ARABELLA
"At saan mo nakuha ang ganito kalaking halaga ha, Arabella?" may pang-uusig na tanong sa akin ni Nanay.
Pilit kong kinalma ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa nerbyos.
Breathe in, breathe out. Kaya ko 'to wala nang atrasan.
"Nanay, may iba na ho, akong nahanap na trabaho. Malaki po ang sahod at mabait po ang magiging boss ko. Pinayagan niya hong e-advance ang ang tatlong buwan na sahod ko kahit hindi pa nga ako nakakapag-umpisa." Nakangiting kako at pilit na umakto ng normal na ako.
Kahapon ko pa pinaghahandaan ang tagpong ito, ayaw kong magsinungaling pero kailangan kong gawin, wala naman kasi akong pagpipilian.
Hindi maaring malaman ni Nanay ang tungkol sa pagkikita namin ng Ate Arabelle ko lalo na ang takbo ng naging pag-uusap namin.
Ayaw din ng Ate na may makaalam ng tungkol sa kaniya, sa pag uusap, at sa pagkikita namin.
"Magtulungan tayo, Arabella. Ipapagamot ko ang Tatay mo, kapalit ng trabahong ibibigay ko saiyo." Una, nakaramdam ako ng tuwa.
Sino ba naman ang hindi? Narito ang kakambal ko, upang hanguin ako sa kalunuslunos kong sitwasyon sa pinagtratrabahuan kong pabrika.
Bibigyan niya ako ng trabaho, she'll be my Boss and for sure, mas magaan at hindi ako mahihirapan sa trabahong inaalok niya sa akin.
Pero halos lumuwa ang mga mata ko sa sumunod niyang mga sinabi.
"Be my replacement Arabella, pretend to be me, as the wife of a well-known evil blind billionaire of the country." Teka, well-known ba ka niya?
E, wala naman akong kilalang well-known na evil blind billionaire ng bansa a!
Agad na gumuhit sa mukha ko ang pagtutol at alam kong nakita niya agad iyon.
"Susuportahan ko ang pinansyal na pangangailangan ng pamilya mo kapalit ng pagpapanggap mo, bilang ako sa harap ng malupit at walang puso kong asawa."
"Gusto man kitang tulungan Ate Arabelle, pero paano kung mabuking tayo ng asawa mo? Obviously naman na itsura at kilos pa lang magkaiba na tayo," ang agad na pagtutol kong sabi kahit pa nga pagkarinig ko ng pinasyal na tulong ay agad nabuhayan ang loob ko para mapagamot si Tatay.
"Don't you worry, madali lang naman magpanggap sa harapan ng inutil na iyon," muli siyang humithit mula sa kaniyang sigarilyo.
Tiningnan niya ako at ngumisi. Madali man o hindi, panloloko pa rin ng kapwa ang papasukin ko, at sa kasamaang palad, sarili ko pang bayaw ang lolokuhin namin ng kapatid ko.
"Gusto kong makapagpahinga at makatakas sa kalupitan niya kahit panandalian lang," ang aniya.
Ang akala niya daw ay ang asawa nito ang sagot na sa kaniyang panalangin, mapagmahal daw kasi ito at mabuting asawa sa kaniya noong una. Ngunit simula ng maaksidente ito at nabulag ay nagbago na ito ng ugali.
Lagi siyang pinagbubuntunan ng galit at sinasaktan hindi lamang sa emoyonal kun'di pati rin pisikal.
Gusto kong matulungan si Ate, gusto kong iparamdam sa kaniyang may karamay na siya, na hindi na siya nag-iisa dahil nandito na ako bilang kakampi niya, kasangga niya maari niyang takbuhan at hingan ng tulong.
At kung may paraan pa ngang matuldukan ang paghihirap niya ay gagawin kong talaga.
Ang problema, kung paano ako lulusot kay Nanay.
Kilala ko si Nanay, malakas itong makaramdam at kilala ako nito ng lubusan kaya alam na alam niya kung may tinatago ako, or kung nagsisinungaling ako sa kaniya.
Kaya naman, praktisado muna ako at siniguro kong hindi mamayani ang kaba sa dibdib ko kapag nagsinungaling ako sa kaniya.
Para rin naman ito sa kanila, lalo na kay Tatay. Isa pa, para rin matulungan ko at makabawi sa lahat ng nangyari kay Ate Arabelle.
She needs my help, ayaw kong maramdaman niyang hanggang ngayon ay nag-iisa pa rin siya sa buhay, na wala pa rin siyang pamilya.
Nandito na ako at handa ko siyang tulungan, sabi nga niya magtutulungan kaming dalawa.
"Arabella, kilala kita anak, at kilala mo ako, agaw ko ng nagsisinungaling. Hindi ko kayo pinalaking ganiyan," halos manginig ang kalamnan ko sa nagbabantang tingin ni Nanay.
Ayaw ko siyang tingnan sa mga mata niya, hindi ko kaya, nakukunsensya ako.
Kaya niyakap ko sa baywang si Nanay at sinandig paragliding ang ulo ko sa kaniyang sikmura.
Pinilit ko ang sariling magpakahinahon at umakto ng normal.
"Nay, kalma lang po," ang subok kong biro at sana umubra.
"Paano ako kakalma ha, abir? E, Pakiramdam ko, may tinatago ka sa akin?"
Parang kinurot ang puso ko nang naiiyak akong tingnan ni Nanay.
"Kilala kita Anak, nakakaramdam ako ng kaba ngayon, kaya nag-aalala ako." Ang aniyang tila hindi kampanti sa mga nakukuhang sagot sa akin.
"Nay, ang totoo niyan, magiging personal assistant ako ng anak ng isa sa mga pinakamayaman sa bansa, mayaman din po ang napangasawa nitong bagong boss ko kaya malaki ang alok na sahod." Kuwento kong pinasigla ang boses.
Natigilan si Nanay at tiningnan ako sa mga mata ko, gano'n na gano'n siya sa tuwing sinusuri o tinitimbang ang nakukuhang sagot mula sa amin ni Lito.
Tinago ko lahat ng emosyon na maari niyang masilip sa mga mata ko at sinalubong ko ng walang kurap ang mga mata ni Nanay.
"Noong interview ko po, nalaman po niya ang kalagayan natin, ni Tatay...kaya naawa sa akin, at mas dinagdagan ang sahod ko." Gusto kong palakpakan ang sarili dahil naitawid ko ang mga hinabing salita na iyon nang hindi nanginginig ang boses ko.
"Maari ko bang makilala ang magiging bago mong boss, Arabella?" natigilan ako saglit at nang makabawi ay agad ding sumagot.
"Aba, e, oo naman po. Nasabi nga rin niyang dadalaw siya sa atin, gusto rin niyang makita ang kalagayan ni Tatay." Gusto kong mapakagat sa ibabang labi. Anong gagawin ko, imposible naman na magpakita si Ate sa kanila, di ba?
"Gusto ko lamang makasiguro, Anak. Oo nga't gipit tayo at kailangan na kailangan natin ng pera. Ngunit hindi ko makakaya na malaman at makitang kaya mong ipahamak ang sarili mo, para maresulba lang ang mga problema natin. Baka sabay naming ikamatay ng Tatay mo niyan Arablella." Ang walang halo niyang birong paalala sa akin.
Kapag inumpisahan ng kasinungalingan, madaragdagan ito nang madaragdagan ng bagong kasinungalingan.
Sorry po, Nay. Sana mapatawad niyo ako ni Tatay kapag nalaman niyo ang totoo...
Alam kong hindi ko ito maitatago nang matagal at malalaman din ni Nanay, pero saka ko na lang iyon iisipin at proproblemahin.
Ang kailangan kong solosyonan ngayon ay kung paano ko ipapakilala ang bago kong boss?
Kailangan kong makausap si Ate Arabelle mamaya.
Ilang beses kong in-dial ang numero niya pero pinapatayan talaga niya ako ng tawag.
Wala akong choice kun'di e-text na nga lang siya.
AKO: Ate, kailangan kitang makausap ng personal, please sagutin mo ang tawag ko, pagmamakaawa ko sa kaniya.
SIYA: Arabella, hindi kita maaring makausap ngayon, narito ang asawa ko at nag-away kami dahil sa pag-alis ko ng bahay, sinaktan niya ako. Kung may gusto kang sabihin sabihin mo na lamang sa text
Gusto ko sanang sabihin at ipaliwanag sa kaniya ang lahat kahit man lang sana sa tawag pero wala akong nagawa kun'di sabihin sa pamamagitan ng text ang problema ko.
Sa kabilang banda lalong tumindi ang galit at pagkadisgusto ko para sa kaniyang asawa.
Huwag lang siyang magmalabis, dahil baka magdilim ang paningin ko at malason ko siya.
**
Nang sumunod na araw ay may dumating ngang bisita sa tinutuluyan naming apartment, kakagaling lang no'n ni Tatay at Nanay sa ospital.
Pero bago pa siya dumating, ay inabisuhan na ako ni Ate. Isa raw ito sa mga kaibigan niya na siyang haharap bilang amo ko sa mga magulang ko.
Sa pananamit, itsura at pananalita hindi na ako magtataka kung madali nitong mapapaniwala ang mga magulang ko.
"Magandang araw po, I am Martina Robles ako po ang bagong boss ng anak ninyong si Arabella." Nakita ko ang labis na pagkamangha nila Tatay at Nanay.
Kasunod no'n ay ang kagalakan nila para sa akin, alam na alam kasi nila ang pagtitiis ko sa pabrikang pinapasukan.
Malaki rin ang binagsak ng katawan simula nang magtrabaho ako roon.
"Masaya kami para sa 'yo, Anak. Napakabait ng amo mo at napakalaki pa ng suweldong inaalok sa'yo. Sana lang e, hindi siya magbago at sana madalas ang pagdalaw mo sa amin dahil hindi kami sanay nang wala ka rito lagi sa bahay, hindi kami sanay na malayo ka," ang naiiyak na ani Nanay.
"Nay, tiis tiis lang po muna tayo, papasaan ba't pakikinggan din ng Diyos ang dasal natin. Gagaling din si Tatay at magkakasama tayong muli, mabubuo po tayo ulit, Nay." Mahigpit ang yakap ni Nanay sa akin.
Nakokonsensya man ako at nagi-guilty sa ginagawa kong pagsisinungaling at paglilihim sa mga kinilala kong magulang inisip ko na lamang na para rin ito sa kanila, sa aming lahat.
"Basta, mag-iingat ka roon, at kung ano man ang mangyari tawagan mo kami kahit malayo pa iyan pupuntahan ka namin, Arabella." Mahigpit ang yakap ko sa kaniya dahil alam ko matagal tagal bago ako makakadalaw sa kanila.
Si Nanay ang nag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko.
Hinayaan ko na lamang siya na gawin iyon, kahit pa nga sinabihan ako ni Ate Arabelle na hindi ko kailangan magdala ng maraming damit dahil hindi ko rin iyon magagamit.
Kailangan kong mag-ayos at kumilos bilang siya, mamumuhay ako sa katauhan niya bilang asawa ng lalaking ni hindi ko pa nakikita.
Nang araw na magkita kaming muli ni Ate ay ang araw kung saan ako na ang papalit sa puwesto niya.
Napatitig ako sa mukha ni Ate, mas makapal ang make-up niya ngayon ngunit hindi pa rin no'n naitago ang kaniyang mga pasa sa mukha at braso. Tulad ng una naming pagkikita naka dark sunglasses na naman siya.
Nangingitim ang panga niya at may sugat din ang sulok ng labi niya, nanginginig ang kamay niya nang kumuha ng sigarilyo nito sa kaha at ilagay sa bibig.
"Bakit hindi mo na lang siya iwanan?"wala sa sarili kong naibigkas.
Suggestion ko sana iyon pero naging tanong nang lumabas sa bibig ko. Awang awa ako ngayon sa itsura ng ate ko.
Tumawa siya ng pagak, " iwan... para ano?" ngumisi siya. Humithit ng usok saka binuga sa gilid nito.
"Para makapag-asawa siyang muli? Hihiwalayan niya ako nang wala man lamang nakukuha? No, way..." Nanginginig ang labi na aniya. Ang matinding galit ay masasalamin rin sa kaniyang pananalita.
Mahina lamang ang pagkakasabi niya pero ramdam ko ang bigat ng salitang iyon.
"Huwag kang mag-alala, simula naman nang mabulag iyon, wala nang naging pakialam sa akin. He doesn't want to sleep with me anymore, so matagal nang walang nangyayari sa amin. Magkahiwalay kami ng kuwarto.Huwag mo na lamang siyang lalapitan kapag masama ang timpla, isa lang ang gusto no'n ang ikulong ka sa bahay at gawing miserable ang buhay mo." Napatiim bagang ako dahil sa mga narinig.
Para kay Ate magtitimpi ako pero subukan lang talaga niyang sagarin ang pasensya ko, may paglalagyan siya sa akin, sigurado iyan.
Nagbigay lamang si Ate ng kakaunting impormasyon tungkol sa asawa niya.
Dalawang taon na silang kasal, naaksidente ang lalaki at nabulag. Allen Schazar ang pangalan nito. Filipina ang ina nito at isang German naman ang ama nito.
Hindi rito pinanganak ngunit dito naman ito lumaki.