ARABELLA
I swallowed and started to feel nervous.
Bago umalis ng bahay ay kaya ko pang kumbinsihin ang sarili kong kaya ko.
Pero nang makapasok na ang sinasakyan kong taxi sa isang exclusive subdivision na ito dito sa Makati ay napanganga na ako sa mga naglalakihang mansyon na nararaanan namin at do'n nag-umpisa ko nang kuwesyonin ang sarili kung kaya ko ba talaga.
The anticipation and fear suddenly intruded and rattled my head.
Parang gusto ko nang umatras pero naroon pa rin iyong kagustuhan kong tulungan si Ate Arabelle. I don't her to be disappointed.
Ayaw kong isipin niya pati ako ay hindi niya maaasahan.
"Ma'am, nandito po tayo." Ang magalang na anang driver habang nakasilip sa rearview mirror.
Hindi ko na namalayan ang paghinto ng taxi.
Napahawak ako ng mahigpit sa shoulder bag kong dala. Ito lamang ang pinadala sa akin ni Ate.
Kinuha niya ang maleta kong dala na hinanda pa ni Nanay.
Hindi ko daw iyon kakailanganin at ang sabi niya lahat ng kakailanganin kong gamit ay nasa kuwarto na niya.
May mga bagong damit na daw siyang nakahanda sa closet at maari ko rin gamitin ang mga damit na pag-aari niya kung gusto ko.
Nakakalulang tingnan ang mansyon na natatanaw ko.
Napakataas ng gate nito pero kitang kita pa rin mula sa kinalalagyan ko kung gaano ito kagara at kalawak.
Billionaire nga iyong asawa 'di ba?
Oo nga. Mayaman nga, pero demonyo naman. Tsk.
"Ma'am?" untag ng driver. Nahimasmasan ako bigla. Tumikhim ako.
"Pasensya na po, Manong. Isang minuto na lang po." Halos mapangiwi ako nang sabihin iyon. Hindi siya umimik pero hinayaan niya lang ako.
Oh, sh*t my legs started to tremble.
Huminga ako ng malalim. Inayos ko ang suot kong blue spaghetti dress na lampas tuhod ang haba.
Kimi ang kilos ko dahil hindi ako sanay sa ganitong suot. Hapit na hapit pa sa katawan ko.
Maski ang make-up na pininta sa mukha ko ay parang gusto kong tanggalin agad.
Malagkit ang pakiramdam ko at nakakairita sa mukha.
Kanina ko pa iniisip na pagpasok na pagkapasok ko sa kuwarto mamaya ay maghihilamos ako agad.
Kung mayroon man akong ipinagpapasalamat ay hindi niya pinabago ang kulay ng buhok ko.
Ginupitan lamang nila ito at kinulot ng kaunti para maging alon alon tulad ng laging ayos ng buhok ni Ate.
Hindi ako sanay sa ganitong ayos pero kailangan kong sundin si Ate Arabelle.
Para rin maging kapani-paniwalang na ako siya, sa paningin nila.
I once again looked up at that huge and vast mansion before I was able to move my hands to open the door of the taxi.
Basa na ng pawis ang palad ko sa nerbyos.
" 'Yan po pala ang bahay niyo, Ma'am. Ang ganda a, isa po 'yan sa pinakamalawak at pinakamagandang mansyon dito sa subdivision na ito."
Pilit ang naging ngiti ko kay Manong.
Shit. Sa sinabing iyon ni Manong, mas nakaramdam ako ng pag-aalinlangan at mas nadagdagan ang aking kaba.
And once again, I took a deep breath and tried to calm myself down before I stepped out of my trembling feet from the taxi.
"Sige, po Ma'am." Anang driver na tila atat na atat na akong itaboy pababa ng taxi niya.
Pagkasara ko sa pintuan nito ay agad na ngang sumibat ito.
Marahan akong naglakad palapit sa mataas na gate, kabado kong tiningnan saglit ang buzzer button.
Bago pa lumapat ang hintuturo ko do'n ay bumukas na ito kaya naiwan sa ere ang kamay ko.
Napaawang ang labi ko sa gulat.
May nag-aabang na ba sa pagdating ko?
Sabi ni Ate Arabelle wala dapat akong pagkatiwalaan sa loob ng mansyon, dahil lahat ng mga tao roo, ay na kay Allen Schazar ang katapatan.
Siyempre mga tauhan niya e.
Pagpasok ko sa loob ng bakuran ay katahimikan ng paligid agad ang bumungad sa akin.
Napakislot pa ako at napalingon sa gate nang marinig ko ang langitngit na tunog no'n nang unti-unti iyong sumara.
Napalunok ako.
Pumihit muli at mabibigat ang mga paa'ng naglakad ako patungo sa malapad na pintuang papasok ng mansyon.
Naispatan ng mga mata ko ang guard house na nakapuwesto lamang malapit sa gate.
Tinangala ko ang malapad na pintuan bago inihakbang ang paa sa hagdanan simento.
I don't like the feeling brought by the deafening silence of the surroundings.
I feel like something is going to happen that I won't like. Parang gusto ko na lamang tumakbo palabas ng gate.
Huminga ako ng malalim at tinitigan ang napakalapad na pinto.
Kakatok ba ako or itutulak ko na lang?
Medyo nakaawang naman iyon kaya nanginginig ang kamay na tinulak ko na lang pabukas.
Shit. Lumangitngit din. Tumataas tuloy ang palahibo ko kasi parang papasok ako sa isang hunted house na takot na takot mabulabog ang mga multo.
Bakit ba bawat kilos ko ay may pa- suspense?
I stepped in. Napabuga ako ng hangin.
Ang problema ko, saan ang kuwartong tutuluyan ko?
Ang alam ko lang nasa ikalawang palapag iyon, 'yon ang sabi niya.
Abala ang mga mata ko sa paglibot at pagsipat ng napakalawak na intrada ng masyon papuntang sala.
And then, I heard a loud smerk. Napatingin ako roon bigla.
"Finally, you're back!" malalim na boses na may kalakip na pang-uuyam ang nag-echo sa buong sala.
"Tapos mo na bang lustayin ang ninakaw mo sa akin?" Napaawang ang mga labi ko.
Hindi ko alam kung ano ang unang magrerehistro sa utak ko, iyong tanong niya o, ang bumungad na mukha sa harapan ko.
I blinked my eyes repeatedly, baka namamalikmata lang ako.
"You?" finally I speak up.
Mahina at hindi ko makapaniwalang tanong.
"And who do you expect to see in this mansion, one of your assholes?" patuya niyang tanong. Hindi iyon agad na nag-sink in sa utak ko.
My eyes and my mind were focused on his face. That face, those eyes...
Matigas ang expression ng mukha niyang nakatingin sa dereksyon ko.
Nakatingin siya sa akin ngunit tumatagos.
Of course, he's blind. Napatakip ako ng isang palad sa aking bibig.
My heart was pounding violently, it was really him.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Hindi ako puweding magkamali. I met him almost three years ago.
"It's your mistake to come back here again, b***h. I'll make sure, you'll be living in hell. This time, I'll give no mercy." He devilishly smirks at me.
Umiling iling ako. Wala akong maintindihan sa mga paratang niya.
What is this, Arabelle? Ano ang mga 'to?
"David, Lucas?" malakas at maotoridad na tawag niya kasunod ng paglitaw ng dalawang matatangkad at malalaki ang katawan na lalake sa kung saan.
"Take her, alam niyo na kung saan dadalhin." Ang malamig niyang utos.
Napamulagat ako sa narinig at agad binaha ng takot at kaba ang dibdib ko.
Naalarma ako. They are coming near to me.
Umatras ako. "S-sandali, huwag kayong l-lalapit!" hindi ko mapigilan hindi mapasigaw.
Dinakma ako ng dalawang lalake sa magkabila kong braso.
"A-allen, s-sandali-hindi ko alam ang s-sinasabi mo, magpapaliwanag ako." Nanginig ang boses ko.
Walang hirap nila akong binitbit, nag-umpisa akong maiyak.
Pinilit kong nililingon si Allen, tinatawag ang pangalan niya. Nahulog ang shoulder bag ko.
Maski sandals kong suot ay nakalas na sa paa ko.
"A-allen, please. M-magpapaliwanag ako. Hindi ko alam ang s-sinasabi mo!" Kumawag ako.
Humigpit ang pagkakapit nila sa braso ko at ni hindi sumasayad ang mga paa ko sa sahig.
Its painful at alam kong mamumula o mangingitim iyon mamaya.
Saan nila ako dadalhin, "tulong!" sigaw ko.
Isang mahabang pasilyo ang tinalunton namin, may matandang naka-unipormi akong namataan. She's looking at us.
"T-tulungan niyo po ako, w-wala po akong k-kasalanan," tiningnan lamang niya ako at baliwalang tumango sa mga lalaking bumitbit sa akin.
I can't help but sobbed loudly, ngumisi ang isa sa mga lalake.
"Huwag na kayong pumiglas para hindi kayo.lalong masaktan," mahinahong anang isa.
Tiningnan ko siya nagmamakaawa ang mga mata kong alam kong hilam sa luha.
"K-kuya, s-saan niyo po ako d-dadalhin, b-bitawan niyo na po ako... p-pakawalan niyo po ako." Tumaas ang kilay niya at nangunot rin ang sulok ng noo niya pero hindi siya nagsalita.
"Sumusunod lang kami sa utos, Ma'am." Anang isa pero nakangisi pa rin.
Naiiling na parang pinagkakatuwaan ako.
"Huwag kang mag-alala Ma'am Ara, bago na ang magiging tirahan mo ngayon habang nagpapahupa ng galit si Boss." And he chuckled.
"Lucas," tawag ng lalake sa pangalan nito na tila nanaway pero nag-tsk ang lalake at ngumisi ulit.
"Hindi na kasi nadala ang babaeng 'to, bumalik pa talaga?" patuyang aniya habang nakatingin sa akin. Umiling iling ako.
"Kung lalake lang din hanap mo, andito naman kami, Ma'am baka puwede rin kaming tumikim-"
"Lucas!" ang malakas at seryosong saway na
ng kasama nito. Matiim niya itong tinitigan.
Ngumisi lang naman itong muli at hindi na nakapagsalita.
Magpapasalamat ba ako sa isa?
Huminto kami sa isang pintuan, bunuksan ng isa iyon at kinalabit ang switch ng ilaw.
Basement? Nataranta ako at lalong napahikbi.
Malawak rin ang basement, huminto kaming muli sa isang pintuan.
Malamlam ang liwanag ng nag-iisang bombilya.
Napasigaw ako nang ibalya nila ako sa malapad at maalikabok na kama.
Bago pa ako makatakbo sa pintuan ay agad na nila iyong naisara. Hinila ko pabukas, fvck. It was locked!
Ilang beses kong binayo iyon ng kamao. "Pakawalan niyo ako, buksan niyo ito! Parang awa niyo na!" Ang walang humpay kong sigaw!
Hindi ko alam kung gaano ko katagal binagbabayo ang pintuan hanggang manakit ang mga kamay ko, at mamaus ako sa kakasigaw.