Chapter 13- Sad boy

2020 Words
Mag dadapit hapon na pala. Tapos na rin ang araw nang trabaho, katatapos ko lang rin sermunan si Winona. Bruha 'yon, okay lang para sa'kaniya gawing punching bag ang buong katawan niya. Di bali nang wala akong lovelife hwag lang kasing sama nang ugali ng live-in partner niya. May pagka shunga ba naman kasi, kung 'di ba naman nuknukan nang g***, bakit siya pumayag na mag sama sila gayong hindi pa naman sila kasal? Bakit ba may mga babaeng gustong gusto nasasaktan. Mga masokista lang haixt! Anyway, wala naman akong magagawa. Buhay niya 'yan at ayaw naman niyabg makinig sa'kin kaya bahala na muna si Winona sa mga plano niya, matanda naman na rin siya. Kung minsan lang talaga tanga tanga ang kaibigan niya, parang ako lang. Nagmamahal nang hindi naman mahal. Napa sabunot na lang ako sa buhok ko nang maalala na may dinner friendly date pala kami ni sir Stephen, muntik ko nang makalimutan ito. Pumasok na ako sa loob nang kwarto ko at nag-ayos para mamaya. Kinulot ko ang mahaba kung buhok at nag apply lang ako nang unting light make-up para naman magka kulay ang mukha ko kahit papaano. Nang matapos ako sa pag-aayos nakarinig na ako nang katok mula sa pintuan. Nang buksan ko ito laking gulat ko na nasa harapan ko si sir Alex, teka nanaginip ba ako? Bakit naman pupunta 'tong tanda na 'to sa kwarto ko. Napa pikit ako sa pag aakalang nanaginip lang ako, pero sa muling pag mulat ko nasa harapan ko pa rin ito at ilang dipa na lang ang agwat namin at malapit na niya akong mahalikan. "S-sir A-alex, ano pong ginagawa niyo rito?" nauutal na tanong ko, sa pagkakagulat ko. "Ah! kasi may lakad ka ba?" tanong nito. "Ako po? Meron po." sagot ko. Magsasalita pa sana si sir Alex kaso nga lang natigil ito sa pag dating ni sir Stephen. "Alexa, are you ready now?" tanong nito. "Opo," sagot ko sabay yuko, dahil hindi ko matagalan ang talim nang tingin ni sir Alex sa'kin. 'Di ko nga alam kung ano na naman nagawa ko at bakit galit na naman siya sa'kin. Parang, wala na talaga akong ginawang tama sa mga mata niya. Haixt! "Excuse us," sagot ni sir Stephen. Inakay niya na ako paalis sa lugar na 'yon. Napatingin naman ako sa likuran ko at tila hindi yata kumikilos man lang si sir Alex. Bakit kaya? May problema kaya ito?" mga tanong na gumugulo sa'aking isipan. Iwinaksi ko na lang ang mga iniisip ko nang mapansin ni sir Stephen na malayo ang tingin ko. "Are you okay, Alexa?" biglang tanong nito. "Yah," pagsisinungaling ko. Syempre hindi naman ako pwedeng umamin rito na iniisip ko si sir Alex, habang kasama siya. Maya maya nagtaka ako kung bakit tumigil kami sandali at bigla siyang pumunta sa likuran ko at piniringan ang mga mata ko. "Sir, anong meron at ano nga bang kalokohan ito?" tanong ko na malapit nang mainis. "Just relax," bulong niya. Ilang minuto lang nakarinig na ako nang musika na nang gagaling sa musikero na nag pi- play nang instrument, muli itong umikot sa likod ko, at alam kung nasa likuran ko siya, dahil ramdan ko ang init nang hininga niya sa batok ko. Umikot pala ito para alisin na ang naka piring sa mga mata ko. Nang malaglag ang piring ko, sumabay naman ang bawat pag putok ng fireworks sa venue, kaya naman napatingin ako sa kalangitan at kitang kita ko ang mga nagni-ning na bituin sa kalangitan. Pasimpleng lumapit ako ito sa'akin at bumulong kung nagustuhan ko ba ang hinanda niyang surpresa para sa'akin. "Do you like it?" tanong nito. Ngiti lang ang sinagot ko sa'kaniya. Kitang kita ko naman ang lokong ngiti ng aking bestfriend na alam kong masaya siya para sa'akin. "Alexa," tawag nito muli sa pangalan ko. "Yes?" tanong ko. Imbes na mag salita ito. Nakatingin lamang siya sa akin at halos hindi nagsa salita. "Ok ka lang ba?" tanong ko rito dahil hindi ako mapakali sa pananahimik niya. "Yes! I'am fine," sagot nito. At sa wakas nag salita rin siya. Nakita kung sinensyasan naman niya ang waitress pra iserved ang pagkain namin, dahil iginaya niya na ako sa dining table. Kung saan kami kakain nang hapunan. At dahil nanatiling tahimik ako, marahil shocks pa ako sa mga nangyayari. Kaya naman binasag na nito ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Lumapit naman sa amin ang isang staff at inabot ang bulaklak rito na inabot naman niya sa'akin. As usual ngiti lang rin ang sinagot ko rito. Paunti unti na rin na sini served ang pagkain namin nang mag salita ito.. "Do you like it?" muling tanong niya. Imbes na sagutin ko ang katanungan niya. Tinanong ko siya kung bakit ba niya ginagawa ang lahat nang 'to. "Para saan pala ito sir?" curious na tanong ko. "For my first courtship to you" straight to the point nitong sambit. Bigla naman naumid ang dila ko at hindi ako nakapag salita. Nakita ko naman ang pagkagulat niya dahil bigla itong nanahimik at napanganga na lang. "I am serious, Alexa, gusto kitang ligawan. Medyo slang ang pagkaka bigkas nito. "S-sir sabihin niyo naman na nagbibiro lang kayo," paniniguradong tanong ko. Hindi talaga kasi ako makapaniwalang nanliligaw ito sa'akin "No, I'm serious, Alexa. When I say it, I mean it." sambit niya. Hindi man ako makapaniwala sa mga sinasabi nito. "Sorry! sir kung nabibilisan man ako sa mga nangyayari, pero sigurado po ba kayo?" tanong ko ulit rito. "Yah! If you want to accept me." dagdag pa nito. Napabuntong hininga ako nang malalim kasabay na pag tingin ko sa mga mata niya. "H-hindi ko kasi alam ang isasagot ko sir sa tanong mo. Medyo nabibilisan lang ako sa mga nangyayari. Pwede bang bigyan mo muna ako ng isang linggo para makapag isip-isip muna. Kung okay lang ba sainyo sir?" tanong ko. "Okay! ikaw ang masusunod, basta nandito lang ako if you need me, just one call away and I'll be there," sambit niya. Tara na kumain na tayo at lalamig na ang pagkain. Nginitian niya lang ako at nag simula na itong kumuha ng pagkain. Habang kumakain ako hindi pa rin mawala wala ang atensyon nito sa'akin. At dahil nga dyan medyo naasiwa na ako. "Bakit sir? may dumi po ba ako sa mukha ko?" medyo conscious na tanong ko rito. "Ha? Nothing. I'm very happy, because I'm with you" sagot ko rito. "Sir hindi ko naman po, alam na may lahi kang palabiro pala" sambit ko kasabay nang pagsubo ko ng fish fillet. "Wala, sa lahat nang bagay seryoso ako," diretsahan nitong sagot. "Ahm!, Sir, kailan pa kayo natutong mag tagalog?" curious na tanong ko. "7 years old." sagot niya. "A-ano? Nagpagka hirap pa ako mag e-english sayo, marunong ka naman pala mag tagalog." wika ko. "Hindi ko naman alam na nahihirapan ka pala." natatawang wika niya. "Sobra sir, kaya kung minsan tinatapos ko na usapan natin kasi wala na akong maisip pa na sabihin." saad ko. "Pero maiba tayo Alexa ha. Gusto kung maramdaman o makita mo na seryoso talaga ako sayo. Bigla naman akung natahimik at hindi na nag salita. Hindi ko talaga alam at masyadong mabilis ang lahat. Madami pa kaming napag usapan ni sir Stephen. Natapos ang gabi nang masaya ito kaya masaya na rin ako. "Tara na medyo lumalalim na rin ang gabi." Aya ko sa'kaniya. "Sige! Thank you, Alexa." sagot niya. Tumayo na ako at inalalayan ni sir sa paglalakad pabalik nang kwarto ko. -- Sa kabilang banda may isang taong nagpupuyos sa inis ang nagmamasid sakanila kani kanina pa. Kitang kita niya kung paano maging sweet ang pinsan niya kay Alexa. Hindi man niya marinig ang usapan nang mga ito, sapat na sa'kaniya ang mga nakikita nang kaniyang mga mata at nagkaka mabutihan na nga sila. "Mukhang huli na naman pala ako," usal niya. Ang sama kasi nang ugali ko, kaya hindi kataka taka na ma fall si Alexa sa pinsan ko. Ang bait kasi nito at hindi kagaya ko matandang hukluban na masungit pa. Akala ko pa naman ito na ang simula nang magandang pakikitungo ko sa'kaniya, pero mali pala ako. Ito ang bagong simula nang wawasak nang puso ko. Mabuti na rin 'to, dahil ayaw kung masaktan sa huli. Masyadong bata pa ito at mukhang hindi pa ito handa sa pang seryosong buhay. She is a typical girl, who wants fun and enjoy life. Like her niece, Alleli, her bestfriend. Masyado pang bata at walang alam sa buhay kundi magliwaliw. Teka, nasaan na nga ba ang pamangkin niyang 'yun. Gabi na at wala pa ito sa Mansyon. "Itatago ko na lamang siguro ang feelings ko para sa'yo, Alexa." usal ko. Naglakad na ako papalayo nang kwarto niya nang masiguro kung umalis na ang pinsan ko, bumalik na rin ako nang resort at nagpakalasing. Halos tatlong bote yata nang hard drink ang naubos ko. At hindi ko namamalayan ang sarili ko na dinadala na pala ako sa kwarto ni Alexa. "Alexa," tawag ko. Lumabas ka dyan mag-usap tayo. Samantalang naaalimpungatan naman si Alexa, sa nauulinigang boses, sa pag aakalang bumalik si sir Stephen kaagad siyang nag suot nang roba para takpan ang katawan niya sa suot na nighties. Laking gulat niya nang si sir Alex ang bumungad sa'kaniya at lasing na lasing. "Hi! Alexa," nakangiting wika nito. Himala yata at nakangiti si sungit sa'kin. Ano kayang nakain niya? Teka, pero bakit parang lasing siya. Langhap na langhap ko ang alak sa hininga niya na naghahalo sa mint breath niya kapag nagsasalita ito. "Hi! Sir, hating gabi na po. May ipag uutos po ba kayo?" tanong ko. Kasi naman past 10 p.m na, at nag-aabala pa ito ng tulog niya. "Wala naman gusto lang kitang makita ngayon! hikh! hik! sagot niya. Hmm! Ibang klase rin itong boss ko malasing may pag hanap sa'akin. Sana lagi kang ganyan," usal ko. "Talaga ba sir." saad ko. "Oo, naman! Naabala ko ba ang tulog mo. Sorry! Gusto ko kasing maka usap ka! Hik! Hik! Sha katunayan nga niyan, alam mo bang dapat aayain kita nang dinner kanina, kaso naunahan na pala ako nang pinsan ko. Mabagal kasi ako, siguro nga tama ka matandang hukluban na ako." wika niya sabay lungkot nang mukha nito. "Sir, lasing na po kayo. Tara na po, ihahatid ko na kayo sa room niyo." wika ko. "Okay lang naman ako. Huwag kang mag-alala. I can take care of myself." ika niya. Nagulat ako ng bigla niyang haplusin ang pisngi ng mukha ko, sabay sabing; "Ala mo ba, tama ka naman masama talaga ang ugali ko. Matandang hukluban ako." ani niya. Bigla akong natawa sa narinig ko. Natigil lang ang pag tawa ko nang nagsalita itong muli. "Pero alam mo ba kung bakit galit ako sa'yo palagi kasi nag---" hindi na nito tuloy nasabi ang gusto niyang sabihin sa'kin nang biglang bumagsak ito sa katawan ko. Haroy! Diyos ko, santisima! Ang bigat niyo sir!, Bumangon kayo 'ryan." wika ko. Pakiramdam ko nabalian yata ako nang tadyang sa bigat nito. Dahan dahan ko siya inihiga sa kama ko. No choice na rin kasi ako kung dadalhin ko pa siya sa room niya, baka pag dating namin roon ay bali bali na lahat nang buto ko sa katawan. Bakit ba kasi naglasing 'to.. Malaki ba ang problema niya? Parang may hugot ang mga pinagsasabi niya kasi. Hmmm! Nabasted ba siya ni Dr. Monica? Haixt! Ang sakit naman nang malaman na gusto niya si Dr. Monica, sabagay. Bagay naman sila, parehong edukado at edukada mayaman rin at kilala ang pamilya. Samantalang ako isang probinsyana na mahira at working student pa. Anong laban ko naman sa isang doktora. Gumising ka nga sa kabaliwan mo, Alexa!" hiyaw ng isipan ko. Anyway! Okay lang naman maglasing siya, malaya na naman akong makita ang mga pandesal nito. Inisa isa ko nang buksan ang butones nang polo nito at napapalunok ako sa nakikita nang mga mata ko. "Namiss ko 'to! Sana lang tulog na ito, dahil nakakahiya ang pinag gagawa ko." bulong ko. "You can touch it," biglang sambit nito. Gosh! I'm so dead. Nakakahiya ka Alexa. Ano na lang mukhang ihaharap ko bukas rito. Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD