ARABELLA
Kung gaano kabagal at tahimik ang bawat hakbang ko habang papalapit sa kotsing iyon, ay siya namang bilis ng t***k at lakas ng kabog sa dibdib ko.
"Ate Arabelle..." Ang mahina kong sambit sa kaniyang pangalan.
Panay patak ng mga luha ko sa magkabila kong pisngi. Napuno ng samo't saring emosyon ang dibdib ko.
Gusto ko siyang sugurin ng mahigpit na yakap at sabihin lahat ng mga nangyari sa paghihiwalay namin.
Hindi siya tuminag sa kina-uupuan kahit pa nga nasa tapat na niya ako.
Bagkus, tinanguan nito ang lalaking nagda-drive ng kotse na siyang umibis ng sasakyan at humarap sa akin.
"Sakay po kayo, gusto kayong makausap ni Ma'am," aniyang minuwestra ang kamay papunta sa kabilang bahagi ng sasakyan.
Hinawi ko ang aking mga luha at walang pasubaling sumunod at sumakay ng sasakyan.
Pinagbuksan pa ako ng pinto no'ng driver at nang makaupo ay siya na rin ang nagsara.
Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang makabalik sa driver seat.
Nagniningning ang mga mata kong binalingan ang kapatid ko.
Gusto ko siyang mayakap sa unang pagkakataon.
Alam kong hindi man kami lumaking magkasama, alam kong may malaking bahagi pa rin sa pagkatao naming dalawa ang kailan man ay hinding hindi mapipigtas ng pagkakalayo naming dalawa.
Dahil iba man ang kulay at pagkakagupit ng kaniyang buhok, hindi mapagkakailang iisa lamang ang hulma ng aming mukha at iisa lamang din ang dugong nanalaytay sa aming mga ugat.
"Ate, Arabelle..." Muli kong sambit sa kaniyang pangalan ngunit ni hindi niya ako binalingan.
"Paandarin mo na ang sasakyan Mauro," ang tuwid na mando nito sa driver.
Hindi niya ba narinig ang tawag ko sa pangalan niya?
I bit my lower lip. I pinched my skin to disregard my nervousness.
I felt little bit weird. Ibang-iba ito sa inasahan kong mangyayari sa una naming pagtatagpo.
I had created images in my head na pareho kaming magiging emosyonal sa aming pagkikita.
Parehong maiiyak sa saya dahil sa wakas ay maiibsan na rin ang pangungulila namin sa isa't isa.
Pero hindi gano'n, we're here inside her luxury car seating like a totally strangers.
Hindi mapakali ang t***k ng puso ko, ni lumunok ay parang hirap kong gawin dahil baka maistorbo ko ang pagiging tahimik at pagkapormal niya.
Napakalamig ang buga ng bukas na aircon mula sa kaniyang sasakyan pero pakiwari ko'y namamawis pa rin ang noo at leeg ko.
Pinasya kong manatiling tahimik na lamang sa kaniyang tabi sa buong durasyon ng biyahe.
Sa isang hotel restaurant sa may Antipolo kami dinala ng kaniyang sasakyan.
Lihim kong pinagmasdan ang kaubuan niya, kahit sinong tao siguro, mas pagtutuunan ng pansin ang pagkaelegante ng gayak niya kaysa pansinin pa ang pagkakapareho ng aming mukha.
Lalo na't sa tingin ko'y mas mapagkakamalan akong alalay kaysa maging kakambal niya.
Nakakailang rin siguro ang sumabay sa kaniya sa paglalakad.
Bago bumaba ng sasakyan ay nagsuot ito ng isang white stylish broad-brim hat na nakikita ko lamang sa mga pelikulang gawa sa England.
Napaka-stylish din ng suot niyang red hugging dress na nagpapatinkad ng napakakinis at napakaputi niyang kutis.
Hanggang taas ng tuhod ang tabas no'n na siyang nagpalitaw sa mga mahuhubog niyang binti na kulay labanos.
Nakasunod lamang ako sa kaniya.
Hindi kalakihan ang hotel na iyon pero makikita kong may mga sinabi sa buhay ang mga taong naroroon base sa kanilang gayak at kilos.
Sinalubong kami ng isang kawani, base sa obserbasyon ko'y kilala na siya sa naturang hotel na iyon at para bang napaka-importante niyang tao na kailangan asikasuhin ng husto "follow me, to your reservation seats, Madam." Ang magalang na anito at nauna sa amin sa paglalakad.
Dinala niya kami sa isang silid. Hindi naman iyon malawak o malaki ngunit masasabi kong hindi rin iyon maliit.
"Maupo ka," pormal pa rin ang kaniyang tono sa akin.
Kimi akong sumunod sa kaniya, naupo ako sa upuang iminuwestra ng kamay niya.
Magkatapat ang upuan namin sa mesa kaya mas lalo ko siyang napagmasdang mabuti.
She crossed her legs elegantly.
Maiksi ang kulay light brown niyang buhok at alon alon. Sa tingin ko'y sadya niya iyong kinulot.
Mas malambot tingnan kumpara sa itim na itim at deritso kong buhok na madalang nang makatikim ng conditioner kaya medyo dry nang tingnan.
Namamawis na ang palad ko sa nerbyos.
"Anything you want to drink?" tanong niya sa akin nang hindi tumitingin.
May inilabas siya sa bag, isang kaha ng sigarilyo na 'yon ko lamang nakita.
Napabuka ang mga labi ko.
Kumuha siya ng isang stick. Payat na payat ang stick na iyon at kulay pink ang balot.
Napalunok ako, kahit sa pagsindi no'n ay tila class na class pa rin ang dating niya sa paningin ko.
Hindi ko nagawang umimik, nakamasid at nakasunod lamang ang mga mata ko sa kaniya.
Nang humithit siya at ibuga iyon pataas, kasunod noon ay ang pagtingin niya sa akin.
"Are you sure, you didn't want to drink anything? O baka nagugutom ka?" aniyang hindi ko maramdaman kung concern ba talaga.
She's so formal and cold. Tumikhim ako.
"Tubig na lang, " ang medyo kabado kong sabi.
Kinausap niya ang waiter, may sinabi pa siyang order pero hindi ko na naintindihan.
Mga bago kasi sa pandinig ko.
Pagkaalis ng waiter ay muli niya akong tiningnan. Ngumiti naman ako ng tipid para basagin ang tila nagyeyelong hangin na nilalanghap naming pareho.
"K-kumusta ka na, A-ate Arabelle..." Ang nanantsa kong tanong.
Natigilan siya at tiningnan ako bumaha na naman ang emosyon sa dibdib ko, at ang kaba "ang akala ko hindi na tayo, magkikita... Si Mama--"
"She's dead, a long time ago." Walang emosyon niyang dugtong. Napalunok ako.
Muli siyang humithit sa sigarilyong nakaipit sa kaniyang dalawang daliri at bumuga ng usok.
She smirked. "Kumusta ako? Here, I survived. Hindi ko masasabing mabuti ako o napabuti," she chuckled.
Umawang ang mga labi ko, ang alam ko itinakas at tumira siya sa America kasama ng mayaman na mag-asawang umanpon sa kaniya.
"Look at you, hindi ko alam kung sino sa atin dalawa ang talagang sinuwerte sa buhay. Pinili niyang ipamigay ako sa mag-asawang iyon or let say, bininta niya ako...para isalba ang buhay mo." Naging matiim ang titig niya sa akin.
Napayuko ako. I sensed sarcasm tone in every word she say. Pero pilit kong sagutin siya ng normal, besides magkapatid pa rin kaming dalawa.
Gusto ko rin malaman niya ang mga nangyari sa akin sa nagdaang taon at gano'n rin naman ako sa kaniya.
"Oo nga... M-malayong malayo ang itsura nating dalawa..." Napakurot ako sa aking mga daliri.
She chuckled again, mas malakas. "Sa tingin mo ba mas sinuwerete ako kasi nakikita mong marami akong pera?" patagilid niya akong tiningnan.
Napaawang ang mga labi ko at tinangka kong pasubalian ang kaniyang tinuran pero mas pinili kong pagdikitin ang mga labi at makinig na lamang.
"Sa America kami nanirahan hanggang mag-high school ako. Laging nag-aaway ang adopted parents ko, " tiningnan ko siya.
"Ako ang pinangbubuntunan ng inis at galit ng babae kapag may hindi sila pagkakaunawaan ng lalake," I noticed that he didn't addresses her adopted parents as Mama or Papa.
"Isang araw wala siya, umuwing lasing iyong lalake, he raped me." Bigla akong napatingin sa kaniya sa tila bombang hinagis niya sa harapan ko.
Biglang naging marahas din ang pintig ng puso ko.
"He always does it every time he gets the chance, hanggang nasanay na ako at naging manhid na ako. Kung magsusumbong ako, wala rin naman tutulong sa akin. Walang nagmamahal sa akin, maski nga sarili kong Ina bininta nga ako 'di ba-"
"Mahal ka ni Mama, Ate Arabelle." Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko hanggang bumalong ang aking mga luha.
Nginisihan lamang niya ako, "hindi ko siya mapapagawad sa ginawa niya sa akin, I'm glad that she was dead, kun'di baka binalikan ko rin siya sa kasalanan niya sa akin-"
"H-huwag mo s-sanang sisihin si Mama, h-huwag kang m-magalit sa kaniya dahil mahal na mahal kaniya, Ate..." Nanginginig ang labi kong hinawakan ang kamay niya.
Sa mga nalaman ko, lalo ko lamang naramdaman ang labis na pagsisi kung bakit pinanganak akong mahina at sakitin.
Dalawang mahahalagang tao sa buhay ko ang napahamak, nagdusa ng dahil sa akin.
Si Mama, napilitang ipaampon si Ate Arabelle para mabuhay lamang ako. Namatay siya sa aksidente at alam kong ang pagkalayo ni Ate Arabelle ang dahilan no'n.
Si Ate Arabelle... Hindi ako makapaniwala sa kalupitang kaniyang sinapit sa mga taong inakala naming itinuring siyang tunay na anak at dapat sanay nagbigay ng pagmamahal at kalinga sa kaniya.
"Patawarin mo sana ako, k-kasalanan ko dahil pinanganak akong sakitin at mahina pero alam ko, napilitan lang si Mama na ibigay ka sa mag-asawa iyon dahil nangako silang bibigyan ka ng magandang buhay, nangako silang aalagaan ka at ituturing na anak. Nangako sila kay Mama na hindi ka ilalayo pero itinakas ka nila. Walang kasalanan si Mama, Ate huwag ka sanang magalit sa kaniya..." Ang mahaba kong pakiusap sa pagitan ng aking pagtangis.
"Siya at ikaw ang dapat sisihin sa mga nangyari sa akin. At hindi ko alam kung kaya ko pang magpatawad sa lahat ng bangungot na naranasan ko," matatag ang boses niyang sabi. Bumukas ang pintuan. Natahimik kami pareho.
Agad kong hinawi at tinuyo ang mga luhang namalisbis sa magkabila kong pisngi nang pumasok ang isang waiter kasunod ang isa pa dala ang mga pagkain at inumin.
Nang mapaalam ang mga ito at maiwan kaming muli ay lakas loob akong nakiusap sa kaniya.
"Pakiusap Ate Arabelle, huwag kang magtanim ng galit para kay Mama dahil alam kong mahal na mahal ka niya. Kinalulungkot ko kung ano man ang mga nangyari sa iyo sa paghihiwalay natin, walang may gusto no'n at Ate nandito pa ako, handa akong bumawi sa 'yo..." Nakita kong natigilan siya.
Tinitigan niya ako at tila kumislap ang kaniyang mga mata saka tumaas ang isang sulok ng labi niya.
"Gagawin mo ba lahat para makabawi ka sa akin?" humithit siya sa sigarilyo at bumuga sa gilid.
May bakas ng ngisi pa rin ang labi niya, hindi ako sumagot pero marahan akong napatango.
Sumandal siya ng maayos sa kinauupuan, tila nagliwang ang mukha niya.
"Well then, matutulungan natin ang isat isa…Arabella..."