Halos mamutla na si Alleli nang makita kung may daga na palapit rito. Hindi ko alam ang gagawin ko, natakot rin ako na baka pati ako matuklaw kaya naman dahan dahan akong lumapit kay Alleli at sinenyasan na hwag siyang gagalaw. Nang makarinig kami nang kalabog at ang ahas ay biglang nahilo. May bumato sa ahas at nang lingunin ko ito laking gulat ko na si Alexa. Kaya naman nagtatakbo si Alleli palapit rito.
"Sssh! Okay na Alleli," pag aalo ni Alexa.
"Alexa," salamat! salamat! Akala ko matutuklaw na ako nang ahas." hagulgol na iyak nito.
Dahil rin sa sigaw ni Alleli dumating ang staff at kinuha ang nahilong ahas at isinako. Ako naman ay napalabas nang resort at hinayaan silang mag moment.
Bilib rin ako sa tapang nang batang 'yon. Ako na lalaki ay walang nagawa man lang para sa pamangkin ko. Paano na kung hindi ito dumating natuklaw na silang pareho.
Sakto namang labas ni Stephen at nakasalubong ko ito, pero mukhang hindi naman niya ako nakita at malalim ang iniisip at dire diretso lang ito. Ako naman ay bumalik na nang resort, dahil naalala ko na may schedule meeting pa pala ako sa couple. Kaagad kung hinanap si Troy ang secretary ko, nang makita ko siya kaagad ko itong nilapitan.
"Troy, paki check naman ang scheduled ko today," utos ko rito.
"Okay sir, wait lang po." sagot nito.
Naupo na ako at nag check nang mga files na kailangang ireview. Nang nagsalita ang secretary ko.
"Around 2:30 sir with Mr. Policarpio and Ms. Devera." sagot nito. Napatingin ako sa wristwatch ko past 1 p.m pa lang naman kaya may time pa ako mag check at mag review nang mga files at mag sign nang mga documents, pati na rin ang mga cheque na pasahod sa mga staff nang resort.
"I see. Thank you." wika ko. Sabay ngito rito.
"May ipag uutos pa ba kayo sir?" muling tanong nito.
"Hmmm! Wala na." sagot ko. Kindly close the door. Thank you." bilin ko. Wala na kasi akong time makipag usap muna sa mga tao. Madami pa akong kailangang tapusin.
Nag lakad na ito palabas nang pintuan at sinara nang dahan dahan. Naiwan naman akong mag-isa at balik sa pagre review nang mga files. At ginugol ko ang nalalabing ilang oras ko dito. Dahil sa pagod at gutom hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
--
"Love wait, don't to run fast." wika niya habang hinabol ang fiance'
Nakangiti lamang ito at siya.
"Love, is there any problem." nagtatakang tanong 'nya dito.
"Love palayain muna ako. Nahihirapan na ako please." malungkot na sabi nito.
"Love naman bakit?" anya na sabay pagpatak ng luha.
"I want to go somewhere at peace love so please let me go." nahihirapang sabi nito, sabay talikod at naglakad papalayo.
"Loveeeeeeeeeeeee." sigaw ni Alex
narinig naman ito ng secretary niya na nagmamadalingpumasok sa loob ng opisina, dahil baka kong napaano na ito. Tinapik tapik niya ito hanggang sa nagmulat ng mata. Nanaginip na naman pala siya, Pero bakit paulit ulit lang ang panaginip niya.
Napatingin ako sa wall clock pass 2 p.m na, malapit na rin pa lang dumating ang mag- couple.
"Troy," tawag ko rito. Kaagad naman siyang lumapit at ngumiti.
"Yes!" mabilis na tanong niya.
"Paki check kung nandyan na sila." wika ko. Tango at ngiti na lamang ang isinagot nito sa'akin.
--
Samantalang naglalakad naman si Alexa nang biglang may humila sa kamay niya.
"A-ano ka ba Winona, nang gugulat ka naman. Ano na naman bang kailangan mo?" tanong ko rito.
"Wala naman Alexa. May gagawin ka ba mamaya?" tanong niya.
"Ako?" tanong ko.
"G*** malamang ikaw, may iba pa ba akong kausap? May nakikita ka ba?" biro nito.
"Ay! Wala naman. Bakit ba kasi?" muling tanong ko.
"Kasi ganito 'yon. May events sa Sabado baka gusto mong rumaket muna?" tanong niya.
"Hmmm! Magkano ba?" tanong ko.
"5,000 girl. Go ka ba? Sayang 'to." sambit niya.
Bigla naman akong napa isip. Totoo naman talaga na sayang 'yon.
"Teka! Ano bang raket 'yon?" curios na tanong ko.
"Kakanta ka lang girl sa kasal. Ayon lang." wika nito.
"Kanta lang pala. Go! count me in." saad ko.
"Oh! sure ka na ha! Wala nang bawian." paninigurado nito.
"Oo nga, kulit mo rin. Hwag na lang kaya," biro ko. Titingnan ko lang ang magiging reaction niya.
"Sira ka, wala nang bawian." naka simangot na sambit nito sabay hampas sa'akin.
"Hoy! Masakit 'yon ah!" saad ko. "Bakit ka ba nang hahampas?" inis na tanong ko.
"Wala, kulit mo kasi. Oh! siya sa Sabado ha. 7 p.m kita kits na lang." wika niya bago naglakad papalayo.
Naiwan naman akong nag-iisip. Bahala na nga si batman!
Naglakad na ako patungong staff house. Mag papalit na ako nang uniform at babalik na sa work baka ma bulyawan na naman ako ni tandang hukluban. Kanina lang ako mapapagalitan na naman niya ako. Napa isip lang ako takot ba siya sa ahas? Bakit hindi niya man lang matulungan si Alleli kanina.
Nakarating ako nang staff house at pumasok sa loob. Nakita ko naman kaagad ang hinahanap ko at nag-ayos na ako.
Lingid sa kaalaman ni Alexa na sira pala ang lock nang pintuan nang staff house. Kaya nang bubuksan niya na ito palabas, hindi man lang niya mabuksan buksan. "Help me! Helpppp!" sigaw ko. Nagbabakasakali akong may taong dumaan, pero wala pa rin. Malapit na akong mapaos at nagkakanda sugat na ang mga kamay ko kaka kalampag nang pintuan na bakal. "Help! Helppppp!" malakas na sigaw ko kasabay nang pag hahampas ko nang pintuan. Pero wala pa ring nakakarinig sa'akin. Naiiyak na ako sa takot at the same time na su-suffocate na ako sa loob. Hindi pa naman siya pwede makulong sa mga ganito, dahil may Claustrophobia siya. Maya maya lang hindi na siya makahinga. Hanggang sa unti unti nang nanlalabo ang mga paningin niya at bago pa siya mahimatay naka kita siya nang liwanag at isang bulto nang taong pumasok ang huling nakita niya bago sa panawan nang ulirat.
--
Katatapos ko lang makipag usap sa clients nang mapadaan ako sa staff house at nakarinig nang sigaw. Sa una hindi ko lang ito pinapansin, dahil akala ko hindi roon nang gagaling ang ingay. Pero nang nakiramdam ako at kinakalampag na nang tao ang pinto, doon na ako naalarma at pinakuha ang susi. Sa akala ko na ibang staff ang na lock sa loob laking gulat ko nang tumambad sa'akin si Alexa na walang malay kaagad ko siyang dinaluhan at binuhat patungong clinic. Hindi ko alam bakit siya hinimatay may sakit ba siya? halo halo ang nasa isipan ko. Kanina pa siya walang malay nang dalhin ko rito.
"Nurse Jenny, kamusta na siya?" tanong ko. Hindi kasi ako mapakali kanina pa.
"Okay na siya sir, mamaya lang magigising na rin siya." sagot nito.
"I see. Thank you. Nga pala bakit ba siya hinimatay?" tanong ko. Medyo nagtataka lang ako kasi wala naman siyang lagnat o kung ano pa man.
"May claustrophobic ang pasyente. Madali silang matakot kapag nakukulong sila sa isang lugar. Bawal sila sa mga elevator, comfort room etch. Dahil nahihirapan silang makahinga. Inaantake rin sila nang anxiety nila kapag nahaharap sila sa ganoong sitwasyon." paliwanag ni Nurse Jenny.
"Thank you, Nurse. Ako na magbabantay sa'kaniya," wika ko. Lumabas na ito nang kwarto at naupo ako sa tabing higaan nito.
Kawawa naman pala si Alexa. Buti na lang pala talaga napadaan ako. Kung hindi paano na siya.
Dahil medyo pagabi na rin at hinihila na ako nang antok naka idlip pala ako.
---
Kinabukasan nagising na lang ako na sa ibang kwarto na ako. Hindi ko na matandaan ang halos nangyari, dahil ang huli ko na lang natatandaan ay ang bulto nang isang lalaki na pumasok sa loob nang staff house.
Nagpalinga linga ako at nang makita na walang tao. Napa isip ako kung sino nga ba ang tumulong sa'akin. Nasagot ang mga tanong ko nang pumasok si sir Stephen.
"Alexa. How are you?" tanong nito.
"I'm feeling better now." walang gana kung sagot.
Medyo na sad kasi ako, buong akala ko si sir Alex ang tumulong sa'akin. Pero hindi pala, haixt umasa lang ako sa wala. Sabagay wala naman pakialam sa'akin 'yon, kailan ba nagkaroon nang pakialam sa'akin ang taong 'yon.
"That's good. Don't force yourself to do something that you can't do. I told you just rest, right?" saad nito.
"Sorry!" matipid na reply ko. Wala kasi akong masabi, dahil tama naman siya eh! May katigasan talaga ang ulo ko at hindi nakikinig kung minsan. Nagulat na lang ako nang biglang yakapin ako ni sir Stephen at niyakap ko na rin siya pabalik. Pasasalamat sa tulong niya sa'akin.
Dahil sa may tumawag kay Alex na client lumabas muna siya saglit. Pag balik niya kitang kita niya na magkayapak na naman ang dalawa. Parang may tumarak na pana sa puso niya at para siyang hindi makakahinga sa sama nang loob.
"Ganon ganon na lang 'yon. Nalingat lang ako saglit may ibang kayakap na naman ito." usal ko.
Patalikod na sana ako, dahil ayaw kung makasira nang moment nila nang biglang nasagi nang paa ko ang trashbin at natumba ito.
Nagkalas naman nang yakap ang dalawa nang marinig ang ingay.
"Bro," wika ni Stephen.
"Yes! Bro," sagot ko.
"Sir Alex?" gulat na wika nito. Akala nita yata multo ako.
"Oo ako. Sige na naistorbo ko yata ang moment niyo," mariing wika ko. Sinadya kung diinan ang word na moment. Totoo naman kasi ang sweet kaya nila, kulang na lang langgamin sila.
"I have to go," pagpapaalam ko sa'kanila. Sabay talikod at dire diresto nang naglakad. Hindi alintana ang mga taong nag daan sa harapan at sa gilid ko. Para akong na blangko nang sandaling 'yon. Bakit ganon, bakit ako nasaktan. It just a plain hug. Ano naman kung mag yakapan sila, wala na akong paki roon. Dapat hindi ako affected at mas lalong hindi dapat ako masaktan.
Nang makarating ako nang resort nag kulong ako s kwarto at nag muni muni. Kinuha ko ang gitara ko at nag tipa nang string. Hanggang sa mawala ang inis ko, dahil kanina pa ako badtrip na badtrip nang makita nang dalawang mata ko ang eksena nila kanina. Habang nag titipa ako nang strings medyo narerelax na rin ang pakiramdam ko. Aside from surfing kasi music ang ang nagpapagaan nang loob ko, lalo na nang namatay si Sandra. Ngayon na lamang ulit ako naka hawak nang gitara, dahil ayaw kung maalala ang mga sandali namin mas lalo lang kasi akong mahihirapan maka move on at mag look forward sa lahat nang bagay. Ilang taon na rin naman namatay ito, pero hindi ko pa rin magawang buksan ang puso ko. Akala ko nga noon manhid na ako, pero akalain mo 'yon nakaramdam ako nang ganito. Lalo na kay Alexa, ang batang kinakainisan ko. Bukod kasi sa malapit ito sa mga lalaki, nakakainis pa ang tinis nang boses niya at ang ingay nang bibig nito.