PROLOGUE

1552 Words
THIRD PERSON "Sige, umiri ka pa ng malakas. Kaya mo 'yan kaunting tiis na lang!" Malakas na sabi ng matandang nagpapaanak sa kaniya. Naliligo na siya sa sariling pawis at nanghihina na rin dahil sa labis na pagod mula sa kakaire. "H-hindi ko na ho kaya, M-manang. P-pagod na p-pagod na po a-ako." Hingal na hingal niyang sabi. Maya maya'y muli siyang napasigaw nang umataki muli ang matinding sakit ng kaniyang tiyan. "Ano ka bang bata ka? Malapit na, nakikita na ang ulo ng anak mo. Isang malakas at mahabang ire na lang at lalabas na siya," nanghihimok ang boses na aniya. Pagkarinig ng salitang anak mo ay tila nabuhayan siya ng loob. Kailangan niyang maipanganak ng ligtas ang kaniyang anak. Dalawang kamay na kumapit siya nang mahigpit sa sapin ng manipis na kutsong hinihigaan. Humugot siya ng malalim na paghinga bilang pagbuwelo. "Aaah!" Ang malakas niyang sigaw kasabay ng mahaba at malakas na pag-ire. "Sige pa. Nariyan na, kaunti na lang!" muli niyang inipon ang lakas at bumuwelo muli. Isang malakas na ire muli ang kaniyang pinakawalan. Hanggang maramdaman niya na tila may nahugot na bagay mula sa kaniyang katawan kasunod noon ay ang malakas na iyak ng sanggol. "Sa wakas Beshe nakaraos ka na rin," ani Jona ang matalik niyang kaibigan. Ang akala niya'y tapos na ang kaniyang kalbaryo ngunit may kasunod pa rin pala. "M-manang s-sumasakit ulit ang tiyan ko," ang aniyang tila naguguluhan. Pakiramdam niya ay may isa pang gustong lumabas mula sa kaniyang sinapupunan! "Ano?" "S-sumasakit po ulit M-manang!" ang malakas niyang pagsigaw kasunod ng kaniyang malakas na pag-ire. "Jona, hawakan mo muna ang batang are," ang ani Manang at inabot kay Jona ang kalalabas na sanggol. Agad na hinarap siyang muli ni Manang. "Ay Dios kong mahabagin, kambal ang anak mo Alliana!" ang hindi makapaniwalang anang matanda. Kahit siya man ay tila nabigla sa nalaman ngunit agad siyang natauhan at siniksik sa isip na kailangang maipanganak niya rin ng ligtas ang pangalawang sanggol sa kaniyang sinapupunan. "Malakas na ire, Alliana!" malakas na anang matanda. "Aaaah!" Ang muli niyang sigaw na halos mabugto ang kaniyang paghinga. Maya maya pa'y naramdaman na rin niya ang paglabas ng pangalawang sanggol kasunod ng pag palahaw nito ng iyak. Unti unting bumigat ang talukap ng kaniyang mga mata. ** "Beshe, sigurado ka na ba diyan sa plano mo? Baka puwede pa natin hanapan ng paraan," ang pangungumbinsi ni Jona sa kaniyang huwag ituloy ang pagpapaampon sa kaniyang panganay. Limang buwan na mula nang makapanganak siya sa kaniyang kambal. Ngayon, ay nasa ospital ang pinakabunso sa kambal dahil may sakit ito sa puso. Suminghot siya at hinawi ang bumalong na mga luha. Pinilit niyang ngumiti at hinamig ang sariling lungkot na nararamdaman sa napipintong pagkawalay ng kaniyang panganay. "Wala akong pagpipilian Jona. Kung hindi ko gagawin ito baka mawala nang tuluyan ang bunso ko. Mapapabuti naman si Arabelle sa pamilyang mag aampon sa kaniya. At isa pa, ang sabi ng mag-asawa hindi nila ako tatanggalin, doon pa rin ako magtratrabaho sa kanila hindi nila ilalayo ang anak ko at maaari ko pa rin siyang makasama," ang aniyang pilit na pinapasaya ang boses kahit sobrang bigat ng kaniyang nararamdaman. Nabuntis siya ng nobyong ilang buwan pa lamang niyang kakilala at nang malamang buntis siya ay naglaho na lamang ito na parang bula. At ngayon, mag-isa niyang pinapasan ang lahat ng responsibilidad sa kaniyang kambal. At ang nakakalungkot, ay may sakit sa puso ang isa sa kambal niyang anak at kailangan itong maoperahan kaagad. Wala siyang kahit isang kusing para gastusan ang pagpapaospital ng kaniyang anak. Ang tanging pinagkakakitaan lamang niya sa ngayon ay pangapangtulong sa isang mayamang mag-asawa sa malapit na subdivision sa kanilang lugar. Mabait ang mag-asawa. Mabuti nga at pinayagan siyang maging uwian ang kaniyang pamamasukan. Iniiwan niya ang kaniyang kambal sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigang si Jona sa tuwing papasok sa trabaho at kukunin naman ang mga ito kinagabihan. Walang kaso naman iyon kay Jona na parang kapatid na ang kanilang turingan. Nasa bahay lang naman ito at nagbabantay sa kaniyang munting tindahan habang ang asawa nito ay sa isang pabrika naman nagtratrabaho. "Kung may maitutulong lang kami ni Robert, Beshe kaso wala rin kaming ganyan kalaking halaga. Alam mo naman ang kinikita ko rito sa tindahan at ang suweldo ni Robert sa pabrika kulang na kulang pa sa mga gastusin at pagpapadala ko sa probensya." Ang malungkot na aniya sa kaibigan. "Ano ka ba, Jona. Ang laki na ng naitulong niyo ni Robert sa akin, sobra sobra na iyon at kung wala kayo, baka kung saan na kami pinulot na mag-iina maraming maraming salamat, Jona." Pilit ang ngiti niyang niyakap ang matalik na kaibigan. ** "Tingnan mo Ronaldo, napakagandang bata at laging nakangiti mukhang masayahin." Masayang ani Mrs Gomez habang karga na nito sa bisig ang isa sa kaniyang kambal. "Huwag kang mag-alala Alliana, ituturing namin siya na parang tunay na anak at isa pa masusubaybayan mo rin naman ang kaniyang paglaki," nakangiting ani Mr Gomez sa kaniya. Pilit ang kaniyang ngiti sa mag-asawa. Sobrang sakit ang naramdaman niya sa dibdib kanina nang mula sa bisig ay inabot na niya ang anak sa mag-asawa. Naninikip ang dibdib niyang ipaubaya na nga ito sa mag-asawang amo niya. Sabihin man nilang makakasama pa rin niya at makikita ang anak ay hindi pa rin noon naibsan ang kaniyang lungkot. Inisip na lamang niyang sa gagawin niyang sakripisyo ay buhay naman ng isa sa mga kambal ang maliligtas. Naka-schedule na ang operasyon ng bunso niya at sinagot ng mag-asawa ang lahat ng gastos. Mula sa operasyon at sa mga gamot na maari nitong kailanganin habang nagpapagaling. Sobra sobrang pera pa nga ang binigay ng mag-asawa. "Bantayan at alagaan mong maigi ang bunso mo Alliana, huwag mong isipin dito si Arabelle. Pumasok ka na lang kapag alam mong okay na ang kalagayan ng bunso mo," ang magaan na ani Mrs Gomez nang magpaalam siyang hindi muna makakapasok sa araw ng operasyon ng bunso niyang si Arabella. At maaring hindi nga siya makakapasok ng trabaho habang hindi niya nasisiguro ang kaligtasan nang kaniyang bunso. Lumipas nga ang mga araw at naoperahan na ang bunso niya. Naging maayos naman ang lahat at nairaos ang kaniyang operasyon ngunit kailangan pa rin itong manatili ng matagal sa ospital upang obserbahan. Naaawa niyang tiningnan ang inosenting sanggol na sa napakamurang edad ay naranasan na nitong kabitan ng ibat ibang aparato para lamang madugtungan ang buhay. "Kaunting tiis na lang anak, gagaling ka rin at makakalabas ka diyan," ang naiiyak niyang sabi habang pinagmamasdan ang anak mula sa labas ng intensive care unit na iyon ng ospital. Isang buwan ang matuling lumipas at tuluyang naging mabilis ang progreso ng pagpapagaling ng kaniyang bunso at nailipat na nga ito sa recovery room. At nang makakuha ng pagkakataon ay nakiusap siya kay Jona na siya muna ang magbantay sa kaniyang bunso upang madalaw naman niya ang kaniyang panganay. Laking pagtataka niya nang pagdating sa mansyon ng kaniyang mag-asawang amo ay matanaw niya mula sa gate na may ibang tao na 'yon pa lamang niya nakita. Nasa labas ang isang Ginang at tila papasok na sa loob. Pinindot niya ang buzzer upang kunin ang pansin nito. Nalingunan nga siya ng matandang babae pero napansin niyang nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kaniya. Mukha kasing istrikta at masungit ang matanda. Hindi naman niya masasabing katulong ito dahil magara ang suot nitong damit napansin din niya ang kumikinang nitong mga alahas na suot. "Magandang umaga po," ang magalang niyang bati nang malapit na ito sa kaniyang kinaroroonan. "Ano 'yon?" "Ako po si Alliana, katulong po nila Mrs at Mr Gomez nariyan po ba sila?" ang magalang niyang tanong. Lalong lumalim ang pagkakunot ng noo ng matanda at nagpaypay ng ala donya. "Wala na sila dito at kami na ang may-ari ng mansyon na ito. Ibinta na nila ang mansyon na ito at kakalipat lamang namin noong isang Linggo," bigla siyang namutla dahil sa narinig. Nanlulumo siyang napakapit sa gate. Pakiramdam ni Alliana ay bigla siyang tinakasan ng lakas. Tumayo ang lahat ng kaniyang balahibo sa narinig. Bakit nagawa siyang lokohin ng mag-asawang Gomez? "Walang hiya kayo, bakit? Bakit niyo nagawa sa akin 'to? Nangako kayong hindi ilalayo sa akin ang anak ko!" ang malakas na tangis niya. Wala siyang nagawa kun'di nanlulumong pumalahaw siya ng iyak sa harap ng mansyon na iyon. Agad naman siyang pinagbuksan ng gate at sinubukan ng matandang babae na siya ay pakalmahin. Nagmagandang loob naman itong bigyan siya ng maiinom na tubig. "A-alam niyo po ba k-kung saan sila l-lumipat, k-kung saan sila nagpunta?" ang nanginginig pa rin niyang tanong sa pagitan ng pagtangis. "Hindi ko alam, hija. Pero ang dinig kong anang aking anak ay lumipad na sila papuntang America noong araw din na nabayaran namin ang mansyon na ito." Ang mahinahong sagot ng matanda. Para siyang masisiraan ng bait. Wala sa sariling nilisan niya ang subdivision na iyon. Ilang oras din siyang patigil tigil sa paglalakad sa gilid ng kalsada at walang tigil sa pag-iyak. Mugtong mugto na ang kaniyang mga mata halos hindi na rin siya makahinga sa sipon. Tila nakakaramdam na rin siya ng pagkahilo. Wala pa rin sa sariling tinawid niya ang kalsada. Isang nakakabinging hagitgit ng gulong sa simento ang umalingawngaw sa katahimikan ng paligid kasunod pagbungo sa kaniya ng rumaragasang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD