Addie kasi almost everyone is in formal wear..but note, very sexy formal dress. Halos labas na ang kaluluwa ng mga babae dito.
“Let’s Parteeeeeey!” biglang hiyaw ni Addie.
Hawak-hawak niya ang kamay ko tungo sa dance floor. Halos ma bingi ako sa lakas ng music. Ramdam ko ang bass sa buong katawan ko. Hindi pa ako nakainom ay nahihilo na ako sa ingay at sa sikip ng lugar. Pero nandito ako to experience exactly lahat ng mga reklamo ko about this place. So I just closed my eyes for a while, forgot my inhibitions and savored the moment. I need to forget what happened kanina sa poolside and this is the best way, the best place and the best time to do it.
Just to belong, tumalon-talon din ako at nagsimula na ring sumayaw. I sang and danced through all of my embarrassment and pain.
I let loose. Kailangan kong kalimutan ang nangyari kanina. Sobrang hiyang hiya ako sa sarili ko at sobrang sakit palang pagtawanan lang ng taong mahal mo ang nararamdaman mo para sa kanya.
Addie and some of the boys on the dance floor were handing me drinks. Inom lang din ako ng inom habang patuloy ang pagsayaw. We continued for hours hanggang sa nakaramdam ako bigla ng pagkahilo.
“Love, I need to sit for a while. Balik muna ako sa table natin,” sigaw ko kay Addie kasi hindi na kami makarinigan sa ingay.
Nung makabalik na ako sa table, naramdaman ko na bigla ang pagka-antok. Pero alam kong nage-enjoy pa si Addie so hindi pwedeng magyaya na ako.
“Can I get one tiquilla sunrise please,” I ordered.
I am currently fighting back my urge to sleep on this comfy couch. Buti na lang papalapit na si Addie, napagod na rin siguro kakasayaw. Pero wait lang, may kasama siyang lalaki, the stranger we met kanina sa dance floor. They are almost hugging while walking towards me then bigla na lang ni Addie hinalikan ang estranghero sa harap ko.
The audacity of this girl talaga. Habang nag ki-kiss sila ni stranger ay mulat na mulat siya at sa akin nakatingin. I know exactly what’s running on her mind. Her eyes are telling me: Watch me and learn from me.
After the kissed, humarap siya sa akin ng napaka casual na para bang walang nangyari. My ghaaaaad talaga tong si Addie. Hindi ko kaya ang vibes niya.
“Love, loosen up. Enjoy your freedom. You’re officially 18 now!” Hiyaw ni Addie.
“And please lang, France, get yourself a guy and get laid,” dagdag pa nito.
“Hoy Addie ano ba? Shut up please. Tigilan mo nga yan. Napapagalitan tayo pareho nito sa pinaggagawa mo eh. Ano ba?” Inis na tugon ko sa kanya.
Tawang malakas lang ang sagot ng babaetang ito sa akin. Nakakainis talaga.
“Bahala ka dyan kung ayaw mong mag-enjoy. But as for me, I’ll be spending the rest of the night with this guy right here,” sabay lagay nya nang mga palad niya sa dibdib ng estranghero at halik ulit dito.
“Nag KJ mo! Let’s not go home tonight, loves, get yourself a man alright? Don’t wait for me. Bukas na lang tayo magkita” Sigaw nito habang patalikod na.
Nawala na si Addie sa crowd. Bigla akong nag-panic.
How dare my best friend ditch me like this? Nakakabwisit talaga itong si Addie!
But deep inside, I know na gusto niya lang mag-enjoy and she’s used to this kind of life. I totally expected this already dahil ganito daw palagi natatapos ang nightlife niya according from her stories na paulit-ulit sa akin.
Lumabas ako ng club upang pagpahangin. Nag lakad-lakad muna ako to find a taxi ngunit bigla kong naramdaman na may sumusunod sa akin. At dahil praning ako, I ran as fast as I can. Nang nararamdaman ko na wala nang sumusunod sa akin, I stopped for a while. Ngunit sa pagtigil ko, bigla na lang nagdilim ang aking paningin. Maybe I really had too much alcohol intake for tonight.
I felt my body fell sa kung saan ako nakatayo subali tila umiikot ang mundo ko ngayon kaya ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Panalangin ko na lang na sana walang masamang mangyayari sakin dito, Lord.
A sound of tires screeching woke me up. Bigla akong naalimpungatan at kinabahan. Tila parang umiikot pa rin ang mundo ko dahil sa alak pero kailangan kong piliting itago ang pagkalasing ko.
May motor na nakaparada sa harapan ko ngayon. Pagtanggal nito ng helmet, natulala ako sa kagwapuhan nito. Unang tingin pa lang, halata nang hindi ito pure Filipino. His eyes were green. Kitang-kita ang tingkad ng kulay ng mga ito dahil sa street light malapit sa kinatatayuan niya. Kahit na nakasakay ito sa motor ay halatang matangkad ito at ang may magandang katawan. He looks so hot in that bloody-red motorcycle.
Hey stupid! You may be in danger now. Stop drooling over that stranger. Nahawaan na yata ako ng Addie-virus.
I need to stay alert and be ready to run just in case masamang tao tong gwapong ito.
The stranger offered to take me home on a condition daw. Medyo nagdadalawang isip pa ako but I am in a desperate situation now. In fairness to him also kahit na I can sense na medyo pilyo siya, he look and sound like a decent man naman. Besides wala na akong choice ngayon. Walang katao-tao dito.
In my nervousness, I took a picture of his face without his consent at ng plate number nito and sent it to Addie already.
Grabe talaga ang mga nangyari ngayong araw na to. What an epic 18th birthday it is.
Nakasakay na ako ngayon sa motor ng gwapong estranghero. Hilong-hilo pa rin ako ngayon dahil sa kalasingan. I needed to hold on to this man kaya naman kahit na nakadikit na ang hinaharap ko sa likod niya ay pinang walang bahala ko na lang. He would not mind naman siguro.
So, this is how it feels to hug a guy. Franz, your hugging a man for the first time ngunit hindi ito ang lalaking mahal mo.
Napaluha ako sa aking naisip. I wish this guy right now is Aaron.
I hugged him tighter as I let my tears out. Total hindi naman ako kilala ng lalaking ito kaya nag patay-malisya na lang ako. I need his warmth right now. Ramdam ko pa rin ang sakit sa aking puso tuwing naalala ko ang mga sinabi ni Aaron sakin.
Biglang tumigil ang motor. Dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha.
“Hey, are you crying?” tanong nito. Biglang nag-iba ang kulay ng mga mata nito. I saw tenderness in them.
“I’m sorry. How pathetic, umiiyak ako sa harap ng isang estranghero,” nahihiya kong sagot.
“It’s fine. Mas mabuting ilabas mo ang sama ng loob kesa mabulok diyan sa puso mo. Kasi kapag hinayaan mo yan sa loob, biglang na lang sasabog yan isang araw. And trust me, hindi magiging maganda ang amoy,” tumatawang sagot nito.
Why is this man so kind? Parang hindi bagay sa looks nito. Muka kasi itong mayaman na spoiled brat. For sure, sobrang mahal ng motor nito and he screams money from head to toe.
“So..care to introduce yourself?” aniya.
“I don’t think it’s proper for us to exchange names. Besides, I don’t think na magkikita pa tayo ulit,” sagot ko dito.
Ayoko ngang ibigay ang pangalan ko. Sa mga kahihiyang nagawa ko ngayong gabi, ayoko nang makita pa tong lalaking to kahit na napaka gwapo pa.
“Ganon ba? Well, I guess we’ll be a beautiful messed up memory of each other. I like that.” Nagulat ako sa sinabi nito. How poetic.
Hindi na ako nagsalita. Pareho kaming umupo sa may gilid ng kalsada. We are currently in Upper Antipolo Road. Madilim, tahimik at kitang kita mo ang city lights. Sobrang ganda ng view. Tahimik naming pinagmasdan ang mga ilaw. I never felt so comfortable with a stranger before. Napatingin ako sa estrangherong kasama ko. Just like me, taimtim din siyang nakatingin sa mga ilaw sa malayo.
I smiled without knowing it. And looked away again.
“I think it’s time for us to part ways. Kalmado na din ako at nakalimutan ko din panandalian ang problema ko. Salamat sa back-hug mo. I enjoyed that soft breast of yours pressing on my back” Pahayag niya.
Nanlaki ang aking mga mata ant ramdam ko ang pag init ng aking mga pisngi. Nang napatingin ako sa kanya, pilyong kindatan niya lang ako.
“Bastos!” For sure sobrang pula ng pisngi ko ngayon kasi tuwang-tuwa naman tong lalaking to.
“Please drive me to Los Altos Hills Subdivision. Now!”
“So we’re neighbors, huh?” lalong lumawak ang ngiti nito.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Diyos ko naman! Ganon na ba kalaki ang subdivision namin na hindi ko man lang nakita ang pagmumukha ng lalaking ito ever since? O baka naman kasi hindi naman talaga ako lumalabas ng bahay except for school or out of town family trips. Hindi din ako lumalabas upang makipaglaro sa ibang mga bata maliban kay Addie noon dahil mas gusto kong naka buntot kay Kuya Matt at sa mga barkada nito, lalo na kay Aaron.
Hay naku, naalala ko na naman si Aaron at kahihiyan ko kanina. Urggghh!
“Are you serious? Either way, just get me home now, Ayokong mag spend time sa mga bastos!”
Tumatawa pa rin ito at nag drive na pauwi.
“Dito na lang ako.” Actually sa bahay to ni Addie but of course, hindi ko na kailangan pang i-explain sa lalaking ito na makikitulog lang ako ngayon.
Yes, we live in the same subdivision, kami ng bestfriend ko, and apparently with this bastos na lalaki.
“Bye my neighbor,” panunukso nito.
“Bye. Thank you pa rin for bringing me home. I hope we don’t see each other again.” Sabay talikod ko na.
Good thing, Addie’s parents are always out of the country for business trips kaya naman walang nakakita sa akin na madaling araw ng umuwi.