Kanina pa akong akyat panaog sa Mansyon at hindi mapakali at kanina pa nagpa flash back sa isipan ko ang naganap na halikan nang dalawa. "Ano ba kasing pakialam ko kung maglampungan sila, kahit anong gawin pa nila. I don't care!" inis na usal niya.
Hindi tuloy niya napansin ang pag dating ni Stephen.
"What's your problem, Bro?" tanong nito.
"N-nothing bro." sagot ko. "How about Alexa, is she ok now?" out of nowhere at natanong.
"Hmmm! She's slightly okay, but I think she is mad at me." wika nito sabay buntong hininga nang malalim.
"Why? I think your close now. What happened?" usisa ko rito.
"Hmmm! She's mad, because I accidentally kiss her." sagot niya sabay lungkot nang kaniyang mukha.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa nalaman ko.
"Oh! really! So sorry bro," saad ko. Hmm! Pero sa totoo lang nag didiwang ang puso ko, deserved niya 'yan. Masyado kasi siyang mabilis. Pero nang makita kung nalungkot ito at nanlumo, bigla naman akong naawa.
Linapitan ko siya at tinapik ang balikat para sabihing; "It's okay. Marami pa namang babae." wika ko.
"But, I want Alexa." mariing wika nito.
"How about your vacation here?" tanong ko para maiba ang topic.
"Happy. But I need to talk Alexa. Please help me." pakiusap nito. Hmmm! Ano bang meron sa batang 'yon? Haixt!
Iniwan ko siya muna sandali at kumuha nang can beer at para mag tigil na ito, niyaya ko na lang siyang uminom.
"Bro, let's have a drink?" wika ko sabay abot nang beer dito. Kaagad naman niyang kinuha ito at nilagok.
Kawawa naman, talagang mukhang heart-broken. Kung maka lagok akala mo wala nang bukas. Mabilis nitong naubos ang beer at humingi pa nang tatlo.
--
Samantalang paikot ikot na si Alexa sa resort hindi niya man lang nakita si Stephen.
"Saan ba kasi pumunta 'yon?" usal niya.
Sa paglalakad nito, nakita niya si Alleli na kauuwi lang galing school. Muntik na niyang makalimutan na may pasok pa pala siya mamayang gabi.
"Psst! Alleli," sitsit ko rito.
Palinga linga naman ito at hinahanap ang boses kung sino ang tumatawag sa'kaniya.
"Alleli," sigaw ko rito para matawag ang pansin nito.
At dahil hindi niya ako makita ako na mismo ang lumapit rito.
"Alleli, hoy! kanina pa kita tinatawag dyan. Ang layo naman kasi nang tingin mo." saad ko.
"Oh! Alexa, anong nangyari sa paa mo?" nag aalalang tanong nito.
"Ah! ito ba? Hwag mong isipin 'to malayo sa bituka." sambit ko. "Teka! maiba tayo, nakita mo ba si sir Stephen?" tanong ko. Nakakahiya man pero wala na akong choice.
"Ah! si Tito ba, hindi eh! Kaka uwi ko lang from school. Wait ask ko si tito Alex." sambit nito. Sabay kuha sa bag niya nang cellphone. Nag dial ito nang number at naka ilang ring naman na, pero hindi ito nasagot. Kaya naman pinatay na nito ang tawag.
"Hindi sinasagot eh!" anya. "Mabuti pa hanapin na lang natin." dagdag pa nito.
Sinamahan ako ni Alleli maghanap at sabay na kaming naglakad, pero hindi pa nga kami nakakalayo nang matanaw namin si sir Alex at sir Stephen, pero bakit akay akay niya ito. Binilisan na namin ang paglakad para salubungin ang mga ito. At dahil medyo pagabi na hindi na maaninag msyado ang daan lalo na sa bandang dulong bahagi nito. Ka yaman yaman naman, hindi man lang magpalagay nang ilaw.
Kaya napatigil na kami sa paglalakad at hinintay na lamang ang padating na dalawa. Pero malayo pa lang rinig ko na ang pangalan kung sinisigaw nito.
"Alexaaaa! I'm sorry! Please forgive me," wika nang baritonong boses. At paulit ulit na lamang ito, na parang sirang plaka.
Hindi na ako nagtataka kung kaninong boses ito. Kitang kita kung akay akay ni sir Alex, si sir Stephen na lasing na lasing. Pagkalapit nito sa'amin kaagad kung inalalayan si sir Stephen.
"Alexa?" gulat na tanong nito at bigla akong niyakap. "Sorry! Sorry," wika nito paulit ulit.
"Ssssh! sleep well," sambit ko.
Magkasabay na kaming naglakad at akay akay ito papasok nang kwarto. Nahiga na namin si sir at nakatulog na rin.
"Thank you," sambit ko.
Tinitigan lang ako nito at tumalikod.
"B-weset talaga! Nuknukan nang sungit, kainis." inis na wika ko. Sabay talikod ko na rin at pasok nang kwarto. Bahala na nga sa lapag na lang ako matutog, sanay naman na ako sa probinsya noon.
---
Dahil sa hindi kayang matagalan ni Alex ang nakikita na pa walk-out na lamang siya. Hindi niya maalis ang inis kung paano mag alala ang dalaga sa pinsan niya.
"Hmmm! Mag-sama silang dalawa, wala naman akong paki. Mag lampungan kayo hanggang gusto niyo." sigaw ko.
Nag lakad ako patuloy nang resort at nakita naman ako nang pamangkin ko.
"Tito Alex, lasing ka po ba?" tanong nito.
"H-hindi naman, nakainom lang hik! hik!" natatawang sambit ko, pero kanina pa naikot ang paningin ko.
"Mukha nga tito. Bakit ka kasi nag lasing, the last time nang inom ka nang namatay si Tita---" hindi ko na siya pinatapos pa. Ayoko na rin naman isipin pa, dahil mas mahihirapan lalo ako. Alam kung masaya na rin ang mahal ko kung nasaan man siya ngayon.
"Alleli sige na matulog ka na. Matutulog na rin ako." sambit ko sabay gulo nang buhok nito.
"Tito Alex, hindi na po ako bata. Gosh! My hair," nakasimangot na maktol nito.
"Anong 'di na bata. Bata ka pa rin at bawal kang mag boy friend," saad niya. At nakita mo 'tong muscles ko? dadaan muna sila dito." sambit ko.
"Sabi niyo po, dalaga na ako." sagot niya.
Nginitian ko na lamang ito at naglakad na ako papasok nang resort. Diretso ako sa kwarto ko at sumalampak. Hindi ko na rin alam ang sumunod na pangyayari.
--
Habang si Alexa naman ay hindi makatulog, dahil kanina pa siya hindi dinadalaw nang antok. Pabaling baling siya nang higa at naupo na lang. Lumabas siya nang kwarto at nagpahangin sa labas. Naglakad lakad siya sa ilalim nang maliwanag na buwan at sinasamyo ang sariwang ihip nang hangin. Nag-iisip kung ano nga ba ang dapat kung gawin. Haixt! Nakaka baliw naman 'to. Nang napagod ako sa pag lilibot bumalik na ako at naupo sa may benches. Nang marinig ko ang boses ni sir Stephen at mukhang wala na ang tama nito.
"Alexaaaa! Where are you?" sigaw nito.
"Yes! sir Stephen," sigaw ko. Nandito po ako," dagdag ko pa.
Naramdaman ko na lang na nasa likuran ko na ito.
"Alexa, I'am sorry." muling sambit niya.
"It's okay." wika ko. Para 'di na humaba ang usapan namin. Ang hirap makipag usap sa'kaniya nang english, baka dumugo pa ang ilong ko.
"Sir. I have to go. I just need to rest now," sambit ko sabay paalam na rin sa'kaniya. Iniwan ko na ito, dahil ayoko pa munang makipag usap sa'kaniya. Dahil sa kiss na 'yon, naiilang na ako sa'kaniya sobra at parang ayaw kung mapalapit rito.
--
Samantalang nagising naman si Alex at lumabas nang kwarto. Nakita niya si Stephen na nakaupo sa benches. "Ano naman kaya ang problema nitong kano na 'to. Kung si Alexa pa rin, kababawan na yan. Alam ko naman maganda ang batang 'yon, pero para magka ganyan siya kabaliwan na 'yon. Lalapitan ko sana ito, pero tumayo na ito at naglakad papasok nang ibang kwarto. Sinundan ko ito nang hindi niya nalalaman at confirm sa ibang room nga siya pumasok. "Hmmm! LQ agad?" usal ko. Hindi pa nga in-relationship. Napangiti ako bigla na hindi ko mawari.
"Masaya ka?" hiyaw nang isipan ko. Nang masiguro ko na hindi naman pala sila magkasama tumalikod na ako at naglakad pabalik nang resort.
--
Kinabukasan maaga pa lang gising na ako para i-check ang mga staff ko, para sa events na gaganapin sa Saturday kung saan maraming banda ang guest, dahil sa kasal at sa resort gaganapin ang venue, dahil memorable sa mag couple ang resort ko. Nag unat unat ako sandali at nag ayos nang sarili. Naligo na rin ako, dahil kakausapin ko pa ang mag couple mamaya. Kailangan ma settle at ma set up na ang mga dapat gawin sa araw na 'yon.
Nakalabas na ako nang resort at sakto naman nakasalubong ko si Alexa na nakayuko. I don't know if she can hiding something or what. "Alexa," tawag ko rito. Ngunit tila wala yata itong narinig at dedma lang na naglakad dire diretso.
"Alexa," malakas na sigaw ko. Dahil sa sigaw ko na alarma ito at napasigaw na; "Ayy! kabayong baklang buntis," sigaw nito.
"What did you say?" tanong ko na naka kunot ang noo.
"W-wala sir! Bakit ka kasi nang gugulat dyan?" inis na wika nito sabay taas nang kilay.
"Bingi ka kasing kutong lupa ka. Anong feeling mo maganda ka na nyan at habol na habol ang pinsan ko sayo." mariing wika nito.
Medyo napa sobra yata ang pagkakasabi ko at nakita kung biglang nalungkot ito at maya maya lang may mga luhang pumatak na sa mga mata nito.
"Hmm! Alam kung hindi ako maganda, pero hwag munang ipa mukha pa sa'akin." sigaw nito. Bigla akong natulos at hindi naumid ang dila ko. Gusto ko siyang aluin pero hindi ko magalaw ang mga paa ko.
"Sobra ka na! Palagi muna lang akong nilalait. Ano bang problema mo? huh!" tanong nito.
"Nothing!" sagot ko. Wala naman akong masabi pa. Marahil sobra nga talaga ang nasabi ko rito na ikinasama nang loob niya. Hanggang sa tumalikod na ito papalayo at hindi ko na rin siyang nagawang habulin dahil sa hiya.
"Argh! Alex! Alex! Hindi ka naman ganyan noon. Natatakot ka bang aminin sa sarili mo na may pag tingin ka na kay Alexa?" hiyaw nang isipan ko. Kahit isip ko ay nakikipag talo rin.
Kung minsan hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko. May mga times na gusto ko siyang makita at kapag nandyan naman ito naiirita ako. Lalo na kapag nakikita kung may kausap siyang ibang lalaki. Gusto kung ako lang ang kausapin niya. Pero kapag nandyan naman siya parati ko naman tinataboy at sinasaktan ang kalooban niya.
"Tulak nang bibig, kabig nang dibdib," muling hiyaw nang isipan ko.
Bigla na lamang akong napatanong sa sarili ko na; Am I starting to fall inlove again? Ganitong ganito kasi ako kay Sandra noon. Ayaw na ayaw kung linalapitan siya nang iba kahit hindi ko pa naman siya nililigawan noon. Madalas ko rin itong sungitan.
***
Tandang tanda ko pa noon;
We've met at Hanchu School. Isa itong exclusive School sa U.S.A, madalas rin kaming aso't pusa, dahil pareho kaming achiever at walang nais magpatalo saaming dalawa. Kahit nga ultimo sa quiz or exam laging dikit ang scores namin. Madalas tie pa, hindi naman ako nakikipag rivalry sa'kaniya, pero mukhang lagi niyang gustong tapakan ang ego ko. Kaya nakipag sabayan na rin ako rito. Lingid sa kaalaman ko na may gusto pala sa'akin 'to. Nang mga panahong 'yon, kasi halos kaka reject lang rin kasi sa'akin ni Danna, she is my childhood friend na minahal ko nang lihim. Nilihim ko ang feelings ko sa takot na baka iwasan niya lamang ako.
Pero sabi nga nila may mga lihim na hindi kailanman pwedenh itago. Nang nalaman ni Danna na gusto ko siya, simula noon iniwasan niya na ako at sakto rin naman na destino ang Daddy niyang soldier sa L.A kaya hindi na rin talaga kami nagkita pa.
*** End of Flashback ***
Hindi ko naiwasang sariwain ang nakaraan nang aking pagkabata. Napansin ko lang bakit parang ang malas ko sa pakikipag relasyon o sa mga babaen nagugustuhan ko. Kung hindi lalayo, mamatay naman ito. Kaya nga sobrang iniiwasan ko si Alexa, dahil baka siya naman ang mawala. At isa pa malakas ang tama nang pinsan ko rito kaya magpapa ubaya na lamang ako. Mukha rin naman siyang masaya sa piling nang pinsan ko. At alam ko naman na Stephen is very kind, hindi rin siya 'yong tipo nang lalaki na mananakit nang feelings nang isang babae. Kaya mas mabuting maging sila na nga lang dalawa.
Natigil ako sa pag-iisip nang nakarinig ako nang sigaw mula sa loob at boses ito ni Alleli.
"Tito, help me," sigaw nito nang malakas.
Nagmamadali naman akong tumakbo patungo sa kinaroroonan niya.