Chapter 12- He's mistaken

1877 Words
"Love, bumalik ka na? Huh! Ako ba tinutukoy niya o lakas lang talaga nang amats niya kaya kung ano ano pinagsasabi nito. Kanina pa siya ang sarap nang tulog at walang kaalam alam na nakita ko na ang nga pandesal niya sa katawan. Napapangiti na lamang ako kapag naalala ko mga nangyari kagabi. *** Dahil sa lasing na lasing ito, walang tigil ang pag tawag niya sa'akin nang love. Hindi ko alam kung sino 'yon, babae ba niya, ka flirt or what. Pero isa lang ang gusto ko ang mga pandesal niya na namumutok at ang sherep tingnan. Pakiramdam ko nagkasala ang mga mata ko. Hindi na rin naman ako bata. I'm 18 years old at legal age. Inalalayan ko ito papasok nang roomy niya, kaagapay ko si Clark ang isa sa staff nang resort. "Clark, thank you." wika ko. Sabay abot nang five hundred pesos rito. "Walang anuman Alexa." sagot nito. Nang maka alis si Clark, kaagad kung hinubad ang poli shirt nito, kaya kitang kita ko ang pandesal niya, habang pinupunasan ang mga ito. Hindi ko maiwasang mapa singhap kapag dumadampi ang palad ko sa mga pandesal niya. Oh! My! Gulay, hindi ko na talaga kinakaya pa. Lalo na nang bigla na lang itong kumilos at hinatak ako, bumagsak lang naman ako at sumubsob sa malapad niyang dibdib. "Sir Alex," wika ko. Pero parang bingi ito o sadyang tulog siya kaya 'di niya ako marinig man lang. Bahala ka nga, usal ko. Tatayo na sana ako nang bigla niya akong isubsob pa lalo sa dibdib niya at dahil malaking tao siya sa'akin, nadadaig niya lamang ako. "Sir Alex, muling tawag ko sa pangalan niya at nagbabakasakali ako na baka mapansin niya rin ako, pero mukhang tulog na tulog nga ito at walang huwisyo. Kasi kung walang alak sa katawan nito, malamang kanina pa ito lumayas. "Love,"muling tawag niya. Bigla naman akong na curios sa mga pinasasabi nito. Kaya naman pinatulan ko ang trip niya ngayon. "Yes! love," natatawang wika ko. "Love, huwag muna ako iiwan huh!"sagot niya, habang naka pikit pa rin ang mga mata nito. Hindi niya malaman kung ano bang mararamdaman nang mga sandaling 'yon. Hanggang sa tuluyan na itong nakatulog *** End of Flashback*** KINABUKASAN Nagising na lamang ako sa hindi pamilyar na room, kahit lasing ako kagabi alam kung hindi ko 'to kwarto at kahit pilit kung isipin hindi ko talaga maalala kung anong ginagawa ko dito. Bumangon ako at naupo sandali bigla akong napasigaw nang makita kung natutulog si Alexa sa lapag. "What the hell are you doing?" tanong ko na napalakas na sigaw ko. Napabalikwas naman ito nang bangon at tumayo. "Wow! Makasigaw akala mo may sunog." inis na wika nito. "Ano bang ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya. "Malamang natutulog, ano pa nga ba. Istorbo! Kainis!" sambit niya. "Hwag kang pilosopa, tinatanong kita nang maayos." mariing wika ko. "Okay, fine matan-- Ay este sir Alex. Aalis na po ako, mukhang okay naman na kayo. Bye!" wika nito. Sabay labas nang kwarto. Wait! Naguguluhan ako, kagabi lang nag-iinom ako tapos pag gising ko ganito na. Hwag mong sabihin na may--- hindi ko na tinuloy ang nasa isip ko. Erase!Erase! Malabong patulan ko ang batang 'yon at miski lasing pa ako, hindi ko gagawin ang ganon. Parang pamangkin ko na ang batang 'yon. Magka edad lang sila ni Alleli, ano na lang sasabihin sa'aking nang pamangkin ko, nakakahiya kung nagawa ko man ang ganong bagay. Iwinaksi ko ang mga gumugulo sa'aking isipan at nag-ayos ako bago lumabas nang kwarto. Nag tingin tingin muna ako sa kaliwa't kanang direksyon, bago tuluyang naglakad papalayo rito. Pag dating ko nang kwarto ko nagkulong ako bigla at sumalampak sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa muli akong makatulog. Pasado ala una na nang hapon nang ako'y magising. Nag inat inat ako at nag exercise para naman pagpawisan ako nang todo todo. Pala isipan pa rin sa'akin kung paano nga ba ako napunta sa kwarto na 'yon. Kahit anong pilit ko kasing alalahanin, sumasakit lang ang ulo ko. Nang matapos ako rito sinubukan kung maglakad lakad hanggang sa makasalubong ko si Clark. "Good afternoon, sir Alex." bungad na bati nito. Nginitian ko siya at bumati rin dito. Sinagot ko siya nang likwise, ayoko na rin kasing humaba ang usapan pa namin, baka may gagawin rin kasi ito. Pero nang sabihin niya kung okay lang ako, bigla akong na curios. Baka siya may alam siya sa mga nangyari. "Ahm! Clark, nasa events ka ba kagabi?" tanong ko. "Ay! opo sir, lasing na lasing nga kayo kagabi. At tinulungan ko pa si Alexa na dalhin kayo sa kwarto. Bakit niyo po naitanong sir?" saad niya. "Wala naman, sige mauna na ako. Salamat, Clark." sambit ko. Mukhang may sagot na ako sa mga tanong ko. Kawawa naman si Alexa, napag isipan ko pa nang hindi maganda, samantalang siya na nga 'tong tumulong sa'akin. At para makabawi balak ko siyang imbitahin para mamaya. Napangiti na lamang ako sa mga naiisip kung plano. -- Samantalang inis na inis naman si Alexa sa mga sinabi ni Alex sa'kaniya. "Wala na ba talaga siyang ginawang tama, para dito. Bakit ba lagi na lang siyang galit sa'akin?" naguguluhang tanong ko sa sarili. Minsan gusto ko nang mag tanong sa'kaniya pero nahihiya ako at baka mapahiya pa ako kaya hwag na lamang. Nakaupo ako sa benches nang lumapit si sir Stephen. "Alone? Can I sit beside you?" tanong nito. "Yah! sure," sagot ko. Pero sa iba naka tingin. "Thank you," wika nito. "By the way if you can't be busy later. Can I invite you for dinner? Please! Alexa? I'm going back to U.S.A in the next few days." dagdag pa nito. "Okay!" sagot ko. "It is a yes?" muling tanong niya. "Yah!" matipid na reply ko. "Thank you, Alexa." nakangiting wika niya... Marami rami pa silang napag usapan nang maalala ni Alexa na may work pa pala siya, kaya kaagad siyang nagpaalam kay Stephen. "Sir. I have to go. Sorry! I need to work now. See you in the night." pahabol na sambit ko. Nginitian naman niya ako at sabay na rin kaming naglakad papasok nang resort. Nagkahiwalay lang kami dahil siya ay patungong restaurant at ako naman ay sa staff house, para mag palit nang uniform ko. Mabilis kung kinuha ang uniform ko sa loob nang cabinet at sinuot ito. Nag apply lang ako nang kaunting make-up at tiningnan ang sarili sa salamin, bago lumabas nang pintuan. Naglakakad ako pabalik nang admins information kung saan ako naka assign. Ako ang mga bumabati sa mga bisita or turista na pumapasyal sa resort at kumakausap sa mga ito para makapag pa book sila. Kaya naman magaan lang kahit papaano ang mga workload ko rito at hindi rin naman ako pagod. Naka pwesto na ako sa loob nang dunagsa ang mga guest nang araw na 'yon. Maya't maya ring may mga tumatawag sa landline para magpa book. Lahat nang 'yon ay kinaya ko nang mag-isa, dahil hindi nakabalik si Winona. Hindi ko nga alam sa'kaniya two days ko na siyang hindi nakikita pa. Saan na naman kaya nagpupunta ang babaeng 'yon. Naupo ako sandali dahil wala namang nang pumapasok pa at hindi ko namalayan ang oras kaya pala medyo kumukulo na ang tummy ko pasado ala dos na nang hapon. Ilang oras rin akong nag asikaso sa mga guest na dumating kani kanina lang. Dahil wala si Winona rito, hindi ko maiwan iwan ang trabaho ko rito. Sakto namang dumaan si Clark kaya tinawag ko ito. "Pssst! Clark," sitsit ko sa'kaniya. Palinga linga naman ito at tila hinahanap kung saan ang boses na 'yon. Nang makita niya akong kumakaway kaaagad itong lumapit sa'akin. "Oh! Alexa, bakit may problema ka ba? o may iuutos ka. Alin sa dalawa?" biglang tanong niya. Sabagay hindi na ako magugulat pa rito, dahil alam naman nito na kapag tinawag ko siya either my ipapakuha, ipapagawa o iuutos ako sa'kaniya. "Busy ka ba? Hindi kasi ako maka alis rito, wala si Winona. Baka pwede mo akong bilhan nang lunch, kung okay lang ba sayo?" tanong ko. At sana lang pumayag ito. "Sige," tango nito. Haixt! Sa wakas pumayag rin ito. Akala ko pa naman hindi, kaya buti na lang kasundo ko siya at kahit papaano ay hindi ako nahihiya sa'kaniya. Nakaalis na si Clark at balik trabaho na ulit ako. Na siyang dating naman ni Winona at medyo nagtaka lang ako sa suot nito. Gayong tirik na tirik ang araw at naka suot ito nang sweater at maging ang mga mata nito ay naka sun glasses. Maiintindihan ko pa kung nasa labas kami, pero nasa loob na eh. Habang hinihintay ko si Clark na bumalik lumabas ako para ayain sana ito. Nang napahawak ako sa braso niya bigla siyang umaray. "Alexa, aray masakit," naluluhang sambi nito. "Hoy! Bruha ka, saan ka ba nang galing?" tanong ko. "Dyan lang Alexa." sagot niya. "Huh! Bakit nasaktan ka may sugat ka ba, patingin nga." tanong ko "Wala naman," naluluhang sambit nito. "Wala eh! bakit nasaktan ka sa hawak ko? "Wala nga Alexa, bakit ba ang kulit mo. Mag trabaho na kaya tayo kung ano ano pang tinatanong mo. Dahil hindi ako mapakali hinaklit ko ang zipper nang sweater niya at laking gulat ko na tumambad sa harapan ko ang dibdib nito na may paso nang sigarilyo. "Winona, magsabi ka nang totoo. Anong nangyari sayo?" naiiyak na tanong ko. Hindi kita matutulungan kung itatago mo lang yan." sambit ko. Napatingin ito sa'akin at walang tigil sa pag patak ang mga luha niya. Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak bago ko siya kausapin nang masinsinan. Kailangan niya munang mahimasmasan para maging maluwat ang kaniyang nararamdaman. Sakto naman dumating na rin si Clark dala ang pagkain ko at nagpasalamat ako sa'kaniya. Pinakain ko muna si Winona. "Ubusin mo lahat nang 'yan huh!" wika ko. "Salamat, Alexa," sagot niya. Sabay linantaka ang pagkain at tuloy tuloy ang pag subo. Hindi naman siya halatang gutom halos maubos niya ang pinabili kung pagkain, pero ayos lang pwede naman na akong lumabas saglit. "Bruha ka, mag kwento ka na." saad ko. Naka ilang buntong hininga muna ito, bago nag salita. "Si! Bruno kasi, pinipilit akong sipingan, eh ayaw ko nga. Ayon nagalit siya at ginawa akong punching bag." naiiyak na kwento niya. Hindi ako makapaniwala habang nagsasalita ito. Grabe naman ang ugali nang boyfriend niya. Para s** lang eh! hindi ba siya nakakaintindi o sadyang ang ulo niya ay nasa baba at hindi ang nasa itaas. "Winona, hindi sa nakikialam ako pero parang ganon na nga. Bakig hindi mo pa hiwalayan 'yang g*** na yan. Kung nagagawa niya sayo yan ngayon, paano kapag mag-asawa na kayo di ba? Kaya sana request ko lang hiwalayan mo na yan." wika ko. Dahil walang matinong lalaki ang mananakit nang ganyan. "Alexa, hindi ko kaya. Mamatay ako pag nawala si Bruno." naiiyak na sambit nito. "G*** mas mapapaaga ang buhay mo kapag nagpatuloy ka pang makipag relasyon sa'kaniya. Kaya pag isipan mo bruha, marami pa dyan 'yong mamahalin ka nang buo at hindi ka sasaktan." wika ko. "Weh? parang may lovelife ka makapag salita ka dyan." natatawang biro nito. Buti naman tumawa na rin siya. Kanina lang lugmok na lugmok ang itsura nito. Atlis masaya na siya kahit papaano at ako rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD