Nang makita ko ang dumudugong paa nito. Bigla naman akong nataranta at mabilisan ko siyang binuhat palabas nang kwarto at kahit tumututol pa siya at kahit pinipilit niyang bumaba, hindi ko siya pinakinggan. Dire diretso lang ako na naglalakad habang buhat buhat siya at wala na akong paki alam kahit pag tinginan pa kami nang mga tao sa paligid namin. Ang mahalaga ay madala ko siya sa clinic, kung pwede nga lang sa ospital pa bakit hindi. Masigurado ko lang na walang magiging kumplikasyon sa mga paa nito. "Sir, ibaba muna nga ako. Pinag titinginan na nila tayo oh." maktol niya. "Ssssh! Could you please, shut up your mouth. Ang dami rami mong sinasabi ikaw na nga tong tinutulungan." inis na wika ko. Kung ganito ba naman ang pasyente ko baka tinubuan na ako nang mga puting buhok araw-araw.