RAYDIN
Pinagpahinga ko si Zoey dahil may lagnat ito. Nakaramdam ako ng konsensiya nang kinain niya ang panis na kanin at ang ginawa niyang sabaw sa akin noong nakaraan. Mabuti at nawala na ang pagtatae niya. Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko nang sinabi niya na kaya niya akong mahalin kahit ganito ang mukha ko. Subalit hindi ako nagpapadala sa matatamis niyang salita dahil kahit anong ipapakita niyang kabutihan alam kong nagpapanggap lang siya para makuha ang loob namin. Hindi niya ako madadala sa kasinungalinngan niya at pagda-drama.
Kanina habang nakayakap ako sa kaniya ay bigla niyang sinambit ang tawagan nilang babe ng kakambal ko.
Alam kong mahal siya ni Raynier at handa na siyang pakasalan nito. Lagi siyang ipinagmamalaki ng kapatid ko sa akin.
''Alam mo, Bro? Kung may pakakasalan man ako walang iba kundi si Zoey,'' wika niya sa akin noong panahon na nabubuhay pa siya. Nasa Holand kami noon sa mansion namin.
''Sa dami ng mga mayayaman na naging girlfriend mo doon ka pa talaga sa secretary mo,'' wika ko sa kaniya.
''Dahil iba si Zoey, Bro. Kung sakaling mamatay man ako, gusto kong iiwan sa 'yo si Zoey. Gusto kong iiwan siya sa’ yo kung sakaling mawala man ako sa mundong ito," paulit-ulit at seryoso niyang wika sa akin.
''Baliw ka talaga, Bro. Kung ano na naman 'yang pinagsasabi mo. Baka mauna pa nga ako sa'yo dahil sa pagri-racing ko,'' biro kong wika sa kaniya.
''Hahahaha... Masamang damo ka, kaya kahit si satanas hindi ka tatanggapin sa impyerno!'' sabi naman niya sa akin.
''Sira! Ano ba ang nagustuhan mo sa secretary mo? Ang dami mong babae pero parang baliw na baliw ka roon?'' nagtataka kong tanong sa kaniya.
''Kapag tinamaan ka ni Kupido hindi mo na matatanggihan ang puso mo, Bro. Hindi naman iba sa yo ang pakiramdam na iyan dahil naranasan mo naman magmahal. 'Yon nga lang niloko ka lang at ginamit ang pera mo para sa pansarili niyang kapakanan,'' wika ni Raynier sa akin.
''I'm sure gano'n rin ang gilfriend mo. Tiyak na pera lang din ang habol niya sa 'yo, kaya huwag kang pakampante, Bro,'' payo ko sa kaniya.
''Tsss... Basta kapag sakaling mawala ako sa mundong ito. Gusto ko si Zoey ang pakasalan mo,'' seryoso niyang sabi sa akin.
''Huwag mo nga ibigay sa akin ang pinagsawaan mo. Marami akong babae at wala akong balak mag-asawa," sagot ko sa kaniya.
''Rayden, gusto mo ba ng tea?'' tanong ng mahimig na boses sa tabi ko.
Naputol ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan nang tanungin ako ni Zoey. Nasa sala ako at kaharap ang laptop ko. Naiisip ko ang nakaraan nang nabubuhay pa ang kakambal ko.
''Bakit bumangon ka? 'Di ba, sinabi ko sa 'yo na magpahinga ka muna?'' sermon ko sa kaniya.
''Sumasakit ang katawan ko sa kakahiga. Okay naman na ang pakiraramdam ko,'' sagot niya sa akin.
''Kakainom ko lang ng tea. Ikaw, ano ang gusto mong meryendahin?'' tanong ko sa kaniya.
Umupo siya sa tabi ko at sumandal sa sofa. ''Mamaya na, medyo busog pa ako sa kinain kong lugaw kaninang tanghali.''
''Mabuti pa mag-order na lang tayo sa online ng paggkain,'' sabi ko at nag-research ng restaurant na nagdi-deliver ng pagkain.
''Ano ang gusto mong order-in, Zoey?'' tanong ko sa kaniya.
''Kahit ano. Siya nga pala babanlawan ko 'yong labahan mo. Hindi ko iyon nalagyan nang fabric conditioner dahil sa sobrang gutom ko kagabi,'' aniya at tatay na sana ngunit pinigilan ko siya.
''Hindi na kailangan dahil pinaulit ko na iyon sa baba. May laundry doon kaya, dinala ko na roon. Kumusta ang kamay mo?'' tanong ko at hinawakan ang kamay niya na may sugat.
Namumula pa rin ang sugat niya sa kamay dahil sa kakakusot sa mga damit ko.
''Medyo mahapdi pa. Pero gagaling din ito. Naglalaba naman ako dati, kaya sanay na ako na ganito ang kamay ko. Ako ang naglalaba ng mga damit namin ni Tita Esmeralda,'' sabi niya sa akin.
''Dalawa lang ba kayo ni Tita na namumuhay sa San Luis?'' tanong ko sa kaniya.
''Oo, ang sabi ni Tita sa akin namatay ang Mama ko noong bata pa ako. At papa ko naman ay namatay dahil sa sakit. Malaki raw ang utang namin sa pamilya ninyo dahil sa pagpapagamot sa Papa ko. Kaya, hindi ko mahindian si Tita noong sabihin niya na pakasalan kita para makabayad kami sa utang namin sa inyo. Si Tita na kasi ang nag-alaga sa akin at hindi na rin siya nkapag-asawa dahil sa pag-aalaga sa akin,'' wika niya sa akin.
''Bakit hindi ka sigurado sa sinasabi mo, Zoey? May amnesia ka ba sa utak?'' naiirita kong sabi sa kaniya dahil mukhang wala siyang alam sa mga nangyayari sa paligid niya.
Tumingin siya sa akin na may halong lungkot sa kaniyang mga mata.
''Magtitmpla lang ako ng gatas,'' pag-I was niya sa akin.
Hinayaan ko na lamang siya at nagtungo na siya sa kusina upang magtimpla ng gusto niyang inumin. Naka-order na ako ng fried chicken at fruit salad sa online.
Itinakip ko muna ang laptop ko para makapagpahinga ang mga mata ko sa katitig sa laptop. Tambak na ang trabaho ko sa Holand. Ipinapadala ko na lang sa pamamagitan ng email sa personal assistant kong si Rod.
Si Rod ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa mga personal kong buhay.
Maya-maya ay tumawag sa akin si Honey, kaya sinagot ko ito.
''Kumusta na, Honey?'' tanonong ko sa kapatid ko.
''Kuya, kailangan ko raw pakasalan si Reynold Johnson, sabi nila Mommy at Daddy,'' garalgal na boses ni Honey sa akin sa kabilang linya.
''Huwag mong pakasalan kung hindi mo naman mahal,'' sagit ko sa kaniya.
"Ngunit nagkasundo na sila nila Tita Matilda at Tito Rafael, na kailangan na namin magpakasal ni Reynold. Alam mo naman na malaki ang shares ng mga Johnson sa Construction Company. Isa pa hindi makukuha ni Reynold ang mana niya sa kaniyang Lola hangga't wala siyang pinapakasalan,'' wika ni Honey sa akin sa kabilang linya.
''Honey, alam mo na ang tama at hindi. Kung ano ang magiging desisyon mo ay susuportahan kita,'' sabi ko sa kapatid ko na bunso.
''Kuya, magpapakasal ako kay Reynold, pero may kasunduan kami na kapag kasal na kami at nakapangalan na sa kaniya ang kompanya ay magdi-divorce kaming dalawa. Isa pa hindi namin mahal ang isa't isa at parang kapatid lang ang turing namin sa isa't isa,'' aniya sa kabilang linya.
''Honey, its up to you. Ngunit huwag mong hayaan na paikutin ng mga magulang natin ang buhay mo. Katulad nangyari sa akin. Ipinakasal ako sa taong hindi ko naman gusto dahil nakabitaw ako ng pangako sa kapatid natin,'' wika ko kay Honey. Alam niya ang dahilan kung bakit nagpakasal ako kay Zoey.
''Pasensya na Kuya kung hindi ako nakadalo sa kasal ninyo ni Ate Zoey. Na miss ko na rin siya. Simula nang namatay si Kuya Raynier ay hindi na kami nagkita ni Ate Zoey. Ikamusta mo na lang ako sa kaniya Kuya,'' wika ni Honey sa akin.
''Okay, sige at marami pa akong gagawin. Pupunta naman kami riyan kapag okay na ang inaasikaso kong real estate dito."
Ibinaba ko na ang cellphone ko at sakto naman paglingon ko ay naroon si Zoey sa bukana ng kusina. May dala na itong dalawang tasa at inilapag sa lamesa.
''Gumawa ako ng tea para sa ‘yo. Tikman mo kung magustuhan mo ang gawa ko,'' alok niya sa akin.
''Thank you,'' sabay kuha ko ng cup of tea at ininom. ''Hmm... ang sarap ng tea mo. Anong hinalo mo rito?'' tanong ko sa kaniya.
''Honey lang at lemon. Madalas ko itong ginagawa sa bahay namin ni Tita,'' sabi niya sa akin.
Sabi ni Raynier noon ay mahilig sa tea at lemon na may honey si Zoey. Kaya, madalas din iyon ginagawa ng kapatid ko.
''Kay Tita mo lang ba ito ginagawa Zoey?'' tanong ko sa kaniya.
''Oo, kung nagtitimpla man ako nito sa iba marahil ay noong nabubuhay pa si Papa,'' sagot niya sa akin.
Gusto kong mainis sa kaniya dahil bakit kinalimutan niya na ang kapatid ko? Kung bakit parang baliwala sa kaniya nang banggitin ko ang pangalan ni Raynier kahapon at sa pagdala ko sa kaniya sa puntod nito. Sadya bang baliwala na sa kaniya ang kapatid ko?
''Sadya ba talagang manhid ka, Zoey? At parang baliwala lang sa 'yo ang isang taong patay na?'' galit kong tanong sa kaniya.
''Ano na naman ba ang pinagsasabi mo, Raydin? Bakit ba kung titingnan mo ako ay parang mamatay tao ako?'' kunot-noo niya namang tanong sa akin.
''Sige lang, Zoey. Magpakamanhid ka pa at magpangggap sa harap ko na parang walang alam,'' galit kong sabi sa kaniya.
Napanganga siya at parang naguguluhan sa sinabi ko. "Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin Raydin? Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo sa akin para maintindiihan ko ang pinuputok ng botse mo!'' galit niya ng sabi sa akin.
''Bakit baliwala lang sa 'yo ang pagkawala ni Raynier? Manhid ka ba talaga o nagmamanhid-mnhiran lang?'' pang-uuyam kong tanong.
Lalong kumunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ni Raynier.
''Raynier? Ano naman ang pakialam ko kay Raynier? 'Di ba, Lolo mo siya? Ano ba ang naging bahagi ko sa buhay ng Lolo mo at kung tingnan mo ako ng ganiyan ay parang ako ang pumatay sa kaniya?'' sarkastika niya namang tanong sa akin.
Nagtataka ako sa sinasabi niya. Ito ba talaga ang girlfriend ng kapatid ko? Baka nagkamali lang sina Mommy at hindi pala ito ang Zoey na girlfriend ni Raynier. Kahit lagi niyang ekwene-kwento sa akin ang tungkol sa girlfriend niyang si Zoey ay hindi ko pa ito nakita kahit minsan dahil hindi naman ako pumupunta rito sa San-Agustin. Sa Holand lang ako at nagkikita lang kami ng kakambal ko kapag umuuwi siya sa mansyon.
''Hindi ko Lolo si Raynier, kun'di kapatid ko siya,'' sabi ko kay Zoey.
''I-ibig mong sabihin kapatid mo ang pinuntahan natin na puntod?''
Halatang parang hindi niya nga kilala si Raynier. Malakas ang kutob ko na hindi ang Zoey na ito ang girlfriend ng kapatid ko dahil parang wala naman siyang alam sa mundo.
''Never mind, Zoey. Ang order na siguro natin iyan,'' wika ko sa kaniya nang may nag-doorbell sa pintuan.
Tumayo ako at nagtungo roon at binuksan ang pinto.
''Tom and Jerry delivery po, Sir. Ito na po ang order ninyo,'' wika ng lalaki na nag-deliver ng in-order ko online.
'Thank you, keep the change,'' sabay abot ko sa kaniya ng bayad at kinuha ang pagkain na order ko.
''Thank you, Sir.''
Tumalikod na ito at isinara ko na ang pinto. Inilpag ko sa lamesa ang plastic bag at binuksan.
''Kumain ka na, Zoey. Lugaw lang ang kinain mo kaninang umaga. Meryenda at tanghalian na natin ito,'' wika ko sa kaniya at binuksan ang bucket ng fried chicken.
Ngunit sa halip na kumuha siya ng fried chicken ay nakatitig siya sa akin sa malungkot niyang mga mata.
''Sino si Raynier, Rayden?'' seryosong tanong ni Zoey sa akin na parang naguguluhan
''Kumain ka na at baka lumamig pa iyan. Kalimutan mo na ang sinabi ko. Pagkatapos mong kumain ay uminom ka ulit ng gamot para mawala na ang lagnat mo,'' sabi ko sa kaniya at hindi pinansin ang tanong niya.
Mabuti naman at kumain na siya at hindi na nagtanong pa. Gusto kong makasigurado kung talagang itong Zoey na ito ang girlfriend ng kapatid ko. Kaya, nang matapos kaming kumain ni Zoey ay lumabas muna ako sa unit at nagtambay sa labas. Tinawagan ko si Mommy at tatlong ring lang ay sinagot niya ito.
''Napatawag ka, Iho?'' tanong ni Mommy sa kabilang linya.
''Mom, sigurado ba kayo na ang Zoey na pinakasalan ko ay ang girlfriend ng kakambal ko?'' agad na tanong ko kay Mommy.
''Syempre, Anak. Dahil pinakilala na ng kambal mo si Zoey at lagi kaming nagkikita sa opisina sa Zeun Real Estate. Bakit mo naman naitanong?''
''Dinala ko siya kahapon sa puntod ni Raynier at baliwala lang sa kaniya na wala na ang kapatid ko,'' wika ko Mommy.
''Anak, bakit mo naman dinala si Zoey sa puntod ng kapatid mo? Hindi mo dapat ginawa iyon,''' pag-alalang tanong ni Mommy sa akin. Pag-alala para Kay Zoey.
''At ano ang gusto niyong gawin, Mom? Namatay ang kakambal ko dahil sa kaniya. Tapos ang galing niyang umarte na parang hindi niya kilala si Raynier!'' naiinis kong wika kay Mommy.
''Anak, hindi mo naintindihan. Ngunit hindi muna natin puwede ipaalam kay Zoey ang nangyari sa kapatid mo." Nagtataka naman ako sa sinabing iyon ni Mommy.
''Mom, 2 years na ang nakaraan na nasa lupa ang kakambal ko tapos ayaw niyo ipaalam sa babaeng iyon na dalawang taon ng inuood ang kapatid ko?''
''Raydin, dalawang taon din na hindi maalala ni Zoey ang nangyari. Kahit pangalan niya, edad niya, pamilya niya ay hindi niya maalala.''
Nagulat ako sa pahayag no Mommy sa akin.
''Anong ibig mong sabihin, Mom?''
''Noong hinarang ng kapatid mo ang sasakyan niya sa sinasakyan ni Zoey ay pareho silang malubha ang lagay pareho silang isinugod sa ospital. Noong nag-aagaw buhay ang kakambal mo ay ibinilin niya sa amin ng Daddy mo na huwag namin pabayaan si Zoey. Ibinilin niya na pilitin namin si Zoey na magpakasal sa‘yo. Hindi totoong may utang ang ama ni Zoey sa amin. Ang totoo ay matagal nang wala ang ama ni Zoey at hindi namin alam kung saan ang kaniyang ina,'' paliwanag ni Mommy sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko mula sa aking ina.
''Kami ang nagpagamot kay, Zoey, Anak. Hanggang sa paggising niya ay wala siyang maalala kahit isa. Nagising siyang blanko ang pag-iisip niya. Pinaalagaan namin siya sa tiyahin ng yaya ninyo ni Raynier na si Tita mo Esmiralda. Kung anong kasinungalingan ang sinabi namin sa kaniya dahil hindi namin alam ni Daddy mo ang dapat gawin. Nag-imbinto kami tungkol sa mga magulang niya. Kaya, sana anak huwag mo naman pahirapan ang babaeng mahal ng kakambal mo dahil sa'yo niya inihabilin si Zoey,'' pakiusap ni Mommy sa akin.
Batid ko ang kalungkutan sa damdamin ni Mommy at hindi ko alam na may amnesia pala talaga ang asawa ko. Hindi nga siya nagpapanggap, kaya pala na parang baliwala lang sa kaniya ang kakambal kong si Raynier dahil nabura na pala ang lahat ng ala-ala niya sa kakambal ko.