Chapter 11- His agony

1724 Words
Araw nang Sabado abala ang lahat nang tao. Dahil hindi ko alam kung anong meron tinanong ko si Hanz na isa sa ka work ko rito. "Hanz, ano bang meron?" tanong ko. "Ah! May kasal kasing magaganap dito mamaya." sagot niya. "Ah! okay, Hanz, salamat." sambit ko. Hmmm! Kasal pala. Ito yata ang sinasabi ni Winona na raket namin. Habang naglalakad ako sa baybayin, kitang kita ko ang ganda nang mga design na ginagawa nang bawat staff at Wedding coordinator. Ang swerte naman nang bride, ang bongga nang kasal niya. Ako kaya kapag kinasal mangyari rin kaya sa'akin ang mga ganyang bagay? Ang tanong makakapag asawa kaya ako? Eh! 'yong gusto ko, ang tingin sa'akin mukhang kuto na kapag lumapit siya sa'akin magkaka allergy siya. Sad life! Saklap talaga, magkakagusto lang ang sa tandang hukluban pa. "Alexaaa," sigaw ni Winona. 'Tong babaeng na 'to kahit kailan talaga. "Oh! bakit?" tanong ko. Nakakagulat naman kasi ang pag sigaw nito. "Remind lang kita mamaya ha. Hwag kang magpapa late sa kasal. Malaki ang bayad sa'atin dito." saad niya. "Oo na, anong oras nga ba 'yon?" tanong ko. "Kita muna nakalimutan mo kaagad. Naku! Alexa ka, sinasabi ko sa'yo, F.O talaga tayo kapag 'di ka sumipot dyan. 7 p.m sharp." mariing wika nito. "Sige, Winona. Salamat." sagot ko. "Siya nga pala Alexa, maiba tayo balita ko hindi na raw kayo nakikitang magkasama ni afam. LQ ba kayo?" usisa nito. "G*** hindi! In the first place hindi naman naging kami. At isa pa hindi ko talaga magawang mahalin siya." wika ko. Sabay buntong hininga nang malalim. "Hmmm! Ewan ko sayo. Alam mo naman suntok sa bwan na mapansin ka ni sir Alex noh!" natatawang wika nito. "Oh! Sige isigaw mo pa, wala pang nakakarinig sayo," inis na wika ko. Parang ewan kasi, alam naman niya madaming Maritess sa paligid, lalakasan pa talaga! Haixt! "Bruha, alam mo kasi nagsasabi lamang ako nang totoo. Ang taas kasi nang lipad mo, nandyan naman ang ibang lalaki na humaling sayo, dyan ka pa rin sa taong alam mo naman na ayaw na ayaw sayo. Wake up! Alexa, sayang ang beauty mo." saad niya. "Hmmm! Sinusubukan ko naman kaso lang, lagi kasi kaming pinagtatagpong dalawa. Paano ko ba siya iiwasan gayong boss ko siya 'di ba?" wika ko. Paano nga ba? Kung araw araw ko siyang nakikita, hindi talaga mawawala ang feelings ko sa'kaniya. Lalo na hindi ako pinatulog nang maayos nang halik na 'yon. "Sinusubukan? Gawin mo, kasi ikaw lang ang mahihirapan sa huli. Advise lang naman 'yon. Pero kung siya talaga, aba siya sige ikaw bahala! Basta mamaya ha. Sige na, hindi na rin ako magtatagal pa." anya. "Okay, bye! Winona, see you later." sagot ko. Naglakad na ito at sinundan ko na lang ang papalayong bulto nito. Maging ako ay naglakad patungong dagat at naupo sa buhanginan. Nag-iisip at malayo ang tanaw, pilit ko mang pigilin ang damdamin ko para sa'kaniya, pero paulit ulit ba lamang akong ibinabalik rito. Haixt! "Ayoko na sayo," paulit ulit kung sigaw. "Sinong ayaw muna?" biglang sulpot na tanong ni Alleli. "Ah! Wala best. Kanina ka pa dyan?" tanong ko. "Actually hindi naman masyado, kararating rating ko lang rin." anya. "Ah! ganon ba. Maiba tayo, kumusta ka na?" curious na tanong ko. Lately kasi busy ito sa school niya. "Okay naman, boring nga lang mga classmates ko." saad niya. "Huh! Bakit?" usisa ko. Nagtataka kasi ako masyado naman na siyang friendly kaya nagtataka naman ma boring siya roon. "Wala ka kasi roon. Alam mo naman nasanay ako na laging katabi kita. Nakakainis naman kasi si Tito Alex, bakit pa kasi niya ako pinalipat pa. Yan tuloy mag-isa lang ako sa lahat nang oras. "Hayaan muna, siguro ayaw niya nga kasing nakikitang magkasama tayo. Alam mo naman na allergy sa'aking ang Tito mo." biro ko rito. "Absolutely! Correct, hindi ko nga alam kung bakit?" curios na tanong niya. "Never mind. Hwag na nating pag usapan pa. Baka makagat pa niya ang dika niya." sambit ko. Totoo naman kasi kanina pa namin siya pinag uusap rito. 'Di malabong mangyari 'yung ganong mga bagay. "Sabagay, inis kasi ako sa nangyari. Imbes kasi pang gabi ako eh! Ginawa akong pang morning. Hassle naman sa'akin 'yun. Kailangan maaga akong bumangon, para lang maka pasok sa school. "Hayaan muna, Alleli. Alam naman nang Tito mo ang mas makakabuti sayo. Kaya sundin muna lang ang gusto niya." pampalubag na wika ko sa loob niya. "Salamat, Alexa. Sige mauuna na ako madami pa akong gagawin na reaction paper at project." anya. Nginitian ko na lang siya at naglakad na papalayo. -- Alex is still not focusing on his work. Kanina pa siya out of focus at walang ginawa ang utak niya kundi ipaalala ang halik na 'yon. Mula kagabi hindi na siya pina tahimik nito, tila hinahanap hanap niya ang lambot nang labi nito at gusto niya ulit mahagkan. "Erase! Erase! Alex, bata pa 'yon. Bata pa 'yon! Ikalama mo 'yang sarili mo. Child abuse ka," hiyaw nang utak ko. Nasa malalim ako nang pag-iisip nang pumasok si Troy. "Yes! Troy, may kailangan ba akong pirmahan?" tanong ko. Dala-dala niya lang kasi ang papel na kasing kapal nang dictionary book. Hwag niyang sabihin na lahat 'yan ay pipirmahan ko. "Sir, heto po ang pinapagawa nyo last week natapos ko na po." wika niya, sabay lapag sa lamesa ko nito. "Thanks, Troy." wika ko. "You're welcome, sir." anya. Tumalikod na ito at lumabas nang pintuan. Naiwan naman akong nag-iisip at masisiraan na yata nang bait. Alexa, ano bang gayumang dala mo? bakit nagkakaganito ako sayo. Haixt! Makapag babad nga sa dagat mamaya. Kailangan kung ma relax, dahil mamaya na ang events. Ayoko namang humarap sa mga ito na wala ako sa sarili. Ginugol ko ang bawat oras sa pag ta trabaho para malibang ako at mawala ang mga kahalayang nasa isipan ko. Pag tingin ko sa wristwatch ko pass 12 noon na pala at lunch na. Nag beep lang ako sa buzzer, dumating kaagad ang secretary ko. Naka tatlong katok ito; " Please! Come in," wika ko. Kaagad naman itong pumasok. "Magla lunch ako sa baba. Paki sabi sa cook na ayaw ko nang seafood ha." bilin ko rito. Mamaya kasi atakihin ako nang allergy ko mahirap na. Seafood is my enemy food since bata pa lamang ako. I was remember nang naka kain ako nang pancit na may shrimp kaya naman bigla na lang akong 'di makahinga at muntik muntikan nang mamatay. Sa dami nang nakain ko at hindi ko alam na nilagyan nang powder shrimp ang pancit na nakain ko. Nang matapos ako sa ibang files. Tumayo na ako at nag inat inat saglit. Medyo nangalay kasi ang kamay at binti ko sa maghapong kaka trabaho. Nang marelax ang pakiramdam ko lumabas na ako nang office at naglakad papasok rito. Marami rami ring tao na kumakain rito, especial naman kasi talaga ang pagkain rito. 'Yon lamang kanina pa ako asiwa sa babaeng panay tingin sa'akin sa malayo. Binilisan ko na lamang ang pagkain para makabalik sa office at maka iwas rito. Mukhang trouble ang dala nito sa buhay ko. Mukha pa lang hindi muna mapagkakatiwalaan. Hindi naman ako judgemental na tao, pero sa nakikita ko stressed talaga ang ganyang babae. After Sandra, wala na akong pinapasok sa puso ko at wala na akong minahal pa bukod sa'kaniya. Nagmamadali akong tumayo at naglakad palabas nang resto nang hawakan nang babae ang kamay ko. "Hi! You must be Alex, am I right?" tanong nito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo rito. "Ahmm! I think nagkakamali ka miss. I'm S-stephen," sagot ko. "I see! Baka kamukha mo lang ang may ari nang resort." sagot niya. "Baka nga miss. Sige, mauuna na ako." sambit ko. Sabay talikod at malalaking hakbang ang ginawa ko maka layo lang sa'kaniya. Pumasok ako sa loob at hinarap muli ang trabaho ko. Hindi alintana ang pagod basta malibang lamang ako at makalimot. Dahil na busy ako sa maghapon hindi ko namalayan na pag gabi na pala. Itinigil ko na ang ginagawa ko at nag pa relax muna bago lumabas nang pinto. Naglakad ako patungong venue medyo nagsisimula na ang kasal. Malayo pa lang ako rinig na rinig ko na ang mala anghel na boses ni Alexa. In fairness may talent ang batang 'to. Lahat nang lyrics nang kanta niya ay tagos tagusan sa puso ko. Dahil ang kinakanta lang naman niya ay ang theme song namin ni Sandra. *** Sa bawat araw na ako'y iyong kasama, ipapa dama ko ang tamis nang aking pagmamahal. Dalangin ko lang sa may kapal na ikaw na ang makasama habang buhay ah! ah! ah! aaaaa. Hindi ko na natapos pakinggan ang kanta niya, dahil para akong ginu gutay gutay sa sakit na aking nararamdaman. "I miss you, Mahal ko," usal ko. Kasabay na pag tingin sa kalangitan. Kung nasaan ka man, sana masayang masaya ka. Magiging masaya na rin ako, kahit pinapatay ako nang lungkot. Pinahid ko ang luhang naglandas sa'aking mukha. Ayokong may maka kita sa'akin na ganon ako. Devasted at kaawa awa. Simula nang namatay si Sandra, naging workaholic ako. At hindi ko iniisip ang pagod, pakiramdam ko na manhid ang buong katawan ko at wala nang pakiramdam pa. At ang mali ko lang ay masyado kung inaabuso ang katawan ko. Kaya ayaw ko nang maulit pa 'yon, lalo na kailangan pa ako nang pamangkin ko at hindi ko pa nakikita ang ate ko. Nang medyo na relax na ako bumalik ako nang venue at naki inom nang alak. Naupo ako sa bandang dulo at mag-isany nainom. Hindi ko kasi makita si Stephen para maaya sanang mag-inom. Saan na naman kaya nag punta 'yon. Hwag niyang sabihin na broken hearted siya, dahil tatawanan ko talaga siya. Ilang oras na ang lumipas at medyo tipsy na rin ako kaya naman hindi ko na namalayan na naubos kung mag-isa ang hard drinks na iniinom ko. Halos umikot na ang paningin ko, sanay naman akong uminom pero bakit ngayon ang aga kung tinamaan. Lasing na rin siguro talaga ako, dahil nakikita ko na si Sandra palapit sa'akin. Nagmamadali akong tumayo at niyakap ito nang mahigpit. Humagulgol ako nang iyak at wala na akong pakialam sa paligid ko. Basta ang tanging mahalaga sa'akin masaya ako nang sandaling 'yon. "Love, bumalik ka na... Ayan na lang ang huling natatandaan ko bago ako hilahin nang antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD