ARABELLA
"Heto ang baon mo mag-aral kang mabuti. Pagkatapos ng eskuwela deritso agad sa bahay, maliwanag?" mariing bilin ni Nanay.
Tumango na lamang ako kahit pa nga araw-araw ko nang naririnig ang bilin niyang iyon, sila ni Tatay.
"Opo, Nay. Salamat po sa baon, sige po aalis na po ako." Humalik ako sa pisngi ni Nanay.
"Hip hip," ang ani Tatay na kalalabas lang ng kusina may dalang umuusok na kape at tinuro rin ang pisngi. Ngumiti ako at binigyan din siya ng halik sa pisngi.
"Mag-iingat sa daan at wala nang lakuwatsa." Napanguso ako. Si Tatay, kailan ba ako naglakuwatsa?
Bago pa ako makalabas ng bahay ay narinig kong muli ang sigaw ni Nanay.
"Arabella, nakalimutan mo na naman ang payong baka umulan mamaya!"
"Magdala ka na rin ng bota at maputek sa daan!" ang pasegunda ni Tatay. Napahinga na lang ako ng malalim at bumalik sa loob ng bahay.
Dinampot ko ang payong, "ang bota mo huwag mong kalimutan."
"Si Tatay oh, suot ko na po kaya." Nakanguso kong sabi na pinakita kay Tatay ang suot kong pink na bota.
Hindi naman kalayuan ang tinitirahan namin sa eskuwelahan na pinapasukan ko.
Puwede itong lakarin ng trenta minutos lang naman.
Pero nitong nakaraang mga araw madalas umulan sa hapon, kaya ang siste, laging maputik ang hindi pa simentong daan sa aming lugar.
Dumaan ako saglit sa bahay ng kaibigan kong si Mena.
Siya na rin ang nagbukas ng pinto nang kumatok ako.
"Ang aga mo naman Arabella, mauna ka na lang kaya, hindi pa ako nakakaligo e," aniyang mukhang problemado.
Gulo gulo pa ang buhok na akala mo'y pugad na ng ibon.
"Bilisan n'yong magsikilos! Akala n'yo may katulong kayo lagi, para kayong mga anak mayaman mga tanghali na magsigising! Bakit wala ba kayong pasok?!" ang malakas na boses na sermon ng Nanay ni Mena mula sa loob ng kanilang bahay.
Sabay pa kaming napangiwi dahil sa narinig. "Sige mauna na ako, kita na lang tayo sa school." Ang paalam ko sa kaniya.
"Sige, ingat. Bibilisan ko na dahil bad trip na naman si Nanay," ang mahina niyang sabi.
Sabay kaming napahagikgik na dalawa, kumaway ako sa kaniya at nauna nang pumasok sa eskuwela.
"Hi, Miss Ganda. Hatid na kita ng bike ko," ang pangbubuwesit na naman ng tambay na si Nestor sa akin. Kumindat pa at saka nagpapa-cute, feeling pogi talaga ito!
"Hindi ako lumpo Nestor para ihatid mo pa, salamat na lang!" mataray kong sabi.
"Sunduin kaya?"
"Ay, hindi pa rin! Gusto mong Barangay ang sumundo sa 'yo?" masungit kong sabi.
Napakamot ito sa ulo. "Grabe naman, Arabella hindi ka na mabiro," aniyang panay pa rin ang kamot sa ulo.
"Iligo mo na 'yan parang nangangati ka na e," ang sabi ko pa bago siya nilampasan.
Marahan ang lakad kong tinahak ang daan.
Maputik at lubak ang daan. May mga lubak pang napuduhan ng tubig mula sa nagdaang ulan.
Malapit lapit na rin ako sa aming eskuwelahan nang mapatingala akong muli sa mataas na gusali hindi kalayuan sa aming eskuwelahan.
Ewan ko ba, hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa gusaling iyon dahil siguro pansinin talaga sa taas nito at mukhang magara ang pagkakagawa.
Halos patapos na ngayon iyon, at noon maraming akong nakikitang trabahador na nakatambay sa harap ng gusaling iyon habang kumakain sa tanghali o, 'di kaya naman ay nagmemeryenda sa hapon pero ngayon, parang kumunti na lang sila.Dahil siguro patapos na nga.
Nawala man ang pansin ko sa dinaraanan ngunit bukas pa rin naman ang tainga ko sa ingay ng mangilan-ngilan na sasakyang nagdaraan.
Gumilid ako nang makarinig ng ugong ng sasakyan. Lumanpas ang sasakyan sa akin kaya muli akong napabalik sa nilalakaran kong puwesto kanina.
Maingat pa rin at marahan lamang ang lakad ko. At muli, nakarinig ako ng ugong ng sasakyan. Naagaw ang pansin ko dahil mabilis ang takbo nito kaya napabilis din ang kilos ko upang gumilid.
Dinaanan ng gulong nito ang lubak na may tubig ulan. Malakas iyon na tila humawi at lumimas sa lahat ng tubig na kulay putik.
Napatili ako ng malakas nang tumilansik ang lahat ng iyon sa akin.
Inis na inis akong nagpapadyak habang sinusundan ng tiningin ang sasakyan iyon!
"Hoy walang hiya ka, wala ka sa highway alam mong lubak lubak ang daan at may estudyante para kang nakikipagkarera!" Ang inis na inis kong sigaw sa papalayong sasakyan kahit pa nga hindi na ako umaasang maririnig pa ako ng gagong driver na iyon.
Tiningnan ko ang sarili at talagang halos mapaiyak ako sa sinapit ko.
Puno ng putik ang harap ng puting puti kong uniform pati mukha at buhok ko natalsikan din.
Mangiyakngiyak kong dinukot ang panyo sa bulsa ng aking suot na asul na palda at pinunasa ang mukha.
Napatingin ako at nagulat nang umatras pabalik ang sasakyan sa akin.
Agad na nag-iba ang timpla ng mukha ko, nakahanda na ang masasakit na salitang sasabihin ko sa driver kahit matanda pa ito.
Humanda talaga siya sa akin. Hmp!
Napalunok ako nang makita ang itsura ng itim na sasakyan, napakakintab no'n at kumikinang.
Mukhang bago at mamahalin dahil kakaiba ang itsura sa mga pangkaraniwang sasakyan na madalas kong makitang dumaraan sa kalsada naming ito at doon sa may labasan.
Baka sobrang yaman ng may-ari. Well, mayaman man siya o hindi, dapat ay magdahandahan siya sa pagpapatakbo lalo na sa kalsadang ito na lubak lubak at puro putik! Hindi niya pag-aari ang daan no!
Huminto siya sa mismong harapan ko at ibinaba ang tinted na bintana ng sasakyan nito.
Agad ko siyang binanatan ng bulyaw sa inis ko.
"Ikaw mawalang galang na ha, hindi mo pag-aari ang daan at hindi ito kalsada sa mga pangkarerang saksakyan. Bulag ka ba para hindi makitang lubak lubak ang daan at maputik? Tingnan mo nga ang nangyari sa akin?!" ang malakas at galit na galit kong bulyaw.
Ibinaba niya ang suot na sunglasses, bahagya akong natigilan at napalunok.
Well, ang aga-aga naka-sunglasses na, ang arte. Pero s**t, mukha siyang artista sa sobrang guwapo. Ngayon ko lamang siya nakita sa lugar namin.
"Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya nagmamadali kasi ako." Hindi ako agad nakasagot. Ang ganda rin ng boses, baritone at lalaking lalake ang dating sa pandinig.
Saglit akong natulala sa kaniya.
Lalo na sa mga mata niya, and then, I unconsciously examined his face.
"Hey, Miss. I said sorry, okay na ba?" hindi pa rin ako nakasagot.
He smirked. I heard his loud tsk.
Napahimas sa kaniyang baba.
"Matutulala ka na lang ba dyan sa akin-"
"Hindi!" ang malakas at pabigla kong sagot.
Tila bigla akong nagising at natauhan.
"At hindi ako natutulala dahil guwapo ka, ini-examine ko lang kung paano ko titirisin ang mukha mo!" ang masungit kong bulyaw sa kaniya.
Pero isang nakakalokong ngisi lang ang ginanti niya sa akin, " at least inamin mong guwapo ako," his low tone said.
Napaawang ang mga labi ko. "Anong sabi mo?"
"Wala, ang sabi ko. Sorry na. At oo sa susunod mag-iingat at magdadahandahan na ako sa pagmamaneho para sa iyo," ang aniyang kinatigil ko.
Nakangisi pa rin siya. May kung anong nagpaalon sa tiyan ko sa sinabi niyang iyon at ng ngiti niya sa akin.
"Gusto mo bang ihatid kita saglit sa inyo, saan ka ba nakatira?" ang aniyang lumingon pa sa pinagmulan kong dereksyon.
I square my shoulder and up my chin. "Huwag na, salamat na lang! Sinira mo na ang araw ko at kung makikita ko pa iyang pagmumukha mo ng mas matagal ay baka--" I paused and cleared my throat.
Baka ano? Sandaling nablanko rin ang isip ko at hindi ko alam kung anong idudugtong ko.
Pero parang gustong umusok ng ilong ko sa pigil na pilyo niyang ngiti habang nakatitig rin sa akin.
"Baka lalo lang maimbyerna ang maghapon ko kapag mas matagal kong makita iyang pagmumukha mo!" masungit kong sabi at tinalikuran na ito.
"Guwapong pagmumukha ko ba, Miss?" Ang dinig ko pang, pang-aasar na tanong nito pero hindi ko na siya nilingon pa.
"Aantayin na lang kitang gumraduwet ha?" doon ko siya inis na inis na sinagot!
"Bastos! Asa ka naman! Ang kapal mo rin talaga e, mukhang kaedad mo na nga ang Tito ko a! Tse!" sabay talikod kong muli sa kaniya at mabilis na naglakad pabalik ng bahay.
Buti na lang at maaga ako kanina, so bumalik ako ng bahay at agad na naligo.
Gulat na gulat pa si Nanay at Tatay sa itsura ko, pinaliwanag ko ang nangyaring aksidente dahil sa walang ingat na driver na iyon.
"Kilala mo ba kung sino, at saan ang bahay? Pupuntahan ko iyan nang matuto sa susunod!" galit na ani Tatay.
"Naku, Tay. Huwag na ho ninyong isipin iyon, hindi ko po siya kilala at 'yon ko pa lamang nakita ang pagmumukhang iyon dito sa lugar natin," ang nakabusangot kong sabi.
Nakabihis na rin ang Tatay ko papuntang trabaho sa pinapasukan nitong pabrika.
Kinahapunan pagkatapos ng eskuwela ay sabay kaming umuwi ni Mena.
Tinatawanan pa rin niya ako sa sinapit kong kamalasan kaninang umaga. Sambakol ang mukha ko siyang sinaway dahil naiinis talaga ako sa tuwing maalala ko iyon.
"Kasi naman, Besh mantakin mo ha, ang aga-aga mong pumasok kaya malamang ang expected no'ng tao siya pa lang ang laman ng kalsada." Ang natatawa pa rin nitong sabi.
"Ah, basta! Dapat talaga maging maingat pa rin ang mga drivers maaga man o hindi, lalo na at hindi naman ito highway!" Ang inis ko pa ring katuweran.
Nakarinig kami ng kiriring. Nagkatinginan kami ni Mena.
"May pera ka pa? Bili tayo," ang nakangiting yaya ko.
Paborito ko ang ice cream pang palamig ng mainit ang ulo.
"Wala na, magkano lang baon ko no?" nakangusong aniya. Anim kasing magkakapatid ang mga ito at tulad ng pamilya ko, mahirap din ang klase ng pamumuhay nila.
Dalawa lamang kaming magkapatid at may munti kaming tindahan bilang negosyo.
Nagtratrabaho rin si Tatay kaya kahit paano medyo mas nakakaluwag pa rin ng kaunti ang pamumuhay namin.
"Sige na nga, libre na kita." Nakangiti kong sabi.
"Ulit ulit?" nakatawang sabi niya. Umismid ako kunwari.
"Ano pa nga ba?" ang biro ko. Madalas naman na kapag nagyaya ako, libre ko!
Nakita namin si Mang Jerry sa tapat ng mataas na gusaling iyon.
Naroon ang limang trabahador at naka-upo sa mga monoblocks na upuan.
Ang dalawa ay nakikipagkuwentuhan pa sa mantanda, nalingunan kami ni Mang Jerry.
"Ara, Mena, ice cream." Birong ani Mang Jerry.
Nagtawanan ang mga lalake, napakamot si Mena sa tinawag na pangalan na naman sa amin ni Mang Jerry.
"Hay, naku si Mang Jerry talaga minsan nakakainis. Halika na nga Mena ayaw ko na ng ice cream," kunwari biro kong yaya kay Mena.
"Naku, halina kayong dalawa at dadagdagan ko ng isang scoop iyan," natatawang aniya habang nag-uumpisa nang maglagay ng ice cream sa apa.
Inabutan niyang una si Mena.
"Naku, Mang Jerry kailangan na kailangan talaga iyan nitong si Besh ng pangpalamig ng ulo. Kasi kaninang umaga pa ito sobrang naiimbyerna do'n sa kaskasirong sasakyan dumaan dito sa kalsada natin kaya ayon, ang aga niyang naligo ng putik!" Ang walang bara nitong kuwento.
"Aba, naku! Sira ulo naman ang driver na iyon, hindi niya ba nakikitang lubak lubak ang daan dini?" Aniyang tiningnan ang lubak at maputik na kalsada.
"Babalatan daw ng buhay nitong si Besh ang driver na iyon kapag nakita niya ulit," dagdag pa ni Mena.
"Naku, tawagin mo lang ako at sasamahan pa kita, babalatan natin ng buhay." Alam kong biro lamang niya iyon pero napangiti ako.
Tumango tango ako, " kaya nga po Mang Jerry e, hindi porket maganda ang sasakyan tulad niyan o," nguso ko sa nakaparadang sasakyan na nadoon lamang din malapit sa amin.
"E, puwede nang mag-ala fast in furious dito sa napakagandang kalsada natin," nakaismid at sarkastiko kong sabi.
Pero biglang napabalik ang mga mata ko sa sasakyang iyon.
It looks very familiar kasi. And then, shuta!
Ito yata ang walang hiyang-
"Ang ganda nga ng sasakyan ni Bossing narito pala siya?" aniyang sinundan din pala ng tingin ang ninguso kong sasakyan.
"Nasa loob po, Manong may kausap na kleyente," sagot ng isa.
"Kanina pa sila e, ang aga niyang dumating dito tapos late din pala iyong ka-meeting niya kaya medyo mainit din ang ulo ni Boss." Dagdag imporma ng isa.
"Ayaw na ayaw pa naman no'n ng pinaghihintay," aniya pa.
Ininspeksyong maigi ng mata ko ang sasakyan, shuta ito nga.
Sigurado ako ito ang walang hiyang sasakyan na iyon!
May lumabas na lalake, napamulagat ang mga mata ko, kasi naman siya nga iyon.
Iyong gagong nagpaligo sa akin ng putik.
May kasama rin itong isang lalakeng may edad na. Tumanbol ang dibdib ko sa biglang pag-alon ng kaba.
"So, my Secretary will call you to set our next meeting when all the needed papers are prepared and settled, Mr Chu." Tila napaka-professional nitong salita sa kausap.
Napalunok ako. Nagkamay ang dalawa at nagpaalamanan.
"A-ang g-guwapo," ang tila wala sa sariling sabi ni Mena.
Agad akong dumukot ng pera sa wallet at binayaran ang ice cream namin.
"Tara na Mena," ang mabilis kong yaya kay Mena.
"Mamaya na kaya, Besh. Sobrang guwapo o," ang wala pa rin sa sariling sambit niya at nakapako pa rin ang mga mata sa lalake.
Lingon ko iyong lalake at sakto naman na humarap ito sa amin, nakita kong natigilan din ito saglit, kumunot ang noo at saka ngumisi.
Anak ng tinapa!
Agad kong hinatak si Mena palayo. "Ara Mena , ang sukli niyo."
"Sa susunod ko na lang kukunin Mang Jerry, nagmamadali kami!" Ang walang lingon likod kong sabi.