CHAPTER 3

1673 Words
ARABELLA "Kung gano'n e, deritso ka na nga talaga sa Manila niyan?" ang Nanay ni Mena. Hinatid niya ako sa labas ng kanilang tarankahan. "Dadaan lang po ako sandali sa puntod ng Mama ko, Tita Zeony. Saka na po ako magdederitso paluwas ng Manila." Saglit siyang natigilan. "Bakit hindi ka na lang lumuwas bukas ng umaga e, may espasyo pa naman dito sa bahay namin." Ang habol pa niyang alok sa akin. Hinarap ko siya at pinilit na ngumiti. "Huwag na ho, kailangan na kailangan ako ni Nanay. Wala rin pong kasama si Lito sa bahay Tita Zeony. May pasok pa po iyon bukas," ang mahina kong sagot. Ipinagbilin ko nga lang si Lito sa kapitbahay namin. "Pakisabi sa Nanay Jona mo, pasensya na at wala kami talagang maitutulong, hetong mga sariwang gulay lang kaya kong maipadala sa iyo," ang aniyang inabot ang bayong ng mga sariwang gulay. Hindi ko na rin tinanggihan iyon at alam kong malaking tulong rin na makalibre kami ng gastusin sa ulam ng ilang araw. "Huwag na ho kayong mag-alala Tita, alam naman po iyon nila Nanay saka, malaking tulong na rin po itong mga pinadala niyong gulay sa akin. Huwag kayong mag-alaala makakarating din po ito kay Mena." Magalang na akong nagpaalam sa kaniya. Saglit akong nagtungo sa kanila pagkatapos kong makipagkita kay Mrs. Solis. "Mag-iingat ka ha, i-text mo kami rito kapag nakarating ka na!" malakas na aniya nang umadar na ang traysikel na sinakyan ko. "Opo, Tita Zeony, gagawin ko po!" Kakong kumuway pa sa kaniya. "Sandali lang po, Manong," kako nang malapit na kami sa tapat ng bahay namin. Saglit akong bumaba at naluluhang pinagmadan ang aming bahay. Ang bahay na puno ng alaala ng aking kabataan. "Kapag nagkapera ako, at puwede pa kitang mabawi, pangako, babawiin kita. Bibilhin kita ulit para kay Nanay at Tatay." Bulong ko at mabilis na hinawi ang luha kong bumalong sa aking pisngi. "Tara na ho, Manong." Mabigat ang loob na yakag ko kay Manong. Isang beses ko pang nilingon ang bahay namin sa Pangasinan bago sumakay ng traysikel na maghahatid sa akin sa sementeryo kung saan nakalibing si Nanay. Dadaan lang ako doon saglit at magpapahatid na rin ako agad sa sakayan ng dyip papuntang bus terminal. From Manila, umuwi ako para ibigay ang titulo at susi ng bahay namin sa bagong may-ari nito. Kalahating taon na rin ang nakakaraan nang lumipat ang buo naming pamilya sa Manila. Nagkaroon ng kidney failure si Tatay. Kailangan niyang dumaan sa pagda-dialysis upang madugtungan pa ang kaniyang buhay. Pagda-dialysis lamang ang paraan at pagkakaroon ng kidney transplant upang siya ay mabuhay pa ng matagal. Mula nang ma-ospital ito ay malaking halaga na ang nagastos. Nasimot na ang maliit na ipon nila ni Nanay, at naibinta na rin nila ang mga naiundar na ari-arian tulad ng bahay at lupa sa pangasinan kung saan kami lumaki ni Lito. At ayaw man nila akong huminto sa pag-aaral ay wala rin naman kaming pagpipilian. Kailangan kong tumulong at magtrabaho, siyempre, mas mahalaga ang kalusugan at buhay ni Tatay sa amin. *** "Hindi na ako gagaling, Jona. Kaysa mahila kayong lalo sa kahirapan ng sakit ko, mas mabuti pang mamatay na lang ako.Mas nahihirapan akong nakikita ka, kayo ng mga bata na nahihirapan nang dahil sa akin," mangiyakngiyak na ani Tatay. "Kahit paano malaki iyong, napagbintahan ng bahay at lupa natin sa Pangasinan. May buyer na do'n sa maliit na bukirin na minana ko sa magulang ko. Makakaraos din tayo, Nestor--" "Hanggang kailan Jona? Paubos na tayo, nasaid na ang ipon natin. Unti unti na nating naibibinta ang para sana sa mga anak natin, hihintayin ko pa bang mawala ang lahat kung alam ko rin naman na wala nang lunas ang sakit ko at mamatay rin ako--" Hindi agad ako nakahakbang nang marinig ko ang pag-uusap nilang iyon. "Sa tingin mo ba Nestor, gano'n gano'n ka lang namin isusuko ng mga bata?" ramdam ko ang panginginig sa boses ni Nanay na tila nagbabadya ng pagtangis. "Sa tingin mo ba, madali lang para sa amin ang bitawan ka?" gumaralgal ang boses niya. Dinig ko ang marahas at bigat ng kaniyang paghinga. "S-si A-arabella, mas pinili niyang huminto at maghanap ng trabaho. Ako, ginagawa lahat ng makakaya ko, para mairaos natin ang gastos sa pagda-dialysis mo. Wala kaming balak na isuko ka ng mga bata kaya sana, gano'n ka rin." She sniffed. "Huwag mong isuko ang buhay mo at lumaban ka tulad ng ginagawa namin ng mga anak mo para madugtungan ang buhay mo," hindi na nito napigilan ang emosyon at napasigok na nga ito sa pag-iyak. Parang may dumagan na malaking bato sa dibdib ko, nasasaktan ako sa nasasaksihan. Nasasaktan akong isipin na baka tulad ni Mama ay mawala rin sa amin si Tatay. "Ate, anong ginagawa-" I hushed my little brother, hinila ko na siya palayo. "Ate, gagaling pa ba si Tatay? Kailan tayo uuwi sa probensya? Nami-miss ko na ang mga kaibigan ko at mga kalaro do'n," ang ani Lito. Pilit akong ngumiti at niyuko siya para ayusin ang pagkakabotones ng school uniform nitong suot. "Gagaling si Tatay, Lito. Pero sa ngayon, mas makakabuti sa kaniya ang manatili rito sa Manila upang makapagpagamot," ang magaan na paliwanag ko sa kaniya. "Makakabalik rin tayo sa bahay natin balang araw, kailangan lang muna natin magtiis sa ngayon hanggang tuluyang gumaling si Tatay," mali man ang pagpapaasa kong ito sa aking kapatid, dahil alam kong kidney transplant lamang ang makakapagsalba sa tatay Nestor namin pero kahit naman ako ay kumakapit sa napakaliit na pag-asang iyon. Sobrang mahal daw ang kidney transplant bukod sa matagal ang paghihintay ng donor. Pero kahit sa kaunting pag-asang iyon ay gusto naming umasa at kumapit. "Huwag kang mag-alala Lito kapag naging okay ang kalagayan ni Tatay, dadalaw tayo kila Tita Zeony," kakong nagpaliwanag ng mukha niya kahit papaano. Kinuha ko ang school bag niya at nilagay sa loob ang lunch box niya at baunan tubig. Ako na rin ang nagsuot ng bag sa kaniyang likod," magpapakabait ka sa school. Huwag kang makikipag-away at deritso rin ng bahay pagkatapos ng eskuwela." Ang magaan kong bilin sa kapatid ko. "Opo, Ate. Pero may mga batang bumu-bully po sa akin sa school dahil sa pananalita ko ng tagalog." Naksimangot na aniya.Ginulo ko ang buhok niya at muli siyang tiningnan. "Pilitin mong umiwas na lang, Lito. Huwag mo na lang silang patulan at huwag mo nang pansinin. Wala ako lagi sa tabi mo para ipagtanggol ka, isa pa marami nang alalahanin si Nanay para dagdagan pa natin," marahan siyang tumango. Naaawa akong niyakap siya," hanggat hindi ka nila sinasaktan huwag mo silang pansinin, huwag mong patulan. Layuan mo na lang sila. Pero, kapag sinaktan ka nila, sabihin mo sa akin at ako ang makikipag-usap sa iyong guro, maliwanag ba?" mabait si Lito at pala kaibigan. Marami siyang kaibigan sa probensya namin lalo na sa eskuwelahan kung saan siya pumapasok doon. Mabilis ko siyang inihatid sa gate ng kaniyang bagong eskuwelahan, hinalikan ko siya sa pisngi. "Sige na. Pumasok ka na, iyong mga pinagbilin ko, huwag mong kakalimutan." Yakag ko sa kaniya. Malungkot ang mukhang marahan siyang tumango sa akin. Mula sa gate ay tanaw naman ang classroom niya kaya nanatili ako sa kinatatayuan ko at pinagmasdan siyang naglakad. Isang beses pa niya akong nilingon at kinawayan. Ngumiti ako at tinuro ang classroom niya. Tinanaw ko siya hanggang makapasok sa loob ng kaniyang classroom. Nang palauwi na ay may naraanan naman akong estudyanting papasakay ng traysikel. Malungkot ko itong sinundan ng tingin. Ganiyan din ang uniform ko noon papasok sa unibersidad at kung hindi ako nahinto, baka third year na ako ngayon, kaunti na lang at patapos na rin ako. Matutupad ko pa kaya ang pangarap ko, ang pangarap namin nila Nanay at Tatay? Ang pangako ko kay Mama? Nag-init ang magkabilang sulok ng aking mga mata. Pinilig ko ang ulo at hinamig ang sariling emosyon, kailangan manatiling positibo ang paniniwala ko sa buhay. Sabi nga nila habang may buhay, may pag-asa. Pagdating ng bahay ay agad akong naligo at nagbihis. Ngayong araw naman ang interview ko sa isang pabrikang pinag-apply-an ko. Agad naman akong natanggap sa kompaniyang iyon na isang pagawaan ng tela. Madalas akong panggabi at kung pang-umaga naman ako, ay lagi rin akong nauuwi sa pag-o-over time. Habang tumatagal palaki nang palaki ang gastusin namin sa pagpapa-ospital kay Tatay halos paubos na rin ang perang napagbintahan nila ng bahay at lupa sa Pangasinan. Kaunting kaunti na lang ang masasaid na kami. Ang mahal pa ng mga gamot ni Tatay. Idagdag pa ang upa pa namin sa maliit na apartment na aming tinutuluyan, pagkain, kuryente at tubig kaya naman "Okay ka lang ba, Arabella?" tipid ang ngiti kong tumango sa tanong na iyon ng isa kong katrabaho. "Sigurado ka? Namumutla kasi. Sunod sunod na ang Linggo ng overtime mo, parang hindi ka na yata nakakatulog e, baka ikaw naman ang mapano niyan." Ang nag-aalalang aniya. Hindi lingid sa mga katrabaho kong iba na nakagaanan ko na ng loob ang pinagdaraanan ng aking pamilya. Nakakaramdam ako ng pagkahilo pero pinilit ko pa ring magtrabaho hanggang uwian. Alas sais na ng umaga ng lumabas ako ng pabrika, "Arabella, may naghahanap sa iyong lalake." Anang guwardiya sa akin at tinuro ang isang kotse na nakaparada hindi kalayuan sa gate ng pabrikang aking pinapasukan. "Arabella, baka ano na iyan. Alam mo naman ang panahon ngayon," ang may babalang bulong sa akin ni Menchie. "Ang sabi niya, kilala mo raw siya," napabaling ako kay Manong Guard. "Sinabi ba Manong kung sino siya at anong sadya niya?" ang magalang kong tanong. "Hindi e, pero sabi niya Arabelle Gomez." Namilog ang mga mata kong tiningnan ang sasakyan. Bumaba ang bintana no'n. Napaawang ang mga labi ko at nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko. "Ate, Arabelle..." Bahagya kong natanaw sa loob nito ang nakaupong babae. Naka- dark sun glasses at may distansya man, masasabi kong pang mayaman at napaka-sopitikada ang kilos at ayos ng babaeng alam kong sa dereksyon ko rin nakatingin. Makapal ang nakapahid na pulang kulay sa kaniyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD