Chapter 14- She's Jealous

2003 Words
Gosh! I'm so dead. Nakakahiya kay sir Alex! Ano na lang mukhang ihaharap ko bukas rito. Kainis! Dahil sa gumugulo sa isipan ko, hindi ako nakatulog nang maayos. Samantalang nagising naman si Alex at ang sakit nang ulo sa pag aakalang nasa kwarto siya kaya naman dire diretso lamang itong naglakad sa comfort room na akala niya. Gayon na lang ang gulat niya nang pag dilat niya ay nasa ibang kwarto siya. Napa sigaw siya nang malakas kaya naman nagising bigla si Alexa. "Saan ang sunog! Sunog?" kinakabahang tanong nito. "Ang! OA mo! Walang sunog dito. Bakit ba magkasama tayo?" tanong nito. Sasagutin na sana ni Alexa ang tanong niya nang mapadako ito sa ibabang parte nang katawan nito. Kaya naman napasigaw ito nang malakas. Anaconda! Sabay takip nang mga mata nito. "Huh! Anong pinagsasabi mo saan ang anaconda?" naguguluhang tanong nito. "Wala po sir. Okay na po ba kayo? Pwede na ba kayong bumalik nang room niyo at baka may maka kita pa sa'atin rito at kung ano pang isipin nila sa'atin." pagtataboy ko rito. Totoo naman kasi ang daming Maritess rito sa resort. Lalo na't nakikita na nila akong nakakasama ng madalas ang pinsan nito. Baka kung ano ang isipin nila sa'akin na tinutuhog ko ang mag-pinsan. "Hmm! Okay, baka pala magalit boyfriend mo. Sige na" wika nito. Sabay talikod at lakad papalayo sa'kaniya. "Huh? Boyfriend? Kailan pa, buti pa si sir alam, eh ako walang kaalam alam man lang. Grabe talaga mga Maritess dito." inis na usal ko. Gusto ko sana siyang sundan at magpaliwanag kaso nga lang bigla akong nakaramdam nang agam-agam at nahiya na rin ako. At isa pa bakit ba ako mag-e-explain sa'kaniya. Kaya pinabayaan ko na lamang kung ano ang isipin nito sa'amin ng pinsan niya. As if naman may pakialam siya. Hindi ko lang alam at maintindihan kung bakit bigla akong nasaktan at naapektuhan nang makita ko silang magkasama kagabi nang pinsan ko. Alexa! Alexa! Tigilan muna na nga ang pang gugulo sa isipan ko. Mali ito at ngayon pa lang dapat ko nang putulin ang nasa isip ko. Kailangan ko sigurong ituon na lang ang isip at sarili ko sa iba. Tama! Ayon ang dapat kung gawin. Nag a-ayos ako nang gamit nang may makita akong isang calling card, galing ito sa isa sa naging guest namin sa resort, two months ago. Halata namang gusto ako ng babae. She is Monica, isang doctor. Baka pwede ko siyang ligawan, nang matigil na ako kaka isip sa batang 'yon. I dialed her number and luckily she answered it quickly. "Hi! Monica," bungad na bati ko rito. "Hello! Who's this?" tanong niya. "Alex Hondrada, remember the surfer instructor." sagot ko. "Yah! Alex. I just remember you. By the way. Why did you call me? And also how are you?" tanong niya. Buti na lang kilala pa niya ako. "Good! How about you? Are you busy?" tanong ko. "Not really. Why? Are you inviting me for a date?" prangkang tanong nito. "Yah! Kung 'di ka naman busy?" tanong ko. "No! I'm not. Okay, wait mo ko sa resort doon na lang tayo magkita." wika niya. "Okay!" tipid na sagot ko, sabay off nang tawag. Pagkatapos ko itong tawagan, sumagap ako ng malalim na hangin. At medyo naka hinga naman ako nang maluwag. Nakakahiya rin kasi ang ginawa ko. Matapos kung tawagan si doktora, ginugol ko na ang natitirang oras ko sa trabaho. Nang dumating ang pamangkin kong si Alleli. Ano na naman kaya ang gusto ng batang 'to. "Tito Alex, bakit naka ngiti ka?" usisa ni Alleli. Bigla naman akong nagulat sa pag sulpot nito. "Alleli, bakit ka naman nang gugulat?" tanong ko sabay kunot nang noo. "Tito, naka kunot na naman yang noo mo. Sige ka tatanda ka niyang binata," biro nito. Kahit kailan talaga mapang asar 'tong pamangkin ko. "Malabo akong tumandang binata." sagot ko. "Weh? 'Di ka nga nakikipag date eh!" pang aasar nito. "May ka da--" mag sasalita pa sana ako nang dumating si doktora. Hindi naman ito excited, bakit ang aga nito. "Doktora! Bakit ang aga mo ata!" tanong ko sabay kiss rito sa labi. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko, bakit ko siya hinalikan. Kitang kita ko naman nagulat ang pamangkin ko sa ginawa ko. Muntik na akong makalimot na may audience pala kami ni doktora, buti na nga lang na control ko pa ang sarili ko. "Tito, sino siya?" usisa ni Alleli. "Alleli, I want you to meet doktora Monica, she's a heart doctor." sagot ko. "Nice to meet you, doc pretty. I hope you can cure may Tito's heart." biro nito. Ako na lang ang nahiya sa kapilyahan nang pamangkin ko. "Doc, sorry sa sinabi nang pamangkin ko." hinging paumanhin ko sa'kaniya. "Don't worry Alex. It's okay." sagot nito. Nginitian ko naman siya at nagpaalam na rin si Alleli, dahil sinenyasan ko siyang iwan muna kami. "Tito, akyat na po ako. May nakalimutan pala akong gawin. Nice to meet you doc pretty," saad niya sabay wink dito. Naiwan naman kaming mag-isa. At dahil sa tahimik kaming dalawa inaya ko siya na mag-ikot ikot muna, since maaga pa naman at 7 p.m pa ang pina set-up ko. Malay ko bang excited siyang makita ako. Inalalayan ko naman siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa dalampasigan. Nag paikot-ikot rin kami sa loob nang resort at nang mapagod si Monica naupo kami sa benches. Marami rami rin kaming napag usapan nang biglang humangin at napuwing si doktora. "Ouch! Alex, please blow my eyes." paki usap nito. Dahan dahan ko namang hinawakan ang kaniyang mukha at bumaba ang mukha ko sa'kaniyang mga mata sabay hinipan ko ito nang dalawang beses. "Okay na ba?" tanong ko. Pero nanatili itong naka pikit kaya naman hinipan ko ulit ang mga mata nito at nagulat naman ako sa biglang pag dilat nang mga mata nito at walang pasabing hinalikan ang labi ko. Sa una hindi ko sinasabayan ang halik nito hanggang sa nadarang ako at sinabayan ko na rin ang mapangahas nitong halik. Ayan ang tagpong naabutan ni Alexa at halos madurog ang puso niya sa'kaniyang nakikita. Nagtatakbo siya at sakto namang nakita niyang dumaan si Winona at nag aaya na mag-inuman kami. Kaya pumayag na lamang ako. Gusto kung magpakalunod sa alak ngayon, dahil pakiramdam ko brokenhearted ako. Ang sakit palang makita na nakikipag halikan sa iba ang mahal mo. Para kang tinarakan ng palaso sa puso. Nang nag-iinuman na kami bigla ko na naman naalala ang kaninang nakita ko. Arrgh! ang sakit sa ulo. Parang gusto kong iumpog na lang ang ulo ko hanggang sa wala na akong maalala pa. Panay flashback nang halikan nila sir Alex at ni mistisa. Kaya nga ayaw ko ng love life dahil para sa'akin sakit lang ng ulo ang dala nito sa buhay ko. Wala pa nga akong love life pero sumasakit pa rin ang ulo ko, sa mga naganap. "Cheers," sigaw ni Winona. Sabay taas nang baso nito. Naki gaya naman ako rito tinaas ko rin ang baso ko. Hindi ako pala inom nang alak, kapag may okasyon lang at ganito na may nararamdaman ako. Sinimulan ko nang inumin ng inumin ito, hanggang sa maubos ko ang isang baso. At dahil ayaw pa rin ako tantanan nang sakit nang kalooban ko, kumuha pa si Winona nang isa pang bote ng alak at ininom rin namin ito. Hanggang sa makakalahati namin ito at dalawin ako nang topak, at nasumpungan ko na lang ang sarili ko na tinatahak ang daan patungong Mansyon. "Hoy! Hukluban lumabas ka dyan." sigaw ko. Sabay bato nang bintana niya. "Hukluban! Yohoooo!" muling sigaw ko. Naalimpungatan naman si Alex, dahil may tumatawag sa pangalan niya at halos kumulo ang dugo nito nang may bumato nang bintana niya at nagkalat ang bubog sa sahig. Sa isip na may nanloob sakanilang bahay kaagad niya kinuha ang baril niya for safety at self defense sa sarili. Napasilip siya sa labas at laking gulat niya nang makita si Alexa na nakahiga sa lapag. Napa hawak na lang siya sa ulo niya, dahil sa inis. Ano na naman kayang trip nang batang 'yon at sa lapag niya naisipang matulog. Tss!! Nagnamadali akong lumabas at baka mapaano ang batang 'yon at kargo di konsensya ko pa kapag may nangyaring masama rito. Dahan dahan ko itong linapitan at bubuhatin sana nang winaksi niya ang mga kamay ko. "Ano ba! Sino ka ba sa inaakala mo huh?" galit na tanong nito. "Huh? Ano bang problema mo? Ikaw na nga tong tinutulungan at ikaw pa ang may ganang magalit. What's wrong with you?" mahinahon na tanong ko at pilit kung pinapakalma ang sarili ko. At baka ano pa ang masabi ko at masaktan ko pa ang damdamin ng batang 'to. " Tinatanong mo ako kung anong problema ko? Ang galing mo rin ano. " wika niya. "Ikaw ang problema ko," dagdag pa nito. Sabay duro sa'akin. "Wait, Alexa lasing ka ba?" tanong ko, dahil langhap na langhap ko ang amoy nang alak sa hininga niya. "Hindi naman, hik! hik! kaunti lang." natatawang sagot nito. "Kaunti tapos wala ka na sa sarili mo huh?" pagalit na tanong ko. Akala ba niya natutuwa ako sa pinag gagawa niya ngayon. "Wala ka nang pakialam pa. Sana nga lagi ka na lang galit at masungit para hindi na ako masaktan pa." naluluhang saad nito. At ako naman ay naguguluhan pa rin sa mga pinag sasabi nito, iniisip ko na lang lasing ito. Bukas ko na siya kakausapin, sa ngayon kailangan niya munang makatulog kaya naman kahit ayaw nito pwersahan ko siyang binuhat at pinasok sa loob ng Mansyon at sa master bedroom ko siya dinala at doon muna siya matutulog ngayong gabi. Inilapag ko na siya sa kama at kinumutan binuksan ko ang aircon bago ko patayin ang ilaw at lumabas na dito. Kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko at parang binibiyak ito. Pinilit kong bumangon dahil naalala ko hindi pala ako nakapag ligpit kagabi, kaya naman bumangon ako at laking gulat ko na nasa ibang kwarto ako natulog. Hindi naman ito kwarto ni Winona. Gosh! Nasaan ako? At pilit kung ini rewind ang mga nangyari sa nag daang gabi at bigla akong napasabunot nang maaala na sumugod pala ako sa Mansyon ni sir Alex. OMG! Nakakahiya ka talaga, Alexa. Nag huhumiyaw na isipan ko. Gosh! nakakahiya talaga! badtrip. Hindi pa nga ako nakakapag hilamos nang bumungad sa harapan ko si sir Alex, kaya napatakbo ako sa comfort room nang mabilis. Ano na naman kayang ginagawa niya dito. Paano ko ba siya haharapin ng maayos. Para akong timang na kinakausap ang aking sarili sa salamin. Bahala na nga! Lumabas na ako nang comfort room at binati ito na parang wala lang. Ngumiti naman ito, bilang ganti. "Anong sa atin sir?" walang gana kung tanong dahil ang gusto ko umalis na siya. Pero bakit ko ba siya papaalisin mukhang bahay niya nga 'to. Haixt! talaga bang nanadya siya, bulong ko. "May sinasabi ka ba Alexa?" tanong nito. "Ay! wala po sir.", saad ko. "Ikaw ba sir! May sasabihin ka ba," tanong ko.. "Wala nga! Bakit ba ang kulit mo?" inis na tanong nito. "Wala naman sir." matipid na sagot ko. "Break fast na tayo?" aya nito. "Ha?" nagtatakang sambit ko. Tama ba ang narinig ko, inaaya niya ako. "Sigurado ka ba sir? Ikaw bahala, 'di ko tatangihan yan," sagot niya. "Oo naman Alexa," sagot niya Naglakad na ito palabas at sumunod naman ako sa'kaniya nang biglang may natapakan ako nang isang bagay. At hindi ko namalayan na may sugat na pala ang mga paa ko. Wala kasi akong maramdam man lang. Manhid na yata talaga ako sa lahat ng pananakit nito sa damdamin ko. "Alexa, iyong paa mo dumudugo," wika ko sabay lapit ko rito at bigla ko na lang itong binuhat palabas nang kwarto. Kailangan maalis ang bubog sa paa niya. at baka ma infection ito. Kaya kaagad ko siyang sinugod sa clinic, para mabigyan nang paunang lunas muna. Natakot rin ako, dahil sobrang dami nang dugo ang nawala sa'kaNiya at malapit pa unti sa ugat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD