France Jaime Tejada POV
“Stop controlling me!” sigaw ko sa aking ama na nasa kabilang linya sabay patay nang telepono.
I have been drinking with my friends since this afternoon kaya medyo may amats na din ako. Sa inis ko tatay ko, nasigawan ko na naman siya.
My family is a member ng Royal Family ng Espanya pero hindi kami ang first family. My father is the cousin of the current King. Walang kapatid na lalaki ang hari ngayon, kaya si Papa ang second in line sa trono. You think that’s a good thing? No, it’s not! I hate it.
Galit ako sa tatay ko dahil sunod-sunuran ito sa hari. Siya ang kasalukuyang Heneral ng Armed forces of Spain dahil hindi maari na walang dugong bughaw ang highest ranking official ng Armed Forces. Hindi ako galit sa kawalan niya ng oras sa amin ni Mama. Galit ako dahil sa kabila ng masamang trato sa kanya ng hari at ng mga tauhan nito ay sunod-sunuran pa rin siya dahil sa pangangatwiran niyang ginagawa lamang niya ang kanyang tungkulin para sa minamahal na bayan. Hindi ko talaga siya maunawaan kaya lagi kaming nagbabangayan.
Pasalamat na lang ako at dito ako sa Pilipinas pinalaki ni Mama. Malayo sa politika at kaguluhan ng Royal Family. Yes, the second Prince of Spain married a FIlipina na hindi dugong bughaw kaya naman laging nababatikus si Papa nang mga elders ng Palasyo.
At ngayon gusto niya na mag B.S.Biology ako at maging doktor balang araw dahil daw mahalaga ito sa posisyong aking gagampanan pagdating ng tamang oras. My life has been decided from the moment I was born. Ang kapalaran ko ay ang maglingkod sa First Family.
At bilang pagrerebelde ko kay Papa, lahat ng ayaw niya ay ginagawa ko. Marami akong barkada, I drink almost every night kahit na 19 years old pa lamang ako. Sa edad kong ito, ay natikman ko na yata lahat ng ipinagbabawal na drugs. Kung mayron man mabuting naidulot ang pagiging prinsipe ko ay ang pagiging mayaman ng aking angkan. I get whatever I want and travel wherever I want.
Hindi naman sa hindi ko gusto mag doktor, ayoko lang talagang gawin kung ano ang gusto ni Papa kaya sinigawan ko sya sa phone na hinding-hindi ako susunod sa gusto niya. I never really thought about what I wanted in life. Wala naman kasi akong karapatan na mangarap. My life has been decided and that is to serve the next king of Spain.
“Ma, labas muna ako,” paalam ko kay Mama.
Hindi ko na hinintay na sumagot siya, tuloy-tuloy akong naglakad upang kunin ang aking motorcycle.
“Jaime, it’s past 10 PM already! Where are you going?” narinig ko pang sigaw ni Mama pero hindi man lang ako lumingon.
Ayokong nakikita si Mama na nasasaktan tuwing nag-aaway kami ni Papa but I can’t stand that old man so mas mabuti pang magpahangin na muna ako sa labas.
“Labas muna tayo, babe,” himas ko saking big bike.
This is my buddy. I got this beauty as my birthday gift this year. It’s a Ducati Desmosedici RR.
Ahhh, sarap talaga pakinggan ng tunog ng makina mo, babe.
Pinaharurot ko na ang aking bike. Hindi ko alam kung saan ako patungo. I just wanna drive para mawala ang init ng ulo ko. I’m currently running at 122 km/h nang bigla na lang akong may nakitang babaeng nakalupasay sa gilid ng kalsada.
Normally, wala naman akong pakialam sa buhay ng ibang tao pero nakuha ng babaeng ito ang atensyon ko. Nakasuot kasi siya na gown na makintab habang ang napaka-puting legs ay halos nasa lane na ng kalsada. Agaw pansin din na imbis heels ang suot nito dahil nga naka-gown ay lumang chuck Taylors na sneakers.
Biglaan akong nag break kaya naman napakalakas na ingay ang nagresulta nang dahil sa friction ng gulong ng motor ko at ng sementong kalsada. Nagulat yata ang babae kaya biglaan na lamang itong tumayo.
Akala ko naman ay patay na ito kanina o kaya naman ay nawalan ng malay sa kalye. Hindi naman pala. Para ngang lasing lang. Napatawa naman ako bigla.
Ano ba namang klase ng babae ito. Bihirang macapture ang interest ko but this one effortlessly attracts me.
“Hey! Who are you? What are going to do with me? Why did you stop here?” sigaw nito bigla, halatang nakainom nga kasi halos mabulol na ito sa kalasingan.
Halata ang takot sa boses nito and I can detect na maya-maya ay iiyak na ito sa kaba.
“What? I just thought na may patay na nakabalandra dito sa kalye,” Natatawa kong sagot.
I looked at her face intently. Maganda siya. Mataas ang standards ko sa babae, kaya kapag sinabi kong maganda, maganda talaga. Napaka puti ng babaeng ito. Although her mascara was already smudged, kita pa rin ang kagandahan ng mga mata nito. Matangos ang ilong nya at may manipis at mapupulang mga labi. Namumula-mula rin ang pisngi nito dahil siguro nakainom o baka dahil mejo malamig na kasi madaling araw na ngayon. Ang mga mapanuri kong titig ay bumaba sa kanyang malaking dibdib, to her slender waist and her hips and down to her….sneakers.
I can’t help but smile at the sight of those sneakers. They looked so out of place sa overall view ng magandang dilag sa harapan ko. This woman is really interesting. I thought to myself.
Nanlaki bigla ang mga mata nito. Para bang biglang natauhan. Tumingin-tingin ito sa paligid at bigla na lamang ay nagbabadyang umiyak.
“Where am I?” tanong nito na napapaiyak na.
Natatawa talaga ako sa mukha nito. Parang baliw lang. Idagdag mo pa ang outfit nito na parang nang galing sa party pero nag-iisa ngayon dito sa kalsada.
“You wanna come with me,” alok ko sa kanya. Bigla na namang umiiral ang pagkapilyo ko.
Tumingin uli ito sa paligid. Napagtanto malamang nito that she’s in danger. Wala na halos dumadaan na sasakyan kasi nga madaling araw na. It’s just me and her.
“How can I trust you?” tanong nito na parang bata.
“You don’t have to but I’m the only one who can get you out of here at this hour.”
Itinaas nito ang gown bigla. Nasilayan ko na naman ang maputi at makinis na hita nito. Nakakaramdam na sana ako ng libog ng biglang bumungad ang maong shorts nito sa ilalim ng gown. Natawa ako bigla. Napaka jologs naman talaga nito. Hindi lang naka sneakers, naka shorts pa sa loob ng elegant gown na suot nito. May dinukot ito sa bulsa ng maong shorts nya at biglang may nag flash.
“Hey! What are you doing?” napasigaw ako sa gulat.
Puta ang sakit sa mata.
“Kinunan kita ng picture. I’m sending this to my family in case you’ll do something bad to me. Pero dahil siguradong papagalitan ako kapag nag pasundo ako ngayon, sige sasama na lang ako sayo,” katwiran nito habang nakayoko.
I can sense her awkwardness at pagkamahiyain. Halatang tinatatagan niya lang ang loob upang di umiyak.
“I’ll take you home on one condition, spend time with me first”
Biglang nanlaki ang mata nito at namutla. Halatang natakot at nagdadalawang isip ito. Aminado akong barumbado at rebelde ako sa parents ko pero hindi naman ako kriminal kaya wala akong plano na pagsamantalahan ang babaeng ito kahit npakaganda pa niya. That’s not my thing. Isa pa muka ngang hindi pa nakapag 18 ‘to eh.
“What were you thinking? I won’t r**e you. You are not my type.”
“Hin-Hindi ako takot nuh! I can take care of myself and Legal age na ako nuh!” pag mamalaki nito.
“Where should we go then?”
“Akong bahala sayo. Hop in”
Halatang hindi marunong sumakay ng motor ito kaya biglang nagslide ang paa niya at nakasubsob sa likod ko. I felt her soft boobs on my back.
“Oh my ghaad. I’m sorry!” hiyang-hiyang tili nito.
“Bakit ba kasi napadpad ka dito sa kalye ng nag-iisa at ganyan pa ang suot mo. On top of it all, nakainom ka pa.”
Ano ba ang pakialam ko sa babaeng to pero hindi ko maintindihan why the hell I care about her.
Biglang nanahimik ito kaya nilingon ko sya sa likod ko na ngayon ay nakaangkas na sa motor ko.
Her facial expression completely changed. I saw hurt all over her face.
Pinaandar ko na ang motor ko at biglang pinaharurot ng takbo. At syempre, sa takot nitong malaglag ay wala siyang choice but to hold on to me.
“Thank you!” sigaw nito.
“What?”
“I said, Thank you!” sigaw ulit niya habang tumatakbo ang motorsiklo ko.
Mas pinabilis ko pa ang pagmamaneho kaya bigla siyang napahapos sa aking likod. I felt her body ease while hugging me from the back. I can’t explain what we’re both feeling right now. Siguro dahil pareho na kaming lasing o dahil halatang pareho kaming may problema ngayon, or maybe both.
I’m picturing out how cool we both look while riding my baby right now. A woman is riding my bike for the first time, isang babae na naka gown ngunit naka chuck taylor na sneakers.
Ah, umandar na naman ang hilig ko sa photography. Sayang kasi I would not be able to capture this moment with my lense.