Lingid sa kaalaman ni Alexa kanina pa hindi mapakali si Alex sa kinauupuan niya nang nakita niyang binuhat ni Stephen ang dalaga. Parang gusto niyang manapak bigla, dahil hindi niya alam kung saan nga ba nito dinala ang dalaga.
"Alleli," tawag ko sa pamangkin ko. Pero mukhang bingi na naman 'to at hindi man lang ako pinapansin.
Nag walk-out na lang ako at nag lakad patungong resort. Nang makasalubong ko si Stephen.
"Hey! How's Alexa now?" diretsahang tanong ko.
"She's a bit of sprained. Kindly call the doctor, so she can walk well." utos nito sa'akin. Hmmm! ano ako katulong, bahala nga siya dyan.
"Okay! I will call the doctor, just tell her to wait," sambit ko.
Nagpaalam na ako kay Stephen at tumuloy na ako sa loob. Nasumpungan ko na lang ang sarili ko na nagda dial na nang number nang friend kung on call doctor. Mabuti naman mabilis nitong nasagot.
"Hey! Alex, napatawag ka. May problema ka ba?" bungad na tanong nito.
"Okay naman ako. Grabe ha! Ganyan ba tingin mo sa'akin. Anyway may sadya naman talaga ako sayo Ryver." sagot ko.
"Oh! ano naman 'yon?" mabilis na tanong nito.
"Ah! kasi may na sprained dito isa sa empleyado ko, baka naman ma check mo ang kondisyo niya." wika ko. Sana lang talaga pumayag ito.
"Sige! Ikaw pa ba, alam mo talagang hindi ako makakatanggi sayo." saad niya.
"Thank you, Ryver. See you later." sambit ko, bago patayin ang tawag.
Hindi ko akalain na gagawin ko 'to. Pero nandyan na at kailangan niya nang tulong.
Palabas na ako nang resort nang biglang makasalubong ko ang pamangkin ko.
"Tito, nakita nyo po ba si Alexa? Kanina ko pa po kasi siya hinahanap." tanong nito.
"Kasama si Stephen nakikipag landian." sa isip ko. Gusto ko sanang sabihin pero naumid bigla ang dila ko.
"Kasama ang tito mo, na sprained daw siya." sagot ko.
"OMG! Tito, nasaan po sila?" tanong nito. OA lang nang pamangkin niya makatili wagas. Kaya ayaw kung nagsasama siya sa batang 'yon nahahawa nang mga kalokohan niya.
"Alleli, na sprained lang hindi pa naman namatay ang tao." saad ko. Kung makatili kasi, ang tinis pa naman nang boses niya ang sakit sa tainga.
"Tito, kahit na po masakit rin kaya 'yon." pagpapaliwanag pa niya.
"I know pero kaya niya na 'yon. Amazona 'yon 'di ba?" natatawang wika ko.
"Ang bad mo po tito. Mabait naman si Alexa, hindi mo lang nakikita." sambit ni Alleli.
"Ha? ayon mabait, sige na lang pamangkin. Wala na akong masabi pa. Lagi muna lang siyang ipinagtatanggol sa'akin." wika ko na may himig na pagtatampo rito.
"Tito, nagsasabi lang naman po kasi ako nang totoo. Lagi ka kasing nakatingin sa bad side. Why don't you look at the brighter sides po. Alexa's is kind, ako na po ang nagsasabi niya and I can prove it." mahabang lintanyan nito.
"Naku! Alleli, first impression wil be last. Hindi mo ako masisisi, dahil hindi maganda ang first encounter namin. At narinig mo naman na tinawag niya akong hukluban. Tama ba 'yon? Ang gwapo ko at isa pa hindi naman ako matanda para tawagin niyang ganon." wika ko sabay tingin sa malayo at hinga nang malalim.
"Anyway tito, medyo tumatanda ka na nga po," biro nito sabay takbo.
"Alleli, comeback here." sigaw ko pero mukhang bingi ang pamangkin ko at lumayo pa.
"Habulin mo ako tito," sigaw nito.
"Alleli, hindi ka na bata. Bumalik ka nga dito. Wala akong time makipag habulan sa'yo," sigaw ko. Totoo naman dalaga na kasi siya, kung noon pumapayag akong habulin siya ngayon hindi na pwede. Ano na lang iisipin sa'akin nang mga staff ko rito sa resort, nababaliw na ang C.E.O nila.
Imbes na habulin ito naglakad ako papasok nang resort at dito ko na lang rin hihintayin si Ryver. Tumawag kasi ito at sinabing on the way na rin siya sa resort.
Maya maya lang dumating na ito at kumakaway sa'akin. Lumapit naman ako sa'kaniya at kinamayan ito.
"Ryver, long time no see." bungad na wika ko.
"Oo nga, hirap kasi kapag na assign sa malayo. Kakabalik ko lang rin sa clinic two days ago. Galing kami sa medical mission sa Surigao." kwento niya.
"Oh! talaga ang nice naman pala." sambit ko. At bago ko pa makalimutan kung bakit ko nga pala siya pinapunta rito.
Inaya ko na siya patungong kwarto ni Stephen, doon ko kasi nakitang dinala niya si kutong lupa ay este si Alexa.
Patawa tawa at ngiti pa ako habang nakikipag usap kay Ryver nang biglang maabutan namin na magka harap ang dalawa at unting dipa na lang mahahalikan na ito ni Stephen. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at nasabi ko ang mga salitang; "Sunog, may sunog," sigaw ko.
Kaagad naman naalarma ang dalawang naglalapungan.
"Where is the fire?" tanong ni Stephen.
"Nothing! Just kidding." natatawang biro ko.
Nakita ko naman ang pagtalim nang tingin ni kutong lupa sa'akin. Syempre hindi ako papatalo rito. Tinalikuran ko siya at iniwan ko sina Ryver. Nakakahiya naman sa lampungan nilang dalawa.
Nag lakad ako papalayo at pabulong bulong na; "Ano namang paki ko kung mag lampungan sila." usal ko.
---
Samantalang hindi naman mapakali si Alexa sa nangyari kanina. Isama mo pa ang sakit nang kaliwang paa niya at napapahiyaw pa siya. Napatingin siya sa doctor na kasama nito kanina. Gwapo rin ang isang 'to. Pero mapanakit nga lang, ang bigat nang kamay. Wala man lang kaingat ingat akala niya ba hindi masakit.
"How's her sprained, doc?" tanong ni Stephen.
"She's fine and need to rest," sagot nito.
"Thank you," sambit niya.
Napangiti ako sa pagiging caring ni Stephen, ibang-iba siya kay hukluban na pinaglihi sa sama nang loob nung bata." natatawang usal ko.
"Are you saying something, Alexa?" nagtatakang tanong nito.
"Nothing," sagot ko. Tipid akong mag sasagot sa'kaniya kasi baka dumugo ang ilong ko. Kawawa naman ako hindi pa nga galing ang kaliwang paa ko sa injury baka pati ilong ko ma injury dahil na nosebleed na.
"Okay, if you want something. Don't hesitate to tell me." pagreremind nito.
Ngumiti lang ako, dahil ayaw ko nang humaba pa ang usapan namin. Delikado!
Nagpaalam na rin si doc pogi ay este Ryver pala. Naiwan na lang kamk dito ni sir Stephe at matyaga akong binantayan. Nang maalala kung may trabaho pa pala ako. Hindi pwede at baka makaisip na naman si tanda para sesantehin ako. Sayang ang kita ko rito pang paaral ko rin 'yon. Nagmamadali akong bumangon, pero dahil naka bandage ang paa ko muli na naman akong nabuwal at nasalo nito. "Salamat!" wika ko.
"I tell you extra careful, especially your sprained." seryosong wika nito
"Okay! sorry," sagot ko sabay tahimik. Tama naman kasi siya, pero paano ang trabaho ko. Ayokong mawalan nang trabaho.
"Sir. I have work to do." nakayukong sambit ko.
"Don't worry about your work. I already told Alex about your condition and he'll understand." sagot nito.
"Ano! raw? tama ba narinig ko. Nabingo yata ako, as in si hukluban pumayag na hindi ako pumasok. Himala 'yon! magugunaw na ba ang mundo?" usal ko.
"So, all you have to do is to relax and rest. Do you understand?" mariing wika nito.
Ngiti na lang ang isinagot ko sa tanong niya.
"Good girl," sambit niya. Sabay haplos nang buhok ko.
Mukha ba akong aso? ano 'yon kapag may nagagawang maganda ang aso pinupuri nang amo at hini himas ang ulo.
"You may sleep now. I will take care of you." saad nito sabay ngiti.
"Okay, sir." matipid na reply ko. Inihilig ko ang ulo ko sa kaliwang bahagi at sinimulang ipikit ang aking mga mata, pero kahit anong gawin ko ay hindi ako dinadalaw man lang nang antok.
Napansin niya yata na panay ang kilos ko kaya naman tinawag nito ang pangalan ko.
"Alexa, Why?" tanong niya.
Napakilos naman ako paharap rito.
"Nothing. I can't sleep," wika ko.
"I see. What do you want to do?" tanong niya.
"I don't know, maybe you can help me to sit down?" sagot ko. Nakita kung tumayo kaagad ito at lumapit sa'akin para alalayan akong umupo.
"Salamat," sambit ko. Muli na naman kaming nagkatinginan at bakit ganito mukha ni sir Alex ang nakikita ko sa'kaniya. Hindi naman ako lasing ah! Erase!, erase. Pumikit ako at nagulat na lamang ako na may labing dumampi sa mga labi ko. At nakarinig na lamang ako nang tikhim sa bandang pintuan.
"Na istorbo ko yata kayo," wika nang baritonong boses nito.
Napadilat ako at napatingin sa may pintuan. Nakita ko ang matalim na tingin ni sir Alex sa'akin, at hindi ko kayang makipag titigan rito at makipag bangayan. Pakiramdam ko nawalan ako nang lakas nang sandaling 'yon. Kaya tumingin na lang ako sa malayo. Hindi ko rin expected na hahalikan ako ni sir Stephen.
"Balik na lang ako, bro!" dagdag pa nito. Sabay talikod na parang wala lang nakita.
Nang mawala si sir Alex, kinausap ko si sir Stephen.
"Why did you do that?" inis na tanong ko. Ano na lang iisipin na naman sa'akin ni sir Alex na lahat nang lalaki sa resort ay pini flirt ko na. Loko loko kasing kano 'to, wala naman akong sinabing halikan niya ako! Kainis.
"Sorry Alexa, I didn't do it again. Please! Don't be mad at me?" pagsusumamamo nito. Pero dala nang inis ko gusto ko muna mapag isa.
"Just leave me alone! Please." sagot ko.
Nakuha naman niya ang gusto ko kaya tumayo ito at naglakad palabas nang pintuan, narinig ko na lang na sinara nito ang pinto.
Nang masiguro kung naka alis na siya, hindi ko namalayan na bigla na lang tumulo ang luha ko. Bakit pakiramdam ko nagkasala ako, sa mga tinging ipinuko nito kanina. Daig ko pa asawang nagloko na nakita sa akto kung makatingin ito.
Teka nga! Bakit ko ba iisipin ang mararamdaman niya? Eh! wala ngang pakialam 'yon sa nararamdaman ko. Tama! Pinahid ko ang mga luha sa mata ko at huminga nang malalim. Kung ayaw niya sa'akin, then fine nandyan naman si sir Stephen sa'kaniya ko na lang itutuon ang oras at panahon ko. Teka! Nasaan nga ba 'yon! "Ta*g* nga lang, pinaalis mo kaya," hiyaw nang isipan ko.
Napasabunot na lang ako bigla. Lutang na naman ako. Nag-isip ako nang paraan kung paano ito mapapabalik kaagad. Dahil sa matigas ang ulo ko dahan dahan akong tumayo at nakiramdam kung babagsak pa akong muli, nang maramdaman kung okay naman na ang paa ko at kunti na lang ang sakit. Sinubukan kung ilakad ito para masanay hanggang sa hindi na ako natutumba. Lumabas ako nang kwarto na pa ika-ika, dahil nga makirot pa ito.
Hindi naman maiiwasan ang mga mapanuring mata na nakatingin sa'akin. Lalo na ang mga staff na kasamahan ko. Palinga linga ako kung makikita ko ba si sir Stephen, pero wala akong makita ni anino nito.
Napaupo na lang ako sa benches nang biglang lumapit sa'akin si Winona. Winona is one of the staff and my close friend too, aside from Alleli siya ang close ko rito.
"Alexa, g*** ka! Anong 'yong nababalitaan kung sumama ka na sa afam." prangkang tanong nito. Na ikinagulat ko naman.
"Huh? Saan mo naman nabalitaan 'yan?" nagtatakang tanong ko. Ibang klase rin ang mga tao dito walang magawa sa buhay, mga maritess na tunay.
"G*** 'di sa mga ka workmates natin. Kitang kita raw nila na ipinasok ka nang afam sa kwarto nito. Totoo ba 'yon, Alexa?" muling tanong nito.
"G*** ka syempre hindi. Alam mo naman kung sino ang type ko 'di ba?" sambit ko.
"Sandali nga, Winona kukuha lang ako nang tubig." pagpapaalam ko rito. Dahan dahan akong tumayo at naglakad nang paika-ika. Pagbalik ko iba na ang tingi sa'akin nito.
"Hoy! natulala ka dyan. Anong meron?" nagtatakang tanong ko.
"Hala! Alexa, confirm nga. OMG!" napatiling wika nito.
"Huh? Ang alin? Naka hithit ka ba nang katol, Winona?" pabirong tanong ko. Nakakagulat kasi ang tili niya.
"Praning! anong gagawin ko sa katol. Mag kwento ka naman. Dali ako masherep ba? Anong size kasi sabi nila kapag kano malaki ang kar---" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at baka may makarinig pa sa'amin. Sa lakas nang boses nito malabong may makarinig sa'amin. Sa inis ko bigla ko itong binatukan.
"Aray ha!" natauhang sambit nito.
"Ano gising ka na ba? Para sabihin ko sayo walang nangyari sa'amin. Hwag kayong judgemental huh!" inis na wika ko.
"Eh! Kung wala. Paano mo maipapaliwanag ang paglakalad mong paika-ika, aber?" tanong nito. "At isa pa 'di ba sign yan nang hindi na virgi---" dagdag pa nito, pero inawat ko na siya at baka saan saan pa mapunta.
"Okay! Ipapaliwanag ko sayo ha. At pakisabi sa mga maritess dyan, sinadya kung lakasan ang boses para marinig nila. Nakakainis kasi! "Ganito kasi yan natapilok kasi ako kaya binuhta ako ni sir Stephen at dinala sa room niya, dahil hindi ako makalakad at paika-ika ako." paliwanag ko.
"Ah! ganon ba! Sige, Alexa! Salamat hulog ka talaga nang langit." wika niya sabay beso sa'akin.
"Huh! baliw," saad ko.
"Saglit lang! Maniningil muna ako, natalo sila sabi na eh! Hindi mo kayang gawin 'yon." wika niya.
"Huh? Ang alin?" naguguluhang tanong ko.
"Ayon nga kay afam. Basta nanalo ako Alexa, dyan ka muna. Paaalam," wika nito sabay takbo.
"G*** ang sama nyo. Pag pustahan ba ang virginity ko." Kaloka!